Claimed By The Romania Brothers

Claimed By The Romania Brothers

last updateLast Updated : 2024-06-26
By:  Inky PenCompleted
Language: English
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
156Chapters
5.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“That’s a wrap, this little rogue has been sold for eight hundred thousand dollars,” the woman cheered. She came towards me with an evil smirk. “Please,” I whispered. “You’re so tough, dear child, your new master will enjoy taming you,” she grinned before I felt a prick in my neck. “Ow! What did…” I didn't finish my question before a wave of dizziness hit me and I passed out. *** Mia faces a heart-wrenching choice to save her mother. Betrayed by her own family, she finds herself imprisoned and at the mercy of a ruthless captor. But hope flickers in the form of two brothers who come to her rescue, revealing a hidden world she never knew existed. As Mia grapples with her newfound destiny and a forbidden love that could unravel everything, she must outsmart her pursuer and navigate a treacherous path to secure her family's future. Will she escape the clutches of darkness and rewrite her own fate?

View More

Chapter 1

Scratch My Back

DAPHNE

Isa-isa kong kinakatok ang naglalakihang bahay sa Bel Air 1, nagbabakasaling may tumanggap sa akin bilang kasambahay. Kating-kati na kasi akong kumita ng pera dahil bukod sa singkwenta na lamang ang meron ako, sapat lamang ito para sa pamasahe ko pauwi ng bahay. Mamayang gabi ay pihadong matutulala na naman ako dahil wala akong pambiling ulam.

Ang Bel Air 1 ay matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna—isa itong kilalang subdivision dahil halos lahat ng nakatira rito ay mayayaman, at ang ilan namang kompanya na malapit dito ay inuupahan ang iilang bahay upang gawing staffhouse ng kanilang mga empleyado.

Kahit tirik na tirik ang araw, talaga namang hindi ako nagpaawat. Ilang oras na rin ang ginugol ko sa paghahanap, ngunit wala pa rin akong mahanap. Sandali akong nagpahinga nang marating ko ang Gate 3. Naupo ako sa mahabang tulay at pinagmasdan ang ganda ng buong lugar. Bawat bahay ay mayroong sariling sasakyan at naglalakihang gate na gawa sa bakal, hindi gaya sa amin na tanging kahoy lamang ang proteksiyon sa bahay. Nakakainggit—sana'y mabigyan ko rin ang nanay at tatay ko ng ganyan.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, at hindi ko inaasahang sa pag-tungo ko ay makakapulot ako ng limang piso. Pinulot ko ito at bigla akong tumayo, itinaas ko ito sa ere at itinapat sa araw.

"Sana ay swertehin ako ngayong araw!" sigaw ko, pagkatapos ay hinalikan ko ang limang piso at hinulog sa tubig mula sa napakataas na tulay.Nagdalawang-isip pa nga ako kung gamitin ko na lang iyon pambili ng makakain, ngunit hindi nga pala iyon sa akin, kaya ginawa ko na lamang na wishing well ang tulay. Masaya akong nagpagpag ng damit, at itinuloy ang paglalakad papasok ng Gate 3. Pagkarating ko sa gate ay hinarang ako ng guard na nagbabantay.

"Tenant ka ba?" tanong niya. Agad akong umiling at ngumiti sa kanya.

"Bawal kang pumasok dito," seryosong sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang buo kong katawan. Mabuti na lamang at maayos ang sinuot ko: isang makapal na T-shirt na puti at pantalon.

"Maghahanap lang ako, kuya, ng trabaho. Baka may naghahanap diyan ng kasambahay," malungkot na sabi ko—baka sakaling payagan niya ako, pero umiling lamang ito.

Hindi ata swerte ang binigay sa akin ng tulay, kundi walang katapusang kamalasan.

"Hindi talaga, miss, pwede. Pasensya ka na," seryoso pa ring sagot nito. Mangangatwiran pa sana ako nang bigla na lamang may bumusina sa likod ko.

"Beep... Beep..."

Malakas ito na halos mapatalon ako sa gulat. Sinenyasan ako ng guard na gumilid, na agad ko namang sinunod. May kinuha ang guard na kung ano sa driver ng kotse—marahil ay ID.

Pinakatitigan ko ang kulay-pula na kotse; sobrang ganda kasi talaga nito. Napakayaman siguro ng nagmamay-ari rito.

"Anong kailangan ng babaeng iyon dito, kuya?" tanong ng babae kaya agad akong napatalikod—ginapangan kasi ako ng hiya.

"Naghahanap, Ma'am, ng trabaho," nakangiting sabi ng guard. Kanina lang ay ubod siya ng sungit sa akin, bakit sa babaeng nakakotse ay todo ngiti siya? Iba na talaga ang nagagawa ng pera sa panahon ngayon. Kayang-kaya paamuhin ang isang hayop.

Napairap na lamang ako at aalis na sana nang bigla akong tawagin ng babaeng nakasakay sa kotse.

"Miss!" tawag niya sa akin kaya agad akong lumingon sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang babae. Siya iyong sikat na artista sa TV na paboritong panoorin ng Lola ko—si Alyanna Gevarra.

"Ahhhhhhhh..." Tumili ako ng malakas at patakbo siyang pinuntahan.

"Ma'am, idol po kayo ng lola ko," masayang sabi ko, pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at masungit akong tiningnan.

"Naghahanap ka raw ng trabaho?" seryosong sabi nito habang inaayos ang kanyang salamin.

"Ah, opo, sana," masayang sabi ko.

"Kailangan namin ng kasambahay sa bahay. Kung gusto mo ay pwede kitang kunin at pwede ka na ring magsimula ngayon," walang-ganang sabi niya.

"T-talaga, ma'am? S-sige po," tuwang-tuwa na sabi ko.

"Here, hanapin mo ang address na ito," sabi niya sabay abot sa akin ng isang card na may nakasulat na address. "Kuya, papasukin niyo na siya," sabi pa ng babae kaya hindi mapaglagyan ang saya ko. Akalain mo 'yun, artista ang magiging amo ko at hindi lang basta-basta dahil sikat na sikat ito sa panahon ngayon.

Maya-maya pa'y umalis na ang sinasakyan niya. Sana ay pinasakay na lamang niya ako, hindi 'yung papahirapan pa niya akong maglakad at maghanap ng bahay niya. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kapilyahang naisip, pero may punto naman ako. Kahit ganun, ay nagpapasalamat pa rin ako dahil sa kanya ay hindi na ako babalik sa boarding house at magugutom. Speaking of boarding house, babalik pa nga pala ako doon para kunin ang mga gamit ko.

"Pwede ka na raw pumasok, ano pa bang ginagawa mo diyan?" biglang tanong ng guard kaya agad akong napatingin sa kanya. Andun na naman ang masungit niyang boses at mukha.

"Heto na nga po, papasok na." Tipid na sabi ko, pero hindi na niya ako pinansin. Sobrang atat naman niya, akala mo kung sino, guard lang naman. Napairap na lamang ako at tinuloy na ang paglalakad.

Isang oras akong naghanap, halos mapudpod na ang suot kong tsinelas. Isama mo pa ang nagkakahulang aso bawat bahay na nadadaanan ko. At pagdating sa kadulu-duhan ng gatae 3 ay sa wakas, nakita ko na rin ang hinahanap ko. Tunay ngang napakayaman ng isang Alyanna Gevarra, sobrang laki ng bahay, kasya na dito ang sampung pamilya. Kumatok ako ng ilang beses sa napakalaking gate pero walang nagbubukas sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa, basta ang alam ko, pagod na pagod ako ngayon. Napatampal na lang ako ng noo nang makita ang isang doorbell sa gilid ng gate. Doon ko napagtanto na kaya naman pala walang nagbubukas ay dahil sa katangahan ko.

Nag-doorbell ako ng isang beses at naghintay ng ilang minuto pero wala pa ring lumalabas. Muli kong tiningnan ang hawak na card, tama naman ito. 'Di pa ako nakuntento at nag-doorbell ulit ako, at sa wakas ay may nagbukas na ng gate—si Ma'am Alyanna. Nakabusangot ito at halatang hindi natutuwa sa presensya ko.

"Hello, ma'am, ako po 'yung inalok niyo ng trabaho kanina," nakangiting sabi ko, pero hindi niya na naman pinansin ang sinabi ko.

"Bakit ang tagal mo?" galit na tanong nito.

"P-po? Naglakad po kasi ako," nauutal na sabi ko dahil bigla akong ginapangan ng takot nang magsimula siyang magtaray.

"Bilisan mo, pumasok ka na at isara mo ang gate," nakataas kilay pa rin na sabi nito.

"O-opo... O-opo..." uutal-utal na sabi ko at mabilis kong sinara ang gate. Sumunod ako sa kanya at nagdasal ng ilang beses, dahil baka bigla niya akong sabunutan. Ganito pa naman ang eksena na nakikita ko sa mga pelikula."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

reviews

Ifywrites
Ifywrites
I love all your books!
2024-11-12 22:23:37
0
0
Tcee Eke
Tcee Eke
First chapter started very well. I'm excited to read more chapters when I have the time ...️
2024-01-24 18:41:49
1
1
Inky Pen
Inky Pen
Hi guys, welcome to my second book! Daily update for this story at least 2 chapters daily. Don't forget to drop your comments on who is your favorite characters ...️
2024-01-24 10:32:50
2
0
156 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status