NANG makarating na sila sa bahay, dumeretso na si Lyxelle sa kusina upang magluto ng hapunan nila ni Raziel. Pagkarating kasi nila ay dumeretso ito ng higa sa sofa. Mas napagod pa ito sa kaniya. Kuwento kasi ito nang kuwento. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nakakatawa itong magkuwento. Lalo na at sinasabayan pa nito iyon ng mga facial expressions. Nae-enjoy siya panahong magkasama sila. Komportable rin siya na yari bang wala siyang dapat alalahanin kapag kasama niya ito. May munting boses na bumubulong sa kaniya na dapat siyang mag-ingat dahil kahit anong palagay pa ng loob niya kay Raziel ay estranghero pa rin ito. Subalit mas pinili niyang huwag pansinin ang maliit na boses na iyon. Hindi niya hahayaang masira ang araw na iyon. Maliit lang ang pagluluto kumpara sa tulong na ibinigay nito sa kaniya. Kaya kahit medyo pagod rin siya, ginawa na niya. Iyon ang unang pagkakataon na tumapak siya sa likod ng counter top. Simula kasi nang magising siya mula sa aksidente ay palagi na la
HINDI man gustong aminin ni Raziel, hindi maipagkakailang masaya at payapa ang naging dinner nila kasama si Alexiel. Perpekto na sana ang gabing iyon kung hindi lang dumating ang asungot niyang kapatid. Makakaporma na sana siya kay Lyxelle. Umaayon sa kaniya ang mga nangyayari ngayon. Kailangan lamang niyang akitin si Lyxelle at paibiging muli. Para kapag nagbalik na ang mga alaala nito ay muli siya nitong tanggapin sa buhay nito. Sa pagkakakilala niya kay Lyxelle, kung hindi nawala ang alaala nito nang gabing muli silang maglandas at iniligtas niya ito, magpapasalamat ang dalaga sa kaniya. Subalit hanggang doon na lamang iyon. Pagkatapos nitong magpasalamat ay puputulin nito ang kanilang ugnayan ng tuluyan. May pagkamatigas din kasi ang ulo nito kapag nakapagdesis’yon ito. Hindi rin naman siya sigurado sa kaniyang desis’yon na itago rito ang tunay nilang ugnayan. Kapag kasi bumalik ang alaala ni Lyxelle, dalawa lang ang puwedeng mangyari, mahal na siya nitong muli at hindi na nito
“KUYA, may bulate ka ba sa p’wet?” Masama ang tinging ipinukol ni Raziel kay Alexiel. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkaaliw sa pagiging hindi niya komportable. Sarap tuloy tusukin ng mat anito. Bumuntunghininga siya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali. Ilang araw na siyang ganoon pero mas malala ang araw na iyon. Ni ayaw na nga niyang lumabas ng bahay. Kung hindi lang dahil sa medical examination ni Lyxelle, magkukulong talaga siya sa bahay ng araw na iyon. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lyxelle. Nginitian niya ito kahit pilit. “Yes, I’m fine. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkakaganito ako ngayon.” “Ang mabuti pa siguro umuwi na lang tayo. Para makapagpahinga ka.” Umiling siya. Hindi niya kailangan ng pahinga. Mas ito pa nga ang kailangan niyon dahil kagagaling pa lang nito sa isang malubhang aksidente. Isa pa, ayaw din naman niyang ikulong na lang ito sa bahay. Kailangan din nitong gumala paminsan-minsan para hindi ito makaramdam ng pagkabil
NARIRINIG ni Lyxelle ang malakas na tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Aldin, ayon na rin sa pagpapakilala nito. Dala siguro ng pagkagalak at kaba na rin kaya ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya. Sa wakas ay may malalaman na rin siya tungkol sa kaniyang nakaraan. Kung saan siya nakatira at kung may pamilya bang nag-aantay sa kaniya. Inaasahan niyang may maramdaman siyang kaunting pagkakilanlan pero wala siyang makapang kahit na ano. Wala siyang maramdamang koneksiyon dito. Mas may nararamdaman pa nga siya sa estrangherong si Raziel. Speaking of whom, nilingon niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanila. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin pero wala siyang mabasang emosiyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kaniya ng hindi gumagalaw sa puwesto nito. “Lyxelle?” Nag-iwas siya ng tingin kay Raziel. Nakokonsensiya siya sa sinabi niya rito kanina. Hindi niya dapat sinabi iyon. Ito ang tumulong sa kaniya noong nangangailangan talaga siya ng
NARIRINIG ni Lyxelle ang malakas na tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Aldin, ayon na rin sa pagpapakilala nito. Dala siguro ng pagkagalak at kaba na rin kaya ganoon na lamang kabilis ang tibok ng puso niya. Sa wakas ay may malalaman na rin siya tungkol sa kaniyang nakaraan. Kung saan siya nakatira at kung may pamilya bang nag-aantay sa kaniya.Inaasahan niyang may maramdaman siyang kaunting pagkakilanlan pero wala siyang makapang kahit na ano.Wala siyang maramdamang koneksiyon dito. Mas may nararamdaman pa nga siya sa estrangherong si Raziel. Speaking of whom, nilingon niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanila.Nagkasalubong ang kanilang mga paningin pero wala siyang mabasang emosiyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kaniya ng hindi gumagalaw sa puwesto nito.“Lyxelle?”Nag-iwas siya ng tingin kay Raziel. Nakokonsensiya siya sa sinabi niya rito kanina. Hindi niya dapat sinabi iyon. Ito ang tumulong sa kaniya noong nangangailangan talaga siya ng tulo
"MAY ganitong lugar pa pala sa Pilipinas?” “Kung gusto mo nang umuwi at mag-bathtub, feel free to go home. At saan kaba nakatirang abnoy ka? Likas sa yaman ang Pilipinas.” “Seneryoso mo naman kaagad. Ouch!” Napamura si Raziel nang tumama sa mukha niya ang sanga ng punong kahoy. “Tumingin-tingin din kasi sa dinadaanan `pag may time.” Itulak kaya niya itong CL na `to? Mukhang sinasadya nitong dumaan sa masukal na daanan para lang pahirapan siya. Kanina pa sila nagpaikot-ikot sa lugar na iyon subalit puro pa rin mga puno ang nakikita niya. “Malayo pa ba tayo?” naiiritang tanong niya. Nagsisimula ng mangati ang katawan niya. Gusto na niyang maligo. Pero hindi naman niya hahayaang hindi makita ang lugar na pinagdalhan ng mga hayop ng kidnappers ni Lyxelle. “Malapit na.” Umuklo ito at hinawi ang sangang punong-puno ng mga dahon. Ewan kung ano ang pangalan ng punong iyon. Sinenyasan siya nito. Kaagad naman siyang lumapit at umuklo rin. May itinuro ito, ang kuwebang nabanggit nito. T
"MAY ganitong lugar pa pala sa Pilipinas?”“Kung gusto mo nang umuwi at mag-bathtub, feel free to go home. At saan kaba nakatirang abnoy ka? Likas sa yaman ang Pilipinas.”“Seneryoso mo naman kaagad. Ouch!”Napamura si Raziel nang tumama sa mukha niya ang sanga ng punong kahoy.“Tumingin-tingin din kasi sa dinadaanan `pag may time.”Itulak kaya niya itong CL na `to? Mukhang sinasadya nitong dumaan sa masukal na daanan para lang pahirapan siya.“Malayo pa ba tayo?”“Malapit na.”Umuklo ito at hinawi ang sangang punong-puno ng mga dahon. Ewan kung ano ang pangalan ng punong iyon. Sinenyasan siya nito. Kaagad naman siyang lumapit at umuklo rin. May itinuro ito, ang kuwebang nabanggit nito.Tumayo siya para sana puntahan kaagad ang lugar pero pinigilan siya nito. Sumenyas ito na tumahimik siya. Kaagad naman siyang naging alerto.Titig na titig si CL sa lugar, ang mga mat anito ay sinuri ang kabuuan ng lugar na tila ba teleskopyo ang mga mata nito.“What?”“Hindi ko matukoy.” bulong nito.
NGUMITI si Raziel. Maaaring nakalimutan ni Lyxelle ang alaala nito pero ito pa rin ang Lyxelle na nakilala niya. Alam niyang nainis ito kanina nang hindi kaagad siya kumilos para maligo at nag-antok-antokan lang. Inaasahan nga niya na papaluin siya nito pero pitik lang pala sa noo ang natanggap niya. Masaya siya dahil naroroon pa rin ang dating Lyxelle. Nakikita niya ito paminsan-minsan. Hindi kasi niya gusto ang Lyxelle na nakita niyang muli. Takot at hindi sigurado sa sarili. Gusto niyang bumalik ang pagiging palaban nito. Gusto niyang bumalik ang dati nitong sigla. “Raziel.” Napangiti na naman siyang muli nang marinig ang pagtawag nito mula sa labas ng kaniyang kuwarto. Hindi niya sinasadyang akitin ito kanina. Sadyang na-curious lang siya sa magiging reaksiyon nito. His heart danced when he saw her cute little blush. “Gising na po,” ganting sigaw niya. “Mabuti naman.” Narinig niya ang pagkaluskos ng kung ano. “Bilisan mo na riyan. Nainit ko na iyong mga pagkain na dala ng dad
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil