Share

Chapter 36 Clear Image

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-11-10 22:21:41

NANLAKI ang mga mata ni Kelly nang muling niyang marinig sa pangalawang pagkakataon na magsalita si Christian ng Filipino. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.

“Shit! You really speak in Filipino!” bulalas na saad ni Kelly pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng kotse ni Christian.

“What’s with the big fuss?” kunot-noong tanong ng binata.

“Marunong ka pala magtagalog, ‘e, bakit hindi ka na lang magtagalog panay English mo pinapahirapan mo pa kami ni Manang Cely!” nagrereklamong sabi ni Kelly.

Ngunit hindi pinansin ni Christian ang kanyang sinabi. “We’re not here to talk about that,” maikling saad niya.

“Pero—”

Hindi natapos ni Kelly ang kanyang pag-aalma nang agawin ni Christian ang kanyang pagsasalita. “Aren’t you going out of the car?”

“Sungit mo, alam mo ‘yon?” naka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Victoria Amata
thank you please unlock
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 37 Changes

    ILANG BUWAN ang lumipas at lahat ay unti-unting nabago sa buhay nina Kelly at Christian. Pagbabago na unti-unting nakakasanayan na ni Kelly at hindi niya nanaisin na mawalan. Ang saya at pagmamahal na hinanap niya buong buhay niya ay ngayon lang dumating sa kanyang buhay.Sarap na sarap si Kelly sa kanyang pagkakatulog lalo na at may kung anong kakaibang init ang bumabalot sa kanyang katawan dahilan para mas naisin niya pang ipikit ang kanyang mga mata. Ngunit bigla siyang natauhan nang makaamoy ng isang pamilyar na amoy at hindi siya maaaring magkamali sa kanyang hinihinala. Idinilat niya ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang katawan ng binatang nakasuot ng black long sleeve. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang nanunuot sa kanyang pang-amoy ang pabango nito na siya na ring nagiging paborito. Dahan-dahang inangat ni Kelly ang kanyang ulo at nakita niya ang mukha ng lalaking ginagawang masaya ang buhay niya sa nakalipas na mga buwan. Kitang-kita n

    Last Updated : 2021-11-11
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 38 Haunted by Past

    MAY GUMUHIT na mga ngiti sa labi ni Kelly sa nakikita niyang pagbabago ni Christian."Oh, before I forget, I brought you something," wika ni Christian na mabilis na napaayos ng kanyang tayo. “Just wait here, okay?” At mabilis itong nagtungo sa fridge at may kinuha na dalawang box isang kulay pula at isang kulay puti.“What is that?” kunot-noong tanong ni Kelly.Nakangiting humarap si Christian sa dalaga. “One of your cravings,” sagot nito at mabilis na naglakad patungo sa mesa kung nasaan si Kelly.At nang mailapag na ni Christian ang dalawang box ay nanlaki ang mga mata ni Kelly sabay tingin sa binata.“Binili mo talaga? Nagbibiro lang naman ako,” hindi makapaniwalang sabi ni Kelly habang pinagmamasdan ang nakakatakam na daifuku mochi at taiyaki na binili ng binata."I know you're not good at making jokes. Just go get them because it's all for you and our baby.”Napalingo

    Last Updated : 2021-11-13
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 39 Coldness within Him

    MATAPOS ang hindi maipaliwanag na pangyayari at ikinilos ni Christian ay hindi nito kinausap si Kelly at bigla rin itong nagbago. Sa isang iglap at ‘di malaman na dahilan ay iniwasan ni Christian ang dalaga kung noong una silang magkita ay nagawa pa nitong tignan sa mga mata si Kelly ngayon ay hindi na. Everything they'd done in progress had been drained into nothing, and no matter how hard Kelly tried to approach Christian, she was always shut down by his silence.Bagsak ang mga balikat ni Kelly nang pumunta ito sa kusina. Kitang-kita ni Manang Cely ang walang kabuhay-buhay na awra ng dalaga.“Hindi ka pa rin ba iniimikan ni Ian?” nag-aalalang tanong ni Manang Cely kay Kelly.Hindi nagsalita si Kelly at tanging isang nanghihinang iling lamang ang kanyang itinugon sa matanda.“Heto, inumin mo muna ito para kumalma ka,” saad ni Manang Cely sabay inilapag ang matcha green tea sa harapan ng dalaga.Nanatiling walang imik

    Last Updated : 2021-11-14
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 40 Secrets

    NAKARAMDAM ng kakaibang tensyon si Kelly nang sandaling iyon ngunit hindi siya nagpatalo. Buo ang kanyang loob na malaman ang lahat. Gusto niyang malaman kung bakit nagkakaganoon si Christian.Pinunasan ni Kelly ang kanyang mga luha at buong loob na sumagot. “Sigurado at handa po ako.”Huminga nang malalim si Manang Cely bago nagsalita. “Saan mo ba akong gustong magsimula?” tanong nito.Napalunok si Kelly nang malalim ngunit gusto niyang malaman ang lahat. “Sa simula’t simula po,” lakas loob na sagot ng dalaga.Napapikit ang matanda at marahang napatango sabay tingin sa dalaga. “Marami naman tayong oras para pag-usapan ang lahat ng tungkol kay Ian.” Matapos noon ay nagsimula ng magk’wento si Manang Cely.PAGKARATING na pagkarating ni Christian ay trabaho inatupag kaagad ang inatupag nito. Kararating niya lang sa kanyang hotel, walang pahipahinga ay nagtungo agad ito sa

    Last Updated : 2021-11-16
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 41 Once Again

    “ARE YOU THREATHENING ME?” mariing tanong ni Christian kay Hamilton na nagngingitngit sa galit na binigyan nang matatalim na tingin ito.Lumayo si Hamilton na may ngisi sa kanyang mga labi. “It’s not a threat, Big J. I’m giving you the leverage to live the life you want.”Lalong napatiim-bagang si Christian sa ginagawa sa kanya ni Hamilton. Ayaw niyang lumabas ang pinakatatago niyang lihim at ayaw niya ring balikan ang bagay na ginagawa niya noon pero wala siyang ibang mapagpipilian.“One night wouldn’t hurt you, Big J. It’s just tonight.”Itinaas nito ang baso ni Christian at nilagok ang gapatak na alak sabay dinilaan ang itaas niyang labi na animo’y nang-aakit.“So, what’s your decision, Big J?” pag-uulit muli nitong tanong sa binata.Puno nang pag-aalinlangan si Christian nang sandaling iyon, wala sa pagpipilian niya ang papabor sa kanyang kagustuhan.

    Last Updated : 2021-11-17
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 42 Rebuttal of Dignity

    LUMIPAS ang limang oras ay biglang tumunog ang cellphone ni Christian at nakita niya ang files na sinend sa kanya ni Sebastian. Sinimulan niya iyong basahin at lahat ng kailangan niyang malaman kay Hamilton ay naroon: personal information, family, assets, business at maging ang mga records ng mga batang pinagsamantalahan nito. Habang binabasa iyon ng binata ay hindi niya magawang hindi magngitngit sa galit lalo na nang makita ang mga batang pinagsamantalahan niya sa iba’t ibang lugar kung saan ito napupunta.Napakuyom ng kamay si Christian kasabay ng kanyang pagtiim-bagang. “Such a scumbag!”Nagpatuloy siya sa kanyang pagbabasa at doon niya rin nalaman na kaya pala ito naroon ay para i-close ang deal sa kay Mr. Vasiliev na isa rin sa investors na kanyang hinihikayat na sumuporta sa kanya sa pagbukas ng branch sa Moscow.Napatingin si Christian sa kalendaryo at napangisi si Christian nang sandaling iyon. “It’s payback time.”

    Last Updated : 2021-11-26
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 43 Christian Hunter Supremacy

    “SPASIBO, mister Khanter. (Thank you, Mr. Hunter)” pasasalamat ni Mr. Vasiliev kay Christian. “Yesli ne vy razoblachayete Gamil’tona, ya, nesomnenno, vykopayu mogilu dlya svoyey kompanii I poteryayu svoy imidzh prosto iz-za doverchivogo cheloveka, kotoryy etogo ne zasluzhivayet. (If it is not you who exposes Hamilton, I will undoubtedly dig a grave for my company and lose my image simply because of a trusting individual who is not deserving.)”“Takiye lyudi, kak on, yavlyayutsya pozorom v nashey industrii, I ikh neobkhodimo iskorenit’, chtoby ne zapyatnat’ ch’yu-to reputatsiyu isklyuchitel’no iz-za ikh beznravstvennosti. (People like him are a disgrace in our industry, and they must be eradicated to avoid tarnishing someone’s reputation solely due to their immorality.)”“YA v eto veryu. (That’s something I believe.)”Biglang gumuhit ang l

    Last Updated : 2021-11-28
  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 44 Sweet Treats

    TULAD ng sinabi ni Christian ay bumawi siya kay Kelly. Kung sa nakaraan na buwan ay si Seb ang kasama ng dalaga ngayon ay ang binata na ang kanyang kasama. Sinasamahan siya nito na magpaayos ng buhok at mga kuko, mamili ng mga damit at mga gusto niya at iginala rin siya nito sa mga lugar na makakapagpasaya sa kanya tulad ng pagpunta sa amusement park at mga lugar na may magagandang scenery. Ibinigay sa kanya ng binata ang mga bagay na nais niya na ito ang sana kasama nang mga sandaling iyon.Walang mapaglagyan ang tuwa ni Kelly nang mga sandaling iyon na hindi niya nais na matapos pa.“Are you happy?” tanong ni Christian habang pinagmamasdan si Kelly na nag-e-enjoy sa pagkain ng ice cream.Tumango naman ito bilang sagot na animo'y isang bata na sabik at galak na galak sa pagdila sa kanyang ice cream. Napangiti na lang si Christian sa nakakatuwang kilos ng dalaga sa kanyang harapan. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili ngunit ito lamang ang unang b

    Last Updated : 2021-11-29

Latest chapter

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Epilogue

    DALAWANG LINGGO ang nakalipas bago napatunayan na hindi talaga anak ni Christian ang sinasabing anak nila Lovely. Doon napatunayan na si Sadam ang tunay na ama nito at dahil sa ginawang gulo ni Lovely ay kinasuhan ito ng Paternity Fraud, Coercion, Maltreatment with Multiple Physical Injuries pati na rin ang kanyang ama. Matapos na maisampa ang kaso ay ipanaubaya na ni Christian kay Seb ang lahat para umuwi ng Pilipinas kasama si Rachel.“Finally, makakauwi ka na rin, Chris!” masayang saad ni Rachel. “Makakasama mo na ulit si Kelly at makikita mo na rin ang baby niyo.”Ngiti lang ang naging tugon ni Christian kay Rachel at napatingin sa labas ng bintana ng eroplano.“I’m coming home, Kelly. Just wait for me,” wika niya sa kanyang sarili.Sampung oras ang lumipas bago tuluyang nakalapag ang eroplano sa paliparan ng NAIA. Halos hindi magkandaugaga si Christian na bumaba ng eroplano at dali-daling pumara ng taxi para

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 53 New Life

    “NO!” mariing sigaw ni Lovely na kanina pa nakikipagmatigasan ng ulo sa mga pulis. “Thi son! It's Christian!” pagpipilitang nitong dagdag.“What exactly are you on about, Lovely? We have custody of that child! Why do you keep claiming it’s his and not mine?” galit at naguguluhang tanong ni Sadam na unti-unti ng nauubusan ng pasensya.“No! He isn’t your son!” mariing itinatanggi ni Lovely na anak ni Sadam ang batang sinasabi niyang anak ni Christian.“If you continue to insist that it wasn’t my child, then you leave me no choice. Let’s do the paternity test!” panghahamong wika ni Sadam.“We’ve already done that, and it says Christian was my son’s biological father!”“That is simply not possible! That cannot have happened!” hindi makapaniwalang tutol ni Sadam na may kasamang panlulumo.“Sadam, please put a stop to it! D

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 52 Truth and Lies

    “WHAT?” wala sa huwisyong tanong ni Kelly kay Kiths na ngayon lahat ng tingin ay nasa doktora.“I don't want to get involved in any personal matters, but I believe it is important for you to be aware that this man—” Sabay turo sa matandang lalaki. “—is your father.” Pag-uulit niya na walang pag-aalinlangan o kakaba-kaba.Napatingin si Kelly sa matandang lalaki at binigyan nang hindi maipaliwanag na tingin. Naguguluhan at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.“Is this a prank?” tanong ni Kelly tumawa nang nakakailang.Ngunit walang tumawa ni isa na naroon maliban kay Kelly.“Are you guys serious?” hindi mapalagay na tanong ni Kelly kina Kiths Seb at Rachel na pinagbabaling-balingan niya ng mga tingin.“No, you must be kidding me…”Nanatiling walang kibo ang tatlo at maging ang matandang lalaki na nakayuko na nang sandaling iyon.&ld

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 51 Where They Belong

    “…AND THAT’S WHAT HAPPENED.” Pagtatapos ni Seb ng kanyang kwento kay Rachel.Hindi makapaniwala si Rachel sa kanyang mga nalaman simula sa anak ni Christian sa Prinsesa ng Saud, sa naging sitwasyon ni Kelly, ang relasyon ni Seb at Kiths at ang nararamdaman ni Seb para kay Kelly.“I can’t believe this! It appears to be a flurry of romance to drama,” hindi makapaniwalang sabi ni Rachel na may kasamang pag-iling.“That’s the way it is,” wika ni Kiths.Umayos ng upo si Rachel. “Sure ka ba na Prinsesa talaga ng Saud ang nabuntis ni Chris?” paninigurong tanong ng dalaga.Tumango si Seb bilang tugon. Hindi na kinuwestyon ni Rachel ang binata kilala niya ito dahil sa oras na kinumpirma nito ang isang bagay ay talagang tama ito. Kahit simula pa lang na nagtatrabaho ito kay Christian ay tinitiyak nito ang lahat bago ito nag-re-report sa binata.“So, what's the plan?”

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 50 Without Him

    LUMIPAS ang mga araw at tulad ng pangako ni Seb ay inilaan niya ang buo niyang oras sa tabi ni Kelly para alagaan ito. Ipinaramdam at ipinakita niya ang pagmamahal at pag-aaruga na kailangan ng dalaga para maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at nariyan lang siya handang siyang damayan sa anong lungkot at pangungulila na nararamdaman nito para kay Christian. Ngunit hindi naging madali ang lahat, kahit na ibinibigay niya ang pag-aaruga at atensyon na kailangan ng dalaga ay hindi pa rin nito maikukubli na si Christian pa rin ng puso’t isipan ng dalaga. Bumagsak ang katawan nito at nangitim ang paligid ng mga mata na animo’y isa ng zombie sa labis nitong pag-aalala sa binata.Hindi sumuko si Seb at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya habang inaalagaan niya si Kelly ay patuloy pa rin siya sa paghanap sa taong makakatulong kay Christian para tuluyan na itong makalaya sa mga kamay ng mag-amang Zendejas.“Seb, may balita na ba sa taong hinahanap mo?&r

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 49 His Shoulder

    “YOU ARE ALREADY AWARE, Mr. Laminero, that Ms. Paxman’s condition is not amusing. This month, in her last trimester, she fainted seven times. You realize how important this is, don’t you? If this continues, she is putting her life and the life of her daughter in jeopardy, and in the worst-case scenario, one life will be lost,” paliwanag ni Dr. Almeda.“I’m sorry, Kiths, it's just that—”Pinutol ni Dr. Almeda ang pagsasalita ni Seb at saka napahalukipkip. “Seb, hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko ay bantayan mong mabuti si Kelly. You already know how sensitive she is right now, especially since Ian isn't by her side. If she continues to do this, the baby will develop complications, which we are attempting to avoid.”“I know. I’m sorry, Kiths,” paghingi ng despensa ni Seb.“Seb, hindi ko nga kailangan ng sorry mo, what I need is ‘wag mong pabayaan si Kelly

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 48 Her Misery

    LUMIPAS ang mga araw, maging ang Pasko at Bagong Taon ngunit ni anino ni Christian ay hindi nakita ni Kelly. Hindi na rin nagawang makausap ng dalaga si Christian dahil matapos ang pangyayaring iyon kahit na anong tawag niya sa number nito ay hindi niya na ito ma-contact. Simula ng araw na ‘yon ay hindi siya tinantanan ng mga katanungan sa kanyang isipan na walang ginawa kung ‘di bagabagin siya sa bawat sandali. Dinamdam niya ang mga araw na nagdaan dahilan para unti-unting bumagsak ang kanyang pangangatawan.“Kelly, please pull yourself together. Hindi maaaring ganito ka na lang palagi. Hindi lang buhay mo ang nilalagay mo sa kapahamakan kung ‘di maging ang anak niyo ni Ian,” wika ni Seb na labis na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga.“Anak niya,” pagtatamang sabi ni Kelly. “Surrogate lang ako na binayaran para dalhin ang anak niya.”“Kelly…”Hindi pinansin ni Kelly ang kanyang pansi

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 47 Devoured

    “STOP IT, CHRISTIAN!” malakas na sigaw ni Lovely kay Christian na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at pilit na bumabangon.“I did everything your damn father wanted, so why can’t you just give me a day to be with her? Why can’t I spend a day with her, even if it’s just for today? Why?” nanggigilgil na tanong ni Christian na muli ay nakatanggap nang isang malakas na sipa sa kanyang sikmura mula sa isa sa limang guwardiya na nakapalibot sa kanya.“How could you curse my daughter and me in front of our men?” At isang malakas na tadyak ang sinapo ni Christian sa kanyang mukha.Lumapit ang ama ni Lovely kay Christian at umupo sa harap nito sabay sabunot sa buhok nito para maitaas ang mukha nito na ngayon ay puno ng suntok at dugo.“Hunter, can’t you still see where you’re standing?”“I don’t want anything else; I just want to go back to the Philippines to see my&

  • Contract with Mr. Hunter (Tagalog)   Chapter 46 Breaking into Pieces

    ILANG araw pa lang ang nakakalipas simula nang umalis si Christian kasama si Lovely papuntang Dubai. Tutol man si Kelly ngunit wala siyang magagawa kung ‘di sundin ang desisyon ni Christian. Alam niyang tama ang dahilan ng binata ngunit hindi niya magawang pigilan ang hindi mag-alala lalo na sa unang tingin niya pa lang kay Lovely ay mukhang hindi na ito gagawa ng maganda.“Kelly, kumain ka na. Makakasama sa ‘yo ang laging ganyan,” wika ni Manang Cely na labis nang nag-aalala para sa dalaga.Ngunit hindi umimik si Kelly at nanatiling tahimik at tulala sa may bintana nakatingin sa gate at matiyagang naghihintay sa pagbukas nito sa pagdating ni Christian.“Kelly…” muling tawag ni Manang Cely.“Kelly…”May isang pumatak na butil ng luha ang kumawa sa mata ni Kelly na sinundan pa ng isa at ng isa pa hanggang sa tuluyan na itong bumuhos nang walang patid.“Nangako siya, Man

DMCA.com Protection Status