CHAPTER 8.1
HANGGANG ngayon, isang malaking palaisipan para kay Lyle kung paanong numero ni Gian ang nakasulat sa papel na madalas na ibinibigay sa kanya. Nagsuspetya siya, oo. Sino ba naman ang hindi? Iniisip niyang baka tipo nga siya ni Gian at malapit na siyang maniwala sa sinasabi ni Keegan na baka nga may gusto sa kanya ang binata, ngunit kapag titignan niya si Gian, ang hirap maniwala na may gusto nga ito sa kanya.
“Alam mo na ba kung sinong nagbibigay ng numero mo sa ‘kin?” Dahil sa totoo lang, ang galing noong strategy. Kung sinumang nagsulat noon at nagpapabigay sa kanya, alam na ang pipiliing i-text ni Lyle e iyong numero pala ni Gian.
Napalunok si Gian nang magtanong siya. In-adjust din nito ang kwelyo ng suot na polo shirt bagamat hindi naman ito nasasakal. Kumunot ang noo ni Lyle habang pinanonood ang binata ngunit hindi niya rin maiwasan ang maaliw. Sobra ang kaba nito at bakas iyon sa kung paanong takasan ng kulay ang mukha ng binata.
CHAPTER 8.2 “SO, it was really Ridge who gave your number to me, isn’t he?” Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Gian nang mapansin niya ang pagkadismaya sa boses ni Lyle. Sabi na nga ba, e. Kaya ayaw niyang sabihin dito na kay Ridge galing ang kalokohan, alam niya kasing malulungkot ang binata. Ayaw pa naman niyang ganoon dahil mabait itong si Lyle. Kaya ito siya ngayon, pilit na itinatago ang hiyang nadarama sa pamamagitan ng pag-aktong malakas. Ikinasisiya niya pa ang katotohanang hindi naman siya nakikita ni Lyle kung kaya malakas ang loob niyang umarte—hindi nito makikita na maging siya rin e nadidismaya. Gusto ni Lyle si Ridge, kaya sino ba ang hindi madidismaya kung iyong taong gusto mo, isi-set up ka sa iba? He, too, would feel upset if this also happened to him. Alas diyes na noon ng gabi at magkatawagan na lamang sila ngayon ni Lyle. Hindi na mabilang ni Gian kung gaan
CHAPTER 8.3NOONG oras na matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Gian, bumagsak ang mga balikat ni Lyle. Gusto niyang matawa na ewan sa mga ganap sa buhay niya. Parang pinipiga ang puso niya bagamat ilang oras na ang lumipas mula noong makumpirma niyang si Ridge nga ang nag-set up sa kanilang dalawa ng binata. Sa totoo lang, lalong kumikirot ang dibdib niya sa tuwing maririnig ang boses ni Gian.Wala itong kasalanan, oo, pero hindi niya maiwasang masaktan lalo na at itinago rin nito ang katotohanan sa kanya. Kahit pa na siya lang din ang iniisip nito kaya ayaw nitong ipaalam ang totoo, medyo sumama ang loob niya kay Gian.Isang marahas na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago niya dinala ang mga mata sa sketchbook. Ang dami niyang pending designs. Ni isa, wala siyang matapos-tapos. Kanina pa niya ito sinusubukang ayusin, e. Noong mga oras na magkausap sila ni Gian, sinusubukan niyang ibaling ang atensyon sa
CHAPTER 9.1DAHIL nakapaglabas ng sama ng loob kay Keegan kagabi, kahit paano e pumasok ng trabaho si Lyle na magaan ang loob. Hindi na tulad kagabi na halos hindi niya maituon ang atensyon sa trabaho, ngayon e kahit paano, ganado siyang tapusin ang mga naiwang sketches na kagabi ay pinagkakatulalaan niya na lang."Sabi mo kagabi, pupunta ka na naman sa café no'ng kaibigan ni Ridge. Napapadalas ka ro'n, a."Natigilan si Lyle mula sa pag-eeksamina ng mga damit nang marinig ang pagpuna sa kanya ng kaibigang si Keegan. Binisita siya nito ngayon sa trabaho dahil naka-vacation leave ito sa gym. Pagod din daw ito sa trabaho kagabi ngunit ayaw na mabagot kaya siya kaagad ang unang pinuntahan. Aalis din daw ito bukas at may dadaluhang event sa Manila, hindi niya alam kung para saan pero ang sabi ni Keegan, para raw iyon sa mga katulad niya na mahilig sa anime at laro."Oo nga pala, binisita mo ako," natatawa niyang sabi dahil nakalimutan niya talaga ang presensya
CHAPTER 9.2 NAKANGIWING pinagmasdan ni Lyle si Keegan, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha nitong umarteng close rin sila ni Gian. Hindi ba nito nakikitang natatakot sa kanya iyong isa? Mas malaki si Gian in terms of height pero kung usapang katawan e mas malaman ng kaunti kaysa rito si Keegan. Paniguradong ang iniisip noong isa e baka itapon siya nitong si Keegan na puro yabang lang din ang alam. "Anong itatanong? Tumigil ka nga. Para kang mambubugbog sa itsura mo." "Sa hirap ng buhay ko, tingin mo ba talaga e afford kong makulong? May itatanong lang ako sa kaibigan mo. Harmless iyon!" Imbes na pansinin ang kaibigan, hinarap ni Lyle si Gian at alanganin itong nginitian. It was an apologetic smile and the taller male seemed to have caught on, which is why he received a quick nod from the other. Naawa si Lyle sa binata noong oras na mapansin niyang sapo ni Gian ang dibdib. Lihim din siyang bumuntong hininga—ewan niya pero sa pakiramdam ni Lyle, mayroo
CHAPTER 9.3"Anong sinabi mo kay Gian?" Galit niyang tanong sa binata.Napangiwi ang kaibigan bago nito tinapik-tapik ng daliri ang lamesa. Umiwas ito ng tingin at ngumuso ngunit nanatiling tikom ang bibig, wala ni isang salita ang lumalabas upang ipaliwanag kung ano ba ang nangyari noong wala siya."Tinakot mo ba si Gian? Sinabi ko naman sa 'yong mahiyain 'yon."Lalong humaba ang pagkakanguso ng binata. "Anong tinatakot ang sinasabi mo? Ako ang natakot sa sama ng tingin niya sa 'kin kanina!"Napaismid si Lyle bago ipinagkrus ang mga braso. Kung talagang ginawa iyon ni Gian kay Keegan, edi maganda. Deserba nitong kabarkada niyang masungitan at iba ang tabas ng dila nito. Baka mamaya, noong wala siya e may nabanggit na hindi kaaya-aya roon kay Gian kaya umalis na nakabusangot at hindi natutuwa."Ba't parang ayaw mong maniwala?""Ako? Naniniwala akong tinign
CHAPTER 10.1HINDI maalala ni Lyle kung kailan ba niya naging kaibigan sa Facebook ang dating captain ng basketball team. Hindi iyong si Zachariel Chastain ang tinutukoy niya, kung hindi iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel. Hindi naman sila malapit sa isa't isa noong dati nilang captain, kaya nga nakakapagtakang nang buksan niya ang messenger, naroon ang pangalan nito na siyang ikinagulat niya.Alexander Cruz:Lyle, uy! Balita ko nasa Pinas kana ulit?Ilang beses niyang pinasadahan ng tingin ang mensahe nito. Binabasa iyon at baka mamaya, may hidden message, mahirap na. Paulit-ulit din siyang nakikiramdam. Inaalala nga niya kung mayroon ba siyang atraso sa isang ito noon, e. Hindi naman din sa hindi siya marunong magpautang pero malinaw sa isipan niyang isa ito sa mga nakisama sa pangungutya sa kanya. Porket sayang daw ang talento niya sa pagba-basketball dahil sa pag-amin niya tungk
CHAPTER 10.2MABILIS na lumipad ang mga mata niya sa hindi kalayuan ng court, hinahanap ang nagma-may ari ng boses na pumukaw ng atensyon nilang lahat. Noong mahanap na, roon niya napagtantong palapit na rin pala si Alexander sa direksyon niya, ito ang dati nilang kapitan sa basketball noong high school—iyong captain nila bago naipasa ang posisyon kay Zachariel.Habang pinanonood itong lumapit, hindi nakatakas sa mga mata ni Lyle ang isa pang pigura na nakasunod sa likuran ni Alexander ngunit hindi siya nag-abalang pinagtuunan ng pansin. May kung ano kasi siyang nararamdaman na masamang balita na nakadikit sa taong iyon bagamat hindi niya kinikilala."Kanina ka pa dumating?" Tanong ng dati nilang kapitan bago tumigil sa harap niya at pinunasan ang pawis na nasa noo nito.Pagak na tumawa si Lyle bago umiling. "'Di naman. Halos kararating ko lang din.""Ah, buti naman. Pasensya na, nagsimula na kami. Pampainit ba."Ayos lamang sa kanya. Huli n
CHAPTER 10.3HINDI maalis ang mga mata ni Gian sa direksyon nina Zachariel, Leon, at Lyle. Paano ba naman kasi, bigla siyang nagsisi na ka-team niya ang maloloko niyang barkada. Dapat nag-shuffle sila, e! Kaso ang nangyari sa pag-a-arrange ng team, siya at si Lyle lang talaga ang nag-switch. Kabado bente tuloy siya at baka may masabing hindi makatotohanan itong mga kaibigan niya. Babatukan niya sila!'Ano kayang pinag-uusapan nila?' Iyan ang tanong niya sa sarili dahil bigla na lamang humina ang boses ni Zachariel noong oras na lapitan nito si Lyle. Sa mga ganyan siya kinakabahan, e. Para kasing mayroong ibinubulong ang demonyo rito kay Lyle, kampon pa naman ni Satanas iyang si Zachariel. 'Sana naman, walang nasasabi na 'di maganda sina Leon?'Nakaramdam ng pagkauhaw si Gian nang maisip na baka ang pinag-uusapan nina Zachariel na may gusto siya kay Lyle kahit na wala naman. Kinuha niya ang tumblr niya na nakalapag sa semento at binuksan iyon nang makainom. Nag-a
EPILOGUE 16 years ago… "H-HUH?! I-interviewhin ko po iyong mga members ng basketball team? Bakit po ako?!" Nagugulantang na tanong ni Gian sa adviser ng broadcasting. Natigilan siya nang mapansin ang pagtigil din ng adviser nila. Hindi maintindihan ang pagkagulat na nadama niya. Kinukumpirma lang naman niya ang unang assignment para sa darating na Intrams. Hindi sinasadyang magtunog galit o ano. Mukha lang. Halos dumulas sa ilong niya ang makapal na salamin nang malaman ang designated task niya sa intrams. Nakakagulat lang talaga na sa lahat ng assignment, doon pa talaga siya sa pinaka mahirap na gawin na-assign! Gian isn't an extrovert and he is struggling with human interactions, so he knows that there is a huge probability that he may fail this assignment. As much as he does not want to, he expects himself to mess up if he does this task... and he does not want to fail.
CHAPTER 30 WALANG araw na hindi naisip ni Gian ang ginawang paghalik kay Lyle. Pero nagsisisi ba siya? Syempre, hindi. Natatakot, oo. Baka sa susunod kasing makita niya si Lyle, baka mangatog talaga ang tuhod niya't matumba siya. Hindi pa nakatulong na mabilis lumipas ang weekends. Pipikit ka lang sandali, Lunes na naman. Pupwede rin naman siyang lumiban ngayon sa trabaho pero ayaw niyang iwan ang negosyo. Ayaw niyang pa-distract kahit mahirap. Hindi naman niya makausap si Zamiel dahil may problema pa rin sila ni Ridge. Kaya ang kinausap niya, ang kakambal nito. Ang sabi naman sa kanya ni Zachariel, umamin na siya lalo na't itatanong at itatanong daw ni Lyle kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba kasi niya hinalikan? Noong Sabado, nalunod si Gian sa tuwa na suotin ang mga damit na ginawa sa kanya ni Lyle. May kung ano rin na bumulong sa kanya na halikan ito noong magkalapit ang mga mukha nila. Nag
CHAPTER 29.2 OH God, what have they done? Pagkatapos nilang maghalikan ni Gian, naging awkward ang lahat sa pagitan nila. Pareho silang nagugulat sa presensya ng isa't isa. Hindi mapakali sa tuwing nagkakatinginan o masasagi ang isa't isa. Hindi pa nakatulong na mukhang may balak na mag-celebrate ang mga magulang niya para i-welcome si Gian sa pamilya! Samantalang… hindi naman sila! Ngunit sa kabila ng lahat, nairaos naman nila ang lahat. Nalunok niya rin ang pride para kuhanan ng litrato si Gian. "Pasensya ka na sa komosyon," paghingi ng paumanhin ni Lyle habang inihahatid si Gian sa labas ng bahay nila, tungo sa sarili nitong kotse. Naglakas loob siya kahit na tumatanggi ang binata kanina. Pero frick, hindi dapat iyong pamilya niya ang ikakahingi niya ng paumanhin. Iyong halikan kamo dapat nila! Matapos sumigaw ng ganoon ng kapatid niya, hindi na sila nakaakto ng m
CHAPTER 29.1 NEVER did Lyle ever thought that Gian would agree to his request almost immediately. Matapos nilang mag-usap ni Ridge, dumiretso siya sa café ni Gian sa kagustuhang makita ito. Anyway, it's exhausting to confess your old feelings towards the person you used to like. It drains a lot of energy and courage. And as lame as it may sound, kay Gian siya humuhugot ng "enerhiya" nitong nakaraan. The male's presence would automatically fill him with energy. Gaganahan na siya magtrabaho. Bonus nalang na ito rin ang personal na naghahanda ng mga in-order niya. Noong dumating siya, hindi niya naiwasan na magtaka nang makita itong namumutla. Nababalisa na nakatayo sa harap ng entrance ng café. Hindi naglalakad pero halatang nag-aalala at malalim ang iniisip. Mukhang kaunti nalang, malulunod na sa anxiety. And Lyle can still remember how relieved Gian was when he saw him. It st
CHAPTER 28.2 "YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked. Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know…" mahinang aniya. Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon." Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya. They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to en
CHAPTER 28.1JUST as what Ridge promised him, he really made time for Lyle. Hindi niya iyon inaasahan dahil alam niyang abala si Ridge. Pero ang ayon sa binata, wala itong gagawin ngayon. Tinatamad din daw siyang bisitahin si Zamiel sa trabaho at nagsabi naman daw siya na importante ang pag-uusapan nila.He nearly choked at the "important conversation" term. Hindi naman talaga importante para kay Ridge na marinig ang gusto niyang sabihin. Kung tutuusin, pupwede nitong ipagsakibit balikat ang maririnig mula sa kanya. Natutuwa lang siya na bininyayahan siya nito ng kakarampot na oras at atensyon."So… what are we gonna talk about?" Tanong ni Ridge habang tinitignan ang menu ng korean restaurant na kinaroroonan nila.Nahirapang lumunok si Lyle nang maramdaman ang pagbara ng laway sa lalamunan niya. But in the long run, he still managed to choke out some words to reply."I&hell
CHAPTER 27.3 "ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke. Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran. Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa. Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
CHAPTER 27.2 GIAN hates it here. In this place, in this luxurious restaurant rented by his batch mates with people he does not want to interact with. Gusto na niyang umuwi at maglaro ng video games. If not, he would rather spend the whole day talking to Lyle over the phone or surprising him with a visit - which, he is not sure if he can do since it may appear that he was intruding Lyle's privacy and day off. Nagsisisi siyang pumunta siya rito samantalang mas maraming paraan para sayangin ang araw. Pwede naman siyang magpaka-productive kaysa sa... "Uy Gian, balita namin, single ka pa rin?" Puna ng isa sa mga kaklase niya noong mapansin ang pananahimik niya. If he is not mistaken, his name is Kenneth? Nabitin mula sa pagsimsim ng tequila si Gian noong marinig ang pagpuna ito. Tapos, alanganin siyang tumawa. Ayaw niyang i-entertain ang tanong nitong si Kenneth. Ayaw niya kasing marinig kung anong susunod
CHAPTER 27.1 "COME to think of it, bukas na 'yong reunion ng batch niyo noong senior high," ani Lyle habang nilalaro ang toy poodle ni Gian. Kinakarga niya gamit ang dalawang paa iyong aso tapos pasasayawin sa mga hita niya. Pinasadahan niya rin ng mabilis na tingin ang kaibigan at natagpuang nakamasid ang binata sa kanila ni Whitney. Nang mahimasmasan, awtomatikong tumuwid sa pagkakaupo ni Gian. Matapos kasi nitong bumalik mula sa kusina, ang ina nito ang nag-take over para magluto. Hindi rin naman binawi ng binata lahat ng album na naglalaman ng baby photos niya kaya tinapos niya iyong tignan. But he is embarrassed for sure. He was amused of how Gian almost hid himself behind the couch while he busied himself looking over his photos. And to save some face for his friend, he decided to finish scouring through his baby photos quickly. Kaya nga sa ngayon, nilalaro na