"Sige," agarang sagot ni Sophia at kaagad na kumapit sa braso ni Raphael— na parang hindi na siya galit. Kay bilis niyang magpalit ng mood. "Mag-usap tayo sa ibang lugar." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lihim niyang kinindatan ang ina na para bang sinasabing siya na ang bahala sa lahat. Naintind
Habang nag-uusap pa sila ay tumawag si Joaquin at kaagad naman iyong sinagot ni Raphael. "Sir, gising na po si Aleisha." "Sige," sagot naman ni Raphael habang napapatango-tango pa. "Naiintindihan ko." Pagkatapos maibaba ang telepono at tumingin si Raphael kay Sophia. "Gising na si Aleisha. Pupunta
Pagkatapos niyang tulungang makatayo si Sophia ay susundan niya nasa ulit si Aleisha pero hindi niya ito mahanap. ---- Nakaupo si Aleisha sa bench na malapit main entrance ng venue. Kaagad naman niyang kinuha ang kanyang telepono para sana mag-book ng taxi. Pagkatapos ng lahat ng gulong nangyari
"At mayroon pa, sir," dagdag na sabi ni Joaquin. "Sabi ni Jerome sa akin kanina na pumunta si Miss Sophia sa kwarto mo kanina. Saglit na umupo at umalis din kaagad bago pa kayo magkita." Malinaw na ang lahat ngayon para kay Raphael— marahil ay nakita ni Sophia ang damit. Iyon ang dahilan kaya hinil
Inangat ni Aleisha ang tingin kay Daniel at bahagyang ngumiti saka sinagot ang tanong nito kanina nito. "Kagaya ni Don Miguel ay naging pasyente ko rin si Raphael. Kaya kailangan ko ring magpakita ng pakikisama." Ang sinabing iyon ni Aleisha ay parang naging isang mababaw na rason lamang. Kahit siy
"Anong problema, Alex?" Kaagad na dinaluhan ni Aleisha ang kanyang kapatid na padabog na nilapag ang telepono ni Daniel sa mesa. Pinulot naman ni Daniel ang kanyang telepono at kaagad na tiningnan iyon pagtakatapos ay pinakita iyon kay Aleisha. Ayon sa nakita nito ay nalinis muli ni Alexander ang l
Parang nasampal si Raphael sa mukha— nanunuot ang sakit mula sa mga sinabi ni Aleisha. Dahil doon ay mababanaag sa kanyang mga mata ang isang napakalamig na ekspresyon. Naparito siya para humingi ng tawad. Naghintay siya nang halos isang oras pero ganito ang isasalubong nito sa kanya? "Huwag ka nan
Kaagad na sinagot ni Raphael ang tawag. "Hello." "Raphael..." mahinhin na sabi ni Sophia sa kabilang linya. "Wala na akong gagawin o shooting ngayong gabi. Sabi ni mama pumunta ka raw sa bahay at doon maghapunan. Anong oras mo ba ako susunduin?" Ang tono ni Sofia ay parang siguradong-sigurado siya
Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil
Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka
Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut
Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng
Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp