One update muna guys! Paalala lang po na ang kwentong ito ay naka-plot na at tapos na saaking utak kaya nasa tamang daloy tayo ng kwento. Be patient lang po sa pag-iintay ng update dahil mayroon din po akong personal life kaya po pa-isa isa ang update ko at kaya tumatagal ang story. Again, next month po ang tapos ng story, pag sinabi ko pong next month, next month po talaga kaya kapit lang po! Maraming salamat sa mga nagbabasa bukas po ulit!
HINDI alam ni Xandra ang gagawin niya. Sabagay, hindi naman niya inaasahan na mangyayari iyon ngayon.“Si Xandra at ako ay nagpapanggap lang. Natatakot lang siya na umamin ng nararamdaman niya dahil ilang taon ‘din kayong nagkahiwalay. Don’t expect her na paniniwalaan ka niya agad lalo na sa dami ng nangyari sa buhay niya.”Iyon ang sinabi ni Conrad kay Alexander. Sinabi pa nito pa nito na hindi na niya kayang itago ang totoo dahil alam niya ang pakiramdam ng ganon noon.Hindi naman na nagtanong si Alexander kung ano ang noon na sinasabi ni Conrad since hindi naman sila close. Isa pa nagkakilala sila sa hindi magandang pagkakataon. But still they try to work out as a friend. “A-ahh…” hindi alam ni Xandra ang sasabihin niya.Hanggang sa mapadaan ang mata niya sa gawi ng kaniyang mga anak. Nakatingin sa kaniya ang mga ito at nag-iintay ng sagot niya. Naalala niya ang pangako sa sarili na aamin siya kay Alexander sa oras na magising si Tanya.Iyon na ang pagkakataon na iyon!Hindi naman
At doon na nagsimula na ligawan at suyuin ni Alexander si Xandra.Matapos nilang mag-usap ay pinatawag nila ang mommy ni Xamdra kasama sina Iara at Ginrose. Nalaman ng mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alexander at masaya ang mga ito para sa dalawa.Lalo na si Xyra dahil kahut hindi sabihin ng anak ay kitang kita niya ang saya sa mata nito. Kahit pa na ipakita nito sa labas na ayaw niya pero ang totoo ay gusto niya.Kilala niya si Xandra, kilalang kilala kaya alam niya ang kiliti ng anak.Syempre mas masaya sila dahil gising na si Tanya. Sawakas nagkakilanlan na ang mga ito at close na close agad si Tanya sa mga ito. Tila nga noon pa sila magkakilala dahil sa sobrang close ng mga ito.Sumapit ang madaling araw, tulog na tulog na ang triplets habang ang matatanda naman ay gising at nag-uusap usap.Sinabi na nila sa ina ni Xandra at kay Iara at Ginrose ang nangyari. Nagulat ang mga ito at nag alala pa nga si Xyra pero dahil ligtas na si Xandra ay nawala din iyon agad.Napag usapa
“SIGURADO ka ba na mapapagkatiwalaan ‘yan?”Bulong na tanong ni Stanlee kay Xandra habang nakatingin kay JP na siyang nahuli nila Xandra.Nakita ito ng mga tauhan na inutusan ni Iara na hanapin ang lalaking na natitira sa sumubok na pumatày kay Xandra. Syempre hindi ‘rin hahayaan ni Iara na mapahamak ang kaibigan, alam nila ang nangyari sa unang pagbabanta ni Tara.Ayaw nila na mapahamak ito. Ngayon na nalaman nila na mayroon palang nagsabi na patày na ito sa Pilipinas.“Magtiwala kayo saakin, alam ko ang ginagawa ko.” Seryosong dabi ni Xandra na siyang ikinatahimik ng mga ito.Hindi alam ni Liam at Stanlee ang kanilang sasabihin, syempre wala naman silang alam na sa mga nangyayari. Hindi pa nga sila nakakapag usap ng maayos ni Alexander at hindi nila alam ang susunod na gagawin.“Ako ng bahala, may tiwala ako kay Xandra.”Sabi ni Alexander na siyang ikinatahimik lalo ng mga ito.Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Si Xandra naman ay naisip ang nangyari sa kanila ni Tara.
DAHIL sa kagustuhan na mangyari ni Alexander, hindi muna nila inisip ang kaso sa pagitan ng mommy nito at ni Xandra. Hinayaan muna nila ang mga taong lumayo na halatang guilty sa mga nangyayari.Lalo na kinabukasan ay kaarawan na ni Xandra.“Grabe ang haba ng buhok mo girl!” Siko na sabi ni Ginrose sa kaibigan ng tumabi sa magkabila niya ang dalawa.Talagang pinagitnaan siya ni Iara at Ginrose.“Oo nga! Meron na ngang Alexander, may Conrad pa tapos Liam at Stanlee! Grabe, di ako makapaniwala na napapalibutan ka ng mga gwapo!” sabi ni Iara na ikinatawa ni Xandra.“Sus sa inyo naman si Liam at Stanlee, alam kong minarkahan niyo na sila sa mga isip niyo.”Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumawa. Ang totoo niyan, habang busy si Xandra sa pagbabantay sa anak na si Tanya. Ang dalawa ay busy din sa pag asikaso ng kaso na ihahatong nila at kay Liam at Stanlee.Halata kasi nila na may gusto ang dalawa sa kanila. Noong una pinag titripan lang nila ang mga ito pero kalaunan ay narealize nila
“Yung isa jan tulala!”Napatingin sila kay Ginrose ng magsalita ito.“Oo teh ikaw magtataka ka pa,” sabi nito kay Xandra na ikinataka niya.“Huy wag mong pansinin! Di pa kasi nakikita ang love of her life niya kaya nanghihina. Natatakot na di pumunta sa birthday niya mamaya.” Singit ni Iara na mas lalo lang ginatungana ng sinabi ni Ginrose.Dahil sa narinig ay napairap nalang si Xandra at di pinansin ang mga ito dahil ang totoo, tama ang mga ito. Umaasa kasi siya na mayroong pakulo ang lalaki kaso kanina pa niya itong umaga hindi nakikita.Ganon ‘din sina Stanlee at Liam. Hindi pa nila nakikita ang tatlo.“Tumigil na kayo sa asaran at konting oras nalang ang meron tayo.” Suway ni Xyra sa kanila kaya dinilaan nalang ni Xandra ang dalawa dahil pinagalitan sila.NANG matapos silang mag luto ay nagpahinga ang mga ito dahil two hours nalang at pasko na. Buhay na buhay ang mga tao sa loob ng room ni Tanya sa ospital pwera sa kaniya.Kanina pa nag aabang si Xandra kay Alexander!“Darating ‘y
Nang kalahating oras nalang bago ang birthday niya saktong dumating si Liam at Stanlee ngunit wala si Alexander.“Oh bakit daw kayo lang nasaan ang prince charming ng kaibigan namin?” tanong ni Iara na gustong ikakotong ni Xandra sa kaibigan.Wala talagang preno ang bibig nito.“Busy kasi kami, pinaalis na kaming dalawa at susunod daw siya dito.” Sagot ni Liam.“Ayun naman pala, susunod daw! Intay ka lang,” sabi ni Gunrose at tinapik pa ang braso ni Xandra.Hinawakan ni Xandra ang kamay ni Ginrose at kiniliti ito.“Mag intay pala ah! Etong sayo!”“A-ah hahahaha Xandra don’t ! Hahahahah!”Hanggang sa nagharutan na sila doon dahil sumali si Iara at ganon ‘din ang triplets. Kahit papaano ay nakalimutan n ni Xandra ang pag iintay kay Alexander.Maya maya pa, limang minuto bago ang birthday niya, bumukas ang pintuan. Buonh akala nila si Alexander na ngunit si Conrad lang pala.“Akala naman namin si Alexander na,” sabi ni Ginrose na ikinatawa ni Comead.“Mukang lahat kayo naka intay kay Alex
“COME here my love,”Tawag sa kaniya ni Alexander. Noong una alangan pa si Xandra kung lalapit ba siya dito o hindi. Pero ng marinig niya ang sabi ng mga kasamahan nila na lumapit ay lumapit na siya dito.Malaki ang ngiti sa labi ni Alexander, ibang iba sa pagkakakilala nila dito noon lalo na ng malaman na wala na si Xandra. Ang pinakang kilala na masungit at walang puso na si Alexander ay malaki ang ngiti sa labi kaharap ang babaeng tanging nagpatibok at nagpabago sa kaniya.“I’ve been waiting for this. Can you dance with me?”At inilahad nito ang kamay sa harap ng babae kasabay ng sweet song na tugtog sa paligid.Natawa lang di Xandra doon dahil syempre hindi na siya makakahindi. Nang hawakan niya ang kamayni Alexander nagsimula silang sumayaw kasabay ng mahinahon at kalmadong tugtog sa paligid.“Sa anim na taon na nakalipas, pupuntahan kita sa simenteryo at kinakausap. Dinadalangin na sana gising ka pa at nasa tabi kita, kahit hindi ako ang mahal mo. All I want is to be with you X
KINABUKASANMaagang nagising si Xandra para maglakad lakad sa tabing dagat. Nasanay na siya ng ganon, noong nasa new york siya jogging naman ang ginagawa niya ng ganoong oras. Noon naman na kasal sila ni Alexander ay pagdidilig ng halaman ang inaasikaso nila.Kaya nakasanayan na niya ang ganon. Kaso nakalimutan niyang magdala ng jacket e malamig pa naman sa labas. Nagulat nalang siya ng mayroong maglagay sa kaniya ng jacket mula sa likuran.“A-alexander!” gulat na tawag niya sa pangalan nito ng makita ang lalaki.“Kabisado kita noon kaya alam ko na ganitong oras ka gigising para maglakad,”Namula naman si Xandra sa sinabi ng lalaki at napaiwas ng tingin. Napahigpit nalang ang kapit niya sa kaniyang jacket habang silay naglalakad.Katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa at tanging tunog ng ibon at alon ng dagat ang naririnig nila.“Ah salamat nga pala sa surprise mo saakin kagabi, akala ko talaga hindi ka na darating e”Napatingin sa kaniya si Alexander habang nakangiti.“Effective
Maraming maraming salamat kung naka-bot ka sa chapter na ito! Salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa ng aking kwento! Sobrang na appreciate ko po kayong lahat kahit minsan matagal akong mag update. Btw magkakaroon na po tayo ng bagong kwento at yun ay ang "The Billionaires Quintuplets" waiting nalang sa kontrata at pwede na pong mabasa! Basahin po natin ang description; Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina
NAGISING si Julio na nakatali sa upuan na siyang kinauupuan ng triplets kanina. Sinubukan niyang makawala pero hindi niya magawa.“Wag mo ng subukan kasi hinigpitan ko talaga yan,”Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Victoria na ikinakaba nito kaagad.“B-boss, patawarin mo ako! Ang gusto ko lang naman ay ipalit ka sa triplets! Kinuha ka nila! Dinukot!”Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang palaging mga sinasabi nito sa kaniya kung baga magaling itong mag paikot ng tao. Siguro kung hindi siya natauhan ay malamang na naloko na ulit siya nito.Pero bakit nga ba siya nagpakatanga ng sobra sa lalaki? Sabagay, si Julio ang nagpalaki sa kaniya kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Hindi namn niya akalain na mayroon pa itong ibang balak sa kaniya.“Stop it will you? Alam ko na ang totoo,”Natahimik si Julio sa sinabi ni Victoria at naglakad papunta sa harapan niya.“Nakikinig ako sayo dahil ikaw ang nagpalaki saakin. Kahit buhay ng anak ko ang nakataya sinabak ko si
MALAKI nag naitulong ni Victoria sa kanila para matunton kung nasaan ang kinalalagyan ni Julio ngayon. Naabutan nila na maraming bantay sa paligid kung kaya hindi sila nag aksaya ng panahon para sugudin ang mga ito.“Boss! Sinusugod tayo!” Agad na napalingon si Julio sa nagsalita at napamura.“Pigilan niyo sila! Hindi dapat sila makapunta dito!”Tumango ang tauhan nila at umalis na.“I told you darating sila,” sabi ni Xander na lalong kinainis ni Julio.Okay na sana ang plano niya pero nasira pa!“Wag mo akong ginagalit na bata ka!” Inis na sabi nito at sinabunutan ang bata.“Hey!” biglang may nagsalita sa gilid niya kaya napatingin siya dito. “Don’t touch my twin,”Pagkasabi ni Axel niyon ay sinuntok niya ito agad na ikinadaing ng lalaki.“Tanya help Xander!”Tumango si Xandra at inalalayan ang kaniyang kuya. Nakatali kasi sila sa upuan pero ang hindi nito alam ay ang bracelet ng mga ito’y pwedeng maging maliit na kutsilyo kaya kaagad silang nakawala doon.Hinayaan lang nilang kumuda
“I know this will happen, mabuti nalang at handa ako.”Pagkasabi ni Nadine niyon ay nagsi bagsakan ang ibang tauhan ni Victoria at doon na nagsimula ang barilan.Si Nadine naman ay agad na tumakbo paakyat para iligtas si Victoria. Sakto na nakita niya na kukunin na sana siya ng ilang kalalakihan ng agad niyang binaril ang mga ito.“Pull yourself together Victoria! Ayokong biguin si Vanessa sa pangako kong bantayan kita!”Tumango ng dahan dahan si Victoria at nag paalalay kay Nadine. Dumating din si Conrad na agad tinulungan ang nobya na mag alalay kay Victoria.Habang pababa sila ay patuloy ang pag papaputok nila ng baril sa humaharang sa ksnila. Kita ni Nadine sila Xandra na nakikipag laban sa isang tabi.“Hawak na namin si Victoria! Tara na!” sigaw ni Conrad.Wala silang balak na patàyin ang lahat ng naroroon basta makuha lang nila si Victoria. Kaya ng marinig iyon ay kaagad na nagsi atrasan ang mga ito at sumakay sa kaniya kaniyang kotse.“Drive!” Agad na sabi ni Alexander na ikina
MADILIM at tahimik na naglalakad si Nadine papunta sa abandunadonh building kung saan siya pinapapunta ni Victoria. Katulad ng inaasahan ramdam niya ang dami ng tauhan nito sa paligid kaya mas naging alerto siya.Mayroon namannsiyang dalang armas pero in case na hindi niya kayanin kailangan niyang tumakbo.“Finally dumating ka rin!”Napatingin siya sa second floor kung saan kitang kita sa baba dahil nga abandunado na ang lugar na iyon. At isa pa nasa gitna ng kagubatan ang building kaya wala talagang ibang tao doon.“Sana hindi ka nagdala ng kasama tulad ng nasa sulat kasi ayaw kong may madamay na tao since ikaw lang naman ang pumaslang sa anak ko,”Napahigpit ang kapit ni Nadine sa baril na nasa kamay niya at itinutok iyon kay Victoria.Dahil doon ay kaagad na nagsilabasan ang tauhan ni Victoria at lahat ng laser ng mga ito ay tumutok sa kaniya. Kinabahan siya dahil doon pero mas tinatagan niya at itinutok ang baril dito.“Alam kong alam mo na maaaring mawala ang anak mo sa labanan p
“SINO ba si Victoria?” Tanong ni Xandra sa asawa ng mapag isa sila sa silid nito.“Si Victoria ay isa sa mga mafia Lord. Ang anak niya, si Vanessa, namatay ng matalo siya ni ate Nadine. Alam mo naman sa mafia world basta laban buhay ang kapalit. Hindi siguro matanggap ni Victoria na wala na ang anak kaya binabalikan niya si ate.”Mahabang paliwanag ni Alexander na nag aayos ng gamit nila.“Hindi ba unfair yun?”Napahinto si Alexander sa ginagawa at tumingin dito.“Sa mundo natin ngayon lahat unfair,”Natahimik si Xandra dahil tama ito. Naalala niya tuloy noong unang kasal sila, siya lang ang nagmamahal sa lalaki at di siya mahal nito, unfair kung baga. Isa pa ang pag trato sa kaniya ng step mother at step sister niya, unfair din.Sadyang nasasayo lang kung paano mo ma-hahandle ang pagsubok ng mundong binibigay sayo.“Ang mundo ng mafia world ay parang politika wife, maraming abusado. Pero ang kaibahan lantaran ang masamang gawain sa mafis world, mas delekado keysa sa mundo na nakagisn
HABANG nasa dinner si Xandra at Alexander ay nakatanggap sila ng tawag mula kay Nadine. Malungkot na binaba ni Alexander ang telepono at hindi alam kung sasabihin ba sa asawa ang nabalitaan o hindi.“Sino ang tumawag? Bakit daw?” Tanong ni Xandra sa kaniya.Ngunit hindi siya agad sinagot ni Alexander kaya lalong nagtaka si Xandra. Tila nakaramdam siya ng kakaiba kung kaya agad siyang kinabahan.“Hubby?” Tawag pansin niya dito na ikinahinga ng malalim ni Alexander.“P-pinapauwi na tayo wife... Si dad nasa ospital,”***“NASAAN si daddy?!”Agad na tanong ni Xandra ng makapasok siya sa room ng ama na ikinalingon ng mga ito sa kanila.Kita niya na umiiyak na ang mga ito at ang daddy niya ay ganon din pero nanghihina na.“N-no, no daddy!”Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ng ama.“Daddy naman! Aalis ka ba ng di mo ako nakikita at nakakausap huh?!”Ngumiti ng pilit si Johnny at umiling kay Xandra.“Alam ko na darating ka anak,”Umiling si Xandra sa ama at niyakap ito ng mahigpi
MATAPOS ang kasal ni Xandra at Alexander, naka schedule kaagad ang kanilang honeymoon sa ibang bansa. Dahil na ‘rin ngayon lang magkakasama ng solo ang dalawa ay hindi na pinasama ng mga magulang nila ang triplets.Sa katunayan ay dapat kasama nila ito dahil iyon ‘din naman ang gusto ni Xandra at Alexander ngunit pinigilan lang nila. Wala namang problema sa kanila kung kasama ang tatlo, katunayan nga niyan ay mas matutuwa pa sila.Ang kaso mayroong dahilan kung bakit gusto nilang pag solohin ang mga ito.Ganito ang pagkakasabi nila; ‘Bigyan niyo kaagad kami ng bagong apo!’Hiyang hiya nga si Xandra ng sabihin iyon ng mga ito. Tila isang normal na conversation lamang, sabagay matatanda naman na sila ang kaso may kasama silang bata ng panahon na iyon kaya nga nahihiya siya sa mga anak hindi sa mga kasama nilang matatanda.Pero wala naman siyang magagawa, okay na ‘rin iyon sa kaniya dahil may usapan sila ng mommy niya.“Bakit ka tumatawa jan?”Napahinto si Xandra sa kaniyang pag tawa ng
Tumango siya sa sinabi ng wedding coordinator at hinanda ang sarili.Maya maya pa ay nagbukas na ng dahan dahan ang pinto kasabay ng paglabas ng usok sa sahig.Maliwanag sa likuran ni Xandra kung kaya hindi agad siya nakIlayan ng mga ito. Tila isa siyng anghel na bumaba sa langit.Rinig na rinig ni Xandra ang tugtog na siya mismo ang pumili. ‘A thousands year’s’ meaning she’s wising for her and Alexander for their love to last long even for a thousands years later.Nang makita siya ng mga tao ay ang siyang simula ng paglalakad siya. Hindi muna siya tumingin sa mga ito para makakuha ng lakas. Mahigpit na ang kapit niya sa bulaklak.Ayon na coordinator sasamahan lang siya ng magulang sa paglalakad sa may simula ng mga upuan sa simbahan.Inangat na niya ang kaniyang mata at namangha ang mga tao sa ganda nito. Ngunit si Xandra ay kaagad na nag lock ang mata kay Alexander. Nang sumandaling iyon ay tila silang dalawa lang ang nakikita niya.Nawala ang malumanay na tunog ng piano sa paglalak