BODCT-16MARINELHindi nagtagal ay natapos din ako sa pag-aayos ng sarili. Isang blue fitted dress na may half slit sa bandang hita ko ang aking isinuot. Pinaresan ko ng blue high heels at isang set ng white gold na alahas. Hinayaan ko lang din na nakalugay lang ang aking buhok at konting lipstick lang sa labi ang naging make up ko. Hindi ako sanay na mag-ayos ng ganito pero kailangan para magmukha kong presentable. Minsan na akong na bully ni Caldwill dahil sa pananamit ko kaya ayaw ko rin namang makaranas ng panlalait mula sa ibang tao. Nang matingnan ko ang ayos ko sa salamin ay gusto ko yatang matibo at ligawan itong nasa replika ko. "Ganda ko!" manghang-mangha kong sambit. Sumulyap ako sa orasan ko at tamang-tama lang ako sa oras. Lumabas ako ng guest room para naman pumunta sa kuwarto ko at kunin ang maliit kong purse. Nang matapos ako'y walang paalam na akong lumabas ng bahay. Saktong pagkalabas ko'y agad na may humintong taxi sa aking harapan. Ibinaba nito ang bintana at
BODCT-17MarinelKANINA pa ako pasilip-silip sa labas ng kuwarto ko kasabay nang paghimas ko sa aking tiyan. Hindi kasi ako nakakain ng matino kanina no'ng nasa apartment ako ni Veronica. Paano ba naman ako makakakain ng maayos, e napuno ba naman ako ng asar mula sa kanya. Napairap ako at tuluyan na ang lumabas sa aking kuwarto. Napasulyap pa ako sa relo ko at talaga nga namang kapag minamalas ka'y ala-una na pala ng madaling araw. Diretso ako agad sa kusina pagkababa ng hagdan. Pero nagkamali yata ako ng desisyon na lumabas. Si Caldwill kasi nasa kusina. Nakatalikod ito at nakasuot lamang ng pajama. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapalunok habang hinahagod ang bandang likuran nito. Ang pangangatawan nitong masiyadong matikas ay nakakapagpapainit ng unidentified hormones! Ano raw! Tinampal ko ang aking pisngi at dahan-dahan na napaatras, saka napatalikod."Are you hungry?" Mariin akong napapikit at nilingon ito."Ha? Hindi! Nauuhaw lang. Tama!" Napangiwi ako ng konti. Ang tang
BODCT-18MARINEL"Ayos lang po pero tama kayo sa hula niyo. Sobrang mahal na mahal ko po si Enzo noon. Hindi nga po naging kami e pero minahal naman namin ang isa't isa. Sadyang maaga lang po talaga siyang kinuha ni Lord," nakangiti ko pang sagot."Kabaliktaran po ba ng ugali ni sir ma'am?" Humagikhik pa si Manang Ester."Ay nako Manang Ester, talagang oo! Sobrang lambing po no'n at saka 'di nagsusungit," kuwento ko pa. "Nako, baka po nauntog si sir Caldwill kaya sumama ang ugali." Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi nito."Baka nga po!" segunda ko at pareho kaming nagtawanan. "Manang, coffee please," biglang sulpot ni Caldwill sa likuran ko. Para akong nabuhusan ng ilang balde ng tubig. At parang biglang nasa on the spot racing naman ang pagtibok ng puso ko. Nakakaloka na talaga! Umupo naman ito sa dulo ng mesa at inilapag ang dala niyang dyaryo. Panay nginig din naman itong mga tuhod ko. Daig ko pa ang nasa interogation spot light. He stared at me pero agad din namang nagbawi
BODCT-19Caldwill Enzo"BAKIT hindi nagpaopera si Calvin? Bakit hindi siya nagpa-chemotherapy?" Nagulat ako sa tanong niya at napakunot ng aking noo. Ngunit mabilis din naman akong nakabawi and let out a heavy sighed. "Dahil ayaw niya na, bukod sa ayaw niya ay malala na ang sakit niya that time. His both liver are not responding continuously. His lungs are infected too kaya madalas na siya kapusin ng hininga. But my brother are hardheaded and I can't control that." I heard her sniffed. "Marinel," tawag ko. She shook her head. "Alam mo ba? Nagbiro pa siya sa akin na methotrexate raw ang vitamins niya. Ang sabi niya pa nga sa akin may two months pa siya." Nakita ko ang paggalaw ng dalawang balikat niya. I know she's crying even if she denies it. Kahit pa natatakpan ng libro ang mukha niya, naririnig ko pa rin ang mahinang pag-iyak niya. And I am wounded seeing her like this not moving on from the past. I am still grieving but not the way she sorrow. She is still in pain and that thin
BODCT-20MarinelNANLAKI ang mga mata ko nang makarinig ako ng sunud-sunod na mga katok. "Marinel?" Agad na uminit ang magkabila kong pisngi dahil sa pagtawag sa akin ni Caldwill."Marinel..." Napatayo ako at napapadyak.Marimar! Nahihiya akong magpakita sa kanya dahil sa nagawa ko kanina. "Marinel, the door is not lock! Can I come in?" Muling narinig kong wika nito. Awtomatiko akong napabukas ng pinto. "M-may k-kailangan k-ka?" Diyos ko! Bakit ba ako nauutal!?"You left this. Are you okay now?" Natigilan pa ako nang yapusin niya ang pisngi ko at agad din namang tinanggal ang kanyang kamay. "You look pale," aniya. Nailing ako agad. "Ako? Hindi! Salamat dito!" Diretso kong hinablot ang notebook ko at isinirado agad ang pinto, nang bigla itong kumatok muli. Naman e! Binuksan ko muli ang pinto at nakita kong hawak niya ang pen ko. "Thank you!" Pagkasabi ko no'n ay agad kong kinuha ang pen ko at pinagsarhan siya muli ng pinto. Tense na tense ang pakiramdam ko habang pinapaypayan ko
BODCT-21Caldwill EnzoTHAT'S fucking insane, disgusted, horrible and fucking ridiculous! Why the hell I did that!? Kanina ko pa iniuuntog ang ulo sa manibela ng kotse ko. "Damn!" inis kong sambit. "Sir, baka gusto niyo magbasag ng bote?" wika pa ni Ivan. Hindi ko man lang ito namalayan. "Shut up," sagot ko na lamang at lumabas sa kotse ko. Kinuha ko ang Shakey's pizza sa kabilang upuan at ibinigay ito sa kanya. After that scene ay agad kasi akong umalis at nagliwaliw muna sa daan. "Sir, hindi pa lumalabas si ma'am Marinel sa silid ninyo simula pa kanina," imporma pa nito sa akin. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Diretso ako agad sa silid ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok. Why I am knocking? This is my room e? Pinihit ko ang doorknob at itinulak ang pinto. I saw Marinel, still asleep. Dahan-dahan akong lumapit sa may paanan niya para i-check ang mga paa nito. Thank god! Hindi na ito namamaga at okay na siya. Lumipat ako sa kaliwang gilid niya at
BODCT-22MarinelSINUBUKAN ko nang ilakad ang mga paa ko at kumapit sa sofa. Napasama nga yata talaga ang injury ko. Pumasok naman si Caldwill at mataman niya lang akong tinitigan bago ako tuluyang nilagpasan. Mariin kong nakagat ang aking labi at 'di ko maiwasang masaktan. Nanlulumo akong umupo pabalik sa sofa. Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos. Panay ang pag-iisip ko kung bakit pabago-bago ang pagtrato nito sa akin. Para siyang nagpipigil at pakiramdam ko'y parang pinaglalaruan niya lamang ako. Hindi ko siya maintindihan at mas lalong 'di ko na rin maintindihan itong nararamdaman ko. "Ma'am, tulungan ko na raw po kayong mag-impake sabi ni sir," ani manang Ester sa aking likuran. Napatayo ako at napatango lang sa kanya. Inalalayan naman ako ni manang Ester na umakyat sa hagdan. Nang makapasok kami sa loob ng kuwarto ko ay agad akong sumampa sa kama at napatihaya. Sumasakit ang ulo ko sa nararamdaman ko."Ma'am, hindi naman po sa nanghihimasok po ako sa inyo ni sir Caldwill pe
BODCT-23MARINELNANG magising ako'y nasa isang magandang kuwarto na ako. Agad akong napabangon at napababa ng kama. Inikot ko pa ang paningin ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mga gamit namin ni Caldwill. Hinubad ko ang jacket ko at lumabas ng kuwarto. "Magandang tanghali po ma'am," bati sa akin ng katulong. "Si Andy po? At si–" "Ay ang asawa niyo po ba? Kausap po si Doktora Ynes," aniya. Napatango ako. Kahit pala rito ay asawa ang pakilala niya sa akin. Akala ko itatanggi na naman niya ako. "Iyong bata, nasaan siya?" tanong ko. "Nasa private room po ma'am, bakit po?" "Gusto ko sana siyang makita," sagot ko. "Pero bawal po," aniya. "Let her, please," ani Andy sa likuran ko."Thank you," baling ko kay Andy at tinapik ang balikat nito. Iginiya naman na ako ng katulong sa ika-dalawang palapag ng bahay at lumakad sa hallway, sa pinakadulo ng palapag. "Ma'am, mag-sanitize ka po muna," anito. Tumango lang ako at sinunod ito. Kinuha ko ang hospital dress, mask, hai