Share

KABANATA 18

Wala akong balak pumunta sa isang relasyon. Wala sa isipan ko ang love life na 'yan. Lalo pa't ganito ang buhay namin. Kung papasok man ako sa isang relasyon ay hindi 'kay Leon. Mas gugustuhin ko na lang sa iba. At 'tsaka, hindi dapat ako nangangarap ng isang katulad niya. Hindi kami bagay.

Lumipas ang oras sa araw na iyon ng sobrang tagal. Hindi ko alam pero gusto ko ng mag-Sabado agad. Miyerkules pa lang ngayon. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad sa pathway ng school sa labas. Hindi na ako makapaghintay! Wala akong makitang tricycle kaya pupunta ako ngayon sa pinakadulo kung nasaan ang kalsada. Lhara's with her driver all the time. Inanyayahan niya ako araw-araw na sumakay na lang sa kanila at lagi naman akong tumatangi. Kasi naman, hindi naman sila dumadaan sa amin kaya naisip ko ang hassle kapag pumunta pa sila sa amin para ihatid ako pagkatapos ay babalik din sa dinaanan nila. Ayoko ng ganoon. Nakakahiya!

I am currently with

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status