Bigla akong nagising nang mag-ring ang selpon ko. Napakunot pa ako ng mapansin ko na medyo madilim na ang paligid. "Hello?" "Cleopatra. Where are you? Nandito kami ng daddy mo sa apartment mo. Gabi na wala ka pa," nag-aalalang saad ni Mama. "Pauwi na ako, ma. Bye." Six-thirty na ayon sa oras ng cellphone ko. Nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Primo pero hindi naman ito dumating. Nagmamadaling lumabas ako ng opisina ko. Wala nang tao sa. Tanging ako na lang ang naiwan sa buong floor. I tried to call Primo habang sakay ako ng elevator pero hindi ko naman ito ma-contact. Nakapatay amg selpon nito.May nangyari ba? Bakit hindi ako nito nasundo gayong malinaw ang mensahe niya sa akin kanina. Tinawagan ko ang mama ni Primo habang nagmamaneho ako pauwi. Hindi ko kasi maiwasang mag-alala. Baka may alam ang mga ito. Hindi naman sa nagiging clingy ako pero siya kasi ang nagsabi na susunduin tapos nakatulog na ako pero wala pa siya at wala man lang mensahe buhat sa kanya. Dapat naiin
"Musta ang date?" Iyan ang agad ang bungad ni Charlie sa akin kinaumagahan pagpasok ko sa opisina. May hawak itong mug at nakatikwas pa ang mga daliri nito. Maarte itong humigop ng kape."Walang date." Lumapit ako sa coffee maker. Late na akong nagising at nang magising ako kanina wala na sina mama. "Anong wala? Ano iyon sinundo ka lang talaga niya? Hindi man lang kayo nagdinner together?" Lumapit siya sa akin. Mukhang umaandar na naman pagiging tsismosa niya."Hindi niya ako sinundo.""What? Why?" Ibinaba na nito ang hawak na mug at humarap sa akin."I also don't know. Wala naman siyang sinabi."Iyon ang kinaaasar ko. Hindi man lang siya nag-text. Umaasa ako na may mensaheng matatanggap man lang sa kanya bago ako magising pero wala. Hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit hindi niya ako sinipot."You mean, inindyan ka niya?" hindi makapaniwalang tanong nito.Mabagal akong tumango. Maarte itong nagtakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.Pinag-krus nito ang binti bago binigy
"Paraiso Lounge. 7pm, tonight."Ano naman kaya ito? Hindi ko na lang pinansin ang mensahe at tuluyan nang sumakay ng kotse. Baka wrong send lang iyon. Number lang kasi kaya wala akong ideya kung sino ba ang sender. Baka nga namali lang. O baka scam. Uso pa naman ang scam ngayon.Pauwi na ako. Gaya ng sabi ni Primo magiging busy na naman siya kaya maging ito ay hindi nagpaparamdam sa akin. Buti pa ang scammer nagawang mag-text.Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makarating ako sa apartment ko kaya nagluto na lang ako ng noodles. Tamang-tama may kasamng kimchi ang mga pagkaing dinala ni mama. Alam kasi nito na mahilig ako sa maanghang. Buti na lang pang-matagalan ang mga dala ni mamang pagkain kaya kahit ang tagak na sa ref ko ay hindi nasisira.I was about to eat nang mag-ring ang selpon ko. Minsan parang ayaw ko na ang may selpon laging abala.'I will wait for you.'Tinawagan ko ang numero pero hindi naman nito sinasagot nagri-ring lang. Wala ba itong magawa sa buhay at ako ang ginu
"Charlie!" tili ko nang pumasok ako kinaumagahan sa opisina. Kung dati palaging nag-aabang siya sa pagdating ko ngayon ay nasa opisina na niya ito at abalang nakaharap sa computer."Oh, bakit? Anong nangyari?"Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko na may singsing."Singsing?" Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Nagpropose na si Klirk sayo?!"Parang gusto kong pipilitin ang leeg niya dahil sa sinabi niya. Masama ang tingin ko sa kanya na ibinaba ko ang kamay ko. Nawala ang matamis na ngiti ko at matalim siyang tiningnan. Grabe, ang sarap niyang itapon sa ilog Pasig."Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Panira kasi siya ng moment. "Finally, Primo stands up. Mukhang mamahalin, ah. Pwede bang isangla iyan?"Itinago ko sa likod ko ang kamay ko dahol sa sinabi niya. "Bakit parang hindi ka masaya na nagpropose na sa akin si Primo?""Masaya ako. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako para sayo. Nabigla lang siguro ako. Noong isang araw inidyan ka pa niya tapos boom nag-propose bigla.""Kalimutan
Mas lalo pang naging abala si Primo. It's been almost two months since nang magpropose siya. Ikinasal na rin sina Alona at Mr. Norie last week.Samantalang si Primo naman ay nasa Palawan ngayon. Nagpaalam ito na mananatili doon ng mahigit isang linggo dahil magbubukas sila doon ng panibagong branch. Mag-aapat na araw pa lang mula ng umalis siya at mula noon hindi man lang siya tumawag sa akin kahit na isang beses, maliban na lang kung ako ang tatawag sa kanya kaso hindi naman kami nagkakausap dahil lagi itong nagmamadali.I always tried to put in an effort, but I am starting to get tired. Hindi ko alam kung abala ba talaga siya o wala lang talaga siyang pakialam sa akin. Having time and making time are different, but he can't do them either.Minsan iniisip ko paano pa kaya kapag nakasal na kami? Mamalimos lang ba talaga ko palagi ng oras niya? Hindi ba talaga niya ako, kayang maging priority kahit isang beses lang? I know how much he loves his work, but I am his fiancee, and he has res
Isang floor pa lang ang ibinababa ng elevator ng may dalawang babaeng sumakay rin. They are holding a bunch of folders. Gumilid ako para makapwesto sila ng maayos."Sir Klirk is too grumpy these past few days. Parang lagi siyang mangangain. Dati naman palagi siyang nakangiti."Kaya ba kahit kami ni Charlie parang hindi nito nakita kanina ng makasalubong kami."Baka naman brokenhearted."I made a face dahil sa narinig ko. Imposible. Si Klirk mabo-broken hearted? Hindi pa yata ipinapanganak ang magpapatino dito. Kaya imposibleng makarma na agad ito."Hindi ko alam. Wala pa naman ako nabalitaang seneryoso niya pero noong nakaraan bago umalis si Sir Primo nakinig ko silang nagtatalo."Nagtalo sila? Nag-away na naman ba sila? Dati palagi silang magkasamang dalawa pero habang tumatagal napapansin ko rin na tila hindi ko na sila nakikitang magkasama. Dati kapag nagyaya si Primo na lumabas kami laging kasama si Klirk pero ngayon hindi na. Hindi na rin naman kasi ako niyayang lumabas ni Primo.
Matapos naming manggaling ni mama sa mall ay hinatid lang ito at umalis na rin ako.Alas-kwatro pa lang naman kaya nagtungo ako sa condo ni Primo. Hindi ko alam kung nadoon ba siya. Wala akong alam kung nasaan ba talaga siya. Pero last three days ago nakita na siya. Nagyon magbabakasakali akong muli. Kapag hindi ko pa rin siya nakita ay hahayaan ko na lang. Hihintayin ko na lang na sumulpot siya sa harapan ko gaya ng dati.Sinubukan ko naman siyang tawagan ulit pero unavailable pa rin ang number niya. Hindi ba uso sa kanya ang mag-charge? Wala bang signal sa kinaroroonan niya? O talagang pinatay lang niya ang cellphone niya para hindi siya maistorbo. Istorbo lang ba ako para sa kanya?Nakatatlong katok muna ako bago bumakas ang pinto, ngunit isang may edad na babae ang nagbukas nito."Sino po sila?"Nagtatakang tumingin pa ito sa akin. Tiningnan kong muli ang number sa taas ng pinto. Tama naman ang numerong nakalagay. Ito ang condo unit ni Primo."I am Cleopatra. Andyan po ba si Pri
It was Klirk. Sa dibdib niya ako umiyak. Walang tigil sa pagpatak ang luha ko habang patuloy niya akong pinapakalma.Klirk drives me home. Hinayaan ko na lang siya dahil hindi ko rin sigurado kung kaya kong magmaneho. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha at nanalalambot din ako.Binigyan niya ako ng tubig ng makapasok kami sa apartment ko."H-he c-heated on me." Sinubukan kong hindi umiyak pero muling pumatak ang luha ko. "Niloko niya ako. Pinagmukha niya akong tanga," parang batang sumbong ko dito.Klirk hugged me. I didn't expect that he would be the one who was here with me right now. Siya iying madalas na kinaiinisan ko. I hated him for being a womanizer, but now he is the one who is here for me.Kumalas ako sa yakap niya. Tiningnan ko siya kahit hilam na sa luha ang aking mga mata."Why did your best friend do that?" Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kanya."Stop crying. He doesn't deserve your tears. I prefer to see your angry face than one full of tears." Pinahid niya an
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b