FEW MINUTES AGO…Umakyat sa ikalawang palapag ng mansion si Shiela na karga ang anak habang ang asawa naman ay dumiretso sa kusina para magpasuyo sa katulong na gawan sila ng inumin.Nasa taas na siya nang mapagtanto na hindi niya sigurado kung doon pa rin ba sa master’s bedroom nagkukuwarto si Chris. Mabuti na lamang at humabol ito sa kanila.“Ba’t hindi pa kayo pumapasok?”“Alin ba rito ang pwede namin gamitin na kwarto?” ani Shiela.“Katabing kwarto ng master’s bedroom.” Pagkatapos ay siya na rin ang kusang nagbukas ng pinto para sa dalawa. “Dito ko na piniling mag-stay at malaki ro’n sa kabila, ayokong pahirapan na maglinis ang mga katulong at sandali lang naman ako rito.”Napangiti si Shiela saka nilapag sa kama ang anak. “Hindi ka naman makalat.” Sabay bukas sa bag upang kumuha ng bimpo na ilalagay sa likod ng bata.“At ayoko naman maka-inconvenient sa ibang tao,” ani Chris saka lumapit sa balcony upang buksan ang glass door, pumasok ang sariwang hangin.Parehong hindi nakatingi
MATAPOS ang mainit na pagniniig ng dalawa ay tahimik na lumabas sina Shiela at Chris sa banyo, parehong nakabalot ng tuwalya ang mga katawan habang panaka-nakang pinagmamasdan ang isa’t isa.“Babalik muna ako sa kwarto para magbihis,” ani Chris saka lumabas.Nang maiwan si Shiela ay nagbihis na rin siya matapos kumuha ng damit sa cloakroom. Patapos na siya nang eksakto naman na bumalik ang asawa.Lumapit si Chris sa vicinity mirror, binuksan ang drawer para kunin ang hair blower. “’Lika, patuyuin natin ang buhok mo.”Tumango si Shiela saka naupo sa harap ng salamin. Hinayaan niyang ito ang magpatuyo ng kanyang buhok. Kapag tinitingnan niya si Chris sa repleksyon ng salamin ay tumitingin din ito at titig ng ilang segundo.“May gusto kang sabihin?” tanong ni Chris ilang sandali pa.Umiling si Shiela at pasimple itong tiningnan muli sa salamin saka iiwas kapag nagtagpo ang mga mata nila. Nahihiya siya at nag-iinit ang pisngi kapag naaalala ang naganap kanina. “Hindi pa ba tuyo? Baka kani
KINAHAPUNAN, iyong hindi na gaanong mainit sa balat ang sikat ng araw ay nagpasiya na silang mamasiyal sa malapit lang na mall dahil gusto talaga ni Archie na lumabas. Kaya binihisan na ni Shiela ang anak at nilagyan ng bimpo ang likod dahil madaling pagpawisan, hindi kasi ito sanay sa init ng panahon sa Pinas.“Tara na, ‘Ma~!” excited pang saad ng bata.Napangiti naman si Shiela maging si Chris dahil naku-cute-an sila sa boses ng anak at sa mukha nitong ang lawak ng pagkakangiti.“Okay, aalis na tayo,” hindi pa tapos magsalita si Shiela nang bigla na lamang tumakbo palabas ang anak, nagmamadaling makasakay sa kotse.Si Chris naman ay hinawakan ang kamay ng asawa at sabay silang lumabas ng mansion. Pansin pa nila si Archie na binubuksan ang pinto ng sasakyan sa driver side.“Anak, do’n ka kay Mama,” aniya saka ginulo-gulo ang buhok nito.“Gusto kong mag-drive~!”Hinawakan naman ni Shiela ang kamay ng bata. “Tara, sama ka sa’kin.”“Dito lang ako,” nakasimangot na saad ni Archie sabay b
KULANG na lang ay itago ni Shiela ang mukha sa ilalim ng table. Ang init ng pisngi niya dahil unang pumasok sa isip niya iyong ginawa nila kanina ni Chris. “K-Kumain na nga lang tayo.” Saka nagkunwaring hindi apektado sa sinabi nito.Nangiti lang si Chris at pagkatapos ay kumain na sila.Unang beses na kumain ang bata sa lugar na iyon at nagustuhan naman ang pagkain.“Mama, punta ulit tayo rito,” at nag-request pa nga.Tumango naman si Shiela habang sinusubuan ang anak ng spaghetti. Dahil inuna niya ang bata ay hindi muna siya kumain at mamaya na lang kapag natapos na ito.Pero si Chris, na tahimik lang sa pwesto ay hindi nakatiis at lumipat malapit sa dalawa. Pagkatapos ay kumutsara ng kanin at ulam sabay sabing, “Subuan kita.”Napatitig si Shiela sa kutsara na nasa harapan na niya, kahit nahihiya lalo at marami ang customer ay sinubo niya ang pagkain. “Thank you.”Ganoon lang sila hanggang sa matapos kumain. Pag-alis sa mall ay hindi muna hinatid ni Chris pauwi ang dalawa at nagmaneh
PAGLABAS sa eroplano ay nagtaka si Shiela ng hindi ang asawa ang nakaabang sa kanila kundi si Zia na kasama ang anak nitong si Laurence.“Tita!” Sabay yakap ng bata.Si Archie naman ay nagtaka saka marahang tinulak si Laurence. “’Wag mo yakapin si Mama, akin siya!”Natawa si Shiela maging ang mga kasama sa narinig. Habang si Laurence ay nagkamot lang sa ulo. “Hindi mo na ako tanda, Archie?”Biglang nawala ang tapang ng bata saka nagtago sa likod ni Shiela. “’Ma!” tila naman ito nagsusumbong.Si Zia ay hinawakan ang kamay ng anak. “Baka hindi ka na niya matandaan kaya hayaan mo muna.” Pagkatapos ay hinarap si Shiela sabay yakap. “Welcome back, ako nang pinasundo ni Kuya at hindi na makaalis sa meeting.”Wala naman problema kay Shiela ang ganoon kaya lumabas na sila sa airport at sumakay sa kotseng naghihintay.Habang nasa sasakyan ay nag-aya si Zia na bumisita naman siya paminsan-minsan sa mansion. “Nasabi na kasi sa’min ni Kuya na nagkabalikan na kayong dalawa.”Medyo nahiya naman si S
ESPESIYAL ang araw na iyon dahil ika-tatlong taon kaarawan ni Archie. Ang plano ay sa isang resort sila sa Bohol magsi-celebrate pero hindi naman nila pwedeng iwan si Mario kaya sa mansion na lamang gaganapin. Pagkatapos ay lilipad sila paprobinsya kinabukasan at magsi-stay roon ng isa’t kalahating araw dahil weekend naman.Umaga pa lang ay ready na ang lahat, naka-set na kahapon pa ang canopy tent dahil sa garden ang venue. Mamayang tanghali ang simula ng party para sa mga bata tapos sa hapon hanggang gabi naman ang matatanda.Kasali sa inimbitahan ang mga amigo ni Mario upang hindi naman ito mabagot habang nagaganap ang selebrasyon.Maagang pumunta si Zia kasama ang kaibigan na si Lindsay na siyang kinuha nilang magki-cater para sa pagkain ng mga bata. Sobrang hands-on din ni Shiela dahil madaling araw pa lang ay nagpa-pack na ng gifts para sa mga bisita.Habang si Chris ang siyang nagbabantay sa anak dahil halos tanghali na nang magising matapos umuwi ng madaling araw. Galing kasi i
BLURBSa murang edad ay maagang naulila si Chantal Salcedo nang pumanaw ang Ina, si Aileen dahil sa sakit na cancer. Naulila man ay hindi pinabayaan ng pamilya Cruz ang kaawa-awang bata, na kinupkop at tinuring na miyembro ng pamilya.Habang lumalaki ay naging malapit si Chantal sa tatlong anak. Lalo na sa panganay, si Archie Ralph Cruz. Hindi nagkakalayo ang edad ng dalawa kaya madalas na magkasama.Hanggang ang pagkakaibigan ay unti-unting nagbago at natagpuan na lamang ang mga sariling nahuhulog na sa isa’t isa.Ngunit kailangan na itago ng dalawa ang relasyon dahil sa paningin ng lahat, magkapatid sila kahit na hindi naman magkadugo.Sa loob ng limang taon ay matagumpay na naitago ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang ika-dalawampu’t dalawang taon kaarawan ni Archie. Kung saan ay ipinakilala ang binata kay Heather Cortez, ang napupusuan ni Chris para sa anak.Ang matibay na samahan ng dalawang nagmamahalan ay nagkaroon ng lamat. Sa huli ay napagpasiyahan na lamang ni Chant
ILANG KILOMETRO ang layo mula sa bahay ng mga Cruz ay nakaparada ang isang mamahaling kotse sa madilim na bahagi ng lugar, iyong hindi madalas daanan ng sasakyan at ng kahit sino.Mula sa loob ay maririnig ang dalawang magkaibang boses na kapwa nahihirapan at nasasarapan sa ginagawa habang umu*ngol. Kulang na lamang ay umalulong ang lalakeng nakasandal sa backseat habang hawak sa bewang ang babaeng nakaupo at taas-baba na gumagalaw.“Sige pa, bilisan mo pa,” ung*l na may kasamang daing na sabi ni Archie. Nararamdaman na niyang malapit na siya kaya gusto niyang bilisan nito ang paggalaw.Ang babae naman na nakaupo ay hirap na hirap na sa pwesto, napapagod na rin dahil hindi naman sanay sa ganoong posisyon. “P-Pagod na ‘ko,” hinihingal pang sabi ni Chantal.Umigting ang panga ni Archie, hindi niya gustong doon pa ito tumigil kaya niyakap niya ito sabay ikot para magpalit sila ng puwesto. Ngayong siya na ang nasa itaas kaya malaya na niyang magagawa ang gusto.Inangat niya ang kanan niton
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod