"Dos...!! Dos..Anak ..." Sigaw ni Erika na binalutan agad ng kumot ang anak upang hindi manginig. Natataranta niyang hinanap ang kanyang bag pero biglang naalala ni Erika na last na nga pala ang gamot na naiturok kay Dos kanina.Natutuliro na si Erika.Pansamantalan niyang nakalimutan ang natuklasan dahil sa kalagayan ni Dos.Wala pang 24 ng turukan ito. Bakit umulit ang atake ni Dos? bakit nagiging mas madalas na ang atake ng kanyang anak?" halos mabaliw sa pagiisip si Erika."Lumalala na ba si Dos? Totoo ba ang sinabi ng doctor na kapag naging madalas na ang pag nose bleed at pag collapes ni Dos ay indikasyun iyon na malubha na ang bata at malapit na ang takdang oras na hindi na tatanggapin ng katawan ni Dos ang dugong isinasalin dito?""Dios ko po hindi..!! Huwag naman po muna. Please...Please huwag po muna para nyo ng awa. Ginagawa ko naman ang lahat...hindi naman ako tumitigil, gagawin ko po ang lahat please po please po.Tulungan nyo ako...Tulungan nyo ako..." Bulong ni Erika na na
"Erika? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Tyler."Wala na, diba nga last na yung itinurok nating kanina.Hindi ko naman akalain na aatakihin siya ng halos tatlong beses nitong buong linggo lang" uutal utal na paliwanag ni Erika."Oh, for God sake Erika, bakit hindi mo sinabi? Bakit, hindi ka nagsabi?" Halos intense na rin si Tyler."Kase Tyler..." pero bago pa man matapos ni Erika ang sasabihin ay nagcombulsion na nga si Dos kaya lalong nataranta si Erika at nagtatalon ito sa pagiyak dahil tumirik na ang mata ng bata at biglang nagkulay talong ang mga labi."Oh sh*t...Dos..! Dos.!!! Nooooo..!" Sigaw ni Tyler na agad binalot ng kumot si Dos at binuhat saka patakbong dinala sa kanyang sasakyan."Open na gate, call a Doctor P. kamo papunta kami and its emergency" Utos ni Tyler sa pupungas pungas na dalagitang katulong na nagising na dahil silid pala nito ang unang pinagkakatok ni Erika. Nataranta naman ito at agad na takbo sa gate.For the 2nd time around, Tyler holds his breathe
Pero tama ba na wala na silang gawin ? at hintayin na lang ang dalawang buwan? May magagawa sila para kay Dos. At kailangan niyang kausapin si Erika tungkol dito. Kung galit man si Erika sa ama ng anak niya. Baka pwedeng iisang tabi iyon para lamang sa kaligtasan ni Dos. Iyon na lamang kase ang pagasa nito. Ang bone marrow ng ama o ng kapatid ni Dos ang makakapagpagaling sa bata.Hangang sa pagdating ng bahay at pagbaba ng sasakyan ay tahimik na tila tulala lamang si Erika kaya mabilis na imibis si Tyler sa driver seat at inalalayan si Erika. Sinalubong naman sila ng katulong at nakituwang na akayin si Erika dahil halos hindi ito makagalaw. Papasok na ng pinto si Erika ng bigla niyang inikot ang paningin sa buong bahay na parang nagagalak pero kalaunan ay pumalahaw ng iyak."Dos...Dos...anak ko, patawad Dos. ." sabi ni Erika na ikinabahala ni Tyler kaya mabilis at halos karga na ni Tyler si Erika papasok ng guest room."Sir? kakain po ba kayo ni Ma'am. Maghahain pa po ba ako?" Tanong
Napamura naman si Tyler sa naging reaksiyon ni Erika sa tanong niya. Sa pagyuko nito at pananahimik, ipinagpalagay ni Tyler na walang alam si Erika na may asawa ang kapatid at marahil baka huli na ng malaman nito kaya nagiisa ngayon si Erika.Kung nagkaroon ng relasyun si Erika at si Theo, at sa habilin ni Theo ay mukhang mahalaga si Erika. Bakit nagpakamatay si Theo?Nalilito na si Tyler sa damdamin. Noon ay kinasusuklaman niya ang hinahanap na babae ni Theo sa paniniwalang may kinalaman ito sa pagpapakamatay ng kapatid.Noon ay balak niyang pakasalan ang babae para lamang sa huling kahilingan ng kapatid pero balak niya itong hiwalayan agad at papanagutin.Kaya rin halos nagmamadali ang kanyang ama ganun din ang kanyang ina na mahanap ang babae dahil sa babae iniwan ni Theo ang lahat ng ari- ariang minana ni Theo sa kanilang lolo.Kung mapapatunayang anak nga ni Theo si Dos ay automatic na kay Dos na ang kayaman ng mga Dominguez.Dahil ayon sa kanilang pamilya ang apo ang magmamana ng
"Hindi...hindi...dios ko po. hindi totoo ang naririnig ko Dios ko po naman""Alam ko, sinasabi nyo lang iyan dahil hindi nyo tanggap ang bata na anak ng isang bayaran hindi ba..?diba?" sabi ni Erika na nagtakip pa tenga habang umiiyak na nakalugmok sa tabi bowl."E-rika,.. oh, God sana nga nagdadamot na lang ako. Sana nga ganun na lang. Pero patawad Erika pero yun ang totoo"paos na sabi ni Tyler na hirap din ang kalooban."Nasasaktan akong sabihin sayo ang ikabibigo natin pero kailangan mong malaman ang totoo. Matagal ng patay ang kapatid ko Erika"Sabi ni Tyler na niyakap si Erika at pinaghahalikan sa luhaang mukha.Ngayon napagtanto ni Tyler na sa maiksing panahon ay napamahal na sa kanya si Erika.Ianamin niya iton ngayon at napakasakit makitang wala siyang magawa para dito at kay Dos."Patawad bro, hindi ko man lang matulungan ang babaeng alam kong minahal mo. Dahil kung nagawa kong mahalin si si Erika sa maikling panahon, malamang ay minahal mo rin siya dahil sa kanya mo piniling m
Pagkatapos iligpit ang notebook na pinakatago tago ni Erika sa ilalim ng kanyang bag ay binuklat naman ni Erika ang isang lumang sulat na nakuha niya sa bulsa ng walang buhay niyang kapatid.Kalakip ng sulat ang larawan ni Theo katabi ang ate niya.Ayun sa sulat ay nagpapahayag ng damdamin ang lalaki at sinabi nitong aalisin niya sa lugar na iyong ang kapatid.Nakalagay sa sulat ang eksaktong lugar at oras kung saan magtatagpo dapat ang dalawa."Teka....Teka...biglang napaliyad ng tuwid si Erika ng biglang may pumasok na eksena sa isip niya.Pero bago pa man niya makita ng malinanaw ang eksena ay sumakit muli ang ulo ni Erika kaya itinuklop niya ang sulat at sinubukang pumikit muna.Pero hindi na pinatulog si Erika ng bagay na bigla niyang naisip at kung bakit nga ba ngayon lang niya naisip iyon. Pagsikat pa lamang ng araw kinabukasan ay tumawag na si Tyler sa hospital at agad nag request ng DNA test para kay Dos."Avuncular Test" ang gagawin kay Dos isang uri ng test na magsasabi kong
Hinilot hilot ni Erika ang sariling ulo saka umupo dahil nahihilo na siya saka ito napatanong sa sarili."Panaginip ba yun o totoong nangyari? Paanong naroon ako sa eksena? hindi naman nangyari iyon sa akin ah.." Naguguluhang sabi ni Erika na muling hinilot hilot ang sarilingn sintido.Nang maalala si Dos ay biglang tumayo si Erika at ipinasok sa bag ang sulat at ang notebook saka pumasok ng banyo at naghilamos.Balak niyang yayain si Tyler na puntahan si Dos. Kung makakaabala siya o kung may gagawin ang lalaki ay magpapaturo na lamang siya ng direksiyon kung paano magpunta doon mag isa. Saktong paglabas niya ng silid ng makasalubong niya ang katulong ni Tyler."Ay ma'am Erika wala na po ang senyorito Tyler maaga itong nagpunta sa hospital""Sa hospital!!? Bakit? may nangyari ba sa anak ko?Diyos ko napaano ang anak ko? teka bakit hindi niya ako sinama? Diyos ko po ang anak ko..!!" Nagaalalang sabi ni Erika.Nakaramdam siya ng hinanakit kay Tyler dahil hindi man lang siya ginising. Tam
Gusto sana ni Tyler na ibalita agad kay Erika ang magandang balita kaya lang ay narinig niya itong halos mangutang para lamang makaalis at sundan siya.Bigla siyang nakaramdam ng tampo kay Erika sa kabila ng lahat ng ginagawa niya.Iniisip tuloy ni Tyler kung may balak ba si Erika na ilayo sa kanya ang pamangkin niya ngayong nalaman i Erika na wala na si Theo.Yun ang tumanim na takot sa puso ni Tyler ngayon. Pero nang maisip isip niya na may karapatan si Erika na malaman ang balita at si Erika pa rin ang legal guardian ni Dos. Nagbago ng isip ang binata at plinanong mamaya na lamang sabihin kay Erika kapag nasa silid na ito."Ipaghain mo na kami ng lunch, gutom na ako" utos nito sa maid."Umupo ka na Erika. Ikain mo na lang yan.Magbubuhos lang ako saglit lang yun" bilin ni Tyler na siniguradong saglit lang siya.Natameme naman si Erika. Ramdam niya ang hindi magandang timpla ni Tyler. Baka inisip ng lalaki na nagdududa siya dito. Baka nagdaramdam na ito. Nagisip si Erika kung paano ba
Samantala...Nagulat naman si Erika na kasalan pala ang dadaluhan niya. Puti siguro ang motif sabi pa niya. Pero nagulat si Erika ng huminto sila sa tapat ng arko saka siya biglang sinuutan ng Belo ng isang babaeng pulis at inabutan ng sariwang bulaklak sa kamay. Magsasalita sana si Erika ng tumabi sa kanya sa magkabilang side sina Almira at Phillip na siyang umakay sa kanya sa paglakad.Walang pamilya si Erika kaya ang magasawang Del Valle ang tumayong partidos nito. Unang hakbang pa lamang pagpasok sa arkko ay tumulo na ang luha ni Erika. Naroon kase at namumutla ang lalaking pinakakaibig niya.Gusto niya iyong takbuhin at yakapin at humingi ng tawad dahil naisip niyang iwan ang lahat at sabihin ditong nagbago ang kanyang pasya ng gabing bago ang operasyun.Tumingin si Erika sa bahaging kaliwa at nakita doon ang magasawan malapad ang ngiti. Kinindatan lang siya ni Don Timotheo, marahil sa oras na iyon ay alam na nito na nabasa na niya ang mga nasa folder. Muling umagos ang luha ni Er
Naisip nga niya noon na lumayo dahil sa mga agam agam.bPero ng makarga niya si Tres at makita ulit ang mga ngiti ni Dos na sabik sa ama, at ang mga halik ni Tyler sa shower ng hapon iyon. Naisip ni Erika na hindi niya kayang mawalay sa mga ito. Hahayaan niya si Tyler ang magdesisyun. Total naman ang pagkatao ni Erika ay para kay Dos at Tyler lang naman at may Tres pa ngayon. Binago niya ang mundo para hindi na muling lingunin pa" lalong naiyak si Erika.Hindi niya masisisi ang matanda. Lalo tuloy siyang pagdududahan nito at lalo siyang hindi matatanggap ng pamilya ni Tyler. Kapag dumating si Don Timotheo at puntahan siya ay kakausapin niya ito at hihingi na lamang siya ng tawad. kung ayaw nito sa kanya para kay Tyler ay mauunawaan niya pero kailangan siya ng mga anak niya. Kailangan ko ang mga anak ko" humahagolhol na sabi ni Erika.Samantala...kababalik lamang ng mag amang Timotheo at Vicente ng makatanggap ng tawag mula kay Tyler nalaman na nito na nawawala si Erika."Ikaw na ang
Napuno ng iyakan ang paligid pero mas nangibabaw ang maliligayang puso.Nasa silid na ang lahat at nakaraos na sa 12 hours ang mga bata kaya ligtas na ang mga ito.Nalilibang ang lahat habang nilalaro si Tres ng magpaalam si Erika para magbanyo.Lumabas si Erika ng VIP room at naghanap ng banyo. Saka lang niya naalala na may banyo nga pala sa silid VIP room ng nasa lobby na siya.Tuliro lang talaga siya, labis lamang talaga kase ang kaligayan niya.Nakailang beses siyang usal ng pasasalamat sa napakagandang balita. Masaya siya lalo na ng makitang niyang napakaligaya ni Tyler.Napakapalad niya sa ama ng kanyang mga anak. Para bang ang nangyari ngayong ay bawi sa lahat ng sugat at pighati niya sa loob ng halos anim na taon taon.Papasok na si Erika ng elevator ng makaramdam siya ng gutom. At alam niyang hindi pa rin kumakain si Tyler. Ayaw niya ng pagkain sa canteen kaya naalala niya ang All Day Mart na nasa tapat ng hospital.Pumasok si Erika sa elevator at pinindot ang down. Lingid kay E
"Babe, look at me please, i miss you.Erika, mabubuhay ako kahit walang anak , pwede tayong gumawa maraming anak pero ang babae sa buhay ko at magpapaligaya sa akin ay iisa lang Erika. At alam mong ikaw lang yun" sabi ni Tyler na hinalikan pa siya sa noo bago sa labi ulit pero saglit lang."Huwag mo sanag isipin na hindi ka na mahalaga ha, sabi nila ganun daw ang may post partum eh. Ikaw ang buhay ko Erika. Kaya tayo umabot sa dulo ng laban na ito dahil ikaw ang mindo ko" sabi ni Tyler."Alam mo bang nabihag mo ang puso ko ng gabi pa lang na iyon sa likod ng pintuan nyo, yung nahuli tayo ni Dos. Mula noon Erika hanggang ngayon ay palagi mong binubuhay ang puso ko.Patawarin mo ako Erika at kalimutan nating ang nakaraan at mamuhay tayong magkakasama at masaya ha pwede ba ha" sabi ni Tyler at muling hinalikan si Erika.Sa pagkakataong iyon ay naging marobrob at malalim ang halik.Naramdaman ni Erika ang ilang buwang pangungulila nito.Ipinaramdam sa kanya ni Tyler na kailangan siya nitong
Humagolhol na si Donya Viola ng maungkat ang nakaraan at napatayo bigla si Don Timotheo at niyakap ang asawang nahiwalay sa kanya ng mahigit pitong taon.Matagal na nagyakap ang dating magasawa habang nakatunghay ang dalawa nilang anak."Itinama ko na ang mga mali ko Viola, ibinalik ko na ang mga bagay na para sa iyo lamang dapat. Si Enteng ay nasa apelyido ko na matagal na kaya kasama na siya sa aking last will" mahinanhogn sabi ni Don Timotheo."Ipinapakiusap ko lang na magmula ngayon ituring nyo na siyang kapamilya at hindi private imbestigator lang ha" Sabi ng Don."Enteng anak, lumipat ka na sa bahay na binili ko para sayo. Limang taon yun baka makakapal na ang mga damo at mag asawa ka na din pwede para hindi na ako magalala" bilin pa nito."Walang problema Dad, basta huwag lang akong tatawaging kuya ni Enteng" sabi ni Tyler."Bakit? eh matanda ka ng apat na taon sa akin Kuya?" Sabi ni Enteng."Hoy Vicente dagugan kita dyan. Nakakailang at nakakakilabot eh. Basta Tyler na lang 35
Si Dos na unti-unti ng naging masigla lalo na nang si nurse meow na ulit ang bantay. Si Tres naman ay araw araw gumaganda ang kulay at nagkakalaman."Talaga nurse meow pogi ang kapatid ko, parang ako din?" Tanong ni Dos isang hapon na hinihilamusan ito ni Gwen. Bagamat may suot na itong bonnet at maputla nanatili ang maningning na mga mata ni Dos na ngayon lalong napagtanto ni Gwen na kahawig ng mata ng kanyang amo pati ang kulay ng mata nitong mala abuhin."Wait, biglang napaisip si Gwen.Bigla kase niyang naalala na abuhin di pala ang mata ni Enteng yun nga lang hindi biluhan ang mata nito. Hindi naman masyadong singkit pero papunta na roon."Wow yun amo niya at ung crush niyang oppa parehas gray ang mata so ironic" sabi oa ni Gwen."Nurse meow ang layo na ng nilipad ng isip. Nagpunta na ng Mars Mahal ka nun peksman" sabi ni Dos na kinalabit ang nurse na tila nananaginip ng gising."Talaga ba? Jin jia?" Tanong ni Gwen na ginagaya ang drama sa korea."Ne.....sashi!." sagot naman ng bi
Mahabang oras ang lumipas ngalay na ang ang puwetan ni Don Timotheo sa tagal ng paghihintay. Nakaisang idlip at gising na siya ng biglang bumukas ang operating room at lumabas ang isang doctor. Bago pa man nakareact si Don Timotheo ay umangat na ang ulo ni Tyler na sa palagay niya ay walang tigil ng pagdarasal.Agad nitong sinalubong ang lumabas na doctor."Doc...? k-kamusta ang magina ko?" tanong agad agad dito."Tumingin kay Tyler ang doctor ng seryoso kaya parang sasabog ang dibdib nito sa kaba."Bilib ako sa mga anak mo Mr.Dios they are all fighters.Your baby is fine pati na rin ang mommy ng bata.Nailabas namin ang anak mo ng walang naging komplikasyun. Now all we have to do ay palakasin ang bata sa loob ng dalawang buwan" sabi ng doctor."Oh God,Thank you doc ..thank you for saving my family" sabi niTyler."Sila ang lumaban Mr.De Dios , tinulungan ko lang" sabi ng doktor."In an hour ay ililipat na ang misis nyo sa private ward but sa ngayon masisilip nyo lang muna ang bata dahil
Samantala...Nang mga sandaling iyon naman sa kabilang dako ay nakatanggap ng mensahe si Don Timotheo mula sa isang hindi kilalang number. Ang sabi sa mensahe ay.. "Nos. 72 Pilapil street Baranggay Tunggong Manga Bulacan Kanang silid sa itaas"Yun lamang ang mensaheng natanggap ni Don Timotheo.Napangiti ito dahil hindi man nagpakilala ay alam niya kung sino ito.Bagamat ganun ay pipilitin niyang magkunwari at huwag kumibo para isipin ng taong iyon na wala siyang alam.Kaya hindi niya sinagot ang mensahe o tinawagan ang numero. Sigurado naman siyang hindi prank ang mensaheng iyon. Kasing seryoso niya ang taong nagpadala ng mensahe sure siya doon.Agad kinontak ni Don Timotheo ang dalawang tauhang inutusan niyang magmanman noon. Inutusan niya ang mga ito na kunin ang babae sa bahay na iyon at dalhin sa kanya at tatagpuin niya ang mga ito sa dating tagpuan.Limang oras matapos tumawag ay nasa kanto na si Don Timotheo, huminto sa tapat niya ang isang lumang kotse, isang babae ang may pirin
Tama si Don Timotheo kailangan itama ang lahat para maka move on na lahat. Si Eloysa ang nagmahal kay Theo at si Erika ang nangarap kay Tyler. Ngunit iisa ang puso ni Eloyza at Erika... kaya doble ang sakit. Pero si Tyler ay si Erika ang nakasama. Si Erika na isang fake, gawa-gawang pagkatao. Si Erika ang nakikita nito hindi si Eloyza. Hindi ang totoong siya.Sinubukan ni Erika na isipin ang mundong walang Tyler, walang Dos At walang bagong baby... Iniisip pa lang niya para na siyang hindi makahinga. Paano nga ba? Paano nga ba?Naging laman ng isip at puso ni Erika ng mha sumonid pang linggo ang mga alalahanin at ang takot sa magiging bukas kapag matapos na ang lahat.Ang ikapitong buwan ni Erika ay nagign napakaselan. Marahil dahil sa stress ay nakaramdam ng munting kirot si Erika sa kanyang balakang at sa singit. Kirot na tiniis niya magdamag pero pagdating ng madaling araw ay Sumobra ang sakit kaya tinawagan niya si Gwen."Ay sige ma'am Erika sandali lang..sandali lang" sagot ni