"E-Erika...Erika..." Nagpanic bigla si Tyler ng lumaylay ang ulo at kamay ni Erika sa bisig niya."Oh God No..!No.."sambit ni Tyler nallilitong hindi alam ang gagaawin. Agad tumawag sa kaibigang doctor si Tyler, same doctor na tinawag rin niya noon at habang hinihintay ay pinuntahan ni Tyler si nurse Gwen para alalayan siya. Agad din namang pinuntahan ni Gwen ang mommy ni Dos.Humanga siya sa ganda nito pagkakita pa lang niya kahit namumutla ito pero hindi naitago ang kagandahan ng babae pero nagtaka si Gwen kung bakit nagpapanic ang amo niya eh para lamang naman itong natutulog lamang.Ginawa ni Gwen ang SOP sa mga taong nawalan ng malay. Pinakinggan niya ang tibok ng puso nito normal naman pati ang paghinga sa ilong ay maayos naman. Muling inulit ni Gwen ang pagpulso kay Erika at biglang napatitig si Gwen sa leeg ni Erika. Saka muling sinalat ang pulso ng mommy ni Dos."Omamamay oma mamaamaaaaamay" panggagaya ni Gwen sa awitin ng k-pop superstar ng buhay niya."Yeah, life is Dynamit
"Sino siya?"pinadahan ng tingin ni Doc Martin ang babae na naka pambahay lamang ng short at naka sandong black. Umupo si Gwen sa tabi ng matanda saka kinausap sa wakas ang dumating na doctor."Doc baka po gusto ninyonn magpadala ng equipment para makabitang ng oxygen ang patient not unless gusto ninyong akong ang mag manual pump dito magdamag?""Is she fine? okay na ba ang mommy. Bro,ayos na ba ang mommy?" Baling ni Tyler sa kababata."Ah okay na siya, naibuka na niya ang bibig niya kaya ligtas na siya sa muntikang heart attact buti nalang naagapan ng maid nyo" sabi ni Martin."Maaaaaaaid?!?"nanlaki ang mata ni Gwen."Nurse po si nurse meow Doc" Singit ni Dos."Hala ka nangangalmot yan pag ginagalit doc" kunot noong sabi ni Dos. Umiwas naman ng tingin si Doc Martin at napahiya at tumawag na sa hospital at nagutos na magpadala ng mga equipment sa adress na sinabi nito. Hindi lumipas ang tatlong oras ay stable na ang ang mommy ni Tyler. Mabuti na lamang at. mukhang hindi natuloy sa stro
Pero Tyler, makaniwala ka, gumawa ako ng paraan para matulongan ang kapatid mo. Ilang ulit akong pasimpleng ibinababad siya sa yelo. Kinabitan ko ng cctv ang silid niya pati sa sala kinabitan ko din pati sa kusina yun nga lang hindi na ako makabalik dahil nawala ang alaala ko sa ilang araw na nakalipas. Muling humagolhol ng iyak si Erika. Lahat ginawa rin niya para lumaban lahat ginawa nila ni Theo para lumaban."Tama na..Erika, hindi ikaw ang pumatay kay Theo, aksidente yun. Hindi mo pinatay ang kapatid ko tandaan mo yan" sabi ni Tyler."Alam kung ganyan mo kamahal ang kapatid ko, kahit nasasaktan ako tanggap ko Erika pero ang hilingin mo ang ganito paano mo naiisip na iwan si Dos" sabi ni Tyler na nanululmo na."Ma, huwag na rin kayong ma guilty nabasa nyo naman diba na alam ni Theo ang ginawa nyo at ang mahalaga naipasoli nyo si Dos sa nanay niya."Yung bata...yung batang yun ay si Dos? Bigla namang lumiwanag ang buong silid nila paglingon nila sa pinto ay si nurse meow at Dos ang n
"Naku, dios ko po at natakot para sa akin ang cute na cute kong apo.Sorry apo at may sakit si Lola noon, madalas sumasakit ang ulo ko kase parang may monster na pumapasok"sabi nito."Pero magaling na si Lola ngayon kaya naman dahil magaling na ang lola ay ililibre kita ng chicken Joy, french fries at ice cream na acute na si Dos" sabi ni Donya Viola na pinilit pasiglahin ang boses,Nahihiya at naaawa siya sa apo. Sana balang araw ay makalimutan nito ang tagpong iyon."May kulang pa lola pretty" sabi ni Dos."May kulang? Naku, ano pa bang nakalimutan ko? sige apo sabihin mo" sabi niya."Wala pa pong burger, spagetti at coke float lola pretty""Naku uu nga naman di pa nga kuumpleto ang buong value meal. Okay sige sige oorder na si Lola para mag smile na si Dos. Napuno ng tawanan ang silid na iyon maliban lamang kay Erika na tahimik pa rin.Bandang alas Dos ng hapon ng dumating si Detective Enteng."Sir meron ngang cctv na nakakabit sa Figurone at sa mug. Nasecure ko na sir ang kaso sir
"Haist, kaya ka wala sa ahensya eh dahil isa kang suwail eh. Kung hindi lang kita kilala ng personal at hindi ko naging yaya noon ang nanay mo iisipin ko kasabwat ka ni Maricar eh" sabi ni Tyler.Matapos mamg usap ay nangpaalam na si Inspector Enteng kay Tyler.Dahil sa ilang taon na ang lumipas ay hindi na accurate sa blood test yun. Nanlulumong pumasok si Tyler sa silid nila ni Erika. Hindi na nga pala niya nakamusta ang dalaga.Si Dos ay na kay nurse Gwen muna. Pagpasok niya ay nakahiga si Erika, malalim ang iniisip ni Tyler kaya sa bintana siya dumereto at doon tumanaw at muling naging abala ang isipan.Pero nagulat si Tyler sa isang malamig na kamay na biglang yumakap sa bewang niya mo. Nanigas ang binata dahil kilala niya ang kamay na iyon."Ty, kahit sana gaano kalaki ang galit mo huwag mo sanang ikonsider ang option two at three. Ayoko ng may madamay pa. Ayokong may masaktan pa" mahinang pakiusap ng may ari ng kamay na iyong.Hinawakan niya ang kamay nito saka ito kinausap haban
nahihwagaan si Enteng sa sinabi ng matanda.“Madumi at bulok ang Sistema ng batas sa bansa Enteng alam mo yan. Kapag napunta sa kamay ng batas ang kopya. Madidiin ang babae at pati si Theo.Uungkatin nila ang lahat at madadamay si Tyler pati si Viola hindi ba? Pagkakakitaan ng mga suwapang at buwaya ang anak ko dahil lama ko gagawin ni Tyler ang lahaht mailabas lamang ang mga minamahal nito. At hayop na babaeng iyon malamang makalaya o kugn hindi man ay ipapapatay din nila” sabi ni Don Timotheo.Tumango tango naman si Enteng. Ilang beses na niyang napatunayan iyan, nababaliktad ng pera ang katotohanan nababayaran ang witness at napapatahimik ang mga biktima.“Hindi ito masama, hindi tayo tutulad sa kanila, Hindi ko hinihilingi sayo na tulungan mo ang babe o si Tyler para baliktarin ang lahat at gapangin para sila mapawalang sala. Alam mo kung paano matatapos ito, Alam mo kung papano sila mananahimik” sabi ng Don.“Limang milyon Enteng para sa kapayapaan ng lahat” sabi ng ama ni Tyler.
Wala nga naman siyang choice kundi pagtiyagaan ang maanghit na amoy putok ng lalaki yun. Pagtiyagaan ang kababuyan ito na trip na trip ang paglaruan siya na akala mo nasa operating room. Kakaiba ang trip nito malamang may bitbit na naman itong mga s3x toys na binili sa Avenida. Buwisit! pagtitiyagaan na naman niya ang maiksi nitong espadaba halos hindi maipasok pasok dahil nangunguna ang tiyan dahil sa katabaan."Buwisit na buhay to" sigaw nito sabay kumuha ng stick ng sigaryo at nagsindi.Lumabas ng kanyang tagpi tagping kubol at pumuwesto sa may ilalim ng creek at doon naghithit buga ng yosi. Dalawang buwan na siyang nagtatago dahil sa punyetang manhunt operation na ginawa ng mga lintek na yun."Sabi sa kanya ni Taba ay may mga isinumete daw na ibedisya ang mga De Dios laban sa kanya. Ayaw madawit ni Manuel kaya pinaglaho siya nito sa maiinit na mga mata.Konting tiis lang daw. Dito daw kase ay walang makakaisip na narito siya."Sh*t! Sino nga ba ang magnanais dito kahit nga siya suka
Hindi nakakibo si Enteng sa mga sinabi ng ama. Pansamantal ay hindi n iya alam ang sasabihin .Nanahimik sa kabilang linya. Maya maya ay narinig ni Don Timotheo ang mahihinang hikbi mula sa kabilang linya. Hanggang sa ang hikbi ay lumakas."Anak..pwede mo naman siyang hindi sundin tulad ng hindi mo pag sunod sa akin. Alam ko naman simula pa lang hindi mo susundin" sabi ng matanda sa anak.Nagpatuloy ang paghikbi At ramdam ng matanda na nabibigatan ang anak sa desisyun ngayon."Paano ko siya tatanggihan?Gusto ko siyang tangihan pero lalo lamang niya akong kamumuhian hindi ba? kapag pinagbigyan ko siya Papa, baka matanggap na niya ako kahit papaano" sabi ni Enteng sa mabigat na kalooban."Kaya ba ako ang inuutusan niya dahil bale wala sa kanya kahit mapasama ako.Dahil balewala ako sa kanya at namuumuhi siya sa pagsulpot ko" sabi ni Enteng."Anak baka hindi naman ganun. Malamang naringi niya kaya baka nais lamang na makatulong. Hindi ka naman niya pinakitaan ng masama mula noon hindi ba?"
Samantala...Nagulat naman si Erika na kasalan pala ang dadaluhan niya. Puti siguro ang motif sabi pa niya. Pero nagulat si Erika ng huminto sila sa tapat ng arko saka siya biglang sinuutan ng Belo ng isang babaeng pulis at inabutan ng sariwang bulaklak sa kamay. Magsasalita sana si Erika ng tumabi sa kanya sa magkabilang side sina Almira at Phillip na siyang umakay sa kanya sa paglakad.Walang pamilya si Erika kaya ang magasawang Del Valle ang tumayong partidos nito. Unang hakbang pa lamang pagpasok sa arkko ay tumulo na ang luha ni Erika. Naroon kase at namumutla ang lalaking pinakakaibig niya.Gusto niya iyong takbuhin at yakapin at humingi ng tawad dahil naisip niyang iwan ang lahat at sabihin ditong nagbago ang kanyang pasya ng gabing bago ang operasyun.Tumingin si Erika sa bahaging kaliwa at nakita doon ang magasawan malapad ang ngiti. Kinindatan lang siya ni Don Timotheo, marahil sa oras na iyon ay alam na nito na nabasa na niya ang mga nasa folder. Muling umagos ang luha ni Er
Naisip nga niya noon na lumayo dahil sa mga agam agam.bPero ng makarga niya si Tres at makita ulit ang mga ngiti ni Dos na sabik sa ama, at ang mga halik ni Tyler sa shower ng hapon iyon. Naisip ni Erika na hindi niya kayang mawalay sa mga ito. Hahayaan niya si Tyler ang magdesisyun. Total naman ang pagkatao ni Erika ay para kay Dos at Tyler lang naman at may Tres pa ngayon. Binago niya ang mundo para hindi na muling lingunin pa" lalong naiyak si Erika.Hindi niya masisisi ang matanda. Lalo tuloy siyang pagdududahan nito at lalo siyang hindi matatanggap ng pamilya ni Tyler. Kapag dumating si Don Timotheo at puntahan siya ay kakausapin niya ito at hihingi na lamang siya ng tawad. kung ayaw nito sa kanya para kay Tyler ay mauunawaan niya pero kailangan siya ng mga anak niya. Kailangan ko ang mga anak ko" humahagolhol na sabi ni Erika.Samantala...kababalik lamang ng mag amang Timotheo at Vicente ng makatanggap ng tawag mula kay Tyler nalaman na nito na nawawala si Erika."Ikaw na ang
Napuno ng iyakan ang paligid pero mas nangibabaw ang maliligayang puso.Nasa silid na ang lahat at nakaraos na sa 12 hours ang mga bata kaya ligtas na ang mga ito.Nalilibang ang lahat habang nilalaro si Tres ng magpaalam si Erika para magbanyo.Lumabas si Erika ng VIP room at naghanap ng banyo. Saka lang niya naalala na may banyo nga pala sa silid VIP room ng nasa lobby na siya.Tuliro lang talaga siya, labis lamang talaga kase ang kaligayan niya.Nakailang beses siyang usal ng pasasalamat sa napakagandang balita. Masaya siya lalo na ng makitang niyang napakaligaya ni Tyler.Napakapalad niya sa ama ng kanyang mga anak. Para bang ang nangyari ngayong ay bawi sa lahat ng sugat at pighati niya sa loob ng halos anim na taon taon.Papasok na si Erika ng elevator ng makaramdam siya ng gutom. At alam niyang hindi pa rin kumakain si Tyler. Ayaw niya ng pagkain sa canteen kaya naalala niya ang All Day Mart na nasa tapat ng hospital.Pumasok si Erika sa elevator at pinindot ang down. Lingid kay E
"Babe, look at me please, i miss you.Erika, mabubuhay ako kahit walang anak , pwede tayong gumawa maraming anak pero ang babae sa buhay ko at magpapaligaya sa akin ay iisa lang Erika. At alam mong ikaw lang yun" sabi ni Tyler na hinalikan pa siya sa noo bago sa labi ulit pero saglit lang."Huwag mo sanag isipin na hindi ka na mahalaga ha, sabi nila ganun daw ang may post partum eh. Ikaw ang buhay ko Erika. Kaya tayo umabot sa dulo ng laban na ito dahil ikaw ang mindo ko" sabi ni Tyler."Alam mo bang nabihag mo ang puso ko ng gabi pa lang na iyon sa likod ng pintuan nyo, yung nahuli tayo ni Dos. Mula noon Erika hanggang ngayon ay palagi mong binubuhay ang puso ko.Patawarin mo ako Erika at kalimutan nating ang nakaraan at mamuhay tayong magkakasama at masaya ha pwede ba ha" sabi ni Tyler at muling hinalikan si Erika.Sa pagkakataong iyon ay naging marobrob at malalim ang halik.Naramdaman ni Erika ang ilang buwang pangungulila nito.Ipinaramdam sa kanya ni Tyler na kailangan siya nitong
Humagolhol na si Donya Viola ng maungkat ang nakaraan at napatayo bigla si Don Timotheo at niyakap ang asawang nahiwalay sa kanya ng mahigit pitong taon.Matagal na nagyakap ang dating magasawa habang nakatunghay ang dalawa nilang anak."Itinama ko na ang mga mali ko Viola, ibinalik ko na ang mga bagay na para sa iyo lamang dapat. Si Enteng ay nasa apelyido ko na matagal na kaya kasama na siya sa aking last will" mahinanhogn sabi ni Don Timotheo."Ipinapakiusap ko lang na magmula ngayon ituring nyo na siyang kapamilya at hindi private imbestigator lang ha" Sabi ng Don."Enteng anak, lumipat ka na sa bahay na binili ko para sayo. Limang taon yun baka makakapal na ang mga damo at mag asawa ka na din pwede para hindi na ako magalala" bilin pa nito."Walang problema Dad, basta huwag lang akong tatawaging kuya ni Enteng" sabi ni Tyler."Bakit? eh matanda ka ng apat na taon sa akin Kuya?" Sabi ni Enteng."Hoy Vicente dagugan kita dyan. Nakakailang at nakakakilabot eh. Basta Tyler na lang 35
Si Dos na unti-unti ng naging masigla lalo na nang si nurse meow na ulit ang bantay. Si Tres naman ay araw araw gumaganda ang kulay at nagkakalaman."Talaga nurse meow pogi ang kapatid ko, parang ako din?" Tanong ni Dos isang hapon na hinihilamusan ito ni Gwen. Bagamat may suot na itong bonnet at maputla nanatili ang maningning na mga mata ni Dos na ngayon lalong napagtanto ni Gwen na kahawig ng mata ng kanyang amo pati ang kulay ng mata nitong mala abuhin."Wait, biglang napaisip si Gwen.Bigla kase niyang naalala na abuhin di pala ang mata ni Enteng yun nga lang hindi biluhan ang mata nito. Hindi naman masyadong singkit pero papunta na roon."Wow yun amo niya at ung crush niyang oppa parehas gray ang mata so ironic" sabi oa ni Gwen."Nurse meow ang layo na ng nilipad ng isip. Nagpunta na ng Mars Mahal ka nun peksman" sabi ni Dos na kinalabit ang nurse na tila nananaginip ng gising."Talaga ba? Jin jia?" Tanong ni Gwen na ginagaya ang drama sa korea."Ne.....sashi!." sagot naman ng bi
Mahabang oras ang lumipas ngalay na ang ang puwetan ni Don Timotheo sa tagal ng paghihintay. Nakaisang idlip at gising na siya ng biglang bumukas ang operating room at lumabas ang isang doctor. Bago pa man nakareact si Don Timotheo ay umangat na ang ulo ni Tyler na sa palagay niya ay walang tigil ng pagdarasal.Agad nitong sinalubong ang lumabas na doctor."Doc...? k-kamusta ang magina ko?" tanong agad agad dito."Tumingin kay Tyler ang doctor ng seryoso kaya parang sasabog ang dibdib nito sa kaba."Bilib ako sa mga anak mo Mr.Dios they are all fighters.Your baby is fine pati na rin ang mommy ng bata.Nailabas namin ang anak mo ng walang naging komplikasyun. Now all we have to do ay palakasin ang bata sa loob ng dalawang buwan" sabi ng doctor."Oh God,Thank you doc ..thank you for saving my family" sabi niTyler."Sila ang lumaban Mr.De Dios , tinulungan ko lang" sabi ng doktor."In an hour ay ililipat na ang misis nyo sa private ward but sa ngayon masisilip nyo lang muna ang bata dahil
Samantala...Nang mga sandaling iyon naman sa kabilang dako ay nakatanggap ng mensahe si Don Timotheo mula sa isang hindi kilalang number. Ang sabi sa mensahe ay.. "Nos. 72 Pilapil street Baranggay Tunggong Manga Bulacan Kanang silid sa itaas"Yun lamang ang mensaheng natanggap ni Don Timotheo.Napangiti ito dahil hindi man nagpakilala ay alam niya kung sino ito.Bagamat ganun ay pipilitin niyang magkunwari at huwag kumibo para isipin ng taong iyon na wala siyang alam.Kaya hindi niya sinagot ang mensahe o tinawagan ang numero. Sigurado naman siyang hindi prank ang mensaheng iyon. Kasing seryoso niya ang taong nagpadala ng mensahe sure siya doon.Agad kinontak ni Don Timotheo ang dalawang tauhang inutusan niyang magmanman noon. Inutusan niya ang mga ito na kunin ang babae sa bahay na iyon at dalhin sa kanya at tatagpuin niya ang mga ito sa dating tagpuan.Limang oras matapos tumawag ay nasa kanto na si Don Timotheo, huminto sa tapat niya ang isang lumang kotse, isang babae ang may pirin
Tama si Don Timotheo kailangan itama ang lahat para maka move on na lahat. Si Eloysa ang nagmahal kay Theo at si Erika ang nangarap kay Tyler. Ngunit iisa ang puso ni Eloyza at Erika... kaya doble ang sakit. Pero si Tyler ay si Erika ang nakasama. Si Erika na isang fake, gawa-gawang pagkatao. Si Erika ang nakikita nito hindi si Eloyza. Hindi ang totoong siya.Sinubukan ni Erika na isipin ang mundong walang Tyler, walang Dos At walang bagong baby... Iniisip pa lang niya para na siyang hindi makahinga. Paano nga ba? Paano nga ba?Naging laman ng isip at puso ni Erika ng mha sumonid pang linggo ang mga alalahanin at ang takot sa magiging bukas kapag matapos na ang lahat.Ang ikapitong buwan ni Erika ay nagign napakaselan. Marahil dahil sa stress ay nakaramdam ng munting kirot si Erika sa kanyang balakang at sa singit. Kirot na tiniis niya magdamag pero pagdating ng madaling araw ay Sumobra ang sakit kaya tinawagan niya si Gwen."Ay sige ma'am Erika sandali lang..sandali lang" sagot ni