Samantha Pov...Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nakalabas si kuya at nakabalik na rin sa trabaho giving me the chance to go back sa Autralia. Excited akong makabalik sa Australia at ipagpatuloy rin ang aking buhay doon, ngayong maayos na ang pamilya ni kuya ay malaya akong babalik sa Australia. Andito ako sa kanyang opisina inaantay ang pagbalik niya galing sa kanyang meeting. Gusto ko muna siyang makabonding sandali bago ako umalis."Hey princess!" Nakangiti niyang pagbati sa akin pagkapasok."Hi kuya!" Malambing ko namang sagot. I miss him. Masaya akong nabigyan pa siyang muli ng pangalawang pagkakataon."Kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako nakapagpananghalian at gutom na ako, samahan mo akong kumain. Namiss ko doon sa paborito kong tambayan. Tara at mukhang marami kang ikukwento sa akin." Sabi agad ni kuya pagkalapag ng kanyang mga gamit."Sure kuya pero wala naman akong maikukwento sa'yo dahil paniguradong naikwento na lahat sa iyo ni ate Anita." Sagot ko sa kanya habang
Samantha Pov... Pagkatapos ng aming engkwentro sa opisina ni kuya ay nakapagdesisyon na ako ng dapat kung gawin. Napili kong bumalik na dito sa Cebu dahil okay naman na si kuya at maayos na nakabalik na sa kanyang trabaho and he don't need me at all. Anita has been already there for him that I'm so grateful for. Minsan lang tinamaan si kuya sa pag ibig at nasa tamang babae pa! Bigla nanaman akong nakaramdam ng lungkot. Siguro sa akin ay nakatadhana na hindi magiging masaya at least may anak naman akong kasama. Now, is the right time for me to run away from him too, but how can I do it. Malaking kasalanan na rin na inilihim ko sa aking mga magulang ang totoong kalagayan ko at katotohanan. Is it too much to asked to be free. Kapag naman pipiliin kong manatili sa kanyang tabi, anu ang mangyayari sa amin? Anu din ang gagawin ng aking magulang? Siguro minsan sapat na pagtuunan ng pansin ang sarili kaysa ibang tao. Gusto kong umalis pero hindi ako makaalis - alis dahil halos bente kwatr
Rex Pov...Pagkatapos kong samahan si Samantha ay ayaw ko siyang iwanan doon. Gusto kong manatili at masubaybayan sila. Babalik ako agad pagkatapos ko ayusin ang mag dapat ayusin at sa pagbabalik ni Anita sa kompanya. Masaya akong muli na nakatingin sa sonogram ng aking anak, hindi ko nga lang maintindihan ang mga nakalagay dito. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganito. Hindi ko narinig ang tunog ng kanyang pulso at napanood ang kanyang galaw dahil sa pagtawag ni Jordan at maagang pumunta doon si Samantha. Tama nga naman siya may iba pa namang araw. I'm already excited to cuddle him. Still tito James and tita Lorrie doesn't know that I owned the baby. I want to tell them, but Sam insist not the right time yet. Patapusin muna namin daw ang kasal ni Jordan at Anita. Hindi ko siya maintindihan minsan. Why complicate things?Maasikaso ko na rin sila ng tuluyan. I've grown being with Samantha, though she's annoying most of the time. Minsan naiisip ko sinasadya niya yata ang l
Jordan Pov...Pabalik na ako sa opisina pagkatapos ng aking mahabang meeting. Kinawayan ko si Lea bago pumasok sa aking opisina nung natigilan ako sa pagpasok pagkakita kay Rex na masarap ang ngiti. Nakataas pa talaga ang kanyang paa habang nakatitig sa hawak niya na hindi makapaniwala ang kanyang ngiti. Pinanood ko siya ng ilang minuto bago nagpatuloy kaso hindi niya ako narinig o napansin man lang na pumasok. Alam kong pinuntahan ni Rex sa Cebu si Samantha at sonogram ang hawak niya kaninang nakangiti siya. Naramdaman ko rin yung saya na ganyan noong unang makita ko ang larawan niya at marinig ang pulso ni Venus. Hindi maipaliwanag na saya ang bumabalot sa aking puso na lagi akong nakangiti. Hindi ko siya uunahan, aantayin ko siyang magsabi sa akin. Ayaw kong isipin niyang magkakalamat ang aming pagkakaibigan dahil sa kanila. Wala namang magiging problema sa akin kapag magkatuluyan sila, mas kampante pa nga ang loob ko dahil alam kung aalgaan at hindi niya sila pababayaan pero ala
Samantha Pov...Buti naman naisipan ulit ni Vivian magbakasyon dito at namiss ko rin siya. Sabi niya nakauwi na siya sa Pilipinas para magbakasyon, noong nakaraang linggo pa. Kaya naman kahit mukha akong chakang buddha pupunta pa rin ako sa mall para makipagkita sa kanya. Namiss ko na rin ang bruhang yun. Namimiss ko rin ang mga dati naming ginagawa na hindi ko na nagagawa ngayon."Bruha ka talaga! Gandang buntis ka naman!" Sigaw niyang tumatakbo papunta sa akin kahit nakatakong ng mataas, model sanay na sa paglakad kahit gaano kataas pa ang takong na susuotin namin."Vivian bruha ka din." Sigaw ko rin sakanya na kumakaway at hindi naman ako makatakbo."So, totoong buntis ka at ngayon ka lang nagsabi nung malaki na ang tiyan mo? May balak ka pa bang magsabi sa akin na nagpabuntis ka na pala!" Maktol niya dahil partners in crime kami sa New York at Australia. Siya ang dahilan kung bakit nakabili ako ng property sa Australia. Doon siya lumaki at Australiana ang kanyang ina."Sorry naman
Samantha Pov...Pinili kong kumain sa lugar na ito kasi tahimik. Ayaw kong ginagambala habang kumakain ako. Isa pa dito ang gusto ko ngayon na kainan, bihira akong kumain dito pero dito ako ngayon natatakam. Sisimulan ko pa sanang kumain nung may tumawag sa akin."So totoo talagang buntis ka?" Kanyang mabibigat na salita. Ibinababa ko ang aking kubyertos na hawak bago lumingon para tignan kung sino siya. Lumaki ang mata kong pagkakita kay Luigi, my stalker na matagal kong tinatakasan. Anung ginagawa niya rito? Paano niya ako nakita? Pero bakit parang malungkot siya?"L-Luigi!" Gulat kong sambit."Kumusta ka na? Pwede ba akong umupo?" Tanong niya. Hindi ako sanay sa kanyang kabaitan. Kilala ko siyang playboy at flirt. At least that's what has registered in my head since I met him."Am fine! Maupo ka. Ikaw, anung ginagawa mo pala rito?" Nagpapakatatag kong tanong. Nalilito kasi ako sa kanya, the last time I remember binantaan niya ako."I know exactly what is running in your head!" Kany
Luigi Pov...Pagkatapos ng mga nangyari sa aking pamilya, sa kaguluhan at kahihiyan ay nawalan ako ng pag asa na magpatuloy muli. Tinanggap ko ang aking kapalaran na ako ang magiging sanhi mg kamalasan sa aming pamilya. Nagsimula akong magmokmok sa kwarto ko at ayaw tumanggap ng mga kaibigan na dumadalaw sa akin. Pero binigyan ako ng pag asang muli ni daddy sa tiwalang ibinigay niya sa akin. Nakakahiya at masakit sa dibdib marinig na matawag kang pervert! Gugustuhin mong maglahong bula lalo pa at kilala ang aming pamilya. Ipinagpatuloy ko ang aking mga negosyong sinimulan. Sa tulong ni Vivian at iba ko pang matalik na kaibigan at mga kasosyo ay nakatayo akong muli. Kinalimutan kong ang tingin ng tao sa akin ay isang pervert. Mahirap noong una pero natagalan ko naman at napatunayan na hindi totoo pero ang minsang lamat ay hindi basta maglalaho. Pumunta ako dito sa Pilipinas para makita ang aking negosyo na sinimulan dito. Bumili ako ng mga lupa at nakisosyo muli sa mga bigatin dahil
Jordan Pov...Few more hours at akin ka na Anita. Dating pangarap lang pero ngayon ay matutupad. Konting tiis pa Jordan, mahahawakan mo din siya. Umay kong sita sa aking sarili. Pinagpapawisan ang aking palad sa kaba habang papalapit ang oras. Natatakot akong mayroon nanamang mangyayaring hindi maganda, huwag naman sana at baka makapatay na talaga ako. Suot ko ngayon ang sinturon na binigay niya sa akin na may nakalagay na Anita loves Jordan so much. Binigyan ko naman siya ng pasadyang necklace na hugis buwan at araw na ibig sabihin na siya ang liwanang kapag dumidilim ang aking mundo. Mababaliw na ako kapag mawala ka pa ulit sa akin Anita. "Sobrang lalim naman nang iniisip ng ating groom!" Pukaw ng aking bestman na kanina pa pala nakasandal sa may pintuan. Natawa ako sakanya. "Pasensiya na hindi kita namalayang pumasok. Kinakabahan lang ako dito!" Nakangiti kong sagot. "Paano ba naman kasi napakalalim ang iniisip mo. Umayos kana at isang oras nalang masisilayan mo na ang iyong in
Rex Pov... Bumalik ako sa aking trabaho at nanatili si Samantha sa aming bahay ganun din si Anita na hindi na pinabalik ni Jordan sa kanyang bakery pero siya pa rin ang gumagawa ng mga special bestseller cakes na siya lang ang gumawa at nagpasikat. Isang buwan lang ang pagitan nila ni Sam para manganak kaya naman laging nakadikit ang aming telepono sa aming katawan para madaling matanggap ang importanteng tawag. Hindi ako makapaghintay na masilayan ang aking bagong kambal. Pinaghandaan ko na sila sa bahay. May sarili na silang kwarto at gamit. Hindi ako mapigilan ni Sam palakihin pa ang aming bahay. Luigi and Vivian is planning to get married on May next year too, naiinggit daw siya sa amin ni Samantha at isa pa nilang kaibigan na may anak na. Ayaw naman ni Luigi na magkaanak muna sila bago ikasal pero itong si Vivian ay may sariling plano. Binutas lang naman ang condom na ginagamit nila.Natapos din ang unos na dumaan sa aming pamilya. Totoo talaga nag rainbow after the rain. Sa
Rex Pov... After the wedding, we both decided to travel locally for a month for our honeymoon since she is already almost 4 months pregnant with our twins again. Una pinili ko muna ang pagpunta ng Baguio, then Bulacan bago Subic for our honeymoon. After almost 2 weeks, we plan to go to Boracay and back to Palawan. Then I suggested the last week staying in Manila Marriott Hotel to relax. Kakain at matutulog nalang ang aming gagawin. Samantha supported us all the way and gave some suggestions. Hindi ko muna siya pinayagan na bumalik ng Australia at New York. I asked her best friend to take care of her business there while she is away. I will let her travel when she has already given birth and is capable of moving comfortably. At the moment, I'm still in bliss na gusto ko silang kasama at nakikita anumang oras, especially my lovely wife, who amazes me all the time.Andito kami ngayon sa Baguio Country Club and this is our second day. Masarap mamasyal, around 5 pm onwards, feeling th
Raul Pov...Pagkatapos ng kasalan ni Rex ay bumalik ako sa London para ipagpatuloy ang aking naudlot na buhay. Tapos na ang mahabang bakasyon.Sinubukan kong kalimutan ang naging pagbabago sa aking sarili pero mukha yatang mahirap kalimutan kapag tinamaan ka ni cupido. Ngayon naiintindihan ko si Samantha kung bakit siya nabaliw kay Rex at lahat ng pagpapansin ay ginawa niya. Nakakabaliw at nakakasira pala talaga ng konsentrasyon kapag nagmahal ka. Maraming magbabago higit sa lahat ang kalmado mong pakiramdam. Thanks god it's Friday! Pagbulalas ko pagpatak ng alasingko ng hapon. Umuwi ako sa bahay para makapagbihis at maligo muna bago lumarga sa kung saan mapapadpad ang aking paa. Lumabas akong muli at dumaan sa isang pub na sikat dito sa London. First time kong papasukin ang pub na ito kaya hindi ko alam kung anu ang nasa loob. Hindi ako si Rex na nakakapasok sa ganito dahil kay Jordan noon pero tignan mo naman ngayon kapwa na sila one woman man.Si Jordan inuubos ang oras sa traba
Rex Pov... Kung kailan dumating ang araw na pinakahihintay ko ay siya naman ang lakas ng kaba sa aking dibdib. Para akong aatakihin sa sakit sa puso sa nerbiyos! Ngayong araw ang kasal namin ni Samantha pero hindi ako mapakali sa nerbiyos. Tatlong araw bago ang aming kasal ay umuwi siya sa kanila, kailangan daw muna naming magkalayo ng tatlong araw bago ang nasabing araw ng kasal. Sa tatlong araw na hindi ko siya kasama ay hindi ako makatulog ng maayos at makakain. Namimiss ko ang mga luto niya at pag - aasikaso sa akin. Ilang oras nalang ang hihintayin mo Rex makikita mo na siya. Sabi ko sa aking sarili. Ang dalawa ko pang kaibigan ay walang ginawa kundi kantiyawan ako. Sumama pa si kuya Raul. "Pare, relax sandali lang makikita mo na siya, dati ayaw mo siyang makita." Kantiyaw ni Jordan. "Noon yun pare!" Nahihiya kong sagot. "Anu na ngayon kung noon lang yung ayaw mo siyang makita?" Balik niyang tanong. "Ngayon mahal ko siya at ayaw kung mawala siya sa akin." Tumitig ako sa k
Samantha Pov... Kinikilig akong nakayakap siya sa akin habang panay halik niya sa aking ulo, buti nalang naligo ako kanina. My safe place is when held by his strong arms. Wala na akong mahihiling pa ngayon na nasa akin na siya at ipinapakita ang kanyang pagmamahal. Pagmamahal na dati kong ipinagdarasal na makamtan ko kahit sandali lang pero heto hindi sandali lang kundi panghabambuhay. Hindi pa rin ako makapaniwala at makamove on na tinatamasa ko na ang mga pinagrap ko. Si Rex, ang pamilyang gusto ko at higit sa lahat ang pagmamahal na araw araw kung dinadalangin. Masarap ang ngiti kong gumising. Nagpanggap akong tulog kanina kaya narinig ko ang mga sinabi ni Rex.Kinikilig akong bumangon at hinahaplos ang aking mukha na kanyang hinahaplos kanina. Muli akong pumikit para damhin ang kanyang mga haplos. I'm sorry din Rex na umalis ako noon, sana hindi na lang ako umalis para hindi tayo nasaktan ng ganito. Sadyang masakit ka lang yatang mahalin pero ngayon naman ay heaven na ang say
Rex Pov... Our upcoming wedding is taking a toll on us, but in a nice way. Kahit si Samantha nakalimutan niyang buntis siya dahil sa excitement. Marami na siyang nagawa na hindi nakakaramdam ng pagod. Lagi lang naman akong nasa kanyang likuran handang saluhin siya kapag kailangan niya ng pakpak. Sino ba naman ang hindi ma-eexcite kung ikakasal kana sa wakas sa taong mahal na mahal mo!Ako na nga ang nag aalala sa kalagayan niya. Ayaw kong mapahamak sila ng anak ko! Madalas ko siyang buhatin papunta sa aming kwarto dahil sa kapaguran ay nakakatulog na siya sa sofa. Kapag dumadalaw ang kanyang magulang ay napapagalitan na nga siya dahil para siyang hindi nag iingat kasi! Pero kapag talagang excited mahirap pigilan ang sarili. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman kong saya na umabot kami sa ganitong estado. Ang minsang pangarap na sa pagkakaalam ko kay pangarap nalang. Excited akong maikasal na kami at makasama ko siya ng walang hangganan. Yung masasabi ko talagang akin na siya! Ang p
Raul Pov...Hindi ko kilala ang kapatid ni Lino o nakaharap man lang para may ideya ako kung sino siya dahil nung nagkakaroon ng hearing ay wala siya. Sino ba naman ang mag aakala na may kapatid siyang magandang babae pero mabagsik ng lihim. Ang unang araw na makita ko siya ay sa hearing ni Georgia. Hindi ko alam na siya ang kapatod ni Lino. Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong. May reflexes were quick to help her! Hindi ko rin aakalain na ang babaeng nagpatorete sa akin ng ilang sandali sa mall ay siya tapos siya rin pala ang babaeng isusuka ako dahil sa nakaraan. Tanggap ko na! Ito siguro ang tadhana ko.Bakit kailangan mabighani niya ako kung makikialam naman pala ang nakaraan. Ito ba ang tinatawag na butterflies and goosebumps pero hindi ganun ang naramdaman ko eh. Breathless and speechless! Yan ang nangyari tuwing nakikita ko siya. Isipin ko pa lamang siya ay lumalamig ang paligid. Hindi rin ako aasa ma makikipag areglo siya sa akin. Sa kanyang titig at imik ay
Lamara Pov...Hindi ko inaasahan na tutulungan ako ni Raul. Ang atorney na kinakainisan ko dahil sa pagkakakulong ni Lino noon. Sino ba ang mag aakala na ang lalaking nakabangga ko sa mall noong isang araw na natulala sa akin ay si Atty. Raul Jimenez pala!Wala akong nagawa kundi kumapit sa kanyang balikat dahil masakit ang aking katawan at parang kakapusin ng hininga. Hayop ang babaeng yun! Hindi ko napaghandaan ang kanyang pagsipa! Dapat pala inalam ko lahat ang tungkol sa kanya. Nawala sa isip ko na siya ay malakas na babae dahil sa nagawa niya noon sa Solace Condominium.Hindi biro ang lakas ng kanyang pagtadyak sa akin. Kung hindi ako natulungan agad ni Raul baka hinimatay ako or worst pa ang pwedeng mangyari sa akin.Aba! Kahit sa kabilang buhay ibibigti ko siya kapag namatay ako o maving patay na buhay sa ospital. Wala siyang imuurungan. Nakakatakot ang pagihing obsessed niya kay Rex. Yung titig niya sa fiance niya ay nakakatakot. Handa aiyang pumatay para sa pagmamahal niya.
Rex Pov... Umakyat ako at ihinanda ang mga kailangan ko ngayon. Matatapos din ang minsang nakaraang pighati sa nakakarami sa amin. Matutuldukan ang kademonyuhan ni Georgia na ugat ng lahat. Palabas na ako ng kwarto nung pumasok si Samantha na nakabihis din. "Sam, are you going somewhere else?" Tanong ko sa kanya."Nope, I'm going with you." Nakangiti niyang sagot."Okay lang ako baby. Dito ka nalang sa bahay at magpahinga. I'm fine with kuya Raul." Protesta ko sa kanya. Ayaw ko siyang mapagod."Gusto kong makita ka paano magtrabaho." Naglalambing niyang sagot at umabrisiyete sa aking braso. Ngumiti ako at kinintalan ng halik ang kanyang noo."Sure baby." Sagot ko sa kanya na kanyang ikinatuwa.Hinawakan ko ang kanyang kamay palabas sa aking study room. Tiningala naman kami ng magulang ko at si kuya Raul na napapailing na nakangiti. I would love her to be clingy with me just like when she was 10 years old. Always running towards me and choosing to sit on my lap kaysa sa hita ni Jor