"YOU'VE got a nice name! Tapos sasabihin mo pa na Foot ang pangalan mo."
I shoved the dry leaves that were scattered intentionally in the entrance of my cave. Almost every day, I get these pieces of rubbish from childish creatures living downtown, such as humans. Hindi naman talaga sila nakatira sa gubat pero sinasadya nilang umakyat para pagtripan ang nananahimik kong buhay.
Mga isip bata.
"Do you know what the name Aurora means?"
"Not interested," I plainly stated bago lumabas sa kweba.
I roamed my sight to the bushes hoping to see the odd wolf once more. I don't know but its presence felt so familiar. Especially its eyes... If I could just catch it without the annoying Milka freaking out.
"Alam mo, your name kinda sounds intimidating when mentioned, weird isn't it?" rinig kong sambit ni Milka mula sa likuran ko.
"Not really." Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na puno mula sa kweba. Nothing's weird with my name, just the sound of it. It's in our nature, after all.
"Don't you wanna go home?" I asked in a not-so-friendly tone.
"Grabe ka, gusto mo na ba akong umuwi? Hindi ka ba nabo-bored mag-isa?" She clicked her tongue and walked towards me. She, then, clung her arms onto mine.
Hindi na ako nag-abalang sumagot at hinayaan nalang siya. Uupo sana ako sa may kalakihang bato nang mayro'n uli akong naramdaman kaya'y napahinto ako. That presence again. Bakit ba iba ang pakiramdam ko do'n? It feels like the wolf did not left — not yet. I bet my life that it's watching me from afar.
Tumuwid ako ng tayo at tinanggal ang braso ni Milka bago pumikit.
"Anong ginagawa mo, uy?" tanong nito na hindi ko na binigyan ng pansin.
Spotted. Good in hiding, but not good enough.
I open my eyes and a pair of brown eyeballs met my gaze. Holy shit! Hindi talaga marunong mahiya ang babaeng 'to. She freaking startled me!
"Get the hell away from me or I'll pull your eyeballs out."
"Ang brutal mo naman! I was just wondering if bakit ka pumikit. Masama bang tumitig?" Milka defended as she quickly distance herself from me.
I opened my mouth and was about to speak but decided not to when I caught a glance of the odd wolf. Nasa likuran ito ni Milka at malayo mula sa pwesto namin. Malayo pero malinaw na malinaw sa paningin ko. Bagay na alam ko na ako lang ang mayro'n. Let's say that I have a pretty sharp eyesight and it plays a vital role in my plan. Sharper than any human in this island.
"Ano'ng tinititigan mo?"
Mabilis kong hinila si Milka paalis sa harap ko bago pa man siya makalingon. I did not waste any time and immediately ran towards the direction of the wolf. It stared at me for a second before running away, too. It must have felt my presence and aggression. Given that it's a wolf and I'm human, of course I'm at a disadvantage, but why should I let that hinder me?
What Ara wants, Ara gets. All hell breaks loose.
Hindi na akong nagdalawang-isip at mabilis na tumalon. Kasabay ng aking pagtalon ay ang pagbabago ng katawan ko. The familiar urge and excitement rushed to my veins and I'm loving it. The wind went colder and my body felt lighter. I could not see my body nor others can see me. My eyes went from deep to metallic silver that emphasizes its golden flecks. Lucky no one can see it. Staring at my eyes would be the last thing you'd want to do in your life.
Dahil lahat ng tumitingin sa mata ko ay namamatay.
Well, that's what people say everytime they see me. Staring at my eyes means danger is coming. Ang daming sinasabi, malas lang naman talaga sila. Tsk.
"Aurora, where are you!?" Milka freaked out.
Of course, she would. I just vanished and she's too naive to understand that. Sino ba naman ang hindi magpa-panic kung ganoong klaseng utak ang mayro'n ka?
Muli kong itinuon ang atensyon sa tumatakbong lobo. Pabilis ng pabilis ang pagtakbo nito at gano'n din ang paglipad ko. I can't let it escape. Alam kong may dahilan kung bakit ito nagpakita, at sa tingin ko ay alam ko ang dahilan na 'yon. Kailangan ko lamang kumpirmahin.
It won't run if it's just a normal wolf. It can see me despite being in shadow form.
Tuluyan na kaming nakalayo sa kweba at natagpuan ko ang sarili sa isang dalampasigan. Huminto ako. Payapa ang hampas ng hangin at banayad ang alon ng asul na dagat. That familiar salty smell... Forthill is an island, after all.
Luminga-linga ako sa paligid at nagtama ang paningin namin ng kulay abong lobo na ilang metro lamang ang layo mula sa 'kin. My eyebrows narrowed when it blinked thrice and run towards me, but before I could even react, a blinding light surrounded it and swirled across its body. Mistulang kumikinang ang puting liwanag na nakabalibot dito habang pataas ng pataas. The light went on and did not faded until it was an inches taller than me. And just that... I no longer see the odd gray wolf I was chasing ealier, but a tall masculine man with a grayish hair, long pointy nose, thin lips, and a fringe hairstyle. His eyes were as silver as mine and he is as white as I am, too.
I went back on my human form without breaking the silence. Matiim itong nakatitig sa akin at gano'n din ako sa kanya. Tama nga ako. Hindi siya normal na lobo. He's just like me. Pero anong ginagawa ng katulad niya dito? There are no mage other than me living in this island. Lugar ito ng mga mahihina at normal na tao.
"I was lost," the man started. Malumanay at kalmado ang boses nito. "But lucky I found you."
Otomatiko akong napaismid. "Are you flirting with me?"
A sly grin formed on his lips. "You're not my type."
"Likewise."
Mahina itong natawa pero hindi nagbago ang ekspresiyon ko. He walked towards me and extended his hand.
"Genesis, from the city of Rovuille," anito.
Muling kumunot ang noo ko. What the hell is Rovuille? Walang Rovuille sa islang ito. Halos nalibot ko na ang islang 'to at wala akong kilalang lugar na gano'n ang pangalan. I hate this. Nagmumukha akong bobo.
Tinitigan ko lamang ang kamay niya at hindi nag-abalang tanggapin 'yon. Napakibit-balikat siya bago muling nagsalita.
"As expected from you, Aurora."
Tumalim ang titig ko sa kanya. "Who are you? Why do you know me?"
"I am Genesis, from the city of Rovuille. I have known you since the day I was thrown here," he said in a casual tone. He, then, whispered to himself, "Fuck that headmaster."
Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa bago lumapit sa kanya. Isang nagdududang tingin naman ang pinukol nito sa 'kin.
So, he was thrown, huh? Basura talaga ang paningin ng ibang kaharian sa islang 'to. Lugar kung saan pinapatapon ang mga walang silbi. Pero ang lalaking 'to, pakiramdam ko ay hindi siya tinapon dahil sa ganoong dahilan.
"Call me Ara," tanging sagot ko. "Tell me why you were thrown here."
Mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Suddenly interested in me? I like that. Hindi na ako nagtaka kung bakit mo 'ko hinabol."
Napataas ang kilay ko. "I won't chase you if you haven't ran away."
"My fault, then?"
"What d'you think?"
"Don't you think this is so much for our first impression?" he playfully asked, still having the annoying grin on his face.
"Who cares about first impressions? I want you to tell me why you were thrown, so stop beating around the bush."
Naglakad ito papalapit sa akin at mahinang natawa. "Since when have you been this bossy?"
"Since hell was made."
He chuckled and attempted to hold my arm but I immediately drew back. This man can't be real. Geez. Ang landi.
"I have an offer for you, Ara. Special 'to dahil galing mismo sa gwapong katulad ko," mayabang nitong sabi.
"Hindi ako interesado sa kahit anong offer ng malanding katulad mo."
Napahawak ito sa dibdib at umarteng nasasaktan. "You hurt my feelings."
"My pleasure." Tumalikod ako at naglakad na palayo. Walang silbi kung sasayangin ko ang oras ko sa kanya. Nag-aaksaya lang ako ng laway. Nakailang hakbang pa lamang ako nang muli itong nagsalita.
"I can get you out of here."
Napahinto ako at napalingon sa kanya. So, this is his offer, huh? Ano bang alam niya sa pagkatao ko? Sino ba talaga ang lalaking 'to? Walang kahit isang nabubuhay na nilalang ang pinagsabihan ko sa kung sino at ano ako.
"I know you've been dying to leave this island. I can take you with me." He extended his hand as though trying to persuade me.
How can I know if this is not a bait? This man might be a creep, and I can't stand a single day with him. Baka mapatay ko siya ng wala sa oras.
"You don't need to doubt. Ako mismo ang papatay sa sarili ko kung ta-traydorin kita," aniya.
I did not react nor show any form of response. I'm weighing the possibilities and chances I may get if I'll take his offer — including the worst case scenarios. It's better than setting your hopes too high and eventually disappointing yourself, isn't it?
Mas mabuting mag-isip ng negatibo at maging handa kaysa umasa.
Seryoso kong tinitigan ang pilak nitong mga mata. Nangungusap ang mga ito at kumikinang sa sinag ng araw.
"How far can you take me?"
"WE just met! Iiwan mo na agad ako?"
"Huwag kang OA, Milka," sambit ko sa babaeng panay ang reklamo sa likuran ko.
"Kakasabi mo nga lang sa 'kin kanina na ayaw mong umalis dito, 'e!" muling reklamo nito na ikinasama ng timpla ng mukha ko. Ang ingay talaga ng babaeng 'to. Nakakarindi ang boses.
"Can you shut up? This is my life and I get to decide what I want to do. So stay out of it" I said out of annoyance.
I might sound a bit harsh but hell! This girl is getting on my nerves! Hindi matahimik at feeling importante. Kakakilala pa nga lang namin at ganiyan na siya. I've been in the worst, don't expect me to act like a saint because I am not.
"I know it's your life. Pero bakit ka ba kasi aalis? Can I come with you nalang?" sagot nito na tila hindi man lang nasaktan sa sinabi ko. Ibang klaseng babae.
Kinuha ko ang huling pera mula sa alkansya ko at iniligay ito sa aking bulsa. Humarap ako kay Milka at seryoso siyang tinitigan.
"You can't come with me."
"But—"
"No buts. I want you to do as I say," I cut her off.
"You can't just tell me what to do!"
I smirked and tapped her left shoulder. "I can, and you must follow me. You've chosen to be with me in a short period of time, would you be loyal for the rest of your life?"Kumunot ang noo nito sa tanong ko. "What are you talking about? I want to be your friend. Of course, I'll be loyal!"
"Alright." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan ng diretso sa mata. "I shall proclaim you as my right hand. From this day forth, your life depends on me. You shall do my command for disobedience means death."
My eyes gleamed in solid silver as I stared at her. Unti-unting nabubuo ang itim na guhit sa mga mata niya na humahalo sa natural na kulay nito na kayumanggi. I felt an immense aura coming from her and a light glow appeared on her right shoulder. Her face showed no expression, not even shock or confusion. Not a minute had passed, her eyes glowed in silver — just like mine.
"Go now, Mikaela. I shall be back before you know."
I gestured my hand and she nodded in silence. Seryoso ang mga mata nito nang naglakad palabas ng kweba. Her presence felt so different from when I first met her and now.
I hope you will not disappoint me, Milka.
"READY?" Genesis asked and showed me a navy blue seed that's about a size of a penny.
"I was born ready."
Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko. "That's my girl."
Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm no one's girl. Don't be so full of yourself."
Tanging tawa lang ang ibinigay nito sa 'kin at naglakad papalapit sa dalampasigan. Itinaas niya ang kanang kamay na siyang nay hawak ng asul na buto at mabilis na ibinagsak sa tubig. Segundo lamang ang lumipas nang magliwanag ang buto. Kulay asul ito at kumikinang — katulad ng liwanag na pumalibot sa katawan ni Genesis noong siya'y nagpalit anyo. A strong force enveloped the light as it swirled like a manipulated fog in front of us. Genesis whispered something and the light vanished. And there it is... Just the thing I expected to see — a portal.
It doesn't look like a solid portal but rather a fog. A fog shimmering in blue. It formed into an oval shape just enough for one person to pass through. I had never seen an actual portal before. I never expected it would be this... enchanting.
Did I really say that?
"You go first," said Genesis. Tumango ako bago humakbang papasok sa portal. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay isang malakas na enerhiya ang humigop sa katawan ko. Kasabay niyon ay ang pag-itim ng paligid. Wala akong kahit anong bagay na nakikita at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pag-ikot ng ulo at sikmura ko. I think I want to throw up. Fuck that portal!
Ilang minuto lamang ang lumipas at muli na akong nakaaninag ng liwanag hanggang sa bumagsak na ako sa matigas lupa. Ipinilig ko ang ulo at mariin na pumikit upang bumawi sa pagkahilo. Geez. I hate that thing.
Nang pakiramdam ko'y maayos na ay tumingala ako at tumambad sa 'kin ang magulong lugar. Napakaraming tao at matataas na gusali. May malawak na parke sa kaliwang bahagi na puno ng mga tao. There are also a lot of boutiques — looking ancient, modern, or neutral.
There's a tower in the middle and it's the tallest among all buildings. A flock of doves were circling on top of it where an emblem is located. It's a golden shield divided into four sides, all engraved with dragons with four different colors, which I think is the symbol of the four elements — the fire, water, air, and earth. It also has a capital Z in the middle and two ancient swords crossed on its back. Beneath it is a metal banner engraved with the words "Supra Omnia; Fortitudo".
Such a fancy emblem.
Samu't-saring tawanan, bangayan, at kung anu-ano pa ang maririnig na talagang masakit sa tainga. If I were to live with these kind of people, I'd rather have my ears ripped off.
Ito pala ang buhay sa labas.
"Welcome to Forthmore Kingdom, Ara!"
 THE noise of busy chariots and buzzing chitchats were breaking my eardrums as I passed through the crowd. Nasa unahan ko si Genesis na tila hindi naapektuhan sa ingay ng paligid. Pasipol-sipol lamang ito at tumatango pa sa mga taong lumilingon sa kanya. Minsan ay kumakaway rin siya sa mga babaeng panay ang pagpapa-cute. What a flirty man."Where are we heading to?" I asked. Yeah, that was stupid of me to go with him without any single idea where he's taking me or where I'll be staying. Masyado akong nagtitiwala sa lalaking 'to."At Gloysh Place. It's an inn not so far from here. I'll explain everything to you when we get there," Genesis replied and winked at me.I rolled my eyes and crossed my arms. "Stop flirting."Natawa ito at hinila ako palayo sa maraming tao. "It's not flirting. I'm just being friendly."
PEOPLE and danger don't go together, do they? But it's inevitable. I never thought my questions would be answered this early. Danger has found me, but the thing is — I must turn danger into opportunity.Seeing him wearing the crown, gaining respect from people, living the abundant life everyone wishes for, makes me wanna curse him to death. How dare he live a life in spite of the horror and traumas he inflicted to an innocent child."Are you alright?""Yeah. Don't mind me," sagot ko sa tanong ni Genesis. Hindi ko mapigilang mapayukom ng kamao na siyang dahilan ng pagkunot ng noo ng kasama ko."You're acting weird since you've met the king. He's quite intimidating, isn't he?" Intimidating, huh? I was never intimidated, and never will. He's just acting mighty because of the throne, pero walang bagay na nakakatakot sa kanya. Why would
"Even death bows down to me.""What --- Are you threatening me!?" tanong nito habang nakakunot ang noo sa galit. Such a hot-tempered man.Bahagya akong umatras at napangisi. "Are you threatened?"Umayos siya ng tayo at sinamaan ako ng tingin. "Who do you think you are?""You already did a background check on me. Ba't mo pa tinatanong?" sambit ko na walang halong kahit anong interes ang boses.If I knew that this is what I'll be facing, I shouldn't have wasted my time. Natutulog pa sana ako sa kwarto ko ngayon."Hindi mo ba alam ang salitang respeto?"I grunt as my eyes darted at the two violet badges on his chest. Ang isa ay katulad ng badge na suot ni Genesis, kulay lila at may nakaukit na letrang 'F'. Ang pangalawa naman ay may nakaukit na salitang 'Carwell' at sa baba nito ay may nakasulat na
Tahimik kong tinahak ang daan palabas ng dormitory building at hindi pinansin ang maiingay na nag-aaway sa likuran ko. "I am Ara's friend! Ako na niyan!" "Get your nose away, Shaye. Ako ang kasama ni Ara nang dumating siya dito." "Pero ako ang room mate niya!" Napapikit ako at napabuntong hininga bago huminto at nilingon sila. "Can you two shut up?" asik ko na halos magkasalubong na ang kilay sa inis. For hell's sake, they have been arguing for almost a decade! Nag-aaway para sa walang katuturang bagay. Tinaasan ko ng kilay ang dalawang maingay. "Ako naman kasi dapat ang maghahatid sa'yo, 'diba? Room mate tayo," ani Shaye at pasimpleng inirapan ang katabi niya. "But I was the one who brought Ara here. Therefore, she's my responsibility." "I'm no one's respons
ANOTHER day has gone by and as usual, the tower is as boring as ever. I feel like I'm being imprisoned in a sense of endless peace. Peace is not the best thing for me, and will never be. I prefer being chaotic. Chaos means death, and death... is my expertise.Nakakabagot na magmukmok sa kwarto araw-araw. It has been three days and geez, my hands are itching to do things! Things that mages aren't allowed to do.I have been toured around the whole campus and Shaye was the one who accompanied me. It was my request, for I don't like Caelum's presence. He's too conceited just because he's the head council and the king's nephew! As Shaye said, classes will start three days from now. That means, sooner, I'll be sitting in my assigned seat, listening to some typically boring discussion.I let out a huge sigh. Tumalikod ako sa bintana at sumandal dito. Tumingala ako sa kabilang pader ng aking kwarto. My eyes loc
A blinding light greeted me as I opened my eyes. Seemingly whirls of visible wind crossed on my forehead, leaving my vision fuzzy. Kinusot ko ang aking mga mata at mabilis na tumayo. After doing what's need to be done, walang emosyon kong tinahak ang kusina. "You're here," bungad sa 'kin ng mayabang na head council at masama akong tinignan. I rolled my eyes. "Obviously." Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay at uupo na sana sa hapag kainan nang may nagsalita na naman. "Good morning, Ara! How's my girl's sleep?" Mabilis kong hinila at inikot ang braso ni Genesis bago pa man niya ako maakbayan. He screamed in pain but I was taken aback when he turned and pulled me closer. Dahil dito ay nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Fuck this flirty man! "Yuck, Genesis! Get a room!" matinis na sigaw ng boses na hindi pamilyar sa akin. I quickly pulled myself off Genesis' grip and glanced at the wom
WILL AND POWER are the weapons of every warrior— swords, magic, wit — but too much power is poisonous. It does not guarantee you an instant death but rather lingers into your veins, not leaving every part of your soul untouched, and drowns you with it. Greed and cruelty. I shifted sideways on my bed, avoiding the questioning look on Shaye's face beside me. Her brown eyebrows were creased just as her lips curled to form a slight pout. "What happened?" she asked. I titled my head and signalled her to go out. Paulit-ulit naman siyang umiling at umusog papalapit sa higaan ko. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung ano talaga ang nangyari," pagmamatigas niya. Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga. "You're being nosy again, Shaye." "I don't care," mabilis niyang sagot. "I need to know how and where you got all these burns!" Napairap ako sa kawalan.
STUPID things do happen and it does everyday. Just like this stupid Hugo pointing his filthy finger at me.I dashed towards the uncrowded part of the forest, still in my shadow form. Hugo may have noticed it, he sprung his legs forward to ran after me. I accelerated and was about to reach the small hole where I entered when he shrieked a faint yell.As though the gravity pulled me heavier than others, I thudded against the dry leaves on the ground, now back on being solid human. I looked up, wide-eyed, at Hugo who was wearing an annoying grin on his terribly chiseled face."Hello there, lady," he said, lifting his feet to my spot. "Hindi ka na makakatakas dito."Kapwa silang napaatras habang nanlaki ang mga mata nang mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili."I don't think so, mister," I smirked at the sight of the panic across their faces. 
PAHIGPIT ng pahigpit ang hawak ko sa litratong nasa aking kamay habang tinatahak ang daan patungo sa infirmary. My breathing was as heavy as my footsteps. Kahit anong ulit ko na titigan ang litrato at suriin ito, hindi ako nagkakamali na si Milka nga ang babaeng kasama ni Demi. That khaki dress that she wore the day we first met at that forest. I cannot be wrong.Hindi na ako kumatok nang makarating ako sa infirmary. I immediately came in and saw Demi lying on her back at the third bed. Her eyes went on me while I walked towards her. Her hair was a mess and her leg, which I believe was the one I twisted, was wrapped in bandage."Doesn't it seem strange for the Supreme Student to visit me in this stupid place?" she asked, rolling her eyes on me. "What? Nandito ka ba para pagtawanan ako?"Umiling ako. "No. I have something in my hand that I believe is yours." Her forehead creased. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Bu
I let out an exasperated sigh and sat down on my bed. Kakatapos lamang ng training namin ng grupo ko at hindi naman ako masyadong nahirapan sa kanila. They're already well aware of their capabilities. The only thing that they lack is practice and mastery.Ingangat ko ang tingin sa orasan na nakasabit sa pader. It's almost time. Time when the two moons meet. Napapikit na lamang ako sa inis. I kind of regret that I accepted too much responsibilities in this school. Kung tutuusin, walang wala ito sa plano ko.I opened my eyes when there was a sudden knock. Probably Shaye.Kahit hinihila na ako ng higaan ko, pinilit ko na lang tumayo at binuksan ang pintuan. My eyebrows raised when it wasn't Shaye's face who greeted me. "Why are you here?" masungit kong tanong kay Carwell."Everyone's still asleep. It's almost dinner time," tipid niyang sagot.Kinunutan ko siya ng noo. "And?"Binuka niya ang bibig niya at nagsalit
"WHERE are we going?" Carwell asked. I looked at his bruised palm before looking in his eyes. "To Boris." "For what?""Well, Mr. Carwell, you need help," sambit ko at binigyan siya ng sarkastikong ngiti. "Kailangan mong magamit ng maayos ang kapangyarihan mo sa lalong madaling panahon dahil makakapatay ka niyan ng wala sa oras, or worst, baka ikamatay mo pa."He grunted. "That's unnecessary. I can train alone."Huminto ako sa paglakad at humarap sa kaniya. "Training alone is useless if you always believe that you're already great, Carwell. Hindi ka mag-i-improve kung sa tingin mo ay magaling ka na. Hindi ka maliligtas ng kayabangan mo."His face darkened. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi siya umalma. At dapat lang. Alam niya naman na tama ako kaya wala siyang magagawa.Hindi na ako nagsalita pa at muling naglakad. Tinahak namin ang daan papunta sa opisina ni Boris at hindi maiwasang magsitinginan ang mga estudyante sa gawi namin. But I couldn't care less. Ilang minuto lang ay
IT'S absurd to think that Genesis could be Paris. I know it is beyond impossible. After all, he's a Mortis and looks like a male version of me, while Genesis is the headmaster's nephew. Have you gone mad, Ara? Genesis is Genesis. And Paris is Paris, the ruthless and selfish twin brother I never asked for. Magkaiba sila kaya gumising ka, Ara. Besides, what happens if my hunch is right? It still doesn't matter."Ang babaeng malalim ang iniisip, in love 'yan," rinig kong panunukso ni Estelle sa tabi ko habang bini-braid niya ang buhok ni Rhysan. Nakasalampak kaming lahat sa sahig habang nanonood ng palabas. Hindi ko nga alam kung paano nila ako napapayag na lumabas sa kwarto ko, pero pinagbigyan ko na lang since balik sa training na kami bukas. As usual. "Puyat kamo," singit naman ni Shaye. "Mukha ka ng panda, Ara." At sabay silang humalakhak. Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa. "Baka gusto mo rin na gawin kitang panda, hmm?"Mas lalong natawa ang tatlo, nangunguna na roon si Este
DAYS passed like it normally does in the academy. It has been a week after our unexpected mission and everything is back to normal now. The majority of the poisoned people were saved, thanks to Mallá. But I'm pretty sure the massive amount of antidotes affected her body, not just her power. For seven days, the academy was silent and all peaceful. Wala akong narinig na kahit anong salita tungkol sa mga nangyari noong nakaraan lang. I supposed the students and faculty staffs were all oriented to not mention even a tiny detail about the incident, which I understand. Mahirap mag-imbestiga kung maraming bibig ang nakikisawsaw.And finally, for the first time, I received my Dim card, where my earnings from my past missions were transferred in to. Boris gave it to me kasi baka raw ay naiinip na ako. If I know, ayaw niya lang na mawalan ako ng interes sa mga gano'ng bagay. Alam ko namang dadating ang araw at aalis na ako sa akademyang 'to. Iyon ay kapag may sapat na akong naipon para suport
THE key to tame a dragon is to find its weakness, to learn from it and use it. That was what I thought I would stand with for the rest of my life. There was no room for sympathy in me, and perhaps that's because I never received any of that from everyone I tried to love. I lived for years and years thinking that nothing is ever good in life. And I believed that. But I cannot deny it from myself that this world is starting to prove that my belief was wrong. Nakahain na sa harap ko ang kahinaan ng isa sa aking mga kalaban, pero bakit hindi ko magawang gamitin? Bakit ako nagdadalawang-isip? This isn't me anymore. Para saan pa ang ilang taon kong pagsasanay kung sinasalungat na ng aking puso ang isip ko?"Baka malunod ka na sa sobrang lalim ng iniisip mo," Genesis' voice echoed in my ear. Dahil dito ay napalingon ako sa kaniya. Isa pa ang lalaking 'to. Sino ba talaga siya? Sa lahat ng Arcanes, siya lang ang tanging nakakabasa ng isip at galaw ko. Like he could see me behind the ve
"WHAT the fuck?" gulat kong bulalas.Tumawa lamang ang hari sa reaksyon ko. Naglakad siya at nilampasan ako saka lumabas na sa silid pero bago iyon ay may pahabol pa siya, "Think about it, my lady. Go back with nothing but disappointment or be my queen and save what needs to be saved." 'Tsaka siya kumindat at tuluyan na akong iniwan. Wala sa isip akong naglakad palabas at hinanap ang anino ni Carwell. Gaya noong iniwan ko siya, ganoon pa rin ang posisyon niya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil bigla siyang lumingon. "Failed, yes?"Mukhang inaasahan niya na talaga ang magiging sagot ng hari sa hiling namin. Sobrang misteryoso talaga ng lalaking ito. Wala silang pinagkaiba ni Genesis."It depends on my response," sagot ko. It seemed like he did not expect my answer. Masyado ba siyang kumbinsido na tatanggihan talaga ako ng tuluyan ng hari?"That's new," usal niya. Tumayo siya at kunot-noong tumingin sa 'kin. "What was the deal? Kung hindi ka niya tinanggihan, siguradong m
"ARE we already in Ambergail?" I asked Carwell beside me. His eyes were busy looking around but he nodded. "This is a part of Ambergail but the palace is in the south." He turned his gaze on me. "If you want to rest for the night, there's an inn nearby.""No," I immediately responded. "We promised to go back before the sun rises."Pinanliitan niya ako ng mata. "You promised."He, then, continued to look around. Napabuntong hininga na lang ako. Time is against us in this quest. Kailangan kong makuha agad ang amulet na tinutukoy ni Mallá para magising na sila. Gaya ni Carwell, umupo ako sa isang inukit na bato sa may gilid at nagmasid sa paligid. We've been walking for hours already. I hate to admit but I wouldn't get this far without this arrogant guy's help. Mukhang alam na alam niya ang pasikot-sikot dito. Especially the Great Bridge. I thought it was really invisible, I couldn't even use my power. It turned out I was under an illusion the moment I stepped foot on the bridge, ju
"DO you think she's awake?""Yeah, she's listening," boses ng isang lalaki. "Morning, Belacour."Napabalikwas ako ng bangon. What the hell? Anong ginagawa ng mayabang na 'to sa kwarto ko?!I glared at Carwell. He was smirking as he stroke Atya's hair. Bumaba ang tingin ko sa nakangising bata na nakahiga sa hita niya. Nakakadiring tingnan. "Wala ka bang sariling kwarto?""Mayro'n," sagot niya. "I'm only here to tell you that the healer arrived earlier. I've been waiting for you to wake up five minutes ago.""Bakit ba 'di niyo na lang ako ginising? At bakit kailangan mo pang mag-stay rito? Nakakadiri ka," naiinis kong sambit. Nagtinginan sila ni Atya at sabay na nailing. Ano bang trip ng mga 'to?Tumayo ako at mabilis na pumasok sa banyo. Kasing lawak ng isang normal na kwarto ang banyo nila. May bathtub, shower, at sa kabilang gilid ay ang toilet. May dalaw