Mr. Tanner’s POV“Mr. Welsh, matagal na tayong magbusiness partner, ngunit bakit ngayon mo pa ako iiwan kung kailan kailangan kita? Baka pwedeng pag-usapan natin ito, alam mo naman na fifty percent ng shares sa kumpanya ay pag-aari mo, at halos na sayo ang pondo ng malaking project ng kumpanya ko kapag nag pull-out ka ay tuluyan ng babagsak ang mga negosyo ko! Wala akong maalala na naging kasalanan ko sa’yo para talikuran mo ako sa ganitong sitwasyon.” Galit kong tanong sa kan’ya, gusto ko ng sumabog sa matinding galit ngunit sinisikap ko pa rin na magpakahinahon.“P-Pasensya ka na Mr. Tanner ngunit humaharap sa matinding crisis ang kumpanya ko, at iyon lang ang naiisip kong paraan para maisalba ito. Hindi ko na kakayanin pang pondohan ang mga project ng kumpanya mo, subukan mo na lang muna na maghanap ng bagong investor.May alam ako na pwedeng makatulong sa iyo at sigurado ako na hindi ka mabibigo kapag lumapit ka sa kan’ya.Pasensya ka na Pare, iyon na lamang ang kaya kong gaw
Chloe’s POV“Chin up Chloe! And try to smile. Okay, there you go.” Pagkatapos ng ilang shot ay tiningnan ng photographer ang mga kuha ko saka ito lumapit sa akin.“May problema ka ba? Halos nakailang take tayo puro walang buhay ang mga kuha mo.” Nag-aalala na tanong niya sa akin.“P-pasensya na masama kasi ang pakiramdam ko.” sagot ko sa kanya.“Mabuti pa ay ituloy na lang natin ito bukas at magpahinga ka na lang muna,” sabi nito sa akin bago siya tumalikod at humakbang palayo.Photoshoot kasi namin ngayon at dahil sa problemang kinakaharap ay tila wala ako sa aking sarili. Dahil nakatuon ang isip ko sa mga negosyo ng aming pamilya na nanganganib ng mawala sa amin at ang nalalapit na kasal ko kay Mr. Hilton.Natigilan ako ng biglang nagkagulo ang mga kasamahan kong modelo at halos hindi magkandaugaga sa paglalagay ng kanilang mga make-up ang mga ito, sinisigurado na presentable ang kanilang mga ayos. Lumapit ako sa baguhang modelo na si Myrna upang magtanong.“Anong meron at nata
Chloe’s POV “And now, you may kiss the bride,” the Judge said after a long ceremony he declared that we are officially married and now I’m Mrs. Hilton, the Governor’s wife.We have a civil wedding at tanging ang aking ama at ilang witness ang nakasaksi ng aming kasal.Hindi pumayag si Mr. Hilton na maging engrande ang kasal dahil gusto niya na maging pribado ang lahat ng tungkol sa kan’yang buhay may asawa at pabor naman ito sa akin.Kilala kasi sa buong bansa si Mr. Hilton at sigurado na kami ang magiging laman ng mga headline kung sakali at iyon ang pinaka-iiwasan ko rin.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin alam ni Emerzon na ikinasal na ako at nang huli kaming nagkita ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.Nang mga sandaling iyon ay para akong mamamatay sa matinding sakit ngunit alang-alang sa aking ama ay pinilit kong maging matapang.Halos hindi matanggap ng binata ng makipag-break ako sa kanya, lumuhod pa ito sa aking harapan at nagmakaawa na huwag ko siyang iwan ngunit tinalikur
Cedric’s POV Dapat ay matuwa ako dahil ikinasal na sa akin ang babaeng kinababaliwan ko ng ilang buwan ngunit bakit nakakaramdam ako ng pagsisi?Sa tuwing nasa harapan ko si Chloe ay wala akong makapa na kahit na anong damdamin para sa kanya ngunit kapag tumitig ako sa magandang mukha nito ay dagling nawawala ang mga alalahanin ko.Pakiramdam ko ay naging obsessed lang ako sa mukha ng dalaga ngunit ang presensya nito ay walang epekto sa akin.Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana sa babaeng iyon.Oo, maganda si Chloe at ang gandang iyon ang pumukaw sa atensyon ko ngunit malayo na ito ngayon sa unang Chloe na nasilayan ko.Pumikit ako at muling sinariwa ang alaala ng una kaming nagkita, kailanman ay hindi ko makakalimutan ang inosenti nitong mukha na may matigas na expression.Lalo na ang mga labi nitong natural na mapula, at sa tingin ko ni minsan ay hindi man lang yata nabahiran ng lipstick ang mga labi nito. At ang brown niyang mga mata na kapag tumitig ay paran
Chloe’s POVHalos mag-isang buwan na rin simula ng ikasal kami ni Cedric ngunit kahit minsan ay hindi man lang ako kinakausap nito.Maging sa pagtulog ay magkatabi nga kami ngunit wala namang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko ay para itong nandidiri sa akin na hindi ko maunawaan, uuwi ito ng bahay galing trabaho kung kailan tulog na ako at sa umaga naman ay hindi ito sumasabay sa akin sa almusal dahil sa opisina na ito kumakain.Hindi ko alam kung bakit pwersahan akong pinakasalan pero kung itrato naman ako nito ay para akong isang bagay na pang display lang sa bahay. Tulad ngayon alas-onse na ng gabi ngunit hindi pa rin ito dumarating hanggang sa nakatulog na lang ako sa paghihintay. Malalim na ang tulog ko ng bigla akong napabalikwas ng bangon at mabilis na tumakbo papunta ng banyo. Kulang na lang ay ingudngod ko ang aking mukha sa inidoro dahil sa labis na pagsusuka.Nagtataka ako kung bakit biglang sumamâ ang pakiramdam ko.Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hil
One Year later...“Ano ba, ang ingay ng batang ‘yan!” Galit na sigaw ni Agatha bago malakas itong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Chloe.Pagbukas ni Chloe ng pintuan ay malakas na itinulak ni Agatha ang dahon ng pintuan kaya kamuntik ng matumba si Chloe habang karga ang tatlong buwan niyang sanggol.“Labas! Doon kayo sa labas dahil ayoko ng maingay!” Bulyaw nito sa mag-ina habang nakaturo ang hintuturo nito sa direksyon ng hagdan, nanlilisik ang mga mata nito sa galit.Mas lalong lumakas ang iyak ng sanggol dahil sa lakas ng boses ni Agatha.“Pwede ba, hindi mo kailangan na sumigaw.” Malumanay na sabi ni Chloe habang pilit na pinapatigil sa pag-iyak ang kanyang anak.“Aba’t sumasagot ka na ngayon sa akin?” Ang galit nitong sabi bago sinabunutan ang buhok ni Chloe, nataranta naman ang mga katulong at hindi malaman kung paano aawat.Labis silang nag-aalala para sa sanggol at the same time ay naaawa sila para kay Chloe ngunit wala silang lakas ng loob na awatin si Agatha dahil sa ta
Chloe’s POV Lumabas ako ng kwarto upang labhan ang mga lampin na ginamit ng aking anak. Personal kong ginagawa ito dahil sinabihan ni Agatha ang mga katulong na huwag akong tutulungan.Kasalukuyan na akong bumababa ng hagdan ng lumabas si Agatha mula sa kwarto ng aking asawa. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paghakbang pababa ng hagdan.Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang bigla na lang may tumulak sa akin, dahil sa labis na pagkagulat ay hindi ako kaagad nakahawak sa rails ng hagdan kaya dire-diretso akong gumulong pababa ng hagdan. “Ahhhh!” “MADAM CHLOE!” Kasabay ng sigaw ko ay narinig ko ang sigaw ng katulong na si Jess. “Augghhh...” umuungol ako dahil sa matinding sakit na naramdaman ko mula sa aking likuran at balakang.Naramdaman ko ang mga kamay ni Jess na humawak sa aking balikat at nag-aalala na sinipat ang aking katawan.“Paharang-harang ka sa dinadaanan ko, sa susunod kapag nakita mo ako tumabi ka agad! kung ayaw mong tamaan ka sa akin!” Mataray na
Lexie’s POVNagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana na siyang tumatama sa aking mukha.Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang kanang kamay ko upang maharangan ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. It’s almost a year since my Momma’s died, you could say I stopped living because of sadness. I miss her so much, I live like a beggar, no permanent address, no proper clothes and I eat food once a day.I’m always hiding from everyone and pretending like a boy, nobody knows who I am and I will never talk to anyone because I’m afraid my former colleague finds out where I am.Honestly, I feel tired of this miserable life of mine, it seems like I’m wasting my life.But what should I do then? I can’t kill myself because I know, it sins from God.“Happy birthday, Lexie.” Anya sa aking sarili, it’s my 20th birthday.Imbes na magsaya ay kalungkutan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Bakit nga ba hindi? Sa mismong araw ng birthday ko ay namatay ang Momma ko, nawala