Guys, swear... Babawi talaga ako ng update. Babalik ako sa maramihang update soon. Pero hindi muna ngayon o next week. Busy pa kasi talaga ako ng sobra. May need akong unahin.
"Mama! Can you buy this for me?" Ang tanong ni Paris na hawak ngayon ang isang maskara na napulot niya. She's a typical child na kapag may nakitang bago sa mata na laruan, ay gusto agad magpabili. "Put that down. Hindi natin bibilhin yan. We're here to buy your clay." Sabi ni Khelowna sa kaniya. "Pero mama, this is batman." "And so? Ano naman ngayon kung batman yan?" Ngumuso si Paris. "But I want this mama!" Sabi pa niya na talagang gustong ipilit ang gusto. "No Paris. Hindi natin bibilhin yan. That mascara is only for boys. Saka marami ka ng toys sa bahay. Clay lang ang bibilhin natin." "Pero bakit namimili ka pa ng plates and furniture kung clay lang ang bibilhin natin?" tanong pa niya, hindi paawat kay Khelowna. Hindi na siya pinansin ng mama niya. Iniwan siya nito para puntahan ang figurine na nakita. Kaya isinuot pa rin ni Paris ang maskara niya at hinayan ang mama niya na magshoping sa mga ilalagay sa cart nila. Dahil nasa market na rin naman sila, gustong bumili
“Anong ginagawa mo dito Max?” hindi na nakangiti si Khelowna.. Sa sobrang pamumutla niya ay inakala ni Max na masama ang pakiramdam niya. Agad siyang lumapit dito.“Why are you pale? May masakit ba sayo?” maririnig ang pag-aalala sa boses nito.Nakita naman ni Khelowna na tumakbo si Paris palayo sa kaniya. Medyo nakahinga siya doon ng maluwag. For a moment, pakiramdam niya e ang puso niyang huminto sa pagtibok ay unti-unting bumabalik.“Anong ginagawa mo dito Max? At paano mo nalaman na nandito ako? Pinapasundan mo ba ako?” tanong niya.Bumabalik na rin ang kulay ng mukha niya.“I texted you.” Sabi ni Max bagay na ikinagulat ni Khelowna.Naalala niya na wala sa kaniya ang phone niya at nasa kay Paris kaya batid niyang baka si Paris ang nagsabi kay Max na nasa market sila ngayon.“At ngayon? Anong ginagawa mo dito?”‘Aawayin niya ba ako dahil sa ginawa ko sa mga katulong niya?’ she thought.“I’m here to get you. If you want to punish them then go ahead. I won’t stop you. Ikinulong ko si
“Mama’s daughter?” sabi ni Max sabay tingin kay Khelowna na hindi na makatingin ng deritso sa mga mata niya. Mas lalo itong namutla.Nag-iisip na rin siya ng mga pwede niyang irason kay Max para makalusot. Ayaw niyang malaman ni Max na anak nila si Paris at natatakot siya ilayo ni Max sa kaniya ang bata.“What’s your name?”“Paris po uncle,” nakangiting sabi ni Paris.Then a certain memory flashed into his mind. Nasa isang sofa si Khelowna, nadatnan niya itong tila kinakausap ang anak nila na nasa loob pa ng tiyan nito.“If you are a girl, I would name you Paris kasi iyon ang sunod na pupuntahan namin ng papa mo.”Napahinto siya non at napatitig sa asawa niya na nakangiti habang kausap ang anak nila.“But if you’re a boy then Chicago, kasi doon naman ipinanganak ang papa Max mo.”That certain memory ay nagpalaki ng mata niya. Nagtataka siya kung bakit ang pangalan ng pamangkin ng dati niyang asawa ay Paris na siya sanang gusto nitong ipangalan kay Chicago kung babae lang ito.Lumapit
“What’s your favorite sport?” Max asked Paris na kumakain sa harapan nila. Magkatabi sila ni Khelowna na ngayon ay halos hindi na nagsasalita sa tabi.“My favorite sport is jackstone!” Tuwang tuwa na sabi ni Paris na para bang ang jackstone ay isa talagang sports.“Hmm.. I like jackstone too.” Sabi ni Max kahit na hindi naman siya naglalaro non.“Talaga po uncle?”“Yes.” Sabi niya at tumango. Sinamaan siya ni Khelowna ng tingin but he just smirked at her. Gusto niyang kunin ang loob ni Paris this instant.At batid ni Khelowna yun.“Wow. That’s nice. We can play in the house uncle.”Tumaas ang sulok ng labi ni Max. The shock, fear, disappointment and happiness. Halo-halo ang emotion niya ngayon.But he’s controlling his emotion lalo’t batid niyang gagawin lang niyang kumplikado ang lahat kung magagalit siya sa ex-wife niya.He wants nothing but to gain trust from his daughter—Paris.“Pero baka magalit ang… papa mo sa akin,” sabi ni Max sabay tingin kay Khelowna. His fist was on his poc
Pinaglalaruan ni Max ang labi niya. Iniisip niya kung anong gusto niyang mangyari. Kung paano niya kukunin si Paris na hindi magagalit si Khelowna.He wanted to stay close with his daughter and … “Fvck! What am I doing? Do I really want her back?” aniya nang bigla niya ring maisip si Khelowna.Kumabog ulit ang puso niya nang maalala ang nangyari kanina nong kasama nila si Paris. Mas lalo pa itong tumindi nang maalala kung paano naglapit ang mukha nila ni Khelowna ng punasan siya nito ng panyo.Tumingin siya sa oras at nakita niyang alas siete na ng gabi pero wala pa rin si Khelowna at Paris.Tinawagan niya ito. Nakailang ring na at akala niya ay hindi siya sasagutin.Aalis na sana siya nang marinig niya ang boses ng ex-wife niya.Agad siyang umayos ng upo. Kampante siyang babalik si Khelowna sa kaniya dahil kay Chicago. Pero kung sakali mang umalis ito para lang itago si Paris, hindi siya mangingiming suyurin ang buong mundo makita lang sila.“Where are you?” he asked. Hindi na siya m
“Max, anong lilipat ng bahay?” tanong ni Khelowna nang maiwan sila ni Max sa labas.Agad na pinagkrus ni Max ang kamay niya sa dibdib at mariing tinignan siya sa mga mata. “I’m not forcing you to live with me. Pero si Paris oo.”“What?” nanlaki ang mata niya. Ito ang kinakatakutan niya. Ang kunin ni Max ang mga bata sa kaniya. “You can’t do that. Iiyak ang anak ko!”“That’s why I’m offering you to live with us. I’m giving you a chance. Alam kong iiyak si Paris at hahanapin ka. Ikaw magdesisyon, kaya mo bang tiisin ang anak natin?"Napaawang ang labi ni Khelowna. Parang ang dating e parang siya pa ang dapat magpasalamat na binibigyan siya ng chance ni Max na makasama sila.“Nababaliw ka na. Anong gusto mo? Ibahay ako ulit kahit may asawa ka na? Gusto mong dalawa kami ni Maveliene ang ibahay mo?”Nakagat ni Max ang labi niya. “Mavi is not with me. Kaya sinong sinasabi mong ibabahay ko maliban sayo?”Imbes na magalit, biglang namula ang pisngi ni Khelowna. Gusto niyang sapakin ang saril
“Mama?” napatigil silang dalawa nang magising si Paris. Nakaupo na ito sa kama at kinukusot na nito ang mga mata niya.“Mama, where are we?” she asked at nilibot ang paningin niya.Pero dahil sobra pa siyang inaantok, pumikit siya agad, humiga ulit sa kama at natulog muli. Agad na umalis si Khelowna sa harapan ni Max at agad na pinuntahan ang anak niya.Hindi niya sinagot si Max pero batid na nito kung ano ang pasya niya. Na pumapayag siya sa gusto nitong mangyari.Max grinned at lumapit sa anak niya at kay Khelowna. He laid down next to their daughter and smiled.Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Akala niya noong una e okay na siya at masaya nang makuha niya si Chicago, but now, hindi niya aakalain na may mas maisasaya pa pala siya doon.Kinuha niya ang kamay ni Paris at pinaglaruan ito. “She’s so cute and pretty,” he said. “Gusto ba niya ng mga dolls? What’s her favorite?”Hindi sumagot si Khelowna sa kaniya. Masama pa rin ang loob niya kay Max kahit na hindi niya mai
“Mama, why kuya Rome is acting like that?” bulong ni Paris kay Khelowna matapos siyang hindi pansinin ni Chicago kanina.No'ng nasa kama sila at bumubulong, bigla siyang itinulak ni Chicago at tumakbo ito pabalik sa kwarto nito. Normal na reaction ng bata pero dahil inakala ni Paris na si Rome lang yung nag walkout, wala siyang ginawa at nagkibit balikat lang.Tumayo si Max para sundan si Chicago habang si Paris naman ay dumiretso papunta sa mama niya."Mama, kuya is weird." Sabi nito at yumakap kay Mithi.Sa hapagkainan...Napahinto si Chicago sa pagkain at napatitig kay Paris na ngayon ay bumubulong na naman kay Khelowna. Nakaramdam siya ng inggit dahil gusto niyang siya ang tumabi sa mama niya pero si Max ay sinabihan siya na hayaan na muna si Paris na tumabi sa mama nito.“What do you mean?” Khelowna whispered back.“I mean, he’s acting weird. Hindi ka ba nag a-agree sa akin?” tanong ni Paris lalo't ramdam niya kanina ang talim ng titig ni Chicago sa kaniya.Tumingin si Khelowna ka
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila