Don't Mess With The Billionaire
Chapter 10
NATARANTA at sukdulang iharang na ni April ang mahagway na pangangatawan sa mga heavy machinery na nagsisulputan sa dati niyang bahay. Si Wolf Atlas ang inaasahan niyang matatagpuan doon at hindi ang mga katakut-takot na mga behikulong iyon.
Para saan ang mga iyon? Bakit may convoy? Kung may balak mang gibain ang pamamahay na iyon, ano ang dahilan?
"Walang sino man ang magkakamaling gumalaw sa bahay na iyan hangga't hindi ko nakakausap ang sino mang alagad ni Barabas na nag-utos sa inyo!" Pag-i-eskandalo niya.
There will be no possible way that they can pull that house down. Kabaliwan itong panghaharang niya pero mas kabaliwan ang hayaan na lamang niya ang walang pusong Wolf Atlas na iyon na basta na lamang ipa-demolish ang bahay na iyon ng walang malalim na dahilan.
Sira talaga ang tuktok ng taong iyon. Lahat na lang pakikialaman, magdusa lang siya. Demonyo talaga!
Isang lalaki na halatang product ng military base sa tindig nito ang humarap kay April Rose. Malamang ito ang namumuno ng demolition group.
"Magandang araw ho sa inyo, Ma'am. Pero trabaho lang po ito, walang halong pamemersonal." Maayos na approach sa kanya ng lider.
Kahit sabihin pa na wala itong atraso sa kanya ay pakiramdam niya gusto niyang ibuhos dito ang lahat ng sama ng loob niya. Her mind was so close to blown-up. Pakiramdam niya ay nagkakaroon siya ng instant wrinkles at uban sa mga panggigipit sa kanya ni Wolf Atlas.
"Wala akong pakialam! Iharap mo sa akin ngayon mismo ang malupit ninyong amo at nang mabasag ko ang pagmumukha niyang isinumpa! Hindi iyong ganito na tinitira niya ako nang patalikod. Para siyang supot na nagtatago sa palda ng nanay niya. Bakit hindi niya ako harapin at nang magkaalaman kami." Kahit si April ay nasusorpresa na rin sa mga bayolenteng salita na ibinubuga ng kanyang bibig.
Sumusobra na kasi itong Wolf Atlas na 'to sa panggigipit sa kanya. Ano bang mapapala nito sa kanya?
Sa kanilang dalawa ay ito ang higit na nakakaalam na wala itong mapapala sa kanya. Ano bang panama niya rito? Ano nga lang ba siya kumpara sa isang Wolf Atlas who is one of the most successful Bachelor in business world nowadays, a powerful jerk who holds a series of positions in some top notch group of companies aside from being a freaking ruler and CEO of his own empire?
Wala! Walang-wala! Kaya nakapagtataka na umaapaw ang ipinamamalas nitong effort patungo sa pagdurusa niya. Ano pa ba ang ipinuputok ng butse nito gayong maayos naman niyang ibinigay ang permiso para sa letseng DNA test na iyon? Ito lang ang natatanging kilala niyang may kaliwa't kanang negosyo pero nagagawa pa ring pagtuunan ng pansin ang isang katulad niya nobody.
"Pasensiya na talaga kayo, Ma'am pero ito po ang itinuka sa 'ming trabaho ni Boss. Kung ano man po ang personal na galit ninyo sa kanya, siguro naman po ay labas na kami roon, Ma'am."
"Kahit na! Basta dadanak ang dugo rito oras na ituloy ninyo ang mando ng Boss ninyong hari ng mga tsunggo! Demonyo siya! Pinapainit talaga niya ang bungo ko por que't kaya niyang kontrolin ang lahat. Nakakainis siya! Nakakainis siya!" She growled like a mad bull. Gusto niyang mapaiyak sa sobrang galit.
Naniwala pa man din siya sa sinabi ni Wolf na kusang-loob nitong ibibigay pabalik sa kanya ang bahay na iyon basta't makipagkumpromiso lamang siya rito ng matiwasay. Na ginawa naman niya tapos sa huli, siya pala itong nadenggoy sa promising nitong salita.
Tabingi man ang chance na maibalik niya ang bahay na iyon sa pangalan niya, gusto pa rin niya itong habulin. Sobrang napakahalaga ng bahay na iyon kay April. There's a lot of memories left in there at wala iyong katumbas na kahit na anong materyal na bagay sa mundo o kahit pera.
Sa sandaling mawala sa kustodiya niya ang triplets-which is sobrang laki na ng posibilidad ngayong apurado nang kumikilos ang kampo ni Wolf para sa maagang resulta, ang bahay na lamang na iyon ang magpapaalala sa kanya ng masasayang sandaling kapiling niya sina Aragon, Alamo at Aba.
Kahit man lang iyon ay sana pagtuunan ng konsiderasyon ni Wolf. Pero ano pang aasahan niya sa taong walang-puso?
Nagpatuloy na sa pag-andar ang tatlong Skid steer na siyang nangunguna malapit sa entrance way ng bahay. Desidido talaga ang mga loko na gibain ang bahay na iyon na ipinangako niyang aalagaan at pakaiingatan habang sa huli niyang hininga.
Dahil sa pinaghalu-halong masalimoot na emosyong bumabalot sa sistema ni April, iyon siguro ang nagtulak sa kanya na gumawa ng nakakagimbal na bagay na kahit sa hinagap ay hindi niya masisikmurang gawin. Ito ay ang tutukan ng baril sa noo ang walang kalaban-laban na miyembro ng demolition team upang magsilbing kanyang bihag. Mainam na naisipan niyang magsukbit ng maliit na handgun sa likod ng bewang niya sa araw na iyon.
Noon nasindak ang lahat at awtomatikong nagsitigil sa kanya-kanyang ginagawa. Ang lahat ng nagmamanyobra ng mga excavator at grader ay nagkakandarapang nagsibabaan at lumayo.
Nangangatog ang tuhod niya pero kailangan niya itong panindigan.
"Ma'am, huwag ho kayong magbiro ng ganiyan. Seryosong krimen itong hinahain ninyo." Nakiusap sa kanya ang lider ng team.
"At sinong may sabi na biru-biro lang 'to? I can shoot this man's skull kapag hindi humarap sa akin ang amo ninyo. Call him. Now."
At hindi naman nagdalawang-isip ang lalaki na i-dial ang numero ng sino man sa cellphone nito.
Nakamasid lamang siya ng maigi sa mga kilos nito baka kung anong tactical moves ang gawin nito at mapataob siya.
"Miss Dominguez, magandang araw. Si Sergeant Espinal po ito. Maaari po ba ninyong i-connect ang linya direkta sa personal na numero ni Boss Wolf? This is urgent."
Shit! Naman pala mapitagan ang galaw at pananalita ng lider dahil Sergeant pala ito. Nalintikan na siya! Tiyak sa bilibid ang bagsak niya.
Sinadyang i-on ni Sergeant ang loud speaker.
"I regret to inform you Sergeant Espinal but the Boss is out of town since this morning for an exclusive appointment with a foreign model. Mahigpit niya pong bilin na wala raw akong tatanggaping istorbo hanggang sa makabalik siya."
Dahil sa narinig ay parang mas lalong nagliyab ang bumbunan ni April. See? Habang pala pinapagapang siya nito sa hirap, tapos ang walanghiya out of town pa kasama ng foreign model?
A foreign model? She was highly doubtful na tungkol sa negosyo ang pinagkakaabalahan ng dalawa. Kapag napunta sa poder ng babaerong iyon ang mga anak niya, baka mga immoral na gawain ang makagisnan ng mga anak niya mula sa salaulang lalaking iyon.
Iniisip pa lang niya na ginagawa rin malamang nito ngayon sa babaeng kasama nito ang parehong ginawa nito sa kanya nang gabing iyon ay sumisirko na ang mga intestine niya. O baka nga ay mas masahol pa? Nakakailang posisyon na kaya ang dalawa sa mga oras na ito?
Really? Sa sitwasyon niyang iyon ay nagawa pa talaga niyang isipin ang bagay na iyon?
"Do not cut the line off! Wala pa akong sinasabi, Sarhento. Huwag 'kamo niyang susubukan ang pasensya ko at kailangan ko nang makausap ang ulol ninyong amo ngayon na mismo."
Nang maipaalam ni Sergeant Espinal sa Executive Assistant ni Wolf Atlas ang kasalukuyang nagaganap doon ay hindi na ito tumigil hanggang hindi nakokontak si Wolf.
At halata pang aburido ang hinayupak nang bumungad ang pagod nitong boses sa kabilang linya.
Aburido? Pagod? Peste! Tama nga talaga ang naisip niya kanina. May malaswa nga talagang namamagitan sa unggoy na iyon at sa kasamang foreign model nito.
"If this urgent call isn't a matter of life and death, hindi lang ang pesteng bahay na iyan ang ipapabuwag ko, pati na rin ang mukha mo, Espinal!" He sounded humorlessly. Kung si Sergeant Espinal ay tinakasan ng kulay ang mukha, si April Rose naman ay napalunok ng makailang beses.
"A matter of death actually, Boss. Kasalukuyan pong bihag ni Miss Nuyda ang isang tao ko. Armado po siya, Boss at galit na galit sa inyo. Bakit daw po tinitira ninyo siya ng patalikod? Gusto raw ho niya kayong makausap, Boss." Ilang segundong mga werdong kaluskos lang ang narinig niya galing sa kabilang linya.
"At pinatulan mo naman ang palabas ng babaeng 'yan? Atsaka excuse me! I never fuck her from behind though it's... Nevermind! Kung hindi ka rin naman pala isa't kalahating duwag, Espinal. Pa'no aakyat ang ranggo mo niyan kung sa isang babae palang umurong na ang buntot mo?"
Palabas? Ganoon pala ha!
Hindi naman siguro maaalarma ang ibang nakatira sa lugar na iyon kung sampolan niya ang damuhong iyon dahil bahay lang naman ni Manang Carletta ang medyo malapit sa tinatayuan ng bahay niya. At inasenta nga ni April ang isang flower pot malapit sa kinatatayuan ni Sarhento.
"Narinig n'yo naman siguro iyon, Boss. Hindi isang babae lang itong kaharap ko. Hindi mo naman kami tinimbrehan na Amazona pala itong kaaway ninyo, Boss."
"Son of a bitch! Hindi ko 'yan kaaway." Iritado pa rin ang boses nito. "Sumpa ang babaeng iyan sa pagkalalaki ko! At kapag hindi mo nagawa ang pinag-uutos ko, alam mo na ang kababagsakan mo, Espinal!"
Mukhang tinablan na ng takot si Sergeant kaya naglakas-loob na si April na hablutin ang cellphone sa kamay ng opisyales habang hindi pa rin inaalis ang bunganga ng baril sa harapan ng isang kasama ni Sarhento.
"Hoy, lalaking puro masamang hangin ang laman ng utak! Ano'ng karapatan mo na ganiyanin ang isang opisyales ng national police ha? Hindi porque at umaapaw sa numero ang bank account mo at kilala ang angkan ninyo sa bansa ay aasta ka ng daig pa ang Diyos!" Pakiramdam ni April ay may mapipigtas ng ugat sa utak niya ano mang oras.
Pero kailangan niyang ipamukha sa lalaking iyon na hindi lahat ng mahihirap at mas mababa ang estado ng buhay sa lipunan ay basta-basta na lang itong mananagasa. Pantay-pantay lang naman ang likha ng Diyos ah! Puwera lang sa kaguwapuhan, kakisigan at lahat-lahat ng magagandang katangiang panlabas ay nasimot ng gagong ito. Doon lang naman ito lamang.
"I have no time for your brand new crap! Huwag mong sagarin ang pasensya ko at huwag ka nang makialam." Mabagsik na usal nito sa mababang tinig. Tipong parang magyeyelo ang mga kasu-kasuhan niya.
Impaktong 'to! Ito lang iyong nagbabanta pero malaswa ang umabot sa pandinig niya. Kinikilabutan siya sa epekto nito sa kanya. Bakit ganoon pa rin? Dapat purong poot ang nararamdaman niya para rito at wala nang iba pa.
"At sa tingin mo naman, may inilaan din akong oras para sa kabulastugan mong 'to? Ha, Wolf Atlas? Puwes nagkakamali ka! Wala akong plano na marinig ulit ang pangit mong boses pero dahil sa paggigipit mo sa akin kaya napipilitan akong makausap ang kanang-kamay ni Satanas kahit labag na labag sa loob ko." Dapat buo ang tapang sa boses niya. Dapat hindi basag? Ano na lang ang iisipin ng gagong iyon? Na lamya siya?
Sa kabila ng pasulput-sulpot na kaluskos sa background ay kumalabit pa rin sa pandinig ni April ang matinding paglunok ni Wolf.
"Hindi ba't galit ka? Stick to that fucking emotion and do not fucking say my whole name like that again. Kumikibot si Goyo rito sa baba kaya huwag ka nang umulit dahil nagtitimpi lang ako!" Nahihirapan na usal nito. Puzzled, she paused for a brief moment.
Kumikibot? Sinong Goyo?
"Huwag mong pakialaman ang mga emosyon ko sa katawan, gago! At huwag mo nang pakikialaman ang nananahimik na hanapbuhay ng mga kamag-anak ko sa Isla. Maging ang nananahimik na bahay na ito ay ipapagiba mo. Dahil ano? Bakit? Kung may nasabi o nagawa man akong ikinababa ng bilib mo sa sarili mo, puwes ako mismo ang parusahan mo. Ako lang at huwag mo nang idamay ang mga taong ititira para sa akin ng mundo oras na maagaw mo sa akin ang mga anak ko. Masama kang tao! Napakasama mo." Nahughog ang kanina lang ay matapang niyang boses. Sandali pa ay hindi niya namalayang napasinghot siya.
She won't cry! Nuncang iiyakan niya ang lalaking ito.
"W-wait! Are you going to cry?" Lumaki ang butas ng ilong ni April nang maapuhap niya sa boses ni Wolf na parang regretful ito. O siya lang iyon at ang mapanlinlang niyang imagination?
"Ano bang pakialam mo sa pag-iyak ko hayup ka?!" Singhal niya. Hindi na siya nahiyang umiyak sa harapan ng demolition team na kanina lang ay sinisindak niya.
Pero base naman sa reaksyon at pananahimik ng mga ito pati na rin ng bihag niya at ni Sarhento ay mukhang nasusundan ng mga ito kung saan nag-uugat ang issue nilang iyon.
"At wala ka ring pakialam kung gusto ko mang pakialaman ka! Atsaka kung mang-iinsulto ka ulit, dapat insulto lang. Hindi iyong iiyak ka kasi hindi ako makahinga!"
Don't Mess With The BillionaireChapter 11"APRIL ROSE NUYDA and that's her. Isulat mo sa tuktok ng listahan ng mga VIP sa gusaling 'to ang name niya, Manong guard." Napahalukipkip si April sa likuran ng napaka-bossy na si Pacifica dahil hindi niya maiwasang tubuan ng hiya sa ginagawa ni Pacifica. "At tandaan ninyong maigi ang maganda niyang mukha dahil she's one of us now. You should respect and bow at her the way you treated us. Maliwanag?"Araw ng Lunes at lumuwas silang mag-iina sa Maynila upang personal na kuhanan ng cheek swab samples ang triplets na gagamitin sa iginigiit na paternity test ni Wolf Atlas.Gaya nga ng sabi niya ay kusang-loob siyang makikipag-cooperate. Pagputok pa lang ng araw kaninang umaga ay may dalawang itim na BMW na ang nakaabang sa labas ng kanilang bahay. Mga
Don't Mess With The BillionaireChapter 12“ANO ‘KAMONG SINABI MO?” In case na namali ang pagkakadinig ni April sa sinambulat nitong huling linya, nagdesisyon siyang tanungin ito ulit.Ang alam niya ay imaginary rheumatism lang ang nagkaroon siya sa muli nilang paghaharap ng taong natatangi sa listahan ng sisilain niya. Pero mali siya. Tila yata pati nuerons niya sa utak ay nagkaroon na rin ng pinsala dahil sa namumukadkad na bunganga ng lalaking ‘to.He had a crush on her? Ibig sabihin ay siya ang tinutukoy nito.For a relentless kind of man like Wolf Atlas who showered undying compliments to whoever women poked his cunning interest, kahit I love you ay simpleng hi o hello na lang ang katumbas niyon sa bokabularyo nito malamang sa malamang. He is a man who says one thing that can make a woman's heart flutters to the core but does the opposite. As little as five minutes, sino mang makakah
Don't Mess With The BillionaireChapter 13“GAMEFISHERMAN EXPRESS, Auntie? As in ‘yong mamahaling yate? Kulang–kulang fifty million pesos ang halaga n’yan, Auntie.” Halos mapugto ang hininga ni April nang matanggap niya ang balitang iyon galing sa kamag–anak niya sa Isla. Hirap siyang maghunos–dili.Gamefisherman express yacht is fucking worth millions. Alam niya kung magkano iyon dahil palagi iyong bukambibig ni Garett. At walang matinong tao ang mamimigay ng ganoon kung kani–kanino lang. Tapos sa mahigit hundred and eight million na bilang ng populasyon ng Pilipinas, bakit ang mga kamag-anak niya sa isla ang tanging nabiyayaan ng yateng iyon na may nakakalulang presyo?“Kahit kaming lahat dito, April ay hindi rin lubos akalain na may ganitong suwerte kaming matatanggap. Akalain mo iyon, sobra–sobra ang ibinigay na kapalit ng ilang araw lang na kagipitan namin.
Don't Mess With The BillionaireChapter 14PASALAMAT si Wolf at hindi killer heels ang suot niya at paris na flat shoes lang kaya hindi gaanong naaabuso ang paa niya.Walang konsiderasyon!Kung totoo ngang iniintindi siya nito, baka naman gusto siya nitong tanungin man lang kung ilang oras na siyang palakad–lakad sa mga kalsada sa Metro. Hindi ba nito napapansin na patang–pata na siya sa maghapong paghahanap ng trabaho tapos kung hilahin siya nito parang wala ng bukas.Mabibigo lang siya kung aasa pa siyang kukumustahin nito ang lagay niya. Sa banatan lang ito maaasahan. Iyon nga lang ay hindi pa kapani-paniwala.“Pinasisante mo ba si Pros?” Maayos na tanong niya kay Wolf habang binabagtas ang parehong sidewalk na nadaanan na rin niya kanina. Matiwasay na lamang siyang sumama rito. Walang saysay ang ano mang pasubali niya dahil labis na mapang–angkin ang pa
Don't Mess With The BillionaireChapter 15DETERMINADO ang mga paa ni April na habulin si Wolf subalit ay nagpapadaig na naman siya sa kanyang matayog na pride.Why would she chase him? Ano namang sasabihin niya? Hindi naman hinihingi ng sitwasyon ang paliwanag niya, hindi ba? Atsaka hindi naman kailangan na patulan niya ang paandar na iyon ni Wolf. What he embarked awhile ago was just a part of his unending humor but she doesn't found it funny at all.Siraulong iyon. Break–up talaga? Ano ang karapatan nilang gamitin ang katagang iyon gayung wala namang namamagitan sa kanila?April just found herself biting her nail. She is bothered and she was openly showcasing her emotion.Bakit ba apektado siya sa break–up chuchu na iyon ni Wolf? Naman e!“Jittered, are we?”A startled gasp tore from her mouth when she remembered Cleme
Don't Mess With The BillionaireChapter 16"TOTOO ba lahat nang pinapakita mo? Iyong mga sinasabi mo? Ngayon lang ako maglalakas-loob na magtanong, Wolf Atlas. Alin ang totoo? Kailan ka nagsasabi ng totoo?" Pahabol ni April. It was just a shallow questions. Walang halong mabigat na hinala. She rest assured that her motion has no wildspread speculation but deep down inside, she was dying with so much anticipation."April," He shortly chewed her name in his savory-look lips as a response and a foxy smile curved in it next.Inalis muli ni April ang helmet sa kanyang ulo at taimtim na hinarap si Wolf. Kung saan mang panig ng Earth nagmula ang encouragement at confidence niya para itanong iyon kay Wolf ay hindi niya rin alam."Gusto ko ng maayos na sagot." Hindi naman siya bossy, ano? Dahil sa timbre ng boses niya kaya napilitan yata si Wolf na burahin ang ngisi sa labi nito.
Don't Mess With The BillionaireChapter 17“PAGOD KA NA BA?” Sumimangot si April nang mahina na namang binunggo ni Wolf ang kaliwang balikat niya. Her arms are folded against her chest. Damang-dama niya ang pagod sa bawat himaymay ng pagkatao niya. It was like she walked a couple of miles already. No water and probably no rest all troughout their endless walk. Her legs seemed to be numbing up.“Are you still mad?” He then again asked her smoothly, wrists still handcuffed. And he did again, dashed his muscled forearm against hers in a lightly manner.“You know what, I can carry you on basta ba tanggalin mo na itong posas. Ayokong nakikita kang pagod at nagsa–suffer. There's only one way I would be glad watching you real tired. That's when after a rough bed—”“Man up, puwede ba? Hindi mo ba talaga napapansin na asar na asar na ‘ko sa
Don't Mess With The BillionaireChapter 18PUEBLO de Supervivencia.Iyon ang malalaking letra na nakasulat sa halo blacklit LED signage na malahigante sa laki na nasa bungad ng divergent village na kanilang napasukan. Buong akala ni April ay normal o vintage village lamang ang tutuntunin nila but she's totally wrong.Hindi lang iyon ang bumihag sa mga mata at atensiyon ni April Rose, maging ang paris na dambuhalang glass craft sa magkabilaang side ng bukana ng village na mistulang mababangis na lobo ay nagpasiklab lalo ng pagkamangha niya sa lugar. The whole damn place is breathtakingly vibrant with those diverse throughfare's glass art decorations around the village. At sa bawat poste ng ilaw sa mga kalyeng madaanan nila ay may nakalawit na mistulang magagarang chandeliers.
Don't Mess With The BillionaireChapter 29FLAKY SHIT!Iyon din ang ibig ihiyaw ni April sa mukha ni Wolf Atlas matapos maialis ang realistic silicone mask sa kanyang mukha. Ngunit umurong ang ano mang maarteng espiritu na kanina’y kumokontrol kay April nang sa muling pagtatagpo ng mga mata nila ni Wolf ay mabagsik na apoy ang tila naroon.Her mouth gaped slightly. Noon niya lamang napansin ang dahilan ng biglang pagiging murderous ng ekspresyon ni Wolf dahil sa mga kamay ni Gino na pumipisil sa nakasalikop niyang mga kamay. As if it was the most unrighteous thing to do.Wolf Atlas’ possessiveness kicking dangerously. And fear burned inside her chest.Tumikhim si April na halos walang ingay na lumabas at sinikap na bawiin ang kanyang mga kamay mula sa comforting hands ni G
Don't Mess With The BillionaireChapter 28HINIHINGAL SI WOLF bago niya nasukol si Caroline at hindi niya namamalayang nakarating na sila sa kanyang lakeside cabin.God, please if this woman isn't going to contribute something good in my present life, then please take her away. Taimtim na panalangin ng malaking bahagi ng isip ni Wolf.Kung itulak ni Caroline ang pintuan ng kanyang cabin ay tila ba ito ang nagmamay–ari niyon.Wolf puffed an exasperated sigh as Caroline forcefully pulled him inside his cabin and shut the door behind in a forceful way too.He could feel his excessive perspiration even when it's cool inside the cabin.“Why are you here, Caroline? What’s with the sudden come back?” He huffed, ball hands into fist. Having Caroline ar
Don't Mess With The BillionaireChapter 27MALAKAS ANG TAWA ng mga kapatid ni Wolf na si Wilde at Waris nang madatnan siya ng mga itong hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso sa Triplets. Sa dumaan na lampas dalawang linggo ay ganoon ang karaniwang scenario sa kanyang condo unit.April Rose is still missing for sixteen days now and multitasking wasn't easy. Gustong panawan ni Wolf ng katinuan nang hindi na umuwi si April. Palagi siyang lutang kapag walang nakatingin ngunit kapag nasa harapan niya ang kanyang mga anak ay iniisip niyang magpalakas ng loob para sa mga ito. Kung gaano siya nanghihina sa biglang pag-alis ni April ay batid niyang triple ang katumbas no’n sa Triplets.Isaalang-alang pa ang mahabang pasensiya na kailangan niyang ibuwis sa pagpapakain pa lamang sa mga anak niya. Lalo na kay Alabama na siyang pinakatireble sa tatlo. May pagkakataon pa na napapasalampak na lamang siya sa sah
Don't Mess With The BillionaireChapter 26HINILING NI GINO na sumama rito si April Rose. Sa pupuntahan nila, doon nito ipapaliwanag kay April ang lahat-lahat na nais niyang mabigyang-linaw. Sa kabila ng matinding confusion sa isipan ni April ay pumayag pa rin siyang sumama sa dati niyang asawa.Iyon ang susi upang matigil ang kalituhan sa isipan niya. Nangangati na siyang pigain ang lahat ng impormasyong ibig niyang marinig mula kay Gino.Makalipas ang halos dalawang oras na biyahe ay inihimpil ni Gino ang sasakyan nito sa tapat ng isang modern duplex house na mapapansing bagong gawa pa lamang.“Pasok tayo.” Imbita ni Gino nang pagbuksan siya nito ng pinto galing sa passenger seat.Tumango siya ngunit hindi nakagalaw nang maglahad ng palad si Gino sa kanya bilang pag-alalay sa kanyang pagbaba.Unti-
Don't Mess With The BillionaireChapter 25BAHAGI ng taonang selebrasiyon ng Atlas Medical Center founding anniversary ang mag-organisa ng Angel Festival. Ang layunin ng event na iyon ay upang makalikom ng pera ang organization para sa cancer treatment, research and awareness.“Alamo, naghihintay na ang Papa Wolf mo sa office niya. Kaya, ‘nak isukat mo na itong costume. Please?”Hindi na matandaan ni April kung ilang minuto na ang inilaan nila para makumbensi si Alamo na isukat ang angel costume na kagaya ng napili ni Aragon. Gladiator inspired iyon. Bukod pa roon ay wala talagang natitipuhan si Alamo sa mga costume na naroon.Hindi na kasi maaaring ipagpaliban ang pagbili ng isusuot ng triplets sa event. Bukas na kasi gaganapin ang naturang event.“Mama, baka po Tasmanian Devil po ang gustong isuot ni Kuya A
Don't Mess With The BillionaireChapter 24NAKAKULONG si April sa mga bisig ni Wolf. Sa higpit ng yapos nito kay April ay pihadong walang sino man o ano mang bagay ang magpapahamak dito.Ilang minuto pa ang dumaan bago naibsan ang pagkagulantang ni April.“She is gone, baby. She's gone.” Wolf's cupping the side of her face, he was looking at her with a glory of affection in his blue eyes.Pinipilit ni April na huwag magpaapekto o patulan ang sinabi ni Gracie subalit hindi niya magawang ipagsawalang-kibo iyon. Kung nasusukat lamang ang pagkalito, marahil ay pumalo na ang nararamdaman niya sa pinakamataas na lebel. Lubhang pinapagulo ang isipan niya ng kaalamang patay si Garett. Kaalamang lubhang mahirap paniwalaan.Paano mangyayari iyon gayong buhay na buhay si Garett?Nagpapatawa ba si Gracie? Puwes
Don't Mess With The BillionaireChapter 23SA ISANG ubod-laking ballroom hall ginanap ang founding anniversary ng Atlas Medical Center. Ang gusaling iyon ay pagmamay-aring grand event place ni Wolf. Tipikal na magarbo at eksklusibo ang pagdiriwang na iyon sa mga mayayaman. Karamihan sa mga panauhin na naroon ay ang mga tanyag na personalidad sa medical field. May ilang celebrity doctor at mga outstanding doctor o surgeon na naitampok pa sa Cosmo o sa ibang sikat na entertainment magazine.Hindi maiwasan ni April na hindi manliit para sa sarili. Kinakabahan siya at hindi pa rin nawawala ang pagtutol ng kanyang kalooban na dumalo sa event na iyon. Kung hindi lang sa pamimilit ni Clemenze na dumalo pa rin siya ay aatras na talaga siya. Ito ang nagligtas sa kanya sa kamay ng peligro kanina."Wala kang dapat na ipag-alala, April Rose. It's an Atlas event kaya natitiyak
Don't Mess With The BillionaireChapter 22"UWI NA LANG po tayo sa 'tin, Mama. 'Di na po ako pramis magdadaldal kasi sira-sira po ang sahig no'ng bahay natin tapos may shower pagka umuulan po. Tapos pramis alagaan ko na po mabuti ang plants natin tapos ako rin po maglalako ng gulay para may rice po tayo. Basta po uwi lang tayo, Mama. Ayaw ko po rito. Ayaw namin ni Aragon dito sa kay Mamang Wolf." Hitik sa luha ang mga mata ng batang si Alabama at animo ay walang makapaghihiwalay sa braso nitong nakayapos kay April.Ganito niya nadatnan sa unit ni Pacifica ang triplets. Mistulang dinaanan ng delubyo ang unit ni Cifi dahil sa nakakalat na mga sira-sirang laruan at basag-basag na palamuti na nakayang lurayin ni Alabama. Nadatnan din nila ang kapatid ni Wolf na si Waris at ang pinsan nitong si Klyde doon na siyang sumaklolo kay Pacifica upang mapatahan
Don't Mess With The BillionaireChapter 21WOLF ATLAS looked lost for a short time before he regained his awareness fully.April pursed her lips into a hard line. In a split second her mouth was dry, her throat too. She wasn't sure if Wolf absorbed everything she had said to him or even understood a slightest part of her exploding speech. It was disappointing that she has no power to read what were inside his head as of the moment.Halos kumislot ang buong katawan ni April nang magkasabay na tumalab ang kaba at hiya sa sistema niya.Siya ba talaga iyon? Did she just confessed what she truly feel straight up to him? What a shame? Gusto niyang magmakaawa sa lupa na lunukin na lang siya ng buo sa mismong oras na iyon."Oh well..." Anyong natapilok ang dila ni Wolf. "I thought... Akala ko ayaw mo sa... Akala ko takot ka do'n