Manghang-mangha ako sa maganda at mahabang gown na ipinagawa pa ni Mama sa isang sikat na designer na nagmula sa Dubai. It was an old classic fashion designed that fitted in this modern times.
"Wow, it's so cool!" manghang pahayag ko habang nakatingin sa malaking salamin.
"Bagay nga sa iyo, Bella," pahayag ni Rafaella na tulad ko ay kamukha rin ang disenyo ng gown. Ngunit magkaiba lamang ng kulay, kulay lavender ang kanya habang kulay rosas naman ang sa akin.
"Ikaw rin, Ella. Bagay sa iyo." Napangiti ako at inayos ko ang nahulog na strand ng buhok nito sa kanyang mukha.
Hindi maipagkakaila na magkamukhang-magkamukha kami. Madalas nalilito ang mga tao sa aming dalawa, kaya mas minabuti ni Mama na ibang kulay lagi ng damit ang suot namin para maiwasan ang pagkalito ng ibang tao. Ngunit sa mata ng mga magulang namin alam na alam nila kung ano ang pagkakaiba naming dalawa ni Ella, she was a soft and feminine type woman. Habang ako ay tough one.
"Rafaella, have a look at this elegant diamond necklace that we bought when we went to London," ani Mama na pumasok sa silid kung saan namin fini-fit ang gown para sa debut namin.
"Really, Mama?" Ngiting-ngiti si Ella na lumapit kay Mama. "Wow! It’s so beautiful, Mama. Bella? Look!" Sumulyap ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nakaupo sa malaking sofa namin.
Hindi ko maitatanggi na naiinggit ako kay Rafaella sa tuwing nakikita ko ang kaligayahan sa mata ni Mama tuwing kausap niya ito. Alam kong mali ang makaramdam ng ganito, ngunit masisisi ni’yo ba ako? I've never felt her loved towards me, until now.
Ngumiti ako at humakbang palapit sa kanila.
"It's yours, Rafaella, because you got a high grade in your final exam." Napahinto ako sa paghakbang at naninikip ang dibdib sa narinig. She was always like this.
"Next time, Abella, focus on your study. You just got an average score on all of your exams!" Napailing-iling si Mama at punong-puno ng disappointment ang mukha.
Nanikip ang dibdib ko at napangiti ng pilit. Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo ngunit mas lalong sumasakit sa tuwing kinukumpara ako kay Rafaella. I know she's way better, but you see I'm trying so hard to be perfect. Nagkatinginan kami ni Katya na nakatayo sa hamba ng pintuan at may dalang merienda.
"Mama, don't be too harsh to Bella." Ella's soft voice filled my ears.
Ella was a soft type of woman, and always makes my heart melt. She never bragged about her success and she always supported and guided me in everything.
"It's okay, Ella. Tama naman si Mama." Pilit na ngiti ko at pumasok sa loob ng fitting room para ihubad na ang gown sa katawan ko.
Ngunit hindi pa rin nawala ang sikip at lungkot sa dibdib ko. Kahit kailan hindi ko narinig na naging proud sa akin si Mama. She always yell at me everytime I did something wrong, and when I did something good she never saw it because Rafaella do it better.
Maganda ang gising ko ngayon araw, bagamat pangalawang araw na wala sina Mama ay hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong lugar na pinuntahan namin ni Rad. It was a wonderful and peaceful place.
Sana makabalik pa ako roon.
"Senyora Abella, tinanggap ni Donya Angelita ang imbitasyon mo mula kay Senyora Maria Angelina." Napahinto ako sa pag-inom ng gatas at tumingin kay Perla na may hawak na schedule ko sa buong linggo.
"Hindi ba, Perla? Sinabi ko nang ayokong makipagkita sa kanila," tiim na bagang sabi ko.
Pilit itong ngumiti. "Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong pumunta dahil iyon ang bilin ng Mama mo." Napahampas ako sa malaki at mahabang mesa.
Nagulat ang mga kasambahay sa ginawa ko at nanliliit ang matang tumingin kay Perla.
"Wala nga dito si Mama! Pero sakal na sakal pa rin ako!" anas ko at biglang tumayo.
"Senyora Abella, hindi niyo pa ubos-"
"Busog na ako Perla. Pati ba naman ang pagkain ipipilit niyo pang kainin ko? Can I have some space? Tao ako, hindi robot!" giit na saad ko at padabog na umalis sa harapan nito.
Padabog kong sinara ang pinto ng kwarto ko pagpasok ko. Huminga ako nang malalim sa sobrang inis, nanliit ang mata ko nang may kumatok at bumukas ang pinto.
"Bella..." nag-aalalang tawag ni Katya.
Umiwas ako ng tingin at tumuloy sa balcony ng kwarto ko. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin at ang malawak na dagat.
"O-Okay ka lang?" tanong nito na sumunod sa akin. Nagbuntonghininga ako at sumulyap sa kanya.
"I'm tired of it, Katya. She was ruling my life!" naiinis na sabi ko.
"Alam ko..." marahan na tugon nito at tumango-tango.
"Kung puwede lang... kung puwede lang akong tumakas!" giit ko.
"Alam natin kung ano puwedeng gawin ni Don Herman kapag nagkataon. Alam mong ayaw niya na napapahiya ang pamilya nila, hindi ba?" Kumirot ang puso ko sa paalala ni Katya.
Iyon lang naman ang dahilan kung bakit nakakaya ko pang manatili dito. Makapangyarihan si Don Herman sa buong Bohol, at kung hindi matutuloy ang kasal namin ni Esteban panigurado gagawin niyang miserable ang buhay ko at mga magulang ko.
"A-Anong gagawin ko, Katya?" naguguluhang tanong ko. Hinilot ko ang sentido ko sa sobrang daming iniisip.
Wala itong kibo dahil alam niyang wala akong magagawa. Nakapangalumbaba ako sa tapat ng salamin habang hinahayaan si Katya na ayusin ako.
"Do I really need to face them?" naiinis na tanong ko sa kanya. Sinulyapan niya ako at ngumuso.
"They are your friends, Bella," saad nito. Nagkibit-balikat ako.
"Well, not really friends. Maybe seasonal friends." Halakhak ko at umiling-iling.
Ngumuso ako noong maalala na gagamit ako ng sasakyan patungo kina Angeline. Ibig bang sabihin noon ay makikita ko na naman si Rad? Hindi ko mapigilang ngumitii sa isipang iyon.
"Oh? Kanina lang naiinis ka. Bakit parang naka ngiti ka naman yata ngayon?" tuksong wika nito sa akin na nakataas pa ang kanang kilay.
I rolled my eyes to hide the excitement.
"Senyora Abella, handa na ang sasakyan," anang isang kasambahay namin na nasa hamba ng pintuan.
Mabilis akong tumayo at tumingin kay Katya na nagulat.
"Salamat, Katya. Kita na lang tayo mamaya." Napaawang ang labi nito sa pagtataka at bago pa siya magsalita ay nagtungo na ako palabas ng silid.
Tahimik si Perla nang sundan nito ako pababa ng hagdanan. Sinulyapan ko ang cellphone ko kung may text si Angeline. Matagal-tagal na rin noong huli naming nagkita at iyon ay graduation pa namin noong college. Hindi naman ako nagbago ng number, malamang sila ay iba na.
Itinago ko ang namumuong ngiti sa mga labi ko nang makita si Rad, na tahimik na naghihintay. Sinalubong ako nito nang malalim na tingin.
Bumaba ang tingin nito sa suot kong damit. Tulad din ito ng kahapon iyon nga lang ay mababa ang tela nito sa aking harapan kaya naaaninag ang cleavage ko. Gusto ni Katya na magsuot ako ng pantakip pero wala naman akong nakikitang problema roon tutal naman ay halos balot na ang katawan ko sa aking kasuotan.
"Ang habilin ko, Rad," paalala wika ni Perla bago ako bumaba ng hagdan at pinagbuksan ako nito ng pinto.
Tumango si Rad at nagpaalam na sa kanila, at pumasok na sa kotse. Inayos ko ang takas kong buhok. Messy bun ang style ng buhok ko ngayon kaya naman litaw ang leeg ko at suot kong pearl necklace.
Sumulyap ako sa salamin para tingnan si Rad. Nakakunot ang makapal na kilay nito habang seryosong nakatingin sa daan.
"Uh- Nasabi na ba ni Perla kung saan ako pupunta?" Sa totoo lang wala naman akong problema kung hindi man nasabi ni Perla. Gusto ko lang basagin ang katahimikan sa aming dalawa.
Sinulyapan ako nito sa salamin at tumango. "Sa isang sikat na Italian restaurant sa kabilang bayan."
So ibig bang sabihin noon lalabas kami ng Valencia? Napangiti ako at tumango. Mabuti naman at doon naisipan ni Angeline ang meeting place namin.
Napangiwi ako nang maalala na Italian cuisine na naman ang kakainin namin. "Wala na ba silang alam na restaurant? Ang daming restaurant sa bayan na naghahanda ng masarap na pagkain," anas na bulong ko sa aking sarili.
"Hindi mo ba gusto?" tanong ni Rad sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "Well, Italian cuisine was good, ‘yon lang nakakasawa kapag laging iyon ang menu. But at least, it’s way better than vegetables." I rolled my eyes in frustration at padabog na sinandal ang likod sa upuan.
" Then, what do you want?" seryosong tanong nito.
Sumulyap ako kay Rad at lumapit sa kanya. "I want pizza with mozzarella cheese, burgers, chips, nuggets ? Or beef steak. My god! I've been craving for that!" Sabi ko at naglalaway na tumingin sa kanya. Binagsak ko ang mga balikat ko at ngumuso. " I want to go back to Cebu." I murmured.
Nakatingin ito sa salamin upang tingnan ang itsura ko at napahinto ako nang tumawa ito.
"You're craving unhealthy food," komento nito.
"Ugh!" Sinandal kong muli ang likod ko sa upuan. "Pati ba naman ikaw, Rad? You see, they are slowly killing me with those leaves," giit ko at ngumusong nakatingin sa labas.
Umayos ako ng upo noong makalabas na kami sa Valencia. Nilibot ko ang mga mata ko sa mga tanawin na nadadaanan namin. Mahigit isang oras ang biyahe patungo sa Tagbilaran City. Ibang-iba ito sa bayan namin, dito kasi ay halos commercial building at mga modernong gusali. Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay huminto ito sa kilalang restaurant. Lumabas si Rad at pinagbuksan ako nito ng pinto.
Pagbaba ko ay kaagad kong napukaw ang mga mata ng mga tao. Naramdaman ko ang kamay ni Rad sa siko ko. Sumulyap ako sa kanya na kunot na kunot ang noo.
I walked through the door, without minding the pair of eyes staring at us.
"Excuse me? Maria Angelina reservation please," sabi ko sa isang babaeng receptionist na sumalubong sa amin.
Sumulyap ako kay Rad na nasa aking likuran.
"This way po..." Iginiya kami ng receptionist sa pang-apatan na sofa na halos nasa dulo at pribado na ng restaurant.
Sumulyap muli ako kay Rad na ngayon ay huminto na sa paglalakad at umupo sa pang-dalawahan na upuan. Sakto lang ang layo nito sa table namin.
Nagbago na ng timpla ng mukha ko nang makita ang mga pamilyar na mukha. Pinilit kong ngumiti noong nakalapit na ako sa mga ito.
"Abella, long time no see!" ani Nathalia na tulad ko ay nakapusod din. Tumayo ito upang halikan ako sa pisngi. Malaki ang pagbabago ng timbang nito, at pumayat ito.
Ganoon din ang ginawa ni Katarina at Angeline. Ngumiti ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan na saktong-sakto dahil masisilayan ko nang mabuti si Rad.
Tumikhim si Kat kaya ibinalik ko ang tingin sa kanila. Kaharapan ko ito habang katabi naman niya si Angeline at katabi ko naman si Thalia.
"It’s nice to see you again guys!" pilit na sabi ko at ngumiti.
"It's been a long time, Bella!" Angeline exclaimed. "Akala ko hindi ka namin makikita bago ka ikasal kay Esteban," dagdag pa nito.
Mayroon na silang na-order na pagkain para sa amin. Pasta and toasted garlic bread. Sumulyap ako kay Angeline at ngumiti.
"Pasensya na, naging busy lang," pagdadahilang saad ko at uminom ng juice.
Pasimpleng kong sinulyapan si Rad na ngayon ay may kausap na waitress na mukhang nagpapa-cute sa kanya. Kumunot ang noo ko at binigay muli ang buong atensyon sa kanila.
"Really, Bella? Or are you preparing for your wedding? You know after his study abroad they are going to fix your marriage right?" maarteng tanong ni Kat.
Hindi ito ang unang imbitasyon galing sa kanila. Noong umuwi ako sa Cebu ay inimbita ako ni Kat sa engrandeng birthday nito. Ngunit nagdahilan ako na may sakit ako. Noong huli ay may pagtitipon ng batch namin, pero dahil grounded ako ay hindi ako pinayagan ni Mama, at ayoko rin naman pumunta.
Tumingin ako kay Katarina na napaka suplada ng mukha at madalas kong makaaway sa lahat ng bagay. Tulad ko ay nakasuot din ito ng long dress na mas lalong bumagay sa kanyang magandang katawan.
Nagkibit-balikat ako. "I'm not, there's not much to prepare,” walang ganang saad ko.
"You are really lucky, Bella! I've thought Esteben likes Ella. But it turns out to be you pala. What did you do? You know Esteben was top notch on architecture and went to Spain for his masteral. Wow!" komento ni Angeline na huminto pa sa pagkain ng pasta para sabihin iyon.
Ito na nga ba ang ayoko. Kaya ayaw kong pumunta dito dahil magiging akong topic of the day because of Esteban. He was famous to the young ladies like us. High school pa lang kami at college siya ay nakapukaw na siya ng atensyon ng maraming babae dahil na rin sa yaman at kasikatan nito.
Hindi napapansin ng iba ang kayabangan nito dahil sa... well, ‘di ko naman maipagkakaila na guwapo ito. I shook my head on that thought, but I don't like him ever since. Kilala siyang bad boy pagdating sa mga babae and we all know that.
"He’s my high school crush, Bella. You know that right? That is why I'm so jealous of you," singit na wika ni Thalia sa akin na mukhang kanina pa alangan.
Alam ko naman iyon, may nai-kwento rin noon sa akin si Ella. Ngunit hindi ko naman nabibigyang pansin. Hindi ko lang akalain na ang isang tulad ni Thalia na mahinhin at mabait ay seryoso sa feelings niya kay Esteban.
We were high school and college classmates, she was gorgeous at may mga nanliligaw pero hindi ko siya nabalitaan na nagka-boyfriend. Except kina Angeline at Kat na pabago-bago ng boyfriend.
"You know what ,Thalia? You should try harder. Malay mo naman magustuhan ka ni Esteban. Hindi naman kasi ganoon kagaling si Bella sa lahat ng bagay. Hindi ba, Abella?" tanong ni Kat sa akin na nakataas ang kaliwang kilay.
Ngumisi ako sa kanya. "Of course, Thalia. If Esteban would change his decision and choose you or anyone else except me. I'm glad to accept that," saad ko at ngumiti kay Kat habang pinipigilan ang sarili ko na mainis.
"Really, Bella? Wala sa iyo ‘yon?" tanong ni Thalia sa akin.
Hinawakan ko ang toasted bread at kinagat ito.
"You should at least use the proper utensils to grab your food, Bella," nandidiring wika ni Angeline.
Napangiwi ako at walang ganang tumingin sa kanya. "As long as it goes to my mouth, wala akong problema doon." Tumingin ako kay Thalia. "Yes. Kung gusto mo pag-uwi niya, we can set a date for the both of you." Nanlaki ang mata nito at biglang kuminang ang mga mata.
Tumingin ako kay Kat na nakataas ang kilay habang pinaglalaruan ang pasta nito. "Ikaw, Katarina? Gusto mo ba?" I asked sarcastically.
I know my friends very well. They want fame, money, and power. Esteban would be a perfect man to give them what they want, and I don't need that. If I can escape this marriage, I can use my friend to seduce him. He might change his mind, or at least delay the wedding.
"You really don't like him, don't you?" naiinis na tanong ni Kat sa akin.
Nagkibit-balikat ako. "Well, I don't like him anymore, he's so annoying, and strict," pagdadahilan ko na nagbago lalo sa mood nito. "But I guess my friends want him?"
Sumulyap ako kay Angeline na ganoon din ang mukha. Sa aming lima, ako lagi ang nasa average. They want to be on top, like what Rafaella always did. They are the best in everything.
Kaya alam kong naiinis sila ngayon dahil ako ang pinili na papakasalan ni Esteban. Kung si Rafaella pa ang pinili niya ay maiintindihan nila. Ngunit nang malaman nilang ako, alam ko natapakan ang ego nila.
Though, it wasn't really me. Pinalabas lang ni Ella na ako ang kasama niya.
"If that is the case. I hope you will not hate me if Esteban will fall for me." I almost choked when Angeline commented.
"Angelina!" Thalia warned.
"What, Nathalia? Let's face it. Esteban loves sexy hot girls, look at you. You're so petite. Kumakain ka pa ba?" Ngumisi ako sa sinabi ni Angeline at kumain sa pasta na nasa harapan ko.
"So you're saying... Am I not good enough?" naiinis na tanong ni Thalia.
"Can you please stop?" anas ni Kat at naiinis na kinain ang pasta nito.
I heard them hissed at kumain na rin. Sumulyap muli ako sa kung saan nakaupo si Rad. Nabitawan ko ang tinidor nang wala ito sa upuan niya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit hindi ko siya makita sa loob.
Wala naman din itong nakaiwan na pagkain kaya sigurado ako na lumabas siya. O, baka naman pumunta sa wash room?
"I heard you work in a bank when you went to Cebu," panimula ni Angeline pagkatapos naming kumain.
"Ah, yeah," tipid na sagot ko.
"Si Ella? Kumusta siya sa Manila? Kailan siya uuwi?" Napahinto ako sa tanong nito. Iyon kasi ang sinabi nila Mama sa mga kakilala namin dahil sa bigla niyang pagkawala.
"I don't know," walang ganang sagot ko.
"I miss her already!" ani Angeline at ngumuso.
We had a normal conversation. Like, bragging about their success when it comes to their work, fashion and all.
Natapos na kaming mag-usap ay hindi na pumasok si Rad.
Nagpasalamat ako kay Angeline at sa kanila bago tuluyang tumayo. Hindi na rin ako nakipagtalo na magbayad ng bills. Sa pagtatalo nilang tatlo ay si Kat din ang nagbayad kahit na si Angeline naman ang nag-imbita.
"Bella..." Habol ni Kat sa akin nang naglakad na palabas ng restaurant.
Tumingin ako sa kanya na nag-aalangang tumingin sa akin. Napansin ko ang dalawa na nag-aayos ng gamit.
"Bakit?" I asked curiously.
"Did you mean it? The... date? Date between me and Esteban?" nahihiyang tanong nito.
Ngumisi ako sa tanong niya at nagwawala ang isipan. I guess I made a right move.
"Of course, if you want," saad ko.
"Of course! I mean well, if you insist." Ngumiti ako sa kanyang sinabi.
She looks so excited.
"Sure. Pag-uwi niya, I will tell him. Secret lang ha?" bulong ko sa kanya na nanlaki ang mata at tumango nang mabilis.
"I will wait for it, Bella."
Tumango-tango ako. "Okay. Bye, Katarina. It's nice to see you again," paalam ko at naglakad na palabas.
Mabilis kong hinanap si Rad na nakita kong nakasandal sa kotse. Napatayo ito nang tuwid noong makita ako. I smiled at him, nandito ba siya buong oras na hinahanap ko siya?
Pagpasok ko sa kotse ay napakunot ang noo ko nang makaamoy ng pamilyar na pagkain ng fast food. Pagpasok niya sa kotse ay lumapit ako sa kanya at nakita ko sa passenger’s seat ang pamilyar na brand ng fast food.
"Oh my gosh! I've been craving for this," I exclaimed at nangingiting tiningnan si Rad.
"Hindi ko gusto ang nasa menu kaya lumabas ako para bumili ng-"
"Binilhan mo ako?" Halos kuminang na ang mata kong tumingin sa kanya.
He clenched his jaw and furrowed his brows. "I said, I bought it because-"
"But... it's too much for you!" giit na wika ko at nakangiting sumulyap sa kanya na ngayon ay may multo nang ngiti sa labi.
I blushed when I find him cute. "Busog ka na, hindi ba?"
"Hindi no! Konti lang kinain ko." I pouted my lips and looked at him.
"Okay, we will eat then."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sagot niya. Nilanghap ko muli ang masarap na amoy nito. Hindi na ako makapaghintay na kumain.
"What are you doing?" takang tanong nito.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "I'm excited to eat na, e! Can I sit here?" tanong ko sabay turo sa passenger’s seat.
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot kinuha ko na ang dalawang balot ng pagkain at inilipat sa tabi ko. Mabilis kong nahakbang ang gitna at umupo sa passenger’s seat. Nagbuntonghininga ito at napailing.
Inabot ko ang mainit-init pang isang balot ng fries at mabilis itong kinagat. Ugh! I miss this food.
"Saan tayo pupunta?" Ngiti ko nang mukhang hindi muna kami uuwi.
Sinulyapan niya ako at muling umiling. "I'm sorry I can't help it!" sabi ko sabay kain pa ng isang fries.
Pumasok kami sa bayan ng Lila na liblib at puno ng malalaking puno malapit ito sa bayan namin. Napahinto ako sa pagkain nang palapit kami nang palapit sa dagat. Walang masyadong tao ang narito at mukhang eksklusibo ang mga bahay bakasyunan na nakatayo rito.
"Hindi ba ito private property, Rad?" bulong na tanong ko nang huminto ito sa isang malaking bahay.
Sumulyap ito sa akin at ngumisi. "Nagpaalam na ako sa may-ari. Ayaw mo ba?" tanong nito sa akin.
"Gu-Gusto!" awat na pahayag ko.
Tumango ito at lumabas ng sasakyan at sumunod ako sa kanya dala ang pagkain. Sumulyap ako sa kanya na binuksan ang likod ng sasakyan at may kinuha roon. Pumasok kami sa eksklusibong summer house. Namangha ako sa modernong disenyo nito. Sumulyap ako kay Rad na seryosong ibinaba ang mga gamit sa sala.
"Nasaan iyong may-ari?" tanong ko at nilibot ang tingin ko sa buong paligid ngunit wala ni isang taong nakita.
"Taga-kabilang bayan sila. I asked for permission to use this since they are not here. Nasa kabilang bakod lang iyong namamahala," sagot nito at inabot ang isang paper bag.
"Ano ‘to?" nag-aalangan kong tanong sabay bukas dito. Napaawang ang labi ko nang makita ang iilang bikini.
Napakamot ito sa kanyang ulo at umiwas ng tingin.
Tumikhim ito. "I guess you're not going to swim wearing that dress?" He clenched his jaw. "That’s why I bought you."
Namula ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin.
"Sa-Salamat."
Kinalkal ko pa ito at may nakita pa akong magkaibang brand ng sunscreen. Mainit ngayon dahil hapon na. Tumingin ako sa malawak na dagat. Kailan nga ba ako huling naligo sa dagat?
Kahit na malapit lang kami sa dagat ay hindi ako pinayagan ni Mama na lumangoy sa dagat. I guess I have no choice, but to break her rule.
"We have to eat first,” anito.
Lumabas kami sa terrace kung saan nasisilayan ang buong dagat.
"Paano mo nalaman ito? Close ba kayo ng owner?" interesadong tanong ko habang kumakain ng burger steak.
Napahinto ito at tumingin sa akin.
"O, dito ba ang bahay ni’yo?" Napangiti ako roon. Kung ganoon ay malapit lang siya sa bayan namin.
Naghintay ako ng sagot niya ngunit kahit isa ay wala man lang siyang sinagot.
"Kailangan mong bilisan kumain. Alas tres ay babalik na tayo sa mansyon." Nagulat ako sa sinabi niya at tumango nang mabilis.
Oo nga pala, hindi nga pala kami puwede magtagal. Ibig sabihin kailangan ko ng magmadali kumain nang makaligo na kahit saglit lang. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako upang magbihis. Hindi naman ako napagod sa paghahanap ng banyo.
Natawa ako habang pumipili ng bikinis. Sa palengke niya kaya nabili ito? O, nasabi ba niya ito kay Katya? Nakakahiya naman. Pinili ko ang bulaklak na disenyo
Paglabas ko ay nakita ito na nasa terrace at nagpapahinga.
"Hindi ka lalangoy?" tanong ko sa kanya.
Umiling ito. "I will wait here," anito na nakasuot pa ng uniporme.
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya ngunit ayoko naman na pilitin pa siya. Baka umabot pa kami nang alas tres at hindi man lang ako nakaligo. Halos naubos ko yata ang isang malaking sunscreen sa paglagay ko sa buong katawan ko upang hindi ako umitim. Hindi ganoong maiinit siguro dahil narin nagiging makulimlim ang kalangitan.
Nagbabad ako sa malamig na tubig ng dagat. Hindi ko na binasa ang buhok ko dahil baka mahirapan akong ibalik ito sa dati. Halos ang mga lumalangoy rito ay mga dayuhan na mukhang nagmamay-ari ng mga private resort dito.
Ilang minuto na akong nagbabad sa dagat at talagang hindi nga siya sumunod sa akin. Sinulyapan ko siya na nakatingin din sa akin. Iniwas ko bigla ang tingin ko sa kanya.
Bakit ba sa tuwing titingnan ko siya nakatingin din siya sa akin? Hindi man lang ako nabibigyan ng pagkakataon na masilayan siya nang matagal ang mukha niya. Bumilis ang tibok ng dibdib ko at inabala ang sarili sa paglangoy.
"Hi.."
Napahinto ako sa paglalagay ng basang buhangin sa aking balat nang may puting dayuhan na huminto sa tabi ko.
Itinaas ko ang aking tingin sa kanya na ngumiti. "I'm watching you from afar, and you’re alone. Can I join you?" tanong nito sa slang na ingles.
Dahil kanina pa ako nag-iisa dito ay wala naman sigurong masama kung pumayag ako, hindi ba?
"Uh—"
"Bella..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita si Rad na hinahabol ang hininga habang kunot na kunot ang noo.
"Oh, sorry. I thought you're alone," saad ng lalaking foreigner.
Nginitian ko na lamang siya at kumunot ang noo at pinanood na maglakad pabalik.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Rad sa tabi ko. Kailan pa siya nagpalit ng damit? Naka-summer short ito at sando na kanina ay nakasuot pa ng uniporme niya.
I looked at him surprised. His brows furrowed and his eyes were so mad looking at that man. Ibinalik ko rin ang tingin doon at nakita ko na mayroon pala itong ibang kasama na mukhang mga pilipino naman.
"I guess I should not leave you alone. Men are drooling over you," anas nito.
Matagal kaming natahimik paglayo noong lalaki. Nakaupo lamang kami sa buhangin habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.I want to ask,why is he doing this?He is being so kind."Ganoon ba talaga kayo?" tanong nito pagbabasag sa katahimikan. Sumulyap ako sa kanya na malayo ang tingin sa harapan namin.He clenched his jaw and Adam's apple moved. He has a perfect jawline that fits perfectly on him, he looks so manly. He has hard features. He looks arrogant and always furious because of his deep set of eyes."Anong ibig mong sabihin?" paos na boses na tanong ko, habang namamangha pa rin sa kanya.Napaawang ang labi ko nang bigla itong humarap sa akin. Nagulat ako at bigla akong napayuko."You met your friends, but why don't you seem happy?"Napakagat ako sa aking ibabang labi.
As an usual morning, ako nanaman mag-isang kumakain sa hapag kahit pa nakauwi na sila. Hindi na bago sa akin ito." Mamayang alas nuebe ay may schedule ka sa shop ni Cindy, at sa hapon naman ay may appointment ka sa isang Thai salon para sa body massage." Saad ni Perla.Nandito na si Mama pero madami pa rin itong schedule na inilalaan na gagawin ko." Cindy? Hindi ba nanggaling na siya dito kahapon?" Tanong ko habang nginunguya ang isang mansanas." May pagbabagong ginawa si Don Herman ginawa niyang masquerade party ang tema ng pagtitipon para sa inyo, bilang paggunita nito sa debut ng kanyang kaisa isang babaeng apo na kasabay ding uuwi ni Senyor Esteban." Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Perla upang makasiguro sa sinabi nito
I was busily preparing myself for another horse back riding near the shore. I wore my black sexy boots." Mangangabayo ka?" Tanong ni Rafaella sa akin pagbukas nito ng pintuan ko habang ako ay nasa sofa at seryosong tinatali ang bota." Oo.." tipid na sagot ko.She opened my door wider and step on my room." Talagang nakakawiling gawin iyan?" Manghang tanong nito sa akin.Ngumiti ako sa kanya." It was super cool Ella!" Sagot ko at tumayo sa tapat ng malaking salamin upang tignan ang sarili.I wore my fitted long maroon long sleeve and my high waist leather jeans. Katya ponytail my
Nasa canteen kami ng school at kumakain ng hapunan.I am with them, obviously dahil kaklase ko sila up until ngayong senior grade." Where is Kat?" Tanong ni Angeline pagkatapos ng last subject namin ay bigla nalang itong nawala." She told me that his boyfriend was here." Ani Ella na tinutukoy iyong boyfriend ni Kat na nasa kolehiyo na sa school na ito.Hindi ko pa ito nakikita dahil laging si Ella ang kasama niya sa tuwing dinadalaw ito ng boyfriend niya." Hindi ba siya iyon?" Turo ni Thalia sa amba ng pintuan ng canteen at nakita kong papasok ito." Don't tell me Ella, si Julius ang boyfriend ni Kat?" Takang tanong ni Angeline d
Itinuro ko sa kanya ang daan patungo sa isang hindi kilalang shop ng pagawaan ng mask. Sa kabilang bayan ito, ngunit malapit naman sa Valencia. Naiilang akong tumingin sa kanya. Noong huminto ang sasakyan ay mabilis akong lumabas ng kotse.May sumalubong sa aking matandang lalaki na nakareading glass." Ano ang iyo Hija?" Manghang tanong ng matanda. Ngumiti ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng shop ng marinig ang pagsara ni Rad sa pinto ng kotse.Gaya ng inaasahan ko, walang gaanong tao dito. Kung mayroon man ay walang pupuntang taga Valencia dito. It was a cheap place." May gusto po sana akong ipagawa na mask, Lolo." Saad ko. Ngumiti ang matandang lalaki sa akin." Aba't n
I'm preparing myself again para sa pagpunta sa talon. I don't have anymore bikinis, and I am wearing my Calvin Klein ternos, hindi ko naman din nauwi iyong ibinigay sa akin ni Rad noong pumasyal kami sa dagat." Aba aba, aalis ka nanaman?" Kunot noong tanong ni Katya sa akin pagpasok nito sa kwarto ko.Itinaas ko ang kaliwang kilay ko at tinuloy ang paglalagay ng pulang tint sa labi ko." Magiisang linggo ka nang naliligo sa talon, at mukhang nawili ka Señorita?" Nakataas ang kilay na tanong nito.Nagbuntong hininga ako at ibinaba ang lipstick na hawak ko." So what do you want me to do here?" Nakakaloko itong ngumiti sa akin kaya inikot ko ang paningin ko.
Boyfriend ko na siya,Hindi ako pinatulog ng utak ko dahil sa mga nangyari sa talon.Papano nangyare na boyfriend ko na siya? How can he decide that quick without even asking my opinion?Why the hell I'm happy about it? Does it mean, kami na?! I'm still shock, parang hindi totoo. How can I act as a girlfriend? Geez! I'm so clueless." Ayos ka lang? Bat parang lumulutang yang isip mo!" Sabad ni Katya habang nakaupo pa ako sa queen size bed ko at tulala." Ah, wala." Pagiwas ko.Umismid ito at umupo sa tabi ko, sabay binatukan ang ulo ko." What the hell was that Katya?!" Inis na tan
Sa ekspresyon ni Katya alam kong kinakabahan ito. I know something bad will happened." Ako na bahala maghatid." Singit ni Rad sa aming usapan na mabilis namang umiling si Katya." Hindi pwede, hindi ka dapat makita ni Donya Angelita na kasama si Senyorita Bella." Kumabog ang dibdib ko sa kaba.Ngayon ko lang napagtanto na seryoso ang sitwasyon namin. Sumulyap si Katya sa akin." Kung hindi, baka mawalan ka ng trabaho. Baka ngayon ay hinahanap na ni Perla si Senyora, at mas mabuti ng ako ang kasama niya. Makakaisip pa kami ng palusot. Hindi na rin pwedeng dumaan ang kabayo, dahil sobrang lambot na ng lupa, ang akala ko ay hindi kami makakaabot ni Alyas." Iiling iling itong saad niya.
"Adam!" matinis na galit na boses ni Ella ang aking narinig mula sa intercom, at dahil doon biglang huminto ang kabayo ko."Not now Zeus!" anas ko at muli itong pinatakbo. "Damn it!" napamura ako ng makita si Blake na papalapit na sa 'kin.Mabilis ko muling pinatakbo si Zeus, ngunit dahil sa paghinto nito ay naunahan ako ni Blake at mas lalong nakalapit si Sky."What are you doing here? My gosh! We have a meeting with the foreign investors!" dinig ko ang galit sa boses nito, but I need to win this game.Napailing ako ng paulit-ulit ng nauna na sa finish line si Blake at muntikan pa akong maunahan ni Sky."That's a close fight!" tawa ni Sky sa akin na bumaba sa
The white curtain was swaying gracefully while I was staring at her silently sitting on the wooden chair.Napangisi ako ng makita na suot nito ang white polo ko. Kumunot ang noo ko, sa isipang wala itong saplot kundi iyon lang.She sipped on the hot chocolate she was holding, bigla akong nataranta ng mapaso ito."Bella!" nagaalalang tawag ko sa kanya at mabilis na lumapit.Napahinto ito at marahan na ngumiti sa akin. Natulala ako ng tumingin ang magaganda nitong mga mata. Her long natural eye lashes was difining her eyes that makes her more seductive.Umigting ang panga ko, we just did quickie at the kitchen. Halos, buong gabi ko siyang inangkin.
Huling kabanata ngRad, maramingsalamatposapagtangkilik.Sunodaywakas. ❤Natawa ako ng dahil sa paggalaw ni Cloud ay nabasa ng tubig ang suot na tshirt nito. Ilang minuto ko na pala siyang pinagmamasdan.Hinawakan ko ang mahabang buhok ko ng umihip ang hangin, ang pamilyar na hangin ng Valencia. My white sleeveless dress sway gracefully because of the wind.Huminto ito sa pagpapaligo kay Cloud ng mapansin nito akong nakatayo hindi kalayuan sa kaniya." Kanina ka pa ba?"" Bakit hindi mo ako ginising?" Kuno
" Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko sa kanya." I book a villa in Batangas." Nabigla ako sa sagot nito dahilan ng mas lalong pagkunot ng noo ko at sumulyap sa kanya." Rad, gabi na." Hindi ako makapaniwalang sumulyap sa kanya. " At-At wala akong dalang damit." Giit ko." I have my pair of clothes on my car, we can go back early in the morning."I rolled my eyes on him while shaking my head, sinabi niya yun na parang pupunta lang kami sa kanto.Halos dalawang oras din ang biyahe patungong Batangas, siguro ay alas nuebe na kami makakarating.Ngumuso ako at sumulyap sa kanya.
I rolled my eyes at him. I froze when the intercom buzz again." Mr. Montenegro, your mom is on the other line." Sumulyap ako sa kanya na nakakunot ang noo habang papalapit sa table niya.Tumayo ako kaagad at nag-lakad patungo sa table niya upang sagutin ito, sakto naman na hinawakan ni Rad ang kanang braso ko upang pigilan ako but its too late dahil napindot ko na ang button." Sure, kindly direct it to his office phone." Nakangiting wika ko at inalis ang pag-kakapindot sa intercom at tumingin sa kanya na kunot na kunot ang noo." What?" Natatawang tanong ko at ilang minuto lamang ay tumunog na ang telephone nito sa table niya.Bumuntong hininga ito bilang pag-suko, marahan itong um
I woke him up at six in the morning, Chef Don was here for our breakfast. Rafaella already send me the list of his schedule for the whole day. Konti lang naman ang gagawin niya ngayon, at follow up for some investors na kakausapin niya." We need to be there at 7:30 am." Paalala ko sa kanya at inayos ang kulay maroon na necktie nito.Mula noong nawala ito ay ngayon lamang siya muling tutungo sa company nila, mariing hinabilin ng Lolo niya kagabi na kailangan niyang pumasok ngayon.I am wearing my pink coat and white tube underneath it with a pencil cut fitted skirt that matches my coat. I needed to be there as his assistant, ngayon na kasi ang alis ni Ella.Kinakabahan tuloy ako." C
I felt the soreness in between my thigh, my body was still so weak that I can not even move. I felt his left hand snaked on my waist and his warm breathe on my left ear. We were naked underneath this thick comforter, just enough to give warm to our body.I groaned when I felt his hand cupped my breast again." Ready for the next round?" Bulong nito sa napapaos na boses, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.We just slept for an our, and it's two in the morning, my eyes were still sleepy and I wanna sleep!" Rad!" I groaned, I'm so exhausted bakit parang hindi siya napapagod siya naman ang laging gumagalaw.I felt his soft kisses on my left cheek and still squeezing my breast, I don
Ilang minuto pa akong nakatayo sa harapan ng pintuan, bago nagpasyang pumasok sa loob. Nag-buntong hininga ako at sumulyap sa mga kaibigan nito na nag-tatawanan pa habang nanonood ng variety show sa flat screen tv. I pouted my lips and walked closer to them." Ayos lang kaya sila?" Tanong ko sa kanila na mukhang wala naman sa kanila ang nangyayare.Umupo naman si Chef Don sa tabi ni Sky na ngayon ay inalis ang uniporme nito." Ella, uh I mean Bella? You don't have to worry about them. They know what they're doing." Sagot sa akin ni Gio na tinapunan ako ng tingin at sabay pa silang tumawang tatlo dahil sa pinapanood nila.Napailing nalamang ako. Masyado lang siguro akong nag-iisip ng masama, Blake seems expert about this, Rad was full
Nawala bigla ang ngiti ko ng kunot noo itong tumingin sa akin at bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya ng mapansin na kami lamang dalawa sa loob ng condo niya. Sumalubong ang katahimikan sa aming dalawa. Tumikhim ito at marahan na inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin." Si-Si Alyas?" Kabadong tanong ko na tumingin sa kanya.Kumunot ang noo nito at dumilim ang mukha. " He can stay on the other room. A-Are you hungry?" Tanong nito na hindi ako tinatapunan ng tingin.Napalunok ako at umiwas din ng tingin sa kanya. Sobrang dilim sa loob ng condo niya, at tanging ang maliit na ilaw lamang sa kinatatayuan namin ang tanging liwanag. Alam ko hindi ko dapat maramdaman ito, ngunit nag-iinit ang aking pisngi at tanging ang kabog ng dibdib ko ang aking naririnig. Naiinis tuloy ako, ba