Gabi na pero sa labas ng mansion ng mga Abernathy kasalukuyan pa ring nakaluhod si Lucas sa harap ng gate. Walang kain sa tanghalian, walang hapunan, wala siyang ginawa kundi ang humingi ng tawad sa mahal niya. Through text, call, voice mail ngunit walang responses mula kay Avery. Walang tigil ang pagtulo ng luha niya at sa tuwing naalala niya ang mommy niya, kumukulo ang dugo niya sa galit. "This is her fault..." bulong niya sa sarili. Tumingala siya sa kalangitan, napapansin niyang dila nawawala ang mga bituin, mas nagdidilim lalo pero hindi niya alintana iyon, dahil sa sakit na nararamdaman niya. "I think I'm the son who had the worst parent in the world," bulong pa niya kinakausap ang langit. Tuloy ang agos ng luha niya, para itong gripong tumutulo daan sa baba niya papunta sa damit niya. Ang dami na niyang sakit na pinagdaanan, physically, pero sa emotionally ito ang halos hindi niya kayang tiisin. "Because of her, the girl I love now hates me. My wedding day was ruined, and
Bumabaliktad ang sikmura ni Avery ng gumising siya. Himas-himas niya ang tiyan niyang napagala ang paningin sa paligid. Nakabusangot siyang bumangon at napansin niyang hindi na wedding gown ang suot niya. Napàígik pa siya nang makaramdam siya ng kirot sa ulo niya at nang umalarma ang sikmura niya, tumakbo siya papuntang banyo. Nilabas niya ang lahat ng kinain at ininom niya kagabi. Pagkatapos, naalala na naman niya ang dahilan ng pagpapakalasing niya kaya muli na naman siyang dinalaw ng sama ng loob at humantong na naman siya sa pag-iiyak. "Nakakainis ka!" Pinalo-palo na naman niya ang sink. Nagkakapasa ang kamay niya sa lakas ng palo na iyon na hindi naman niya alintana ang sakit. "Bakit mo ba to ginagawa sa akin? Hindi ko naman sinukat ang wedding gown ah, bakit minalas ang kasal ko? Bakit?!" Sumalampak na naman siya sa sahig at humagulhol nang humagulhol. "Ang sakit mong mahalin Lucas. Ikaw ba ang karma ko? Hindi ba sapat ang sorry ko dati, kailangan karmahin pa ako? Ang haba-
"So now you have time to visit me," agad na sabi ng ina ni Avery sa kaniya nang lumabas ito mula sa selda at naka-posas ito ngayon na nakaupo sa harapan nila ni Gwy. Sobrang payat nito ngayon. "Dalawa pa kayo."Sinamaan niya ito ng tingin at dumugtong pa, "Pero hindi mo ako binisita dito dahil namimiss mo ako kundi dahil may gusto ka na namang isumbat," sabi nito. "Mukhang may pinag-dadaanan ka pa," puna pa nito sa sitwasyon niya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata iyon. "Alam mo ba, ang layo na ng narating ko kumpara sa'yo."Hindi ito umimik, tinitigan lang siya. "Sikat akong doctor at madalas pinipili ng mga taong may mataas na impluwensa, mapanegosyo man o politika. Ganoon ang napapala ng taong may matinong pangarap. Hindi tulad mo, ang dami mong pagsisikap, sinakripisyo pero sa kulungan ang bagsak mo, paano kasi baluktot ang mindset mo," pang-iinsulto na naman niya. "Ave..." suway sa kaniya ni Gwy. "Totoo naman," bara niya, at hindi niya masisisi ang sarili niya kas
Isang araw ang pananatili ni Lucas sa hospital, at kinabukasan, ay inuwi siya sa mansion ng mga Sansmith para ipagpatuloy ang pag-recover. Nakonsensya naman siya dahil sinipon ang mga kasama niya, si Ivan nilagnat din, talagang matibay lang ang resistensya nila Ace and Noah, hindi masyadong natablan, sipon lang. Pero nang maging okay na siya kunti, nagbalak naman siyang umalis para puntahan si Avery pero hinarangan siya ni Uncle Mark niya. "You can't talk Avery this time kasi nasa stage pa siya ng galit niya sa'yo." "She'll hold a grudge against me indefinitely if I give up on wooing her," rason naman niya. "But you can't rush the situation, it will only worsen her mood if you insist now. Soothe her feelings first." Tama ito, kaya napababa siya ng tingin at naiiyak na namang naghaplos ng mukha. "Binisita niya ang mommy niya, for sure doon niya binuntong lahat ng galit niya." "I don't understand why us, have to be involved in our parents' turmoil. They are the ones with issues
Kasalukuyan nanonood ng balita si Avery tungkol sa issue ng kompaniya nila. Busy talaga si Simon sa labanan na ito. Nailabas na nito ang ebedensiya at sa wakas ay napatunayan na hindi tama ang mga paratang ng Cogent sa kompaniya nila. Walang plagiarism na ginagawa ang Abertoy at ang issue na ito ay bumalik sa Cogent dahil sa may umamin na isang shareholder ng kompanya ng Cogent na ang item ay original na idea ng Abertoy. Bukod doon nadawit ang pangalan ng ina ni Lucas na nawawala ngayon at ang suspect sa pagkawala niya ay ang Cogent. Dahil ayon sa shareholder na iyon, alam ni Fatima Carterson lahat ang ginagawa ng Cogent kaya ito ngayon dinukot at walang nakakaalam kung saan ito nakatago. Todo deny naman ang Cohen family na wala silang kinalaman sa pagkawala ng ni Fatima Carterson. "So anong pakulo na naman ito?" tanong ng kaniyang ama habang nanonood ng balita. "Parang kakampi siya na hindi—may alam siya, paano siya nagkaroon ng alam?" tanong naman ng ina ni Gwy. Huminga siya n
Sa isang pribadong kwarto dinala ang kaniyang ina matapos ang operasyon. Hikbi lang siya nang hikbi. Hindi niya inasahan na ganito ang maging reaction niya kapag ito pala ang mag-aagaw buhay. Lumabas na ang ilang doctor sa kwarto, at siya naman dahan-dahang pumasok, narinig pa niya ang boses ni Lucas, "Sorry, I had to do that.""I was insulted," boses naman iyon ni Celestia. "You know that's not my intention," rason naman ng lalaki. Mugto ang mga mata niyang tumingin sa mga ito. "Wag na kayo mag-away, ang mahalaga ligtas ang pasyente," singit naman ni Celestia. "Sorry na kung naramdaman kong nasampal ako ng galing niya. Hindi naman ako galit, pero shempre hindi ko maiwasang sumama ang loob, para kasing pinamukha sa akin na kung hindi ako pinalitan, màmàmàtay ang pasyente," pagkatapos sabihin ni Celestia iyon, tumalikod ito. Pipigilan sana ito ni Lucas pero hinawakan ni Natalie si Lucas kaya ang lalaki napabulong na lang, "I just have no choice...""It's okay, lilipas din iyon," s
Naiwang nakahiga pa rin si Jaxon sa sahig nakangiti kahit puro pasa na ang kaniyang mukha. "You're fired?" sarkastiko niyang tanong sa sinabi ni Lucas kanina at tumawa na parang nanalo na sa lotto. "You can't get rid of me in this hospital, Lucas, because while you're just starting out, I'm already on my way back!" Lumakas ang tawa niya, bumangon siya at hinawakan niya ang dibdib niya. "Imagine, I am just a truth teller, yet that very truth is what will shatter all of you." Para siyang baliw na nagsasalita mag-isa dahil sa nalalapit na tagumpay niya at nagbubunyi na siya. "The wedding is off, of course, Lucas, you cannot proceed with the marriage. And you Cohens, how dare you to attempt claiming our family's property? You even went to great lengths to gain entry. And you, Peter Cohen, you will pay for whatever actions you have taken against Dad! How dare you!" Nanginginig siya sa galit. Kahit gusto niyang mapasakanya ang hospital na ito, mahal pa rin niya ang amang tumayong magulan
Pagkatapos niyang sabihin iyon umakyat siya sa hagdan, lihim siyang napangiti dahil may dugo siyang nakuha sa ama niya. Pumasok siya sa kwarto at sa kabila ng mga pinagdadaanan niya naalala lang niya si Ace, bawat pag-pasok sa kwarto nito, inuutusan nito ang mga ilaw. Bukod doon may secret room iyon sa ilalim. Ang sabi ni Ace walang pinagkaiba ang mansion nila sa mansion ng mga Sansmith. Napatingin naman siya sa paligid, tinitingnan niya ang mga sign sa kwarto na magpapatunay na smart home nga iyon. Pero wala siyang nakita, napakamot siya sa ulo at kumuha na lang ng laboratory tube para ilagay ang dugo roon ng ama niya. Hiniwa rin niya ang daliri niya at nilagay niya rin sa isang tube ang dugo niya at saka umalis na naman. Hindi siya pumunta sa unit niya, kundi pumunta siya sa unit ni Avery. Alam niyang buksan iyon, at pagpasok niya sa loob walang robot na sumalubong sa kaniya. Nasa tabi lang ito ng couch, halatang lowbat. Hinanap niya ang charger at ni-charge niya ito sandali.