NANG umalis sina Sarah at Kenneth sa bahay ni Dra Venice, pinaupo niya muna ang anak sa sofa upang doon ito kausapin.Naupo siya sa sahig upang makapantay ito at mangitian.“What’s the matter mommy?” Takang tanong ni Vincent sa kaniya.Umuling si Dra Venice at sumagot. “Hindi anak, mayroong sasabihin si mommy,”Hindi na sumagot ang bata sa kaniya at inantay kung ano ang sasabihin ng ina. Hindi alam ni Venice kung saan siya mag sisimula o kung paano niya ito sasabihin sa anak. Pero pumasok sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Kenneth at Sarah kung kaya huminga siya ng malalim at nagsalitang muli.“Hindi ba sabi ko sayo anak, ang daddy mo nasa malayo?”“Opo, at nililigtas ang mga mamamayan.”“Ang totoo, nagsinungaling si mommy. Ang daddy mo, isang Detective. Para ‘din niyang inililigtas ang mga mamamayan pero maaari siyang umuwi dito saatin kasi hindi naman siya sundalo,”“Kung ganon uuwi na po si daddy?!” excited na sabi ni Vincent sa kaniya na ikinatango nito.“Ganon na nga anak,
NANG umuwi sila Sarah at Kenneth ay nagulat sila ng naroroon na si Niña kasama ang isang batang lalaki na kamukang kamuka ni Khalil!“Sarah! Kenneth! Nandito na si Samuel!” Tuwang sabi ni Niña sa kanilang dalawa at nasa may pintuan palang sila nun.Kausap ni Khalil ang kambal ng oras na iyon at sabay silang tumayo upang tignan ang magulang. Malaki ang ngiti sa labi ni Khalil na tumakbo sa magulang at niyakap sila.“Monmy, daddy, nandito na si Samuel.” Mahinang bulog nito sa kanila.“P-paano? Tyaka bakit nawala ka ng ilang araw Niña?” naguguluhan na tanong ni Sarah sa kaibigan.“Ganito kasi yan, pumunta ako kila Venice pero may kumuha saakin—”“Kumuha?! Dinukot ka?!” agad na bulalas ni Sarah dito.“Yes, pero pakinggan mo muna ako okay?”Hinawakan ni Kenneth sa balikat si Sarah upang pakalmahin ito kahit papaano. Na gets naman ni Sarah ang sinabi ng kaibigan kung kaya tumahimik muna siya upang makinig.“Nang dalhin ako sa lugar kung san nila ako dinala ay nakita ko si Samuel. Noong una
KATULAD ng plano nila Kenneth, inantay nila na lumabas si Niña upang makausap ito. Habang nasa loob sila ay tahimik nilang minamanmanan ang babae. Nang oras na para matulog at nag pasya sila na doon na matulog ay lumabas si Niña upang mag handa sa pag tulog.Tunanguan ni Kenneth si Ghill at agad itong sumunod kay Niña. Hindi sila dapat sumunod agad agad dahil siguradong makakahalata ang mga ito. Ang usapan nila ay mag iiwan sila ng 10 mins na pagitan bago lumabas.Nang sumunod su Ghill sa babae ay tumingin muna siya sa paligid bago tuluyang nakinig ds pinto ng banyo kung may ibang tao ba. Banyo kasi ito ng mga babae kaya mahirap na at baka tumili ito at sumigaw.Nang maramdaman niya na walang ibang tao ay nag abang siya sa pag labas nito. Wala naman siyang ibang narinig na kausap nito na maaaring mag turo sa kanila kung may kakaibang nangyayari.Samantalang si Niña ay katatapos lang mag banyo at pabalik na sana sa clinic ni Scarlett ng biglang may humila sa kaniya.“G-ghill?!” nanlala
“AYOS ka lang ba Niña? Kanina ka pa hindi mapakali jan,”Puna ni Sarah kay Niña habang naroroon sila sa ksang sulok ng reception ng kasal nila Jerome at Karylle. Katatapos lang ng kasal at magsisimula na ang reception. Marami na rin ang nagpakuha ng litrato sa kanila at kakapahinga lang nila.Dahil isang Adams ang ikakasal ay marami din ang nagsipuntahan na mga pres ngunit nasa labas lang sila at hindi makapasok sa loob.“A-ayos lang ako, pahinga muna napagod ako kanina e.”Nagdududa man ay tumango si Sarah sa kaibigan. Silang dalawa ang nag asikaso ngayon para sa event nila sa kasal ni Karylle. Iyon ang unang beses na maraming tao ang makakakilala sa negosyo nila kung kaya kailangan na sila ang mag handle na mas nakakakabisado sa negosyo nila.Dapat ay abay ‘din si Sarah ngunit sa huli ay nag back out siya ng maalala na mayroon pres na darating sa kasal. Hindi pa siya handang ma-linked sa asawa. Kahit na totoo na may relasyon sila ay hindi pa siya handa publicly.Ngunit ang mga anak
ANG tunay na Samuel ay naroroon ngayon sa kasal kung saan alam niya na naroroon ang kambal. Ang buong alam ni Samuel ay kambal niya ang nakakasama na kamuka, dahil nga wala siyang pinagkaiba na itsura. At wala ‘din siyang alam na ang kasal na napuntahan niya ay kasal ng kaniyang tunay na Tita sa side ng daddy niya.Kahapon lang ng malaman niya ang katotohanan na hindi siya tunay na anak ng nakilala niyang magulang. Sa isang iglap ay tila hindi na kilala ng bata ang kaniyang sarili. Doon nagsimula na maghanap siya ng sagot sa mga tanong.Sigurado na hindi siya sasagutin ng tumayong magulang kapag tinanong niya ang mga ito kaya palihim siyang pumasok sa file room ng kaniyang ama. Marami siyang nalaman at kailangan niyang iligtas ang tunay niyang magulang.Yes, nakita niya ang larawsn ng mga ito sa files na naroroon. Nung una nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan ngunit wala siyang magagawa dahil nasa harapan na mismo niya ang ebidensya. Kaya matapos ang isang buong magdamag na pag
HINAHANAP ni Sarah si Niña, mukang nag cr ito kaya wala doon. Hinayaan nalang niya amg kaibigan dahil mayroon namang dalawang employees na kasama sila bukod sa kanilang dalawa.Ang totoo ay nag banyo talaga si Niña dahil sa kaba ay naiihi siya. Nang papalabas na siya ay napaisip siya sa nakitang kausap ni Sarah kanina na Samuel. Alam niya na ang pekeng Samuel ang kausap nito kaya nga hindi na siya nag abala pa na lapitan ang mga ito kanina.Ngunit bakit parang may kakaiba sa Samuel na iyon?Kitang kita niya ang pagtataka sa muka nito. Yung tipong, parang hindi nito kilala anh kaharap.‘hindi kilala?!’ bulalas na sabi ni Niña sa kaniyang isipan at nataranta.Ibig sabihin uyonyang tunay na Samuel hindi ang peke! Kung ang peke iyon ay mahahalata niya agad ang pagkairita nito kahit na tinatago niya iyon sa kaniyang mga ngiti.‘paanong andoon ang tunay na Samuel?’ iyan ang nasa isip niya.Kailangan niyang mag isip ng paraan para malaman ang totoo at para magawa yun ay kailangan niya itong
Nang makalapit ito kay Kenneth ay kaagad niyang binulong dito ang nangyari. Kalmado lang si Kenneth sa katotohanang iyon at hindi niya nakitaan ng kahit anong emosyon.“Ako ng bahala sa mga bata at sa pamilya ko,”Tumango si Ghill sa sinabi ni Kenneth, sakto naman na nasa iisang silid sila Karylle at magulang niya dahil susunod na ang dance sa reception.“Mga anak sama kayo saakin,”Tumango ang dalawa kay Kenneth at sumunod sa kaniya. Nang makapasok sila sa loob ay inihabilin ni Kenneth ang mga anak sa magulang. Pumayag naman ang mga ito at aalis na sana si Kenneth ng magsalita si Karylle.“May problema ba? Nakita ko na kinausap ka ni Ghill, kita ko ang pagdilim ng muka mo.”Tunay na mapagmasid ang kaniyang kapatid. Wala talaga siyang maitatago dito, sabagay kilalang kilala siya nito kaya kahit anong lihim ay malalaman at malalaman din nito agad.“Nothing, just enjoy your wedding,” ngiting sabi niya dito at umalis na doon.Hindi niya hahayaan na masira araw ng kaniyang pinaka mamahal
HINDI mapakali si Sarah at hindi alam nung paano lalapitan si Kenneth upang sabihin ang totoo. Dahil nga maaaring may makapansin sa kanila ay nag missed call nalang muna siya dito pagkatapos ay nag send ng text message sa asawa.Naramdaman naman ni Kenneth ang pag vibrate ng cellphone niya kung kaya inilabas niya ito at nabasa ang text ni Sarah. Gusto nito makipagkita sa may banyo dahil mayroon daw itong mahalagang sasabihin.Nagpaalam si Kenneth sa mga kasama sa mesa at naglakad papunta doon. Naabutan niya si Sarah na hindi mapakali at tila nag aalala.“Kenneth!” dali daling lumapit si Sarah sa lalaki.“S-si Niña! S-si Niña!”Hindi maituloy tuloy ni Sarah ang sasabihin dahil sa pagkataranta at pagkabigla. Kitang kita iyon ni Kenneth sa expression ng asawa.“Wife, calm down, okay? Hingang malalim, breath in, breath out,”Sinunod naman ni Sarah ang sinabi ng asawa at huminga siya ng malalim. Nang siya ay kumalma ay nagawa na niyang sabihin dito ang nangyari.“S-si Niña may kumuha sa ka
[DRAFT] NOTE: Not yet edited KAGAYA ng plano nila Kenneth ay ianntay nila na matapos ang event bago tuluyang umaksyon sa nangyari. Dyempre, siniguro din nila na walang ibang mapapahamak during that time at laking pasasalamat naman nila at wala ngang napahamak na kahit na sino.Ngunit hindi nila mahanap ang tunay na Samuel, ang Samuel na kasama nila ay ang peke pa ‘rin. Si Sarah ay hindi mapakali sa nakalipas na mga oras at panay ang tingin sa paligid kung may makikita ba siyang kamuka ng anak ngunit wala.Naging masaya at successful ang kasal nila Karylle at Jerome na kitang kita naman sa muka ng bagong mag asawa na sila ay masaya. Sa ngayon nga ay paalis na ‘rin ang mga ito dahil flight na nila papunta ibang bansa upang doon mag honeymoon.“Thank you, mom and dad.”Niyakap ni Karylle ang kaniyang magulang at hinalikan sa pisnge. Alam niya na nakasuporta ang mga ito una palang lalo na sa kaniya na siya ang nangligaw kay Jerome. Basta kung saan masaya ang kanilang anak ay doon silang
[DRAFT] NOTE: Not yet editedHindi nagtagal ang isang oras niya doon at hinimatay siya, ilang oras din siyang tulog dahil sa sobrang takot. Imagine being alone in the darkness habang siya ay takot na takot at nanginginig dahil ano mang oras ay mahuhuli siya.Hindi niya alam kung may babalikan pa siyang pamilya sa tumayong magulang o kung pamilya nga ba ang turing sa kaniya ng mga ito. Kaya naman pala ganon ang trato sa kaniya, naiintindihan na niya ngayon.Habang siya ay walang malay, mayroong mga ala ala ang bumalik sa kaniya noong siya ay tatlong taong gulang. Noong panahon na dinukot siya. Kaya siya takot sa dilim ay dahil dinala siya sa madilim na lugar at kinulong.Lahat nang nangyari years ago ay bumalik sa kaniya, ang pag bura ng mga ito sa ala ala niyang yun at ang pag papanggap ng mga ito na magulang niya. Ang pag gamit sa kaniya!Lahat iyon ay naalala niya ng siya ay magising. Umiiyak na binuksan niya ang pintuan, naalala na niya ang lahat. Kinuha siya sa kaniyang mama na
“K-KASALANAN ko kung bakit nakuha si mama. Niligtas niya alo, itinago niya ako. Ako dapat ang sisihin.”Nagsimulang umiyak ang batang si Samuel ng malaman ang totoo kung nasaan si Niña. Isinama nila ang bata sa loob ng silid kung nasaan sila kanina. Lahat sila ay hindi pa rin makapaniwala na kasama na nila ang totoong Samuel ngunit hindi nga lang masaya.Lalo na at ramdam na ramdam nila ang lungkot na nararamdaman ng mag asawa. Si Sarah hindi makapaniwala na naranasan nanaman nito ang naranasan niya noon kay Scarlett habang si Kenneth ay pinipilit na magpakatatag para kay Sarah.“N-no, don’t say that Samuel. Ginawa lang ‘yun ni Niña kasi mahal ka niya,”Totoo naman ang sinabi ni Sarah dahil napamahal na kay Niña ang mga anak niya. Tumango ang bata sa sinabi niya at pinunasan ang luha nito. Kinalma niya ang sarili at umupo ng maayos.Kitang kita nila kung paano pakalmahin nito ang sarili at umasta na tila walang nangyari. Sa point na yun ay nakita nila ang katauhan ni Kenneth na siyang
[DRAFT] NOTE: Not yet edited NANG umalis si Scarlett at Khalil ay nag handa na ang mga ito para hulihin ang nagpapanggap na Samuel. Wala pa silang idea kung sino ito o kung ano ang tunay na katauhan nh nangpapanggap na Samuel pero isa lang ang sigirado nila, mas naunang malaman ng mga ito ang totoo kaya paano iyon nangyari? May hinuha na si Sarah lalo na at iisang tao lang din naman ang may pasimuno ng pagkawala ng kaniyang mga anak. Si Iya, ngunit ang tanong ay nasaan na nga ba ito dahil sa nakalipas na mga araw ay natuon ang atensyon niya sa mga anak at sa kaniyang negosyo. Kailan ba ang huling kita nila ng kaniyang ex? Ayon dito ay hiwalay na sila ni Iya. Napakibit balikat nalang si Sarah sa kaniyang naiisip dahil wala naman na siyang pakialam kung ano pa ang relasyon ng dalawa. Kapag nakuha na nila ang pekeng Samuel sasabihin niya sa asawa ang naiisip na iyon. Si Kenneth at Ghill ang siyang nagpunta sa silid kung saan naiwan ang pekeng Samuel. Si Oscar ay nakahanda na sa a
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “NAKU wag ka naman ganiyan ‘daddy’ naririnig ng mga kapatid ko oh,” Muling pang aasar na sabi ni Dario kay Kenneth at tumawa pa ito. Ngunit hindi na papa apekto si Kenneth sa lalaki, ang kailangan niyang gawin ngayon ay mailigtas ang anak. Palihim na sumenyas si Kenneth kay Ghill na agad naman nitong nakita dahil nasa likuran siya ni Kenneth. “Who are you.” Madiin na tanong ni Kenneth sa lalaki. “Ako? Isa lang naman ako sa mga gustong magpabagsak sayo,” “Really? Kalabanin niyo ako ng patas kung gusto niyong pabagsakin ako.” Ngising sabi ni Kenneth dito. “Patas? Walang ganon sa underworld alam mo yan.” Tama ang lalaki, kapag ginusto nila ang isang bagay gagawin at gagawin nila ang kanilang makakaya. Bukod sa mga illegal na transactions ay kaya nilang gumawa ng mga bagay na hindi mo lubos maiisip na mayroon na pala sa tunay na buhay. Iyon ang naiisip na explanation ni Kenneth sa nangyari. Kung paano naging malaki ang batang kamukang kamuka ng ana
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “HINDI ko akalain na malalaman mo ang totoo. Paano mo nga ba nalaman ang totoo?”Mas lalong itinago ni Samuel ang kambal sa likuran niya bago sumagot sa lalaking kaharap.“Nakita ko sa files si papa—I mean ng tumayo kong ama.”Napatango ang kaharap nila at napahawak sa baba nito.“Kung ganon pano mo nalaman na andoon ako sa event. Alam king andoon ka sa kasaln.”Hindi nagawang sumagot ni Samuel sa tanong na iyon dahil narinig niya ang paghikbi ng kambal sa kaniyang likuran. Doon natuon ang atensyon niya at nawala sa lalaking kaharap nila.“Scarlett okay ka lang ba? Hush, andito lang si kuya hindi kita pababayaan.”“Ah! Alam ko na, matalino ka nga pala sa computers, malamang yun ang ginawa mo ano?”Walang nanamang nakuhang sagot si Dario kung kaya napatingin siya sa gawin ni Samuel at tinignan kung bakit hindi siya nito pinapansin. Kaagad na sumama ang muka nito lalo na ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang hindi pakikinig sa usapan nila.Hababg abala si
[DRAFT]NOTE YET EDITED! “MAY anak ka pala hindi mo sinabi samin?!”“Huy, hinaan mo boses mo Lucia marinig ka ng mga bata.” Puna na sabi ni Sarah dito.“Ikaw kaya hinaan mo laptop,”Natawa sila sa sinabi ni Lucia at muling tumahimik para makinig sa sasabihin ni Dra Venice. Naroroon sila ngayon sa Clinic, kumpleto sila pwera kay Lucia na nasa out of town kung kaya nakikinig lang ito mula sa laptop.Ayon kay Dra Venice, nagkakilala sila ni Detective Sanchez o sa pangalan nito na Neil, noong nawala sila Niña at ang triplets. Madalas silang magkasama, mula umaga hanggang gabi dahil sa paghahanap sa mga ito.Hindi na nga nag tatrabaho si Venice sa clinic niya at kay Detective Sanchez na ito lagi nakabuntot. Naroroon pa na magkasama silang natutulog dahil inaantay niya na magkaroon ng balita na maganda. Until one day nalasing silang dalawa, nagising nalang siya na may nangyari sa kanila at simula nun iniiwasan na niya ang lalaki.Nakikipag usap siya dito pero iniiwasan niya pag usapan ang
[DRAFT] NOTE: not yet edited “IBIG sabihin ikaw talaga ang tunay na kuya Samuel namin?”Kumalma na ang triplets sa loob ng silid na pinag iwanan ni Kenneth sa mga anak. Uminom na rin sila ng bottled water na nasa mini ref na naroroon. Kumain na rin ng tinapay kahit papaano at nagpahinga roon.“Yes, katulad niyo syempre nawala din ala ala ko tungkol sa inyo. Hindi ko alam hindi pala mababait ang kasama ko noon pa man,”“Speaking of that, kwentuhan mo naman kami sa nangyari sayo doon.” Curious na tanong ni Khalil na ikinatango ni Scarlett bilang pag sang ayon dito.Ngumiti si Samuel at nag isip kung ano ang makukwento sa mga ito.“Ano nga ba? Hindi kasi ako lapit sa tumayo kong magulang. Pero yung mama ko doon, mabait siya. While ang papa ko doon di kami close. Ilag ako sa kaniya kasi palaging mainit ang ulo.”Tila bumalik ang ala ala ni Samuel noong naroroon pa siya. Ni minsan hindi naman siya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya nagpapasalamat siya doon. Ang kaso ramdam niya na hin
HINDI mapakali si Sarah habang nasa play room kung saan andoon ngayon si Vincent kalaro si Scarlett. Kasama nila doon si Dra Venice habang ang iba ay busy sa pagliligtas pagligtas kay Niña. Noong una ay ayaw pumayag ni Venice at Sarah na hindi sila tutulong sa paglitas sa kaibigan ngunit mas pinili nila na mag bantay ang mga ito sa kanilang mga anak. Since wala din silang alam sa mundong mayroon sila Kenneth ay walang nagawa ang dalawa kundi pumayag. Si Khalil at Samuel ay kasama ang magulang ni Kenneth sa monitor room upang maging mata sila sa lugar ng kanilang kalaban. Si Ghill Napahawak si Ghill sa leeg niya at naging alerto sa paligid. Hindi manlang siya dumaing sa pagkakaturok ng bagay na iyon. Parang kagat nga lang ng langgam sa kaniya at inalis ang matulis na bagay sa leeg.Nakita niya na mayroong likido na tumutulo at alam na niya agad kung ano iyon. Hindi dugo kundi pampatulog. Kailangan niyang kumilos agad bago pa siya mawalan ng ulirat.Inantay niya na mayroong lumabas