Nagpalit muna ako ng mas kumportableng damit at siniguradong nasa kanya-kanyang lungga na ang mga kasamahan bago lumabas para tunguhin ang kwarto ng senyorito.
Ang bawat galaw ko'y may kasamang matinding pag-iingat, sa pag-aalalang baka magising pa ang iba. Pormal mang inutusan ni ate Maria, hindi parin nila ako pwedeng makita na papunta sa kwarto ng demonyong amo. Lalo na ngayong may ibang balak ako.
Nang tuluyang makarating sa harap ng pinto ay hindi na ako nag atubili pang buksan ito, saka mabilis nilapitan ang kama. Agad akong lumuhod para silipin ang ilalim nito, ngunit ganoon nalang ang pagkabigo nang makitang wala na ang envelope na may lamang ebidensya. He found it!
"Ano ang ginagawa mo riyan?" rinig kong tanong ni manang Teo.
Ang pinakamatandang tagasilbi na akala ko'y hindi ko na makakasundo dahil medyo magaspang ang ugali. Siya iyong nag utos sa aking maghatid ng pagkain kay Fergus noong unang araw ko rito.
May inaasahan na pala talaga siyang mangyari noong hapong iyon. Ideya nitong utusan ako upang subukin ang katapangan.
Nagiging maayos na ang pakikitungo nito sa akin ngayon matapos mapatunayang hindi ako basta-bastang tagasilbi lang. I can make the lion bend on his knees if I wanted to.
Umupo ako ng maayos at gulat itong binalingan.
"Manang Te, gising ka pa po pala," I tried to act normal.
"Bakit nandito ka sa kwarto ng senyorito?" tanong nito na may halong pagdududa.
"Nautusan po kasi akong linisan ang kwarto ni sir Fergus, tinitingnan ko lang kung may natitira pang kalat," dahan-dahan kong itinuro ang ilalim ng kama.
"Pwede mo namang ipagpabukas ang paglilinis. Tsaka wala nang kalat diyan, kinuha ko na ang walang lamang envelope."
Naalerto ako sa sinabi nito.
"Po?"
"Kinuha ko na ang walang lamang envelope at sinunog, sa utos na rin ni senyorito Fergus."
What?! It has evidences!
"Sigurado ka po bang walang laman iyon?"
"Oo. Ilang beses kong tiningnan ang loob nito bago itapon sa apoy. Bakit ba? Alam mo kung ano iyon?" humalukipkip ito at pinanliitan ako ng mata.
"Ay hindi po," umiling-iling ako saka plastik na tumawa. "Baka may importanteng papeles kasi doon..."
Dismayado kong nilingon ang side table. Tanging lampshade at laptop lang ang nakapatong rito. Wala na iyong mga papeles na naabutan ko noong nakaraan.
Sigurado akong itinago ni Fergus ang mga ebidensya sa ibang parte ng kwartong ito. Malakas ang pakiramdam kong nasa paligid lang iyon, maayos na nakakubli.
I'll find it no matter what!
"Akala ko nga rin e. Kasi may nakalagay na 'KIANNA' sa harap nito, baka mga importanteng papeles iyon ni ma'am," ngumuso ito.
"Ma'am?" my brows furrowed.
"Si ma'am Kianna. Dating kasintahan ni sir Argus..."
My breathing hitched and lips parted for the halted words.
Walang naikwento si ate sa akin tungkol sa bagay na iyan. Lahat ng nangyayari sa buhay nito'y sinasabi niya. Paano nangyaring-
"Alam mo, minsan nakikita ko si ma'am Kianna sayo. Medyo magkahawig kasi kayo at parehong mabait," dugtong na sabi ni manang.
"Nasaan na po siya ngayon?" mahinang tanong ko kahit na alam na naman ang sagot.
"Sa kasamaang palad wala na ito. Nagpakamatay dahil sa depresyon," malungkot itong umiwas ng tingin.
I remained silent.
"Nag away pa sila dalawang linggo bago mamatay si ma'am," muling sabi nito matapos ang ilang sandali.
"Bakit daw po?"
"Hindi ko alam. Tanging sigawan lang dalawa ang narinig ko mula sa kwarto ni sir," umiling-iling ito. "Sobrang sayang si ma'am. Ubod ng ganda pa naman."
Nanghihina akong tumayo at itinapon ang sarili sa kama. Hindi sapat ang salitang sayang para kay ate. Karapat-dapat siyang mabuhay! Marami pa itong gustong abutin, mga taong nais tulungan, mga pangarap na gustong bigyan ng kulay, hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa akin at sa mga magulang namin.
But they ruined her life, her ambitions, us... A tear escaped my eyes.
Bigla kong naalala ang mga nangyari bago ito mawala, bago kami masira...
"May good news ako!" masayang sabi ni ate matapos nitong buksan ang pinto ng kwarto ko. Dumiretso ito sa bilugang sofa, kaharap lang ng aking inuupuan.
Kasalukuyan akong nagre-review para sa darating na final exam. Huling taon ko na ngayon sa kolehiyo, ilang buwan na lang at gagraduate na. Excited na akong mahawakan ang sariling diploma. All the sacrifices will soon come to an end, so with this chapter of my life. Isang bagong pahina na naman ang mabubuksan pagkatapos nito.
"You remember Fergus Da Silva? 'Yong sinabi kong gwapong classmate sa high school?" she added.
"Oh," walang gana kong tugon.
"I saw him last night at the club!" impit itong napatili. "Binigyan niya ako ng number."
"Number niya?"
"Number ni Spencer. Gwapo rin," nagmistula itong uod na hindi mapirmi sa kinalalagyan.
"Sino ba talaga ang gusto mo. Si Fergus, o iyong Spencer?" isinarado ko ang aking libro at pinaglaruan ang hawak na panulat.
"Silang apat."
"Apat?!" gulat ko siyang binalingan.
"May dalawa pa kasing gwapo rin. Si Dominic at Jake," she smiled widely.
"Jake, you mean Jake Moralde?!" marahas akong napasinghap at hindi makapaniwalang tumitig dito.
He's my crush!
"Got it!"
"Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi?" masama ko itong tinitigan.
"Abala ka sa pag-aaral e, ayaw kitang abalahin," mas lumapad pa ang ngiti niya.
"Ang sabihin mo. Ayaw mo lang na makilala ko iyang mga bago mong lalaki. Kasi natatakot ka na baka magkagusto silang lahat sa akin, which is not impossible at all," pang-aasar ko rito na sinabayan pa ng binibining halakhak.
"Yeah... Yeah."
Simula noon, wala nang ibang bukambibig pa si ate kundi ang apat. Lalo na si Spencer, na mas naging malapit dito.
"Saan ka?" puna ko rito matapos mapansin ang kanyang magandang ayos.
"Lalabas," makahulugang sagot nito na may kasama pang kindat.
"Nagpaalam ka na kina papa?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Yup. I'll be with Spencer and his friends. Hindi po ako magpapagabi ma'am Kiesha," pagbibiro niya pa.
Binato ko ito ng nilukot na papel saka lantarang inirapan. Madalas na siyang lumabas matapos makilala ang mga taong iyon. Nakakainggit na! Hindi ko na nakakasama at nakakausap ng matagal ang ate ko...
Ingay ng mga tao sa labas ang bumulabog sa akin kinabukasan. I jumped out of my bed and quickly strutted outside.
Nag-aalalang mukha ng aking mga magulang at tagasilbi ang nabungaran ko. Umiiyak ang iba, kasama na si mommy. Paulit-ulit binibigkas ng mga ito ang pangalan ni ate. Agad sumilay ang kaba sa aking sistema.
"What happened?" naiiyak kong tanong.
"Kiesh..." sinalubong ako ni mommy ng mahigpit na yakap. "Nawawala ang ate mo." she added.
Natigilan ako, hindi magawang yumakap pabalik dito. That's bullshit!
"She's just with Spencer and his friends ma," matigas kong usal.
"Hindi raw nila alam kung nasaan ang ate mo. Hindi nila ito kilala..."
Mabilis akong napamura sa narinig. Anong kabaliwan ba itong pinagsasabi nila? Have they gone mad? What the hell?!
-
'Kiesh, sa'n ka? Magsisimula na ang exam.'
'Laban lang girl. Makikita rin natin si ate Kia soon, well and alive!'
'Bibigyan ka raw ni prof ng isang oras para humabol sa exam.'
'Halikana girl.'
Iilan lang sa mga natatanggap kong mensahe ngayong araw. Been staring at the ceiling for a while now. Wala na akong ganang kumilos, I am so worn out, in so much grief and helpless.
Apat na araw na kaming naghahanap kay ate, pero hanggang ngayo'y wala pa ring resulta. Paulit-ulit kong sinasabi sa mga awtoridad na may alam si Spencer at ang mga kaibigan niya, kilala ng mga ito ang ate ko. They are just lying! Pero ayaw nilang maniwala.
"Kiesh..."
Bahagya akong nagulat sa presensya ni Gee. Mangiyak-ngiyak ito, katulad ko'y pagod na rin sa paghahanap.
"Bakit nandito ka? Exam natin ngayon!" singhal ko.
"Ikaw, bakit nandito ka pa?" umupo ito sa aking tabi.
"Ayaw ko nang pumasok," isang luha na naman ang muling nagbabadyang lumabas.
"We have to... Hinihintay nila tayo," pangungumbinsi nito, mas naiyak pa.
"Ikaw nalang-"
"Akala mo ba magiging masaya ang ate mo kapag naabutan ka niyang ganito? Papagalitan ka lang no'n Kiesh! Alam mo kung paano magalit si ate Kia 'diba? Kung ayaw mong mangyari iyon tumayo ka diyan, pupunta tayo ng school," marahas nitong pinalo ang pwet ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Gee at ng mga kasama ko sa bahay. I have to believe that ate Kia is alive! Kailangan kong maging matatag. Lalo na ngayon pati ang ina ko'y nagsisimula na ring sumuko. Uuwi rin siya... Baka mamaya pagkatapos ng exam ko.
Please make it real. I silently prayed.
-
"Kailangan naming isugod sa ospital ang mommy mo," bungad na sabi ni daddy mula sa kabilang linya.
Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan pauwi. Magco-commute nalang muna ako dahil paniguradong abala ang lahat ng driver namin ngayon, walang makakasundo sa akin.
"What do you mean dy?" kunot noo kong tanong.
"She's having difficulty breathing. Ilang ulit siyang hinimatay kanina dahil sa kakaiyak."
I bit my lower lip, halting myself from weeping.
She has weak heart. Minsan na kaming binalaan ng doktor na kapag muli itong inatake, they cannot guarantee her recovery anymore.
"Nak, lalaban tayo. Magiging maayos din ang lahat," pampalubag loob ni daddy bago pinatay ang tawag.
Aksidenteng dumako ang aking mata sa pinapanood na balita ng mga food vendors sa gilid.
"Totoo ba ang paratang ni Mr. Alfano na alam mo raw ang kinaroroonan ng nawawalang anak nito?" diretsahang tanong ng reporter kay Jake.
"No."
"Hindi mo siya kilala?"
"Hindi. Siguradong nagkamali lang si Mr. Alfano."
Liar! May video silang dalawa ni ate. Kaswal na nag uusap at nagtatawanan. Pinakita iyon ng kapatid ko tatlong araw bago siya mawala. I saw Fergus Da Silva, Spencer Valle, and Dominic Roque too! Nasa telepono ng kapatid ko ang lahat ng magpapatunay na magkakilala sila!
"Magdedemanda ka nga ba talaga tungkol sa bagay na ito?"
"Hindi ko pa alam."
Damn you! Marahas kong sinabunutan ang aking sarili at malakas na napasigaw.
Paano nila nagawa ito sa ate ko? Mga demonyo sila!
-
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na kilala ng mga taong 'yon ang ate ko? Nagsisinungaling lang silang lahat!" bulyaw ko sa mga pulis. Hanggang ngayo'y wala pa ring lead ang mga ito.
Ngayon ay nagdududa na ako kung ginagawa ba talaga ng mga ito ang trabaho nila. I felt like they were controlled, napapansin kong ang sagot ng mga ito'y pare-pareho lang araw-araw. Para bang may binabasang iskrip ang mga ito. Kung ano ang nakasulat, iyon lang din ang isasagot.
"Ma'am nagrereklamo na po sila dahil dito sa paratang ninyo na wala namang sapat na ebidensya. Naaapektuhan na po ang pamumuhay-"
"Wala akong pakealam kung naaapektuhan man sila, sinasabi ko lang ang totoo!"
"Pasensya na po ma'am, pero hindi po namin magagawa ang gusto niyo. Wala po tayong ebidensya."
Hindi na nagtagal pa ang mga pulis.
Mabilis akong pumasok sa sala at nanggigigil na binalibag ang mga kagamitan. They were fucking paid! Fuck them! Fuck this life!
"Ma'am Kiesh tama na po 'yan," natatakot na usal ng isang kasambahay.
"Sobrang gulo na... Magulo na..." paulit-ulit kong usal habang pinupunasan ang mga luha.
"Nak..."
Mabilis kong binalingan si daddy. Kakapasok lang nito. From him, my eyes went to the woman beside him. Mas lalo lang akong napahagulhol saka mabilis tumakbo palapit dito.
"Ate, saan ka ba pumunta?" mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito at marahas na napasinghap.
Punit-punit ang kanyang damit, may pasa sa iba't-ibang parte ng katawan, may konting laslas pa sa leeg, pulso, at gilid ng labi. Nakatulala lang siya, nasa baba ang tingin, hindi nagsasalita.
"Te, sinong gumawa nito sayo?" I held her hand.
"Kanina pa namin siya tinatanong, ngunit wala kaming nakuhang sagot." malungkot na napailing si daddy. "We found her at an abandoned house near our plantation."
Tuluyan na akong napaluhod sa panghihina. Sino ang gumawa sa kanya nito?
Agad ding dinala si ate sa ospital para bigyan ng paunang lunas. Hindi na ako sumama pa, hindi ko kayang makita ang dalawang importanteng tao sa buhay ko na nasasaktan at nanghihina.
-
"Matatandaang nahanap noong biyernes ng hapon, eksaktong alas diyes ng umaga ang nakakatandang anak ni Mr. Alfano, ang isa sa sikat na business tycoon sa bansa," nabungaran kong balita matapos lumabas mula sa banyo.
Hinayaan kong nakabukas ang TV upang panoorin ang sinasabing special conference ni Spencer, ukol sa paratang naming pagkakasangkot nito sa nangyari kay ate. Malakas ang pakiramdam kong siya ang may pasimuno ng lahat.
"Mula kaninang umaga ay hindi pa rin nagsasalita ang dalaga. Ngunit nakakagulat ang mga salitang sinabi nito ngayon-ngayon lang," naalerto ako sa narinig.
Mabilis kong dinukot ang remote at nilakasan ang volume. They showed the clip of my sister, saying the words I badly wanted to hear.
'Da Silva, Spencer Valle, Dominic Roque, Jake Moralde... They... They...raped me,' nahihirapang usal nito. Kasunod ang malakas na hagulhol.
Agad kong dinukot ang aking jacket at bag sa kama, saka kinuha ang susi ng sasakyan sa drawer. I'll go see my sister.
-
Mga guwardiya sa labas ng kwarto ni ate at mommy ang sumalubong sa akin, ayaw akong papasukin sa loob. Bukod sa mga nag iimbestigang pulis ay wala nang ibang pinapapasok. They are left alone with those untrusted piece of trash!
Umalis si daddy papunta sa presinto para pormal na magsampa ng kaso laban sa apat. Hanggang ngayo'y hindi parin ito bumabalik.
"Kiesh!" sinalubong ako ng yakap ni Gee. "Sobrang dami ng mga taga media sa labas. Gusto nilang makausap ang ate mo."
"She's still in trauma," tipid kong sagot.
Ilang sandali kaming nanghintay bago bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang dalawang pulis na palagi kong nakakausap sa bahay. Hindi nakawala sa akin ang hawak nitong cellphone ni ate.
"Bakit nasa inyo 'yan?" puna ko sa mga ito na may halong pagdududa.
"Nandito ang mga ebidensya na magpapatunay ng lahat ma'am."
Hindi na hinintay pa ng mga ito ang panibago kong tanong. Mabilis nilang tinahak ang daan palabas.
Minabuti kong isawalang bahala nalang muna ang pagdududa. Una akong pumasok sa loob ng kwartong kinaroroonan ng pamilya ko. Tulog pa rin si mama hanggang ngayon. Limang araw na siyang ganito. I heaved a deep sigh.
Si ate naman ay nakatungo sa gilid, nagsasalita mag isa at umiiyak.
'I did this to myself. Yes, I did... No, no...someone raped me. Yes, yes... " paulit-ulit nitong sabi.
"Ate, can you tell me everything?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
Walang gana niya akong tinitigan. Ilang sandali ay malakas na napahalakhak.
"Talaga? Nagmamahalan kayong dalawa? What a funny joke Ar-" nitigilan ito. Muling tumungo kapagkuwa'y umiyak na naman.
Nababaliw na siya. Mababaliw na rin ako sa kakaisip kung bakit nangyari ito. Anong klaseng pasakit ang ginawa nila para umabot siya sa ganito?
Kasabay ng pag agos ng mga luha nito ay ang pag usbong ng galit at puot sa sistema ko. I'll make them pay. Sisiguraduhin kong hindi sila magiging masaya. Araw-araw silang magsisisi sa kasalanang ginawa. I'll make them live in misery and pain, 'till they run out of reason to continue living!
Humanda sila...
***
"It may comfort us a bit to realize that Jake is now reunited with his beloved sister, Jessica. And that someday we'll always be together again, when we cross over to the other side," muling humagulhol ang ina ni Jake. Kasalukuyan itong nagsasalita sa harap, katabi ang asawa at dalawang natitirang anak.Iilang kamag-anak at kaibigan ni Jake ang nakapagbigay na ng kanilang saloobin ukol sa yumaong artista. Lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari rito. Walang sino man nag aakakalang mamamatay siya ng maaga. Ako nga rin e, kahit pa alam ko ang totoong nangyari sa kanya. Akala ko makakaligtas ito. Hindi niya pa sana oras e, kailangan niya pang bawiin ang binitawan niyang salita noon. Magsisisi pa dapat ito, lilinisin niya pa ang narumihang pangalan ng pamilya ko!Tumingala ako at maarteng hinawakan ang sentido. Paulit-ulit na iniisip kung dapat bang magsisi sa ginawa, o kung tama bang ideya ang pagsipot sa huling araw ni Jake dito sa mundong
”Kawawa naman si sir Dominic. Kakalibing pa nga lang ng kaibigan niya, ngayon ay siya naman ang nasa panganib,” malungkot na sabi ni ate Maria.Kasalukuyan kaming nagtitipon sa maid's quarter upang manood ng pelikula. Wala ngayon ang mga may-ari ng bahay, pumunta silang lahat sa ospital upang makibalita sa kalagayan ni Dominic. It's been two days since that happened. He's in coma, sa dami ba naman ng sugat na natamo nito. Swerte pa nga raw at nabuhay siya. But then, the doctors cannot guarantee his survival. Umasa nalang daw sa himala.Umabot pa ng ilang sandali bago dumating ang ambulansya noon. Marami-rami rin ang mga nakiusyuso. Pati ang mga dumalo sa libing ni Jake ay pumunta na rin sa pinangyarihan ng aksidente matapos umabot sa mga ito ang balita. I took the opportunity to escape. Bumalik ako sa tahanan ng mga Moralde upang muling magbihis at itago ang konting dugo na dumikit sa aking damit.Hanggang ngayon ay kini
"Sir, kapag ito ba binasag ko magagalit ka?" pabiro kong tanong kay Fergus habang hinihimas ang mamahaling vase na nakapatong sa maliit na mesa.Tapos na ako sa pinapagawa nito. Bukod sa sanay na, tanda ko rin kung paano gamayin ni ate ang mga disenyo niya at kung ano ang mga gusto nitong gawin para mas lalo pang gumanda.Wala na akong ibang magawa ngayon bukod sa punahin ang mga nakikita. Umupo ako sa sofa at umakmang itutulak ang vase, ang mapanuyang tingin ay nakadirekta kay Fergus.Ibinaba nito ang telepono, saka walang gana akong binalingan. Sinuklay nito ang ngayo'y medyo mahaba nang buhok gamit ang mga daliri at marahas na bumuntong hininga."Try it," panghahamon niya.I tried pushing the vase. "Sigurado ka sir?"Humalukipkip ito, nagdidilim na ang mata. "Just make sure you're good at running Alga. Come on, try it."Bahagya akong tumawa, kapagkuwa'y lum
Awkward akong tumawa at napakamot ng batok.Aksidenteng dumako ang aking tingin sa isang lalaking may makisig na pangangatawan. Mag isa lang ito sa kabilang gilid ng cafe. Gaya ng iilan ay nakatingin din sa akin."Ay sorry, tinatawag kasi ako ng juwa ko," hinging paumanhin ko."Berto!" hindi na ako nag atubili pang lapitan ang lalaki.Kailangan kong gamitin ang pampalakasan kong arte ngayon, makisabay naman sana ito. Gulat ako nitong binalingan."Ha?""Anong ha? Hay lab you?" I wiggled and chuckled a bit. "Ikaw naman bebe kho masyadong pinapahalatang mahal na mahal mo ako," marahan ko siyang hinampas sa balikat.He laughed in both confusion and astonishment.Bahagya akong nakaramdam ng ginhawa, napagtantong hindi ako ipapahamak ng lalaking ito. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang sumabay. He took a sip on his
SPG (Read at your own risk)"He found out, he doesn't...He found out, he doesn't..."Nakaupo ako sa sahig, malapit sa counter. Kanina pa pinaglalaruan ang mga natapong asin ni ate Maria. Siya ang nagluto ng ulam dahil may sakit si manang Teo. Matapos ang ginagawa ay agad naman ako nitong inutusan na linisin ang kalat, but here I am, iniaasa sa asin ang hindi makuha-kuhang sagot mula kay Fergus."He found out, he doesn't... He found out, he doesn't."Ang akala ko'y papaulanan niya ako ng tanong matapos mabasa ang mensahe ni Gee. Ngunit hindi na nito dinugtungan pa ang sinabi. Tahimik lang siya hanggang matapos ang pelikula. Pagdating sa kanyang pakikitungo, wala namang nagbago. Madalas ay nagagalit, minsan mabait.Hindi ko kayang maging kampante sa inaasta nito."He doesn't... He doesn't?!" hindi ko makapaniwalang usal matapos itapon sa kaharap na basurahan an
"Hindi tayo aalis ngayon," he jump out of the bed and went outside, topless. Ibinigay niya ang kanyang sando sa akin kagabi, ngayon ay suot ko. Dito na siya natulog sa aking kwarto dahil tinamad tumahak sa itaas.Sinilip ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at malutong na napamura. Ang sakit parin!Tama ang desisyon niyang manalita lang rito sa kanilang tahanan, dahil hindi ako makakagalaw ngayon ng maayos. Gusto ko nalang na manatili sa kama buong magdamag, kahit hindi na kumain ayos lang. I need rest.Why does he have to be that big?! Inaasahan ko na naman talagang malaki siya, but he was too much for me my God! He literally tore my system!Mommy 'di na ako virgin. I gave myself to someone undeserving!Itong karupukan ko rin talaga kasi, habang tumatagal lalong lumalala.I bit my lower lip and shifted on my position.Muling bumukas ang p
SPGDumiretso nga kami sa kwarto niya. Una akong pumasok, mabilis na tinungo ang pang-isahang sofa at pinagkasya ang sarili rito. May gugustuhin kong dito matulog keysa sa kama kasama siya.He crossed his arms over his chest, natatawa akong tinitigan."Ano ang ginagawa mo?""Dito ako matutulog," may diin sa boses kong tugon."Papahirapan mo lang ang sarili mo Alga. My bed is-""Ayos lang po," I cut him off.Alam kong hindi magiging maayos ito. Ewan ko nalang kung makakatulog nga ba ako. I should have said no to him earlier. Mas mabuting sa kwarto magpahinga. Napakahirap maging kampante kapag siya ang kasama. I don't know what he was thinking, at hindi ko rin alam kung ano ang maiisip ko kapag tumagal pa rito.Kung wala lang sana akong hahanapin, kumawala na ako sa kanyang hawak kanina pa. This is a big opportunity for me to find that thing ag
"Open this fucking door Alga!” sigaw ni Fergus mula sa labas ng kwarto, kasunod ang marahas na katok sa pinto. “You are not leaving this place!” dutong niya pa.Tangina, hindi niya pa talaga ako bibigyan ng kalayaan. Tapos na ako! Mas importante sa akin ang hustisya keysa patuloy na siyang pagsilbihan kahit wala naman akong nakukuha. Dudumihan niya lang ang utak ko.Baka nga may alam na talaga ito, pero nagmamaang-maangan lang. Hinahayaan akong manatili sa kanyang tabi upang kahit papaano'y alam niya ang bawat kilos ko.And what he did to me was probably to manipulate my heart, his way of making me fall. Para mabilis lang sa kanya ang talunin ako. After that, like everyone does, he'll leave me too.Pasensya, pero hindi siya magwawagi!Dala ang bagahe, walang gana kong binuksan ang pinto. Ang galit na mukha agad nito ang aking nabungaran.“Who told you t
"A single lie discovered is enough to create doubt in every truth expressed, "-Life Hacks.Today is the day we are finally closing ties...For the business, of course!Aaminin kong lubos na naaapektuhan sa pakiusap nito. I used to love him, I actually still do. Hindi naman talaga siya nawala sa puso ko. Palagi siyang nandito, nag-iisang nakaupo sa trono.I once consider giving him my trust again, kahit imposibleng mabuo pa ang basag na parte. Pero naalala kong may desisyong nakaukit na pala sa isipan. At hindi na ito magbabago."You are finally getting married," bulong ni dad, habang naglalakad kami papunta kay Fergus."For the business," pagtatama ko rito.I silently scanned every details of my groom's face. I saw love and pain on his eyes as his gaze travelled down to my body. Tipid siyang ngumiti, maging ang mapangahas na
"Nasaan ka na?""Nasa aiport pa, kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko," mabilis na sagot ni Gee sa kabilang linya.I parked my lambo right in front of AF Enterprise's entrance. Isang valet ang agad dumalo. He opened the door for me and bowed a little."Good morning ma'am," he said in baritone.I shamelessly checked him out. Hair in clean cut, handsome face, masculine, tall and formal. He can be a model.Siguro ay bago pa lang siya sa kompanya, hindi ko ito napansin noong huling beses na naparito."Hey, are you still there?"Oh, I almost forgot my bestfriend."Yes, I am. Magkita nalang tayo sa club mamaya. May meeting pa kasi akong dapat daluhan. But don't worry, I sent someone there to fetch you.""Just make sure he's as handsome as my Zi."
"I want you to investigate on someone.""Wala man lang hi, how are you? Diretso utos agad? Tauhan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Lorie sa kabilang linya.I met her at a club last week. Aksidente nitong nasabing isa siyang secret agent. Now, I am taking advantage of her skills."I'll pay you, don't worry.""Game! What I can do for you master?""Imbestigahan mo ang bagong tagasilbi namin. Ipapasa ko ang ibang detalye tungkol sa kanya," wala sa sarili kong kinagat ang aking hintuturo. I parted my legs wider and leaned backward."Ano ba ang napapansin mo sa kanya?""I saw her searching something on my room last time..."Muling bumalik sa aking alaala ang ginawa nito noong unang beses na tumapak sa kwarto ko. She saw me making out with Bella, pero hindi man lang natakot nang sigawan
*Fergus Da Silva*"Mabuti naman at nandito ka na. Palagi ka nalang late."Everyone's eyes darted on me. I licked on my lips and stared at Spencer coldly as I racked my fingers in my hair.Dumiretso ako sa tabi nito."It's better late than never.""As expected, may bago pa ba sa isang Fergus Da Silva?" si Kianna.Nagkatitigan kaming dalawa."Wala na," nagkibit balikat ako."Tutal, nandito na naman siya. Magsimula na tayo," anunsyo ni Ayesha, a common friend.Nagkasundo ang lahat na mag usap tungkol sa gagawing bakasyon. We are going to Isla Carmella this time. I don't know some details about the place, wala naman din akong pakialam. As long as I can have fun and can at least let my frustrations out, it's all that matters. Works and business has been stressing me out lately, I badly needed a t
"Nakasunod na po sila.""As expected, si Fergus 'yan e. Maghanda kayong lahat, huwag niyong hahayaang makatapak sila rito."Nagmamadaling nagsilabasan ang mga tauhan. Iniwan kaming dalawa ni Argus sa cabin ng kanyang yate. Nakatutok sa akin ang baril nito. Isang maling galaw, siguradong diretso sa ulo ko ang bala."Ang kalmado mo naman yata?" puna niya."Alangan namang magsisigaw ako rito, para saan pa't hindi mo rin naman pakikinggan," I rolled my eyes.Nandito na ako nang magising kanina. Nakatali ang mga kamay at paa, pinapalibutan pa ng mga pangit na alagad niya.Narinig kong nagkabarilan pa bago tuluyang makatakas ang grupo ng kalaban kasama ako. Gaya nga ng aking nahihinuha, walang kaming sapat na lakas kumpara sa kanila."No wonder why my brother chose to fight for you. Kakaiba ka naman pala," he smiled evilly."You're
"Bakit ang tahimik mo?" pabalya kong itinumba ang katawan sa lounger."Tanga, ikaw nga itong kanina pa tahimik diyan.""Ako ba?""May ginawa siguro kayo ni Fergus sa dark room kaya ka nagkakaganyan," itinaas baba niya ang kanyang kilay. "Nabitin ba?"Now I'm convinced, my bestfriend is back! Ganyan na ganyan siya kadiretsahan magsalita. Katulad ko lang.Hindi siya tulala, gaya ng kwento ni Zi at mas lalong hindi nanghihina.The Geline in front of me now, was the same woman I've known for years.Nagpapahinga lang pala ito sa gilid ng pool. Kaya hindi ko nakita sa kahit saang kwarto. Kung hindi pa dumako rito'y siguradong hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako."Walang nangyari 'no!" singhal ko."Narinig ko sa mga tagasilbi na may kinabukasang natamaan ka raw sa labas," s
SPG"Dadalaw ako kay Gee ngayon."I turned to face the window. Agad namataan ang magandang imahe ng mga bulaklak at halaman.The cold wind blows that sent shivers down my spine. Marahan kong niyakap ang aking sarili, saka pumikit."Ihahatid na kita.""Kahit hindi na. Nandiyan naman si Zion.""Bakit ka pa aasa sa iba kung nandito naman ako?" he asked in baritone."May trabaho ka pa kasing dapat unahin," muli akong umikot paharap sa kanya.Nasa kabilang banda ito ng kama, hawak ang telepono at mga papeles na dadalhin sa opisina.He was dashing in his slim fit suit, underneath with black longsleeve. His slicked-back hairstyle with a side part, made him look really handsome and classic."Makakapaghintay naman ang trabaho."Lantaran akong napairap. As if I don't know t
"Anong klaseng pakana na naman ba ito? Saan tayo pupunta? Bakit parang ang haba naman yata ng paglalakad na 'to? Akala ko ba sa labas lang?"Kagaya ng mga naunang tanong, wala pa rin akong makuhang sagot. I hear nothing else, other than our own footsteps."Zai?"Ano ba ito, kinakabahan na ako."Fergus?"Still, no one answered. I'm as if talking to a wind all this time."Zion? Huwag niyo nga akong tinatakot. Lorie, ano ba?!" my voice was inevitably raised already.I held her hand, trying to feel the warmth that a human being should have. Malay ko ba, baka maligno na pala itong kasama ko. Nasa gitna pa naman ng kagubatan."Answer me please..." pagsusumamo ko.I can't take another step, dahil biglang nag-iba ang pakiramdam. I felt like we are heading to danger.&nbs
"Dito ba madalas namamalagi sina Gee noong nasa Villa pa ako?" kuryuso kong tanong habang sinusuri ang bawat detalye ng paligid."Yup. Ito ang hideout namin," nakatuon lang ang tingin ni Fergus sa mga papeles na kaharap. Bukod sa problema kay Spencer, kailangang niya ring asikasuhin ang problema sa negosyo.Kaming dalawa nalang ang natira dito. Wala si Zai, maging ang mga tauhan. Mas maganda raw kasi iyon para talagang magmukhang abandonado ang lugar. Kampante naman siyang walang susugod dito, dahil tago at malayo sa kabihasnan."Gumagana ba ang lahat ng narito?" ang mga kompyuter naman sa harapan ang pinagtuunan ko ng pansin.Pinayagan niya rin akong lumabas sa pinaglagyang kwarto matapos ang ilang ulit na pagrereklamo. Hindi naman ako magpapasaway, at mas lalong walang planong tumakas. Para saan pa't alam kong mahahanap niya rin naman. He doesn't have to lock m