Wait lang po sa sunod sunod na update. Busy pa ako guys kaya pa-isa o dalawa ang update ko. Mas okay po kung katapusan kayo mag basa since matatapos na ang story this month. Marami pang mangyayari kaya kapit lang po! Salamat sa mga nagbabasa at patuloy na nag hihintay ng update! Love you all!
“PAANO kung mag tampo ang mga bata?” Tanong ni Xandra kay Alexander habang nag uusap sila sa loob ng kanilang silid.“I know that they will understand, kilala ko at kilala mo ang mga anak natin. Nakakaintindi na sila kahit na batang edad palang.”“Ayun na nga ang kinakatakot ko,” tayong sabi ni Xandra at naglakad papunta sa may bintana nila na nakabukas.“Sa batang edad nila mulat na sila sa mundo na mayroon ka, mayroon tayo. Gusto ko sanang maranasan nila ang pagiging bata. Yung walang iisiping problema,”Napabuntong hininga si Alexander at naglakad papunta sa likuran ni Xandra. Niyakap niya mula sa likuran ang babae at humampas sa kanila ang malumanay na simoy ng hangin.“That is also what I want for our kids, ang kaso hindi ko naman sila mapipigilan kung anong gusto nila. Si Axel pabalik balik na ‘yan sa hide out namin noon pa, while si Tanya alam din ang tungkol doon at paminsan minsan pumupunta kasama ni Axel. Si Xander alam kong alam mong nagpanggap siya bilang kambal niya at hi
Kasabay niyon ay ang pag tunog ng alarm bilang tanda na mayroong gumamit ng submarine ng hindi alam ng marami. Mayroon kasing controller ang submarine at dapat ang mag cocontrol ang mag la-launch ng submarine ngunit dahil biglaan iyon ay naalerto ang lahat.“What happened?!”Gulat na sabi ni Nadine na pumasok siya sa loob ng office kung saan andoon ang mga magulang.“It’s the triplets, sumakay sila ng submarine.”“What?!” gulat na sabi ni Nadine sa lumapit sa monitor.“Where are they going?” “Based sa location sa Pasig River. I guess pupuntahan nila ang magulang nila since hindi pa sila umuuwi.”“Hindi pa umuuwi?” kunot noo na tanonv ni Iara na siyang kadarating lamang galing sa New York kasama si Stanlee.Sinundo sila ni Nadine kaya kasama nito ang dalawa.“Hija, hijo, welcome back!” tuwang sabi ni Aliah at niyakap ang dalawa.“Thank you tita, pero bakit hindi pa umuuwi yung dalawa? Next week kasal na nila ah? Kaya nga ako umuwi na kasi sabi ni Xandra practice na daw sa simbahan tap
NANG makapag palam si Xandra at Alexander sa triplets na hindi muna sila makakauwi, hindi nila inaasahan na mayroong mangyayaring problema sa kanilang negosyo.Si Xandra nagpabalik balik sa mg air bnb niya dahil sa mga previous na nag rent sa kanila na iniwang madumi, barado at sira ang unit. Ginawa nila ang lahat par ahabulin ang mga ito lalo na’t nasa kontrata nila na sagot ng mga ito ang kahit na anong ma-damage nila.Samantalang si Alexander naman ay nagkaroon ng ka-negosyo na tinalo siya. Nag leak ito ng informations sa mga kalaban niyang negosyante. Katulad ni Xandra ay hinabol nito ang taong iyon dahilan kung bakit rin siya naging busy at natagalan.Pero kahit n ganoon ang nangyari nagawa pa rin nilang maasikaso ang kanilang kasal na nalalapit na.Parehong excited ang dalawa sa magaganap na kasal kaya hangga’t maaari ay tatapusin na nila ang kanilang nga trabaho.“Xandra,”Napatingin si Xandra kay Ginrose ng pumasok ito sa kaniyang office.“May problema ba?”“Wala naman. Kakata
NANG makita ni Vanessa si Alexander ay napangisi siya ngunit agad niya ‘rin iyong tinago sa kaniyang malaking ngiti.“Hi, Alexander!” Bungad na sabi niya dito. “Did you see Xandra? Kanina ko pa siya hinahanap paiinumin ko sana siya.” Sabay pakita niya ng wine na hawak.Napatingin naman sandali si Alexander sa hawak na alak ni Vanessa pagkatapos ay sumagot dito.“Actually hinahanap ko siya. Kapag nakita ko sabihin ko hanap mo,”Aalis na sana ang lalaki ng pigilan siya ni Vanessa. Napatingin si Alexander sa pagkakahawak nito sa kaniyang braso dahilan pra alisin ni Vanessa iyon.Napaismid siya dahil sa kasungitan ng lalaki pero hindi nalang pinansin ng dalaga.“Ikaw nalang ang uminom since inimbitahan kita sa birthday ko.” Nakangiting sabi nito at inaabot ang baso dito.Ngunit tinignan lang ni Alexander ang baso, ramdam ni Tara na hindi ito tatanggapin ni Alexander kaya ang ginawa niya ay ipinahawak agad sa kamay ng lalaki ang baso.“Sige na, minsan lang ang birthday ko. Shot mo nalang d
Tumango si Ginrose at lumabas na sila doon. Habang tumatakbo sila palabasnay tumawag agad si Liam kay Nadine para ipaalam ang nangyari.“Track my location! Sigurado ako na hawak na ni Tara si Alexander ngayon!”Agad na sabi ni Liam ng sagutin ang tawag niya.“We are aware Liam. Napindot ni Alexander ang warning signal na nasa relo niya. Naghahanada na kami pumunta jan. Basta you have to keep Xandra at Ginrose safe! Kaya na ni Alexander ang sarili niya.”“Xandra!”Sakto naman na nakita ni Ginrose si Xandra sa isang tabi kung kaya agad siyang lumapit doon “Okay ate Nadine. Nakita na namin si Xandra,”Pagkasabi ni Liam niyon ay binaba na niya ang tawag at lumapit sa dalawang babae.“Xandra wake up!”Naiiyak na sabi ni Ginrose habang inaalog ito. Maging si Liam ay ginising na rin si Xandra kaya nagising na ang babae.“Arghh anong nangyari?” agad na tanong ni Xandra na nagtatakang napatingin kila Ginrose at Liam.“Hindi mo ba naaalala Xandra?! Si Vanessa at Tara ay iisa!”Dahil sa pagka f
“ISA-isahin natin ang mga kwarto dito.”Sabi ni Liam sa kanila ng makaakyat sila sa second floor. Wala sa pinakang party at baba ng bahay si Alexander kaya wala silang ibang alm na pupuntahan nito kundi sa taas.Impossible naman na iwanan ni Tara ang mga bisita niya kung kaya siguradong naroroon ito.Naghiwa hiwalay silang tatlo at isa isang binuksan ang kada pinto. Sa laki kasi ng bahay na iyon ay ang daming silid ang mayroon.Samantalang, sa bahay ni Victoria ay katatanggap niya lang ng balita sa plano ni Tara na nagpapanggap bilang anak niya.“What?!” gulat na sabi nito.Nalaman niya na i-frame up niya si Alexander at pagmumukain na nanloko ito pero alam niya na hindi iyon gagana. Isa pa tunay na kaarawan ng anak niya ngayon at iyong plano pa ang naisip ng babae sa birthday ng anak niya.“Pipigilan ko ba boss?”Tanong ng pinakang pinagkakatiwalaan ni Victoria na tauhan ngunit umiling siya dito.Oo nagagalit siya kay Tara pero nakikita niya rin itong isang pagkakataon para makaganti
HINDI na nagugustuhan ni Alexander ang sinasabi ni Vanessa o Tara. Pero nang malaman niya ang sinabi ni Ginrose na ito ay si Tara mayroon siyang naalala.Ganoon na ganon ang nangyari sa kanila years ago dahilan para makasal sila ni Xandra. Sa kabilang parte hindi naman niya iyon pinagsisisihan dahil iyon ang naging dahilan kung bakit sila nagkasundo ni Xandra at nagkamabutihan.Agad na napatingin si Alexander kay Xandra ngunit nakita niya ito na walang buhay na nakatingin sa kanila. Napalunok siya dahil doon, ayaw niya na magalit sa kaniya ang babae lalo na’t malapit na silang ikasal.“X-xandra maniwala ka hindi totoo ‘yan! Kilala mo ako! Isa pa hindi ba ganito ang nangyari saatin noon?!”Naalerto si Vanessa sa sinabi ni Alexander ata agad na sumingit sa sinasabi nito.“Wag ka ng magdahilan pa Alexander! Binaboy mo ako!”Mas umiyak pa si Tara para paniwalaan siya lalo ni Xandra. Siguradong mas maniniwala ito sa kaniya.“Liar! You’re a liar Vanessa! Whoever you are sinisira mo ang rel
MAGKATULONG si Liam at Condrad sa pag dala kay Tara papunta sa hide out ng mga ito. Hindi na nagulat pa sila Liam at Alexander ng naroroon na si Stanlee kasama si Iara dahil hindi naman napuputol ang communication ng mga ito sa isat-isa.Pero ang hindi nila inaasahan ay maging ang triplets involve sa naging mission nila na pag ligtas sa kanila. Doon na nag hysterical si Xandra, ang malamig at seryosong muka nito ay nawala at napalitan ng pag aalala sa tatlo.“Paano kung napahamak kayo?! Paano kung maging kayo ay makuha katulad ng daddy niyo?!”Hindi maiwasan ni Xandra ang mapaluha sa pag aalala sa tatlo. Naranasan nanaman niya kasi kanina ang sitwasyon na akala niya ay hindi na niya mararanasan.Ang muntik ng pagkasira ng pamilya nila ni Alexander.Kahit pa na naniniwala siya na walang kinalaman si Alexander sa nangyari, paano kung mayroong ibang nakakita? Paano kung mas lumala pa at kumalat ang tungkol s kanila?Isa pa, minsan na iyong nangyari sa kaniya at walang nakinig sa kaniya d