Eros POV
I was just sitting right there at the portion of the university convention center na medyo malayo sa pwesto nina Erza kaya naman kitang-kita ko, malinaw na malinaw na nasisilayan ng mga mata ko ang bawat reaksyon nya, yung ngiti at tawa n'yang ang sarap pagmasdan. She looks hot, fierce and sophisticated with her formal suit—a pencil cut black skirt paired with a black coat and red tube inner. Supposed to be, hindi naka sara ang coat nya para ma-expose ang figure nya pero mukhang hindi sya komportable sa gamoong ayos kaya isinarado nya which make her look like a strict prof in their major subject who happened to be having fun in a casino. Hindi ko naman maiwasan na mamangha at the same time ay matuwa sa kanya. She looks so innocent yet very intimidating, pero syempre dahil mga si***lo ang mga kaibigan nya kaya imbis na ma-intimidate sa ayos nya ay nagtawanan pa nga sila. Teasing her, bowing their heads, greeting her for being inside the casino, hindi lang mga kaibigan nya kundi pati na din ang mga kaklase nya. Tawang-tawa din naman sya sa mga sinasabi ng mga kaklase."Good afternoon ma'am, I hope you enjoy your night" biro pa ng isa sa mga kaklase nya. How I wish I was as close as that of her friends and classmates. Sana ay maka biruan ko rin sya ng ganyan, makausap nang malapitan. Sana makasama ko din s'yang ngumiti at tumawa ng ganyan, mayakap at mahagkan. She looks so carefree, iyon bang parang walang problemang aalalahanin, sobrang inosente sa madilim na bahagi ng mundo, inosente, malaya at malayo sa karahasan at kasakiman. But I know more than anyone else na may malaking pangyayari na magaganap sa buhay nya, maaring magbago sya o mananatili s'ya sa kung sino sya ngayon. Sa oras na malaman nya ang nakaraan nya, malaman nya ang buhay nya, kung ano at sino sya ay siguradong malaki ang mababago. And I just hope that it's not her feelings for me."Uyy dude, alam mo kung nakakatunaw lang yang titig mo, matagal nang ubos yang bebe mo" untag sa akin ni Drake na muntik ko nang ikinatalon. Tumawa naman sya at sinabing para naman daw na hindi ko naramdaman na nariyan sya. I frowned at that, maybe I was just too focused on Erza."Pwede ba tigil-tigilan mo ko Drake. It's the least I could do aside from waiting for her to come to me" Tumawa lang naman si Drake sabay i-iling iling."Of course you could do something aside from waiting" he said which makes me think."At ano naman yun?" I asked him dryly.Ngumisi naman sya sakin. D*mn, mukhang may binabalak tong b*liw na to ah, sana naman hindi masama kasi baka imbis na mapalapit ako kay Erza eh lumayo pa tuloy."Flirt with her, or either show her na interesado ka sa kanya, yun lang. Get close to her then, court her. The end" he said like it was really an easy thing to do."F**k you dude, kala mo naman ganun kadali yun. You know how dense she is, iba ang takbo ng utak nun, baka ma-misinterpret nya lang ang effort ko""Gago edi klarohin mo sa kanya. Sabihin mo sa kanya in a way na maiintindihan nya talaga, ikaw na mismo nagsabi na iba ang takbo ng utak nya diba? So find a way to tell it clear to her, clear your intensions"Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Drake. As if naman ang dali eh no. Tss, edi sana matagal ko nang nasabi sa kanya ang mga bagay na dapat n'yang malaman. Sana nga ganun na lang kadali.Erza's POV"Hi ma'am good evening haha""Ma'am, enjoy ka ah hahaha""Ma'am naligaw ka ata haha"Pang-aasar ng mga kaklase ko na syempre ang mga buang kong kaibigan ang nagsimula, sila lang naman ang pasimuno ng mga kalokohan eh."P*taa Scar para kang prof sa ayos mo""G*go ka talaga buwan, kahit kelan hahaha""Amp*ta hoy bata, para kang si prof natin sa major haha"Mga abn*y talaga sila kahit kelan, dinamay pa ako. Tama lang naman yung suot ko eh. Masyado lang silang b**ng huhu malay ko bang nagmukha pala akong prof namin sa suot ko ha? Di ko naman knows eh huhu. Pero ang mga walang hiya lalong lalo na yung mga a**o na kaibigan ko ang lakas-lakas ng tawa, huhu mga b**ng talaga, wala man lang moral support sa akin.Tss, kabagin sana kayo sa kakatawa mga p*sting g**tay uy."Woi ano ba kayo tama na nga yan, tampo na sya oh haha" asar pa ng isa sa kaklase kong hindi ko na alam kung sino kasi dun ako naka-focus sa isang tao sa may gilid ng convention center's wing, with his silver and black colored button down polo and black slacks. And as usual, wearing his eyeglasses na ala-harry potter hehe. Oh di ba ayus ng english ko? Hehe nabasa ko yan eh, ginaya ko lang, di ko naman gets yun haha. Matanong nga si dugo mamaya kung ano ibig sabihin nun, pero sana sagutin ako ng maayos nang hindi binabatukan, alog na alog na ang utak ko sa kanila eh."Ayy taray sis nakatulala na naman si madam" biro ni himpapawid sa akin pero syempre dahil dakilang snob at strict ako for today's video ay di ko sya pinansin. Di ko pa rin sila bati ko hmp."Who's you're looking at ba? Is that the Eros guy na naman? The one na nagsauli ng book mo nung last time? You know he's so gwapo ha, kahit na with glasses on pa" and of course wala namang iba ang may sakit na ka-conyo-han kundi si Yannah Woodson also known as anak ng kahoy."Uyyy si buwan nagdadalaga na" asar pa ni Vendrix ang Singkit na nawawala ang mata pag tumatawa."Shut up you Singkit, wag ka ngang tumawa nawawala kasi ang mga mata mo eh" asar na sabi ko naman sa kanya pero ang buang lalo lang tumawa. Grrr pigilan nyo ko sasakalin ko talaga yang Singkit na yan, nanggigigil ako eh."Hahaha pikon ka girl?" asar pa nila hmmpp..Kaya out of fruit station?? Fustiso? Fruit salad? Frust-- frust ahh basta yun na yun, para akong nainis kaya bigla na lang akong tumayo at saka naglakad palayo, malayo sa mga a**o na iyon. I need fres, presh na hangin kasi. huhuhu amp ang bad nila. Pinagtutulungan ako huhuhu."Hala g*go, nag walkout na yung bata, hoy lagot na""Oh my, did buwan just walk out walk out her a*s sa atin? Did we, uhm you know, naubos ba natin yung patience nya?""Hala gagi paktay tayo n'yan galit na yata sa atin si buwan""Amp*ta nagtampo na, lagot tayo"Bulungan pa nilang apat pero dinig na dinig ko naman. Huhuhu ang sama nila, ang pangit nila ka-bonding huhu. Kaya tuluyan na akong lumabas ng UCC para magpahangin sa labas, tumingala ako sa maliwanag na kalangitan, hindi ko alam pero kumalma ako. Hay buti na lang. Nang tuluyan na akong kumalma ay naisipan kong bumalik sa loob kasi naman eh, may attendance check pa daw kuno mamaya, huhu nandito lang naman ako para sa attendance eh, baka mamaya may fines pa pag hindi ako nag attend, tapos ang mahal pa naman ng mga singilan nila, nakakabutas ng bulsa, tapos wala pa akong pera. I look like a begging in the straight (translation: beggar in the street) pag ka ganun nga ang nangyari. Pabalik na ako sa loob kasi naramdaman kong nanuot na kalamnan ko ang lamig, nang makarating ako sa entrance ng UCC ay napansin kong mas marami na ang mga tao sa loob ng UCC kaysa sa kanina, may mga nag gatecrash ata. Ay teka ano ba yung gatecrash? May crush dun sa gate? Aba ewan ko din sa mga term nila eh, pang alien ata eh. Since medyo punuan na ay nahirapan akong sumiksik para lang makabalik doon sa pwesto namin ng mga baliw kong kaibigan kanina. Pero maya-maya pa ay medyo lumuwag naman na ang hall nang rumampa na yung mga kandidata para sa Mr and Ms CAS ewan basta may ganung ka-ek-ekan sila eh, nagsi-upuan na siguro iyong mga tao kanina kaya ayun nakahanap ako ng tyempo para lumusot pero sa kasamaang palad may biglang bumangga sa likod ko dahilan para mapabilis ako ng lakad sa unahan at di ko namalayan na nawalan ako ng balanse at kamuntik-muntikan pang bumunggo dun sa kaharap ko at ang malas pa dun muntik ko nang mahalikan yung lalaking nakaupo sa unahan ng nilalakaran ko, yung mismong kaharap ko ngayon, konting-konti na lang ay mahahalikan ko na sya kung hindi nya lang ako sinuportahan, kung hindi nya agad nahagip ang mga braso ko para hindi ako sumubsob. Tiningnan ko kung sino ang taong muntik ko ng pag-alayan ng unang halik, pero nang makita ko ang mukha nya ay nawindang ang buong pagkatao ko at parang naghinayang? Eh? Aba ewan.'T**na, bat muntik lang? Ayy sayang naman di natuloy huhu si krass na yun eh.Sa sobrang hiya na naramdaman at init ng pisngi ay umatras ako pagkatapos ay mabilis na naglakad pabalik sa pwesto namin ng mga kaibigan, hindi alintana ang mga nababangga ko sa bilis ng lakad ko. Huhu bahala na si batman basta makalayo lang ako kay krass. Hiyang-hiya na ako eh.Sinapok ko ng mahina ang sarili ko sa naisip. G*ga ka talaga Erza eh no, ipapahamak mo pa sarili mo dun sa krass mo eh. Pero kasi naman di ba? Sayang din yun eh hihi. Pero nakakahiya talaga sya, gusto ko na lang na magpalamon sa lupa sa kahihiyan.Nang nakabalik ako sa pwesto namin kung saan naroon ang nga kaibigan ko ay mukhang nakahinga sila ng maluwag dahil alam nilang nagtatampo ako ng konti sa kanila. Pero agad ding napawi yun nang makita nila na para akong maiiyak."Hala buwan, anong nangyari sayo uy? Tampo ka pa rin ba sa amin?" tanong ni Vendrix slash Singkit sa akin. Agad naman akong umiling para hindi na sila ma-guilty pa. Hindi naman nila kasalanan eh. Kung tutuusin wala namang mali. Ako lang naman yung grabe maka react. Hindi ko lang naman naisip na magiging ganun yung tagpo sa pagitan namin kanina ni krass eh."Hala eh bat ka naiiyak bata" sabi naman ni Sky slash Himpapawid sa akin."Oo nga Moon, you look like a tuta na malapit na mag cry" pansin naman ni Yannah slash anak ng kahoy ang babaeng may sakit ng ka-conyo-han.Huhu Yannah ang sakit mo namang magsalita, tuta talaga?"Wag mo masyado lagyan ng English baka mas lalong umiyak yan" sambit naman ni Zein slash dugo. Huhuhu ang bad nya talaga sa akin. Alam ko naman na b*bo ako eh, wag naman sana nya ipamukha."Hala b**ng ka dugo" si Sky"Wahhhh" umatungal na ako dahil dun na agad naman akong niyakap ng mga abno."Shhh tahan na buwan uyy, baka sabihin nila inaaway ka namin""Oo nga buwan, stop crying na, you're making the tao around us titig na, we're gonna hakot their attention"Sa sinabi ni ay mas lalo akong naiyak pero hindi na ako umatungal kasi kahit anong gawin ko di ko parin sya maintindihan."Eh ano ba nangyari?" tanong sa akin ni dugoIkinwento ko naman ang nangyari kanina malapit sa entrance ng convention center, iyong kamuntik-muntikan na akong masubsob sa taong gusto ko, na muntik na kaming m********n este maglapat ang mga labi sa sobrang lapit namin kanina pagkatapos ang paglakad ko palayo rito. Pero ang mga b*ang, hindi man lang nakisimpatya sa akin kung hindi humagalpak lang sa tawa. Kaya naman tuluyan na akong naasar at nagtampo sa kanila.Huhuhu di ko sila bati. Hindi ko sila bati kahit na suhulan pa nila ako ng sandamakmak na chocolate, hindi nila ako madadala sa mga ganoon, hindi sa kahit na anong pagkain. Hmp, bahala kayo sa buhay n'yo.Erza's POVMaaga pa lamang ay nasa campus na ako at papunta na rin sa mismong department building namin. Pagkatapos nang gabing iyon kung kailan naganap ang CAS acquaintance party namin ay balik na ulit sa usaping academic ang lahat. Kasi naalala ko na may exam pa raw kami eh kaya nga inagahan ko na ang pagpasok kasi kung hindi puro sermon na naman ang aabutin ko sa apat na mga abn*ng kaibigan ko. Pagkarating na pagkarating ko mismo sa labas ng CAS building ay natanawan ko kaagad ang mga b**ng, nasa gilid sila ng lab room na magiging exam room daw namin. Ewan ko ba, paano kaya nila yun gagawin? Paano magiging exam room iyong lab room namin? Ano yun magic? Ay basta hayaan ko na sila nakakawala ng utak eh, kahit hindi ko alam kung mayroon pa ba ako n'on?"Good morning singkit, good morning himpapawid, good morning anak ng kahoy at good morning din sa iyo dugo" masayang bati ko sa kanila isa-isa. "Good morning din bata" si singkit slash Vendrix ang unang bumati pabalik habang nakangiti
Third person POVNapatango si Erza sa sinabi ng kaibigan since sya lang naman 'yong hindi agad naka gets sa pinagsasabi nila. It was indeed a mystery that they need to point out. Pero tama nga bang sila ang lumutas ng pangyayaring ito? Little did they know that someone from somewhere is watching them secretly. "Hmm. Let the chase begin" declared by a voice in silence. Kakabalik lang ng magkakaibigan mula sa hospital nang may nahimatay na namang mga estudyante at ang kaso ay pareho lang din ng kanina. They were both grasping for a bit of pulse to save the students but sadly their conditions get critical, mas lalo lang lumala ang nangyayari kaya naman nang mabalitaan ito ng University headmaster ay agad na ini-lock down ang buong campus para sa kaligtasan ng lahat. They were advised to stay at their dorms and boarding houses while some locked up themselves at the hotel inside the campus. Meanwhile Eros and Drake readied themselves for a fight that has been indirectly launched by some
Erza's POV"Bampira ako" napatitig ako sa kanya kasi masyadong seryoso ang pagkakasabi nya. Teka teka tama ba talaga yung pandinig ko? Bampira as in vampire, yung gaya kay Edward Cullen sa Twighlight Saga? Akala ko si Harry Potter yung idol nya pero mali pala ako, kalahi pala ni Dracula ang nais. "Wehh? Sure yan? Legit? Talaga? Walang halong biro? Peksman mamatay man?" pag-uusisa ko sa kanya hihi naninigurado lang baka kasi jino-joke joke times nya ata ako basta baka binibiro nya lang ako. Natawa naman sya sa inasta ko, luhh krass enebe wag ka nga ganyan huhu nanganganib na yung puso ko eh amp. "Yeah" he replied earnestly, teka ano yung earnestly? Pangalan ba yung ng birds nest? Teka matanong ko nga mamaya kay birdie the bird. "Okay" sagot ko naman. Pero totoo? Bampira talaga sya? Wahh ang astig. May powers powers kaya sya gaya nung sa Twighlight na movie? Napatitig naman sya sakin na para bang hindi makapaniwala sa inasta ko. Luhh ano problema mo krass? "What hindi ka man lang m
Eros POV"You mean we will work together unboxing the mystery behind those students who collapsed at almost the same time?" I asked him dryly but the brute just shrugged his shoulders with a smug face but later on he nods his head in confirmation. It seems that he left me with no choice but to agree with what he was planning to do. I nodded in response and stare at him. But that was cut when I heard my baby speak up. "Ay teka teka. Teka lang Mr. Hindi ko kilala kung sino ka mang kaibigan ni krass" she interrupted, I was amused by her choice of words, mukhang hindi nya pinag-iisipan ang sinabi at kusa lamang itong lumabas sa bibig but it made me smile, even her unconscious self likes me a lot huh. That made me proud, at least my feelings for over centuries were not completely unrequited after all. And it seems like may kakaibang hangin na naman ang pumasok sa utak nya. "Yes Miss Erza" Drake responded earnestly and respectfully. Hmm buti naman kasi kung hindi, I wont think twice to st
Third person POV In a magic world, the other dimension of the world where human lives, there were mythical and powerful creatures could be seen in a dark fortress of a lost, unknown and non-existent kingdom to human being. Inside the fortress there were two powerful and legendary witches of their time could be seen sitting on their thrones. One is at the left, a vacant throne which is much bigger than theirs is at the center, then the other one us at the left side. At the center throne, a black crystal could be seen, in which their late queen was stored. Nasa loob lamang ng bolang kristal na iyon ang kanilang reyna matapos nyang maisagawa ang sumpa mga daang taon na ang nakalilipas. "Makinig kayo" isa sa dalawang witch ang nagsalita sa mga kapwa nila witch din pati na sa mga kaluluwang ninakaw nila mula sa mundo ng tao. "Kailangan nyong kumuha pa ng mga kaluluwa sa mundong ito upang nagkaroon tayo ng sapat na lakas at enerhiya para mahanap ang nag -iisang ENCHANTRESS sa lalong ma
Erza's POVHindi ako mapakali sa kama. Ang utak ko ay naglalakbay pabalik sa nangyari kanina. 'Hindi, hindi. Pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko' naisip ko. Pero alam kong kahit na anong pilit ko ay hindi ako nagkakamali. Si anak ng kahoy at dugo yun. Si Yannah at Zein iyong nakita namin kanina. Kitang kita ng dalawa kong mata, at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko kasi kilalang kilala ko ang mga yun eh, base sa pag oobserba ko sa kanila, sa lahat ng galaw nila, kahit pa anino nila ay malalaman ko kung sila ba. At masakit, ayokong tanggapin na sila nga. Hindi ko aakalaing magiging traydor sa kapwa tao ang dalawa sa mga itinuring na kaibigan ko, o kaibigan ko pa nga ba ang mga yun? Ngayon ay nagdududa na rin ako kung tama ba ang pagkakakilala ko sa kanila. Malamang hindi, malamang isang huwad na katauhan lamang ang pinakita nila sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na sila nga 'yon, hindi, mas tama sabihing hindi ko gustong tanggapin. Ayoko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko
Third person POV The night was dark, the thick fog surrounds the whole area, the moon is barely seen as well as the stars in the skies. Masyadong mapanganib ang paligid lalo na pag gabi pero tila ay balewala lamang ito para kay Erza. She is out to seek answers, na alam naman nyang hindi sasabihin ng dalawang bampirang kasama. Maya-maya pa ay umihip ng malakas ang hangin kasabay ng pag-alulong ng aso. "Wahhh, katakot naman huhu. Bakit nga uli ako lumabas?" tanong nya sa sarili. "Ayy oo nga pala, para maghanap ng kahit na anong kasagutan sa lahat" dagdag nya pa habang tumatango tango na tila ba ay kinakausap ang kanyang sarili. Umalulong ulit ang aso kaya mas lalo syang natakot at niyakap ang sarili. "Huhu, kasi naman eh. Bakit ba kasi nagsi-sekreto yung dalawang bampirang yun? Yan tuloy" paninisi pa nya sa dalawang bampira na ang tinutukoy ay sina Zeke Eros at Drake. Patuloy lang sya sa paglalakad kahit pa gusto na nyang tumakbo sa takot. Nanginginig pa sya at mangiyak-ngiyak na,
Erza's POV Nagising ako nang maaliwalas ang pakiramdam, may maramdaman din akong matigas na bagay na nakapulupot sa bewang ko. Gusto kong sumigaw sa pagkabigla at sa sobrang pagpa-panic pero pakiramdam ko ay pamilyar sa akin ang amoy at ang disenyo ng paligid. 'Eros' iyon agad ang unang pumasok sa isipan ko. Oo nga pala, naalala kong ito nga pala ang kwarto ni Eros. Iginala ko ang paningin upang mapatunayang naririto nga ako sa kanyang silid at hindi isang ilusyon lamang. 'Buti naman at kwarto ni Eros' nakahinga ako ng maluwag dahil sa realisasyong iyon. Nagbalik sa kasalukuyan ang aking diwa nang maramdaman kong may humapit sa bewang ko na isang matigas na bagay, tiningnan ko ito at napag-alamang braso pala iyon ni Eros. Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Ibig bang sabihin ay magkatabi kaming natulog sa kama nya? Wahh, ano ba ang nangyari?Nagpa-panik na ako at hindi mapakali sa kama habang nasa mga bisig niya. "Binibini ang ingay mo, gusto ko pang matulog" ang a
Erza's POV Nagising ako dahil sa isang pangahas na pinaliliguan ako ng halik sa buong mukha, pilit ko itong iwinawaksi pero patuloy pa rin ito sa paghalik sa akin. Inis na iminulat ko ang mga mata at nakita ang walang hiyang pumutol sa tulog ko. There I found the downright gorgeous man who always appear in my dreams back then. "Hmm, baka nananaginip lang ako" bulong ko sa hangin at muling ipinikit ang mga mata para matulog. Hindi ko rin alam kung bakit, kung ano bang ginawa ko at pakiramdam ko ay wala akong lakas, masakit rin ang buong katawan ko. 'panaginip lang to Erza, kalma' saad ko sa isipan habang pinipilit ang sarili na matulog muli. Ipagpapatuloy ko pa sana ang naudlot kong pagtulog nang may marinig akong malutong na halkalak dahilan para magising ang diwa ko. My eyes opened wide and turned to my side where I heard that laugh and there I found Eros lauging heartily. Babangon na sana ako para sapukin sya pero bigla akong napabalik ng higa dahil sa sakit ng katawan ko. Agad
"Mula sa liwanag, isisilang ang buhay na mahika" basa niya rito at napakunot noo. "Huh? Paano isisilang ang buhay na mahika mula sa liwanag? Mabubuntis din ba ang liwanag?" I gave her my deadpan look, making her pout. And here I thought she had already developed her mental ability. Why does she take things literally again? "Ano? Curious ako ah, like paano ba kasi iyon?" nakangusong tanong niya na ikinailing ko na lamang. Tss, wala na talagang pag-asa ang utak ng isang 'to. Buti na lang mahal ko. "Hindi kasi literal na ang liwanag ang magsisilang. Isipin mo nga ng mabuti. Mabubuntis ba ang liwanag? May nakita ka na bang liwanag na nanganak?" "Kaya nga kita tinatanong eh kasi hindi ko alam at wala pa akong nakita. Tinatanong kita kasi baka sa ilang daang taon mong nabubuhay sa mundo eh may nakita ka na" napaamang naman ako sa sinagot nya. At talagang ji-nustify pa. Pigilan mo ang sarili mo Eros, mahal mo 'yan. "Eh hindi ba nakinig ka sa sinabi ni Lilliana kanina? Ano ba ang sinabi
"Eh iyong tungkol sa orakulo pala. Ano ba talaga ang nakasaad sa orakulo?" takang tanong ko. Kasi kahit anong arok ko sa aking isip ay hindi ko maintindihan. "Tungkol sa bagay na iyan, hindi ko masasagot. Ang orakulong tinutukoy mo ay orakulo para sa mga bampira, lalong-lalo na sa hari nila—si Zirconis Eros Claveria" sagot ni abuela dahilan para mabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko. "Kamatayan" malamig na saad ni Eros na s'yang ikinatigil ko. Bigla akong nakaramdam ng panginginig at takot nang marinig ang salitang kamatayan mula sa mga labi ni Eros, idagdag mo pa ang nagyeyeko niyang boses. Ramdam ko ang panginginig ng aking buto at kalamnan dahil doon. "Kamatayan ang s'yang naghihintay sa dulo kapag nagtagpo ang landas ng haring bampira at nang itinakdang enchantress ng mga witch at wizards" dagdag nito kaya mas lalo akong nanginig at natakot. "Ang dalawang bunga ng sumpa ay magtatagpo ayon sa itinadhana. Ang dalawa ay magiging isa. Pagkawasak ng mga pising nakabigkis.
Erza's POV Ang dami kong nalaman sa araw na ito pero iyong utak ko hindi pa yata napagod. Naglalaro pa rin sa aking isipan ang sinasabi nilang propesiya at iyong orakulo na sinasabi nila na may kinalaman sa akin. Ang propesiya na ang tinutukoy ay ako at ang orakulo na may kinalaman sa haring bampira at ang enchantress sa mundo ng mahika. My kind was clouded with too many thoughts and it can only be answered by the elders. 'Elders? Pfftt, si abuela pati na rin si Eros, matanda na rin 'yon eh at saka si Drake haha' I laughed at my own thought. Well matanda naman talaga sila eh, hindi lang halata sa mukha kasi nga mga imortal. Si abuela, hindi naman siya mukhang lola eh, parang tita lang kasi siya kung titingnan, si Eros at Drake naman ay parang kasing edad ko lang, kung pagbabasehan ang mukha. "Hmmm" I faked a cough to gather my thoughts, kanina pa pala sila nakatingin sa akin nang hindi ko man lang namamalayan. "Tungkol nga pala sa sinasabi na propesiya at orakulo. Uhmm, ano" I hesi
Eros' POVI can't help but to be amazed at Erza and her genuine reaction. Nakakatuwa ang bawat inosenteng ginagawa niya, ang paghanga na sumasayaw sa kanyang mga mata habang parang namamasyal na inilibot ang paningin paligid. "Wahhh ang ganda" hindi mapigilang komento ni Erza na ikinatuwa ko pa lalo. Ilang beses na niyang sinasabi na maganda ang paligid. Oo maganda ang Claveria, I have to admit that my kingdom is indeed a beautiful sight because even me, I love watching the whole kingdom, I am always enchanted by it's beauty. Pero di hamak na mas maganda ang De Luna Clan noong panahon na ang abuela ni Erza pa ang namamahala, at nangangalaga sa mundo ng mahika. I wanted to tour her around the kingdom, but it's already late and I badly wanted to take a shower before going to the dining hall for dinner. So I decided to go to my chamber and take a little rest. Para na rin makapagpahinga si Erza mula sa pagod na dinanas niya sa araw na ito. She had spent too much energy already upon doi
Erza's POV Eros was there looking at the glowing lights from afar. I look at the view he was looking at and I was in awe with how beautiful my eyes saw. It was so magical, the lights are glowing everywhere in a gothic castle at the center of a city like place, it was more like a kingdom. The structures are in gothic art style which means it was built long time ago. The dark castle glowed in the dark night as the lights are sparkling up to the sky like there's a feast in it. Hindi ko maiwasan na mamangha sa ganda ng tanawin na nakikita ng mga mata ko. It was one of the most enchanting place I have ever seen. "Beautiful" I murmured upon looking at the castle. "Yeah. But your castle in your clan is much more beautiful and fascinating than mine, well it was before. When your abuela was still the one who rules over your clan. Now it looks like an abandoned castle, a ruins. But it was still beautiful" he uttered looking at me. "Really?" I asked curiously. Now I wonder how my clan looks
Erza's POV And so we continued the rite of passage, with me being at the center of the mini bonfires formed in a circle. Abuela, Eros and Drake were there watching me, and will witness me, reaching the peak of my power as an enchantress of our clan, o kung may clan pa man akong babalikan. Muli ay isinagawa ko ang ritwal na pinag-aralan ko at sinambit ang enchantment that will serve as my key to acquire my full power. "Power of Enchantress hear my call, I, Erza Scarlet Moon, the successor to the imortalis curse and power, a reincarnated soul of the direct descendant of the first Enchantress. Power of Enchantress hear my call, your mistress summon you. Come forth and take over me, embrace me with your curse and power. Power of Enchantress hear my call, the imortalis curse and power, the eternal power and the curse of immortality embrace your mistress, your enchantress. Follow thy command" sambit ko ng buong puso at saka ipinikit ang mga mata pagkatapos ay muling iminulat ang mga mata
Third person POV Hindi na muna inisip pa ni Lilliana ang tanong sa isip nya. Baka nga ay dahil lamang iyon sa kalikasan ng kanilang kapangyarihan kaya ganoon. Ang mahalaga ay naabot na nila ang sukdulan ng kanilang kapangyarihan. Hindi rin naman alintana pa ni Luciana ang naging pagpapalit ng kulay ng kanilang kasuotan sapagkat naisip nyang bumagay din naman sa kanya. Subalit hindi ganoon ang naisip ni Zaffiro. Nangangamba sya na magaya sa kanya ang kaisa-isang babaeng minahal. Maging kagaya nya na isinumpa, may sumpang kakambal sa kabila ng taglay na napakalakas na kapangyarihan. Matapos ang pagkamit ng kapangyarihan ng Imortalis ay nagdesisyon ang dalawa na umuwi na sa kanilang angkan upang isagawa ang pagpili ng mga nakatatanda sa magiging pinuno ng mga salamangkero at pamunuan ang mundo ng mahika at salamangka. Hindi na inisip ang naging resulta ng pagkamit nila sa Imortalis, bagay na dapat ay mas pinagtuonan nila ng pansin. Dahil ang inakala nilang simpleng pagpalit lang ng kul
Erza's POVMay mali ba roon sa ginawa ko? Parang wala naman ah? Bakit ba sila tumatawa? Mukha na ba akong clown sa paningin nila? Wahhh ang sama nilang lahat, di ko sila bati. Maya-maya pa ay nawala na ang mga apoy na nakapalibot sa akin. Samantalang sina Eros at Drake ay natatawa pa rin hanggang ngayon, pero ako eto masama ang loob kasi bakit nagkaganoon? Pinag-isipan ko pa naman iyon. Nagsayang kaya ako ng utak para doon. Napanguso na lang ako. Amp di ko talaga sila bati. At saka bakit hindi gumana? Awts iyak Erza, iyak. Nang mapansin nila ako ay saka lang sila tumigil sa pagtawa at tiningnan ako. Seryong seryoso naman na nakatingin sa akin si Abuela pero hindi nun naikubli ang munting pag-iiling iling nya. Sina Eros at Drake naman ay tumgil na sa kakatawa pero pansin ko pa rin na nakangisi sila pag hindi ako makatingin. Tss, may mali ba dun sa ginawa ko? "Apo halika nga muna" mahinahong tawag sa akin ni abuela. Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nya at naupo sa kanyang tab