Share

Chapter 24.1

CHAPTER 24.1

"IKAW ang… magmo-model sa magazine tapos si Lyle ang designer na ka-collab mo?"

Tila ba hindi ma-pick up ni Gian ang impormasyong natanggap mula kay Ridge. Sa katunayan, napatulala siya rito at ilang beses na napapakurap-kurap, hindi malaman kung anong dapat niyang sabihin.

Samantala, mukhang naaaliw si Ridge sa kanya. Sumimsim ito ng tsaa bago siya pinasadahan ng tingin. May pilyong ngiti rin na naglalaro sa mga labi nito. Nakagat tuloy ni Gian ang pang-ibabang labi.

"Magazine lang naman 'yon," paliwanag ni Ridge bago ito mahinang tumawa, "'di pa rin namin pinupuntahan ni Wade 'yong Primivère dahil next week pa ang resume ng trabaho ko."

"A-anong gagawin mo ro'n?"

"Fitting. Nang maihanda iyong size ng mga damit. Gusto mo ba na sumama sa 'min?"

Napamaang siya at tumuwid sa pagkakaupo. Nang matantong hindi niya naintindihan ang tanong ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status