Bloody Christmas

Bloody Christmas

last updateLast Updated : 2022-04-29
By:Ā  MariaOngoing
Language:Ā English
goodnovel16goodnovel
9.9
52 ratings. 52 reviews
51Chapters
4.1Kviews
Read
Add to library

Share:Ā Ā 

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Christmas time,a time of joy,happiness and laughter for most families. A time of opening presents and most importantly a time of giving. Sadly,this was not the case for the people at the white house.A Christmas celebration going on peacefully suddenly turned into a bloodshed with the President's daughter Lana kidnapped by the most feared terrorist group in Washington D.C. Find out more as dark secrets are unveiled in this thrilling book.

View More

Chapter 1

Prologue

MATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ā€˜yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ā€˜yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya. 

Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili. 

ā€œSalamat,ā€ magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke.  

ā€œSeƱorito.ā€ Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. 

Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. ā€œNaparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.ā€ 

Napaatras si Esteban sa huling sinabi nito. Napahigpit ang kapit niya sa dalang plastic. Ang pangalang binanggit ng lalaki ay animo’y isang bangungot na kinaiinisan niya. 

ā€œSino ka? Ahh… wala akong pakialam kung sino ka at nag-aaksaya ka lang ng oras na sunduin ako dahil hindi ako sasama sa ā€˜yo.ā€

ā€œFlavio po ang pangalan ko. Inutusan ako ng iyong Lola na sunduin ka at ibalik sa mansyon.ā€ Ngumiwi si Esteban sa sinabi ni Flavio. 

Marinig pa lang niya na binanggit ng lalaking kaharap ang kanyang Lola ay sumagi na agad sa isip niya na may kailangan ito sa kanya. Hindi mag-aaksaya ng panahon ang matandang ā€˜yon na hanapin at puntahan siya kung wala itong malaking kailangan sa kanya.

ā€˜Kailangan niya ako dahil wala ang magaling niyang apo?’ Natawa siya naisip. Hinahanap lang siya kapag may kailangan. Natawa siya ng mapait nang maalala kung paano siya pinagtabuyan ng kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay ramdam niya ang sakit ng pang-aalipusta sa kanya na animo’y hindi siya parte ng pamilya.

Matapang at seryoso niyang hinarap ang lalaki. ā€œUmalis ka na. Wala kang mapapala sa akin.ā€ Akmang aalis na sana siya nang lumingon siyang muli sa lalaki. ā€œPakisabi sa amo mo na mali siya ng nilapitan. Hindi ako babalik sa impyernong kung saan siya naroon.ā€

Hindi nagsalita si Flavio nang tumalikod na si Esteban. Huminga na lamang nang malalim ang binata dahil sa tigas ng ulo ng isang apo ni Donya Agatha. ā€œWala nga siyang pinagkaiba sa kapatid niya,ā€ bulong nito sa sarili sabay iling habang pinagmasdan si Esteban na hindi man lang nililingon ang paligid.

SA KABILANG dako, naghihintay ang isang magandang dalaga at bakas sa mukha nito ang inis. 

ā€œNasaan na ba ang lalaking ā€˜yon?ā€ inis niyang bulong, kanina pa siya nakabihis at hindi pa rin bumabalik ang hinihintay niyang si Esteban.

Siya si Hadrianna Lazaro o kung tawagin ng lahat ay Anna, ang asawa ni Esteban. Tatlong taon na silang kasal, at tatlong taon na rin siyang nagtitiis sa kanilang sitwasyon. Labag sa kalooban niya na ipakasal sa lalaking hindi niya naman talaga kilala sa simula pa lang. Gayunpaman ay sinunod na lamang niya ang gusto ng kanyang Ama at Lolo.

ā€œAng tagal mo! Saan ka ba galing ha, ma-le-late na tayo, Esteban!ā€ bungad niya sa asawa nang makauwi ito. Pawisan pa ito na tila mukhang hinahabol ng kung ano. ā€œOh, ba’t ang dungis mo? Ano bang nangyari sa ’yo?ā€

ā€œBumili lang ako ng regalo para kay Lola,ā€ sagot naman ni Esteban sa asawa at saka yumuko. Palihim niyang inaamoy ang sarili dahil nahihiya siya sa kanyang itsura. 

ā€œSana ā€˜di ka na lang nag-aksaya ng oras. Hindi rin naman iyan tatanggapin ni Lola.ā€

ā€œWala rin namang masama na bilhan ng regalo ang Lola mo, Anna,ā€ seryosong sagot ni Esteban. 

Umiling na lamang si Anna habang nakatingin sa asawa. Naiirita siya sa mga katwiran nito. 

ā€œMagbihis ka na at bilisan mo! Naghihintay na silang lahat doon! Ang dungis mo… nakakahiya ka talagang isama!ā€ 

Hindi na lamang sumagot si Esteban, nasaktan siya sa huling linyang sinabi ng asawa.

Alam niya namang matagal ng ayaw ni Anna sa kanya at kahit asawa siya nito, iba rin ang trato nito sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa, ni hindi siya makapag-reklamo dahil si Anna na lamang ang tanging naiwan sa kanya ngayon. 

Si Anna lang din naman ang tanging taong uuwian niya…

Hindi kinausap ni Anna ang asawa habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kanyang Lola, si Senyora Rosario.Pangalawa ang pamilya nila Anna sa pinaka-mayamang angkan sa buong Laguna. Dahil na rin sa estado nila sa lungsod ay alam na niyang engrade ang magiging party ng Lola niya ngayong araw.  

ā€œHuwag kang gagawa ng kalokohan dito, Esteban. Kung wala ka namang alam sa mga bagay-bagay, pwes manahimik ka na lang,ā€ bulong ni Anna kay Esteban. Hindi na lang sumagot si Esteban dahil paulit-ulit na rin naman iyong sinasabi ng asawa sa tuwing may dadaluhan sila ng kasiyahan sa lungsod.

Habang nag-uusap ang iilang tao sa loob mansyon ni Senyora Rosario, mayabang na naglakad ang isang lalaki habang may dala itong regalo. Si Frederick Lazaro, isa sa mga pinsan ni Anna na walang ibang ginawa kung hindi bwisitin silang mag-asawa.

ā€œWow! Good evening to you cousinā€“ā€ Pasimple itong tumingin kay Esteban na hindi rin naman siya pinansin. ā€œ--and to your trash.ā€ 

ā€œProblema mo?ā€ walang ganang tanong ni Anna sa pinsan at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid.

Imbis na sagutin ni Frederick si Anna, dumapo ang mga mata niya sa dalang regalo ni Esteban. Tinawanan niya ito dahil sa isip niya, sa pagkakabalot pa lang nito ay halata na mumurahin lang ang laman niyon, hindi tulad ng hawak niya. 

ā€œWhat’s this?ā€ Gulat na tumayo si Esteban sa kinaupuan niya nang kunin ni Frederick ang regalo niya. ā€œMagreregalo ka ng b****a kay Lola? Are you that stupid? Itatapon niya lang ito. Nag-aksaya ka lang ng barya mo, Esteban!ā€ Tumawa siya nang nakaka-insulto.

Ngunit hindi natinag si Esteban at pinagmasdan lang niya ang binata na dahan-dahang nilabas ang regalo sa loob ng nilagyan nito.

Unang tingin pa lang ni Esteban sa dala ni Frederick ay alam niya masasabi na niya kung tunay ba ito o peke. 

ā€œLook at mine. This is the most fashionable bag in our town. Bagong labas ito mula sa ibang bansa. I bought this from a prestigious shop in Manila.ā€ Ngumisi siya habang pinapakita sa mga tao ang dala niyang bag, nagyayabang.

Palihim na umiling at ngumisi si Esteban saka lumapit kay Frederick. ā€œSigurado ka bang totoo iyang nabili mo?ā€ 

Kumunot naman ang noo ni Frederick dahil sa sinabi ni Esteban. Napalingon na rin si Anna sa kanya. 

ā€œKung titingnang mabuti iyang bag, mukha ngang mamahalin talaga at nagmula sa sikat na brand. But look.ā€ Kinuha ni Esteban ang bag sa kamay ni Frederick na siyang ikinagulat niya pa lalo. ā€œHindi mo ba napansin na parang dinikitan lang ito ng tag na katulad sa mga original design? Halatang imitation.ā€ 

ā€œA-anong pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?ā€ Umiling si Esteban sa sinabi ni Frederick, halata na sa mukha ng lalaki na kinakabahan ito. Totoo ang sinabi ni Esteban pero ang ipinagtataka niya, kung bakit alam niya ang ganitong bagay. Mas lalo tuloy siyang nainis sa binata.

ā€œHindi ka ba natatakot na magalit si Lola dahil bibigyan mo siya ng pekeng bag?ā€ asar pa niya lalo kay Esteban.

ā€œOriginal ang binili kong bag! Sinisiraan mo lang ako sa harap ng mga tao!ā€ giit ni Frederick.

Napangisi lamang si Esteban. Alam niya na isa sa magaling kung tumingin ng mga bags si Senyora Rosario kaya siguradong-sigurado siya na mabubuking si Frederick sa oras na malaman nito na niloloko siya ng sariling apo.

ā€œWala ka namang alam sa mga ganyang bagay, Esteban. Huwag mong siraan ang anak ko,ā€ saad ng ina ni Frederick nang makalapit na sila kina Esteban kasama ang asawa nito na Tatay ni Frederick.

ā€œKung umasta ka ay parang ang laki ng ipinagmamalaki mo. Walang-wala ka sa anak ko dahil isa ka lang namang b****a sa pamilya ito,ā€ segunda naman ng Tatay ni Frederick.

Hindi na lamang sumagot si Esteban dahil kung sasabihin niya sa mga taong kaharap niya ngayon na ang Nanay niya ay isa rin sa sikat na fashion designer sa bansa at magaling din ito kumalitis sa kung ano ang totoo sa hindi, hindi rin sila maniniwala. Pagtatawanan lang din siya ng mga ito.

ā€œANONG nangyayari dito?ā€Isang matandang boses ang dumating.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

10
94%(49)
9
2%(1)
8
2%(1)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
2%(1)
2
0%(0)
1
0%(0)
9.9 / 10.0
52 ratings Ā· 52 reviews
Write a review
user avatar
Winifred
Totally worth Five star rating, the speech and outline of the book is excellent
2021-08-21 17:00:51
2
user avatar
Christiana Cherry
Great book
2021-08-21 16:50:47
0
default avatar
babyboo
wow I really love this, it's really a good one
2020-12-01 00:57:33
0
default avatar
Grace Rivers
Amazing narrative style...a must read!
2020-11-29 23:48:47
0
user avatar
Luna
I'm in love with this book🄺😘
2020-11-27 18:04:43
0
user avatar
Luna
I'm in love with this book🄺😘
2020-11-27 18:04:43
0
user avatar
Chocolate toppingā¤?
Beautiful blurb, I'm intrigued
2020-11-22 18:06:15
0
user avatar
Chocolate toppingā¤?
Mad o! This book cover makes sense
2020-11-22 18:05:41
0
user avatar
Thegr8salzali
I love this book
2020-11-14 19:01:31
0
user avatar
Thegr8salzali
Best book on earth ?
2020-11-14 19:01:17
0
user avatar
Thegr8salzali
Best book on earth ?
2020-11-14 19:01:15
0
user avatar
Thegr8salzali
You wouldn’t wanna miss this
2020-11-14 19:00:51
0
user avatar
Thegr8salzali
Very interesting novel
2020-11-14 19:00:27
0
user avatar
Thegr8salzali
Awwwn I love this book
2020-11-14 19:00:07
0
user avatar
Tcee Eke
The blurb is intriguing nice starting and wonderful plot twist a good job author
2020-11-11 20:41:45
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
51 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status