MATAPOS iyong sabihin ni Katherine ay inilawan ng mga tauhan na naroon ang buong paligid upang makita ang hinahanap.“Luke, nasa’n ka?” sambit niya pa sa pangalan nito. “Luke!” nilakasan niya pa ang pagsigaw upang marinig nito.“Ka—Katherine, nandito ako!” boses ni Luke na halatang may iniinda.Tumakbo naman agad si Katherine sa lugar kung saan nanggagaling ang boses nito kahit madilim ay hindi niya alintana. May nakasunod rin naman na mga tauhan upang bigyan siya ng liwanag.Hanggang sa nakita na nila ito hindi kalayuan sa lugar kung saan bumagsak si Jean. Nakasandal si Luke o tamang sabihin na bahagya itong nakahiga sa mga nakatambak na lumang kahoy.“Luke!” Saka ito nilapitan para lang mangilabot nang makitang may nakatusok na kahoy sa binti nito. “Jusko po!” halos manghina siya ng makita ang kondisyon nito.Kahit dumadaing sa sakit ay nakuha pa rin ngumiti ni Luke upang ipakita na ayos lang siya, na wala itong dapat na ikatakot. “O-Okay lang ako,” anas niya kahit pinagpapawisan at
HABANG nagmamaneho ay nilabas na ni Joey ang panya upang ibigay rito. “Nagdurugo po ulit ang sugat niyo. Tsk, dapat talaga ay dumiretso na tayo sa ospital. Pwede naman kasing mamaya na lang ang statement pero mapilit ang mga pulis kanina,” hindi niya napigilan iyong ikomento.Napangiti naman si Katherine dahil kahit mukha man itong kalmado ay hindi maikakailang kabado ito sa loob-loob. “’Wag kang mag-alala. Akong bahala kay Cain ‘pag nagalit sa’yo.”Napalingon si Joey saka nagpunas ng pawis sa noo. Kanina pa kasi siya kinakabahan. “Thank you, Ma’am,” aniya na nakahinga nang maluwag.Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa ospital. Hinatid ito ni Joey sa emergency room upang magamot ang mga galos at sugat sa katawan.Habang ginagamot ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Cain kaya bahagya siyang lumayo.Samantala, ang naiwan na si Katherine ay ginamot ng Doctor. Nang matapos ay pinayuhan siyang magpahinga bago umalis.“Nurse Kim, ikaw na muna ang bahala rito,” utos
NGUNIT isang araw, matapos alagaan si Luke ay nagtungo na naman si Katherine sa kwarto ni Cain. Sa labas lang sana siya, sisilip nang biglang bumukas ang pinto. Sa gulat ay mabilis siyang tumalikod.Akma pa ngang tatakbo palayo nang magsalita ang taong nagbukas ng pinto. “Ma’am, ano pong ginagawa niyo riyan? Pumasok po kayo.”Boses iyon ni Joey kaya humarap na siya at asiwang nangiti. “O-Okay lang ako rito.”“Para po kay Sir ‘yang hawak niyo?”Napatingin naman si Katherine sa bitbit. Gabi-gabi kasi, sa tuwing pinupuntahan niya si Cain ay nag-iiwan siya ng kahit na anong prutas sa pinto. Isinasabit niya lang sa doorknob saka siya aalis.“Gising po si Sir, tumuloy na po kayo.” Saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.Dumiretso agad ang tingin ni Katherine sa kama kung saan nakahiga si Cain.Nagdadalawang-isip man ay pumasok siya at si Joey naman ang lumabas upang bigyan sila ng panahon na makapag-usap.Lumingon si Cain saka mataman tinitigan ang papalapit na si Katherine.“K-Kamusta ka
MABABANAAG ang lungkot sa mukha ni Helen habang hinahaplos ang likod ng kamay nito.Mapait naman na napangiti si Katherine. “Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad. Saka po… napagbayaran na ni Jean ang nagawa niyang kasalanan.”Iyon nga lang ay buhay nito ang naging kapalit. Buong akala ni Katherine ay may pag-asa pa itong mabuhay dahil hindi naman kataasan ang pinaghulugan nito. Ngunit ayon sa kanyang nabalitaan ay masiyadong delikado ang pagkakabagsak nito, ang ulo mismo ang na-damage at nabali pa ang leeg.“Nakakalungkot lang po isipin na nang dahil sa galit niya sa’min, na hindi ko alam kung saan nagmumula ay humantong sa kanya ang gano’n ka pait na trahedya,” patuloy pa ni Katherine.Tumango-tango naman si Helen. “Nakakalungkot nga pero kumusta ka ngayon, may nanggugulo ba?” Inaalala niyang baka biglang sumugod si Belinda matapos pumanaw ng anak.Umiling lang si Katherine. “Wala naman po.”“Mabuti naman kung gano’n…” Saka napahinga. “Iyong kasama ko nga pala, si Stella. Matagal
NANG mapansin ni Grace na natulala ito ay napagtanto niya na isang mabigat na resposibilidad ang ipinasa niya kay Katherine. Ngunit kailangan niya itong gawin para sa kaawa-awa niyang anak.Hanggang sa pinili na lamang niyang magpakababa at lumuhod sa harap nito. “Nakikiusap ako, Katherine. ‘Wag mo sanang iiwan si Luke kahit pa anong mangyari sa kanya.”Nabigla si Katherine sa ginawa nito kaya mabilis niyang inalalayan ang Ginang na tumayo. “’Wag niyo po ‘tong gawin, Tita.”Ang mga taong naroon, pasiyente maging ang mga staff ay napapatingin na sa kanila lalo na kay Grace. Hanggang sa tuluyan ng lumapit si Roberto upang sawayin ang asawa. “Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Pini-pressure mo si Katherine. Sa tingin mo ba’y ikatutuwa ni Luke kapag nalaman niya ‘tong ginagawa mo?”Tiningnan naman ni Grace ang mukha ng asawa. “Roberto, ginagawa ko lang kung anong makakabuti para sa kanya,” iyak pa niya saka ito niyakap.Bakas man ang lungkot sa mga mata ay nagpakatatag si Roberto
MATAPOS magtungo sa cemetery para makapagpaalam sa Abuela ay sunod naman na pinuntahan ni Katherine ang kaibigan sa ward nito.Pagpasok sa kwarto ay nginitian niya ang isang kasamang pasiyente ng kaibigan saka nagtuloy-tuloy patungo sa bintana dahil doon ito nakapuwesto. Hinawi niya ang kurtina at nakitang may pinagkakaabalahan ito.“Anong ginagawa mo?” Saka ito nilapitan upang silipin ang laptop pero mabilis nitong sinara bago pa siya may makita. Kaya hindi niya maiwasang tingnan ito ng kakaiba. “Nagtatatrabaho ka ba?”“May tinitingnan lang ako,” ani Lian.Nagpakawala ng buntong-hininga si Katherine. Gusto man itong pagsabihan ay ayaw niya naman na mauwi muli sila sa pagtatalo.“Ano palang ginagawa mo rito?”“Kumusta ang operasyon mo?” balik tanong ni Katherine.“Nasabi ko na kay Mommy ang kondisyon ko at gaya mo, tumutol siya na i-keep ko ‘tong bata.”Kinuha naman ni Katherine ang upuan sa tabi saka naupo sa harap nito. “Ayaw mo pa rin magpa-opera?”Matagal bago nakasagot si Lian, l
MABILIS na lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nasa kotse sina Katherine at Luke patungo sa airport habang nasa ibang sasakyan naman ang magulang ng binata. Ngayong araw ang alis nila ng bansa patungo sa Canada.Magkatabi ang dalawa, si Luke ay abala sa phone habang si Katherine naman ay nakatanaw sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang paligid na paniguradong matagal niya ring hindi makikita.“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Luke.Napalingon si Katherine saka tipid na ngumiti. “Wala.”“Nagsisisi ka bang sasama sa’min?”Napakunot-noo si Katherine sa tanong nito. “Ano? Hindi. Ba’t mo naman ‘yan nasasabi?”“Kasi marami kang maiiwan. Nandito ang buhay mo pero handa kang iwan dahil sa’kin.”“Kasi mahalaga ka,” ani Katherine saka marahang hinawakan ang braso nito.Tinangka naman ni Luke na hawakan ang kamay nito pero hindi na itinuloy. “Pa’no kung hindi na ‘ko gumaling? Anong gagawin mo?”“Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Wag kang mag-isip ng negative. Naniniwala akong gagaling ang binti mo, ok
MABILIS ang lakad ni Cain pabalik sa sariling opisina, na umiigting ang panga at mariing nakakuyom ang kamay. Mukha man natural ang ekspresyon ngunit sa loob-loob ay gusto na niyang magwala. Pabagsak pa nga niyang binuksan at sara ang pinto. Pagkatapos ay walang ingat na naupo sa swivel chair sabay dukot sa bulsa at hagis ng ring box sa office table dahil sa iritasyong nararamdaman. Nagagalit siya ngayon dahil sa nobya-- dating nobya matapos nitong iwan siya at makipaghiwalay sa text. Plano pa man din niyang mag-propose ngayon pero ito, halata namang hindi na matutuloy. Problema niya ngayon ang Abuelo na inaapura na siyang magpakasal bago man lamang ito mawala sa mundo. Kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay paniguradong matatanggalan siya ng mana at babawiin sa kanya ang posisyon sa kompanya. "Hindi pwede 'to," aniya saka tinawagan si Margaret. "Sagutin mo, ano ba!" May kumatok sa pinto sabay bukas. Papasok sana ang sekretarya'ng si Katherine nang sigawan ni Cain, "Labas!
MABILIS na lumipas ang mga araw. Kasalukuyang nasa kotse sina Katherine at Luke patungo sa airport habang nasa ibang sasakyan naman ang magulang ng binata. Ngayong araw ang alis nila ng bansa patungo sa Canada.Magkatabi ang dalawa, si Luke ay abala sa phone habang si Katherine naman ay nakatanaw sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang paligid na paniguradong matagal niya ring hindi makikita.“Anong iniisip mo?” biglang tanong ni Luke.Napalingon si Katherine saka tipid na ngumiti. “Wala.”“Nagsisisi ka bang sasama sa’min?”Napakunot-noo si Katherine sa tanong nito. “Ano? Hindi. Ba’t mo naman ‘yan nasasabi?”“Kasi marami kang maiiwan. Nandito ang buhay mo pero handa kang iwan dahil sa’kin.”“Kasi mahalaga ka,” ani Katherine saka marahang hinawakan ang braso nito.Tinangka naman ni Luke na hawakan ang kamay nito pero hindi na itinuloy. “Pa’no kung hindi na ‘ko gumaling? Anong gagawin mo?”“Ano ba ‘yang sinasabi mo? ‘Wag kang mag-isip ng negative. Naniniwala akong gagaling ang binti mo, ok
MATAPOS magtungo sa cemetery para makapagpaalam sa Abuela ay sunod naman na pinuntahan ni Katherine ang kaibigan sa ward nito.Pagpasok sa kwarto ay nginitian niya ang isang kasamang pasiyente ng kaibigan saka nagtuloy-tuloy patungo sa bintana dahil doon ito nakapuwesto. Hinawi niya ang kurtina at nakitang may pinagkakaabalahan ito.“Anong ginagawa mo?” Saka ito nilapitan upang silipin ang laptop pero mabilis nitong sinara bago pa siya may makita. Kaya hindi niya maiwasang tingnan ito ng kakaiba. “Nagtatatrabaho ka ba?”“May tinitingnan lang ako,” ani Lian.Nagpakawala ng buntong-hininga si Katherine. Gusto man itong pagsabihan ay ayaw niya naman na mauwi muli sila sa pagtatalo.“Ano palang ginagawa mo rito?”“Kumusta ang operasyon mo?” balik tanong ni Katherine.“Nasabi ko na kay Mommy ang kondisyon ko at gaya mo, tumutol siya na i-keep ko ‘tong bata.”Kinuha naman ni Katherine ang upuan sa tabi saka naupo sa harap nito. “Ayaw mo pa rin magpa-opera?”Matagal bago nakasagot si Lian, l
NANG mapansin ni Grace na natulala ito ay napagtanto niya na isang mabigat na resposibilidad ang ipinasa niya kay Katherine. Ngunit kailangan niya itong gawin para sa kaawa-awa niyang anak.Hanggang sa pinili na lamang niyang magpakababa at lumuhod sa harap nito. “Nakikiusap ako, Katherine. ‘Wag mo sanang iiwan si Luke kahit pa anong mangyari sa kanya.”Nabigla si Katherine sa ginawa nito kaya mabilis niyang inalalayan ang Ginang na tumayo. “’Wag niyo po ‘tong gawin, Tita.”Ang mga taong naroon, pasiyente maging ang mga staff ay napapatingin na sa kanila lalo na kay Grace. Hanggang sa tuluyan ng lumapit si Roberto upang sawayin ang asawa. “Ano bang ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Pini-pressure mo si Katherine. Sa tingin mo ba’y ikatutuwa ni Luke kapag nalaman niya ‘tong ginagawa mo?”Tiningnan naman ni Grace ang mukha ng asawa. “Roberto, ginagawa ko lang kung anong makakabuti para sa kanya,” iyak pa niya saka ito niyakap.Bakas man ang lungkot sa mga mata ay nagpakatatag si Roberto
MABABANAAG ang lungkot sa mukha ni Helen habang hinahaplos ang likod ng kamay nito.Mapait naman na napangiti si Katherine. “Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad. Saka po… napagbayaran na ni Jean ang nagawa niyang kasalanan.”Iyon nga lang ay buhay nito ang naging kapalit. Buong akala ni Katherine ay may pag-asa pa itong mabuhay dahil hindi naman kataasan ang pinaghulugan nito. Ngunit ayon sa kanyang nabalitaan ay masiyadong delikado ang pagkakabagsak nito, ang ulo mismo ang na-damage at nabali pa ang leeg.“Nakakalungkot lang po isipin na nang dahil sa galit niya sa’min, na hindi ko alam kung saan nagmumula ay humantong sa kanya ang gano’n ka pait na trahedya,” patuloy pa ni Katherine.Tumango-tango naman si Helen. “Nakakalungkot nga pero kumusta ka ngayon, may nanggugulo ba?” Inaalala niyang baka biglang sumugod si Belinda matapos pumanaw ng anak.Umiling lang si Katherine. “Wala naman po.”“Mabuti naman kung gano’n…” Saka napahinga. “Iyong kasama ko nga pala, si Stella. Matagal
NGUNIT isang araw, matapos alagaan si Luke ay nagtungo na naman si Katherine sa kwarto ni Cain. Sa labas lang sana siya, sisilip nang biglang bumukas ang pinto. Sa gulat ay mabilis siyang tumalikod.Akma pa ngang tatakbo palayo nang magsalita ang taong nagbukas ng pinto. “Ma’am, ano pong ginagawa niyo riyan? Pumasok po kayo.”Boses iyon ni Joey kaya humarap na siya at asiwang nangiti. “O-Okay lang ako rito.”“Para po kay Sir ‘yang hawak niyo?”Napatingin naman si Katherine sa bitbit. Gabi-gabi kasi, sa tuwing pinupuntahan niya si Cain ay nag-iiwan siya ng kahit na anong prutas sa pinto. Isinasabit niya lang sa doorknob saka siya aalis.“Gising po si Sir, tumuloy na po kayo.” Saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.Dumiretso agad ang tingin ni Katherine sa kama kung saan nakahiga si Cain.Nagdadalawang-isip man ay pumasok siya at si Joey naman ang lumabas upang bigyan sila ng panahon na makapag-usap.Lumingon si Cain saka mataman tinitigan ang papalapit na si Katherine.“K-Kamusta ka
HABANG nagmamaneho ay nilabas na ni Joey ang panya upang ibigay rito. “Nagdurugo po ulit ang sugat niyo. Tsk, dapat talaga ay dumiretso na tayo sa ospital. Pwede naman kasing mamaya na lang ang statement pero mapilit ang mga pulis kanina,” hindi niya napigilan iyong ikomento.Napangiti naman si Katherine dahil kahit mukha man itong kalmado ay hindi maikakailang kabado ito sa loob-loob. “’Wag kang mag-alala. Akong bahala kay Cain ‘pag nagalit sa’yo.”Napalingon si Joey saka nagpunas ng pawis sa noo. Kanina pa kasi siya kinakabahan. “Thank you, Ma’am,” aniya na nakahinga nang maluwag.Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa ospital. Hinatid ito ni Joey sa emergency room upang magamot ang mga galos at sugat sa katawan.Habang ginagamot ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Cain kaya bahagya siyang lumayo.Samantala, ang naiwan na si Katherine ay ginamot ng Doctor. Nang matapos ay pinayuhan siyang magpahinga bago umalis.“Nurse Kim, ikaw na muna ang bahala rito,” utos
MATAPOS iyong sabihin ni Katherine ay inilawan ng mga tauhan na naroon ang buong paligid upang makita ang hinahanap.“Luke, nasa’n ka?” sambit niya pa sa pangalan nito. “Luke!” nilakasan niya pa ang pagsigaw upang marinig nito.“Ka—Katherine, nandito ako!” boses ni Luke na halatang may iniinda.Tumakbo naman agad si Katherine sa lugar kung saan nanggagaling ang boses nito kahit madilim ay hindi niya alintana. May nakasunod rin naman na mga tauhan upang bigyan siya ng liwanag.Hanggang sa nakita na nila ito hindi kalayuan sa lugar kung saan bumagsak si Jean. Nakasandal si Luke o tamang sabihin na bahagya itong nakahiga sa mga nakatambak na lumang kahoy.“Luke!” Saka ito nilapitan para lang mangilabot nang makitang may nakatusok na kahoy sa binti nito. “Jusko po!” halos manghina siya ng makita ang kondisyon nito.Kahit dumadaing sa sakit ay nakuha pa rin ngumiti ni Luke upang ipakita na ayos lang siya, na wala itong dapat na ikatakot. “O-Okay lang ako,” anas niya kahit pinagpapawisan at
TUMAWA si Jean matapos magawang masugatan si Katherine sa braso. Sayang nga lang, dapat ay sa mukha nito tatarak ang patalim pero mabilis itong nakaiwas.“Oh, Katherine. Masarap pala sa tenga habang naririnig ang hiyaw mo.” Sabay tingin sa hawak na patalim na may bahid ng dugo nito. “Kulang ‘to, gusto kong makita na nababalutan ito ng kulay pula.”Kawalan ng pag-asa at takot ang naramdaman ni Katherine ng mga sandaling iyon. Sobrang hapdi ng braso niyang nasugatan pero kailangan niya rin isipin ang sarili na makalayo mula sa nababaliw na si Jean. Ngunit maging ang sariling tuhod ay bumigay na rin sa sobrang takot, hindi na niya magawang makatayo kaya paatras na lamang siyang gumapang huwag lang muli nitong masaktan. Dahil hindi na niya alam ang sunod na mangyayari sa kanya pagkatapos. Baka hindi na lang braso niya ang masugatan.“Ramdam ko ang takot mo,” natutuwang sabi ni Jean habang kagat-kagat ang ibabang labi. Tila may kung anong pinananabikang mangyari.Sobrang lakas ng kabog ng
HINDI natatapos doon ang plano ni Jean. Hindi siya makukontento sa ganoon lang kaya dinukot niya mula sa likod ang isinuksok na patalim saka idinikit sa mukha ni Katherine.Kailangan na makagawa muna siya ng pinsala kay Cain dahil kapag nagkaharap-harap na sila ay paniguradong dehado siya.“Nakikita mo ba ‘tong nasa mukha niya, pinsan?”“Jean!” tila dumagundong ang boses ni Cain sa linya.Kinabahan man ay hindi ipinahalata ni Jean. “I-Itatarak ko ‘to sa katawan at susugatan ko ang mukha niya ‘pag hindi mo ginawa ang gusto ko.”“’Wag mo siyang sasaktan!”“Ipangako mo munang gagawin mo ang gusto ko?”“Nababaliw ka na!” sigaw ni Cain.Tumawa lang si Jean saka sinabunutan si Katherine. “Kung sa leeg na lang kaya niya? Ano sa tingin mo?” Saka inilapit doon ang patalim.“Gagawin ko na!” Bakas ang pagkataranta at takot sa mukha ni Cain. “Anong gusto mo?”Napangisi naman si Jean saka sinabi ang nais nitong gawin, “Sa halip na si Katherine ang masugatan, ba’t hindi kaya ikaw na lang?”Nang mar