"MAGKAMUKHA KAYO NG KATULONG MO kapag nakasimangot ka..."Kinagat ni margaux ang kanyang labi para pigilin ang pagmumura. Wala siya sa mood para makipagbiruan at kanina pa sumasakit ang ulo niya.It was almost noon. Pabalik na sila sa villa, at si Rome ang nagmamaneho ng kanyang kotse. Hours had passed since their odd morning, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiintindihan sa mga nangyayari.'Bakit ang dami niyang fake IDs?' Her teeth sank harder into her lips. Wala na siyang pakialam kahit mamutla ang kanyang bibig dahil sa diin ng pagkakakagat niya. Something was definitely not right about everything. May nililihim ang kanyang caro, at hindi basta-basta 'yon. She wasn't born yesterday, sino ba namang normal na tao ang palaging may dalang baril at fake IDs sa jacket nito?"Listen to this, cara. And listen well..." Sandaling lumingon sa kanya si Rome, bago binalik ang tingin sa kalsada. "Oras na lumabas ang panganay natin na mukhang ampalaya, magbabayad ka ng tatlo pang anak
HATING-GABI. HINDI MASABI NI ROME kung kailan nagsimulang manginig ang kanyang kamay habang nakikitig sa maliit na bagay sa kanyang palad. He had spent the whole day guessing about Margaux's weird changes, and God knew how eager he was to find out.Bandang hapon na nang mabuo ang kanyang desisyon at utusan si Lucille na bumili ng pregnancy test kit. Pero ngayong hawak na niya ang resulta ng bagay na kanyang hiniling... Damn it. Hindi siya makahinga.'Positive.' His lips opened and closed in disbelief. Ni hindi na nga niya sigurado kung umaandar pa ba ang oras. Ang alam niya na lang ay nahihirapan siyang hawakang mabuti ang maliit na plastic.'P-positive si Margaux.' His eyes slowly shut when he finally found the strength to grasp the tiny life inside his hand. Then, tiredly, he rested his head against the couch as he tried his best to keep calm. 'No, it's not just her... It's us. Positive 'kami' ni Margaux.'Wala na siyang alam kung kailan siya nagsimulang mamanhid. Tila biglang natun
“GUSTO KO MAKITANG SUOT NINYO ‘YON.” Rome felt his chest tighten. Could he tell his cara about the heavy things pressing him down on that bed? O kaya naman, maari niya bang sabihin dito kung anong sumasakal sa kanya habang nagmamakaawa siyang isuot nito ulit ang damit na ‘yon? He took a deep breath to lessen the pain eating him up. “Please...”“Matagal nang wala ‘yong dress, caro.”Bigong naipikit niya ang kanyang mga mata. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago gumalaw at nilingon ulit ang nag-iisang babaeng kanyang minahal.He saw his cara looking back at him over her beautiful shoulder. Unti-unti bumaba ang kanyang paningin sa likod nito at nagtagal sa dalawang dimples na nasa ibabang bahagi ng spine nito. Then, dotingly, his warm gaze lingered on her hips.The corner of his lips lifted although his smile didn’t reach his sad amber eyes. ‘Nagmamadaling lumaki ang anak ko.’“Huwag ka ngang ngumiti nang ganyan nagmumukha kang sira.” Iritableng boses ni Margaux ang nagpabalik ng p
GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino."Sunugin ninyo," utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.Kawangis ng lugar na 'yon ang langit— kaso may demonyo sa loob."Sunugin ninyo at..." humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. "Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo."..'CAZZATA!' Rome's cuss remained unspoken as he watched his headquarters, 'The Romans', burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.Makapal ang
KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses."Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya."[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]"Natural!" Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. "Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?"[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]"Kaladkarin mo siya pabalik." Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. "Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon."..TUMATAWAG SI ALBERTA.Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.'Sasabihin ko ba kay, Rome?' Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang
MAHIRAP SABIHIN KUNG ANO ba talaga itsura ng impyerno noong mga oras na 'yon. At three in the morning, hell looked nothing like what the bible said. Madilim. Pagkatapos nagri-ring 'yong telepono hanggang may sumagot boses.[Hello? Parating na siya, Panginoon.]"Mabuti."[Gusto mo bong ipasalubong ko siya sa 'yong mga sundalo?]"Huwag. Hintayin mo siyang makapasok sa teritoryo ko."[P-Pero...]"Maghintay ka lang. Hindi maaring hindi siya sundan siya ni Romano."..Pauwi ako sa villa.Hihingi ako ng tulong kay papa.Mahal na mahal kita.—Margaux :)A THREE-SENTENCE NOTE, A LITTLE SMILEY AFTER IT, and her name written using her red lipstick. Iyon lang ang kinailangan para magunaw ang buong mundo ni Rome habang nakatulala sa harap ng salamin.Pagod na pagod na siya. Ni hindi na nga niya alam kung humihinga pa ba ang kanyang kaluluwa. Napakalamig ng mundo, mainit ang mga braso ni Margaux nang yakapin siya nito kagabi. Damn it. Hindi niya sinasadyang makatulog!That was a reckless move. He
NAGLALARO ANG MGA DAGA kapag wala ang pusa. Sa kaparehong paraan, naglalaro rin ang mababang klase ng diyos kapag wala ang Panginoon."Nagpakita na ang batang Montenegro." Maingat na inusog ng nakakabatang lalaki ang itim na pyesang hawak nito sa chessboard. Ilang saglit pa ay hininto nito sa harap ng puting reyna - isang nakapagandang babaeng nililok sa salamin - ang hawak nito."Oh, siya nga ba?" Sumagot ng atake ang kalaro nitong matanda. Ginalaw nito ang puting reyna upang sakupin ang kaawa-awang itim na kawal.That made the young man chuckle. Patamad na sinandal nito ang likuran sa mamahaling upuan bago nag-anunsyo, "Yes, Papa. Natagpuan na siya ng mga kawal.""Molto bien..." Binaha ng galak ang boses ng matanda. Pagkatapos ay ginaya nito ang ginawa ng anak at sinandal ang sarili sa upuan. Bakas ang saya sa kilos nito nang kunin ang kopita sa lamesa at sumimsim ng mamahaling alak. "Kumusta naman ang Panginoon? Nagpakita na ba?""Hindi pa," the younger man answered while giving hi
ALA-SINGKO PA LAMANG NG UMAGA ay umuugong na ang buong villa. The scent of food, combined with flowers, was lingering in the air. Daan-daang lamesang binalutan ng puting linen ang pumupuno sa kabuuan ng bakuran. Nagmistulang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga katulong sa pagbubuhat ng mga pinggan at kubyertos.Mayroon ding isang grupo ng mga musikero na pinatawag ng dis-oras ng gabi. Nagkukumahog ang mga ito sa kasalukuyan habang pag-aralan ang pinakamasalimuot na musikang kanilang tutugtugin sa kanilang tanang-buhay — ang Alla Mia Amata."Tandaan mo. Kapag nagkamali ka nang isang beses ay magbabago ang kahulugan ng piyesa." Sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo ang Panginoon. Pailalim itong nakatitig sa isang pobrerong kaluluwang may hawak ng violin."S-Señor—""Para sa nag-iisang anak ko 'yan..." Alejandro nodded his head as his amber eyes pierced through the trembling violinist's face. Hindi man ito magsalita ay madali namang hulaan na huling piyesa ng kaawa-awang musikero ang Alla Mia