May update tayo uli isaaaa
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
Monday, inaabangan ni Khe si Dr. Smith na makauwi galing sa kaniyang seminar. Hindi siya pinatulog sa sinabi ng mga anak niya tungkol kay Alora.“Doc, hindi ka pa uuwi?” tanong nong mga nurses at ibang doctor.“Hindi muna. Inaabangan ko pa si Dr. Smith.”“Mauna na kami kung ganoon doc.”Tumango si Khe at ngumiti.Ang sinabi ni Mina sa kanila noon ay nasa lugar na si Alora na hindi sila magagalaw. Hindi niya lubos akalain na nasa center pala ito for home of the aged.“Khe,”Napatingin siya sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dr. Smith at Mina.“Pwede ba kitang makausap sandali?”“Why? May kailangan ka ba?”Tumango si Khelowna. “May mga itatanong lang akong importante.”Tumingin si Dr. Smith kay Mina. “Mauna ka na umuwi. Baka hinahanap na ako ni Sonya. Sabihin mo matatagalan ako ng konti.”Tumango si Mina. Tumingin siya kay Khelowna saka nagpaalam.Pumasok ang dalawa sa office.“Anong gusto mong pag-usapan natin at seryoso ang mukha mo? May nag offer ba ng malaking halaga sayo? Iiwan
“You’re late for 20 minutes,” sabi ni Max habang nakatingin sa relo niya.Ngumuso si Khelowna at itinaas niya ang kaniyang mga kamay. “I’m so tired.” Tapos bumagsak pa ang balikat niya para ipakitang kawawa siya.Max chuckled while walking towards her. “You’re so cute, my beautiful wife.”Inginuso ni Khelowna ang nguso niya para mahaIikan siya ni Max.“Lots of kisses please…” she begged.Max kissed her a lot at natatawang binuhat ito papasok sa loob ng bahay. “How’s your work hubby?” bulong ni Khe..“It’s okay.. Hindi ako nanalo sa bid kanina.”“What? Why?” nag-aalalang tanong ni Khe.Pero tumawa lang si Max. “Napasarap ang pakikipaglaro ko with Sydney. Hindi ko na namalayan ang oras. Nakatulog ako so hindi ako nakapaghanda ng presentation.”“Hindi ka ba malungkot?”“Hindi naman. Hindi ko naman ipagpapalit ang moment na yun sa paghahanda ng presentation ko for a certain project. My time with our youngest is the most precious time to me.”At totoong hindi man lang naapektuhan si Max na
“She’s staring at us.” Sabi ni Khelowna habang naglalakad sila pabalik sa mga anak nila. Batid nila ni Max na nakatingin si Mavi/Sonya sa kanila. Pero mas pinili nilang dalawa na magkunwari na hindi ito napapansin.“Don’t mind her. Tara na, magsisimula na ang movie.” Sabi ni Max at ngumiti.Tumingin si Khelowna sa mga anak niya at agad na nameywang. “Ang dudungis niyo hindi pa nagsisimula ang movie.”Ngumiti ng sabay ang apat sa kaniya.Napapailing niyang kinuha ang panyo ay pinunasan ang mukha ng mga anak niya.“Sorry mama,” sabi ni Rome at Chicago..“Nakabili na kayo ng ticket, Max?”“Yes. Here.” Pinakita ni Max ang ticket nila.“Tara na sa loob.” Sabi ni Khelowna at binuhat si Sydney. Ang triplets naman ay agad na kinuha ang mga pagkain sa upuan para dalhin sa loob.“Kuya Rome, ang drinks huwag mong iwan.” Paalala ni Paris dahil puno na ang kamay nila ni Chicago ng pagkain.Naglakad na silang anim papasok ng sinehan na hindi man lang binigyan ng kahit isang pansin si Sonya.“Tara na
ONE SATURDAY, papunta si Sonya sa office ng kuya niya para sabihin kung pwede ba itong lumabas ng bahay kahit sandali lang nang matigilan nang marinig na may kausap ito sa phone.“C’mon Max, there’s no need to buy me that.”“What? I’m not buying this for you because I want to. My wife asked me to. At isa pa, nautusan rin ako ng mga bata na bumili ng cake dito. Nagustuhan nila ang cake na pinadala mo sa bahay.”Dr. Smith smiled. Nagpapadala nga siya ng cake sa bahay ni Max para sa triplets at kay Sydney. “Then tell Khelowna thank you. Nasaan Chai house ka ba ngayon?”“Yeah.. Anyway, can you send your guard here para maibigay ko itong cake sayo?”“Okay.. Then I’ll take that as pre-gift. Sa makalawa pa ang birthday ko baka nakakalimutan niyo.”“I can send you a dozen if you want. Alam mong marami akong pera.”“Ang yabang!” Sabi ni Dr. Smith at mahinang natawa.Hindi sila close masiyado ni Max at Khe but they can talk like this. Bago pa ibaba ni Dr. Smith ang tawag, agad na umalis si Sonya
Nang makaalis si Sonya, agad na tumingin si Mina sa mga katulong. “Pakilinisan na lang. Pagpasensyahan niyo na. Baka nabore lang ang batang yun ngayon.”Tumango ang mga katulong at agad na sinunod ang sinabi ni Mina.Napahilot siya sa noo niya at napapikit dahil masama talaga ang pakiramdam niya. “Miss Mina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng isang katulong.Tumango siya at nagpunta ng sofa.“Tawagan po ba namin si Dr. Smith ngayon?”“Huwag na.. Ayos lang ako.”“Pero Miss Mina, baka po ay buntis kayo. Ilang araw ko na kasing napapansin na nasusuka kayo. Nakapag PT na po ba kayo?”Ngumiti si Mina sa katulong. “Gagawin ko yun sa birthday niya.”“Feeling ko po ma’am ay buntis talaga kayo. Yun po ba ang surpresa niyo kay Dr. Smith?”“Hindi. Kung buntis man ako, sa pasko ko na yun sasabihin. Para kahit papaano, may dahilan siya para maging memorable sa kaniya ang pagsapit ng pasko.”Alam ni Mina na lumaki si Dr. Smith na walang pamilyang kasama. Kaya ang bawat okasyon sa buhay ni
Mariing inoobserbahan ni Dr. Smith ang pupuntahan ng kapatid niya. Mall, park, at bahay lang ito. Kailangan niyang e monitor ang bawat lakad ni Sonya dahil hindi siya mapakali sa mga pinapakita nitong ugali no’ng mga nakaraan.But so far, wala namang kakaiba sa mga kinikilos nito na dapat niyang ikabahala. Lahat ng mga pinupuntahan niya, ay sinasabi ng mga guards sa kaniya.Kaya kampante pa siya ng konti.Ngunit kahit na wala itong pinapakitang senyales na nakakaalala na siya, hindi pa rin niya hinahayaan na umalis ito ng mag-isa.Ngayon ang araw ng kaarawan niya. Busy siya dahil may mga kailangan siyang asikasuhin sa pagpapalago ng hospital.Pagpasok niya sa loob ng hospital, sinalubong siya kaagad ng mga doctors, nurses and staffs ng cake at confetti.Natigilan siya at nagulat.“President, happy birthday!” Sabay na sabi ng lahat. Uminit ang parang bato niyang puso. Nagugustuhan na niya ang buhay niya dito.Kaya sobra ang kaba niya na baka masira ang kapayapaan na ito.“Thank you ever
Hindi nakabalik si Dr. Smith agad sa hospital kaya inutusan niya si Mina na puntahan si Sonya para pauwiin nalang una.Pagpasok ni Mina sa loob ng opisina, nakita niya si Sonya na nakatingin sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina kay Sonya.“Wala naman.. Nagtitingin lang sa mga tao sa ibaba.”“Sabi ng kuya mo, umuwi ka na raw una dahil matatagalan pa siya.”“Ganoon ba?”“Oo.”Tumingin si Sonya sa mga mata niya at ngumiti. “Mina, ayaw mo ba sa akin?”“Huh? Sino namang nagsabi niyan? Of course gusto kita dahil kapatid ka ni Dr. Smith.”Lumabi si Sonya. “So kung hindi ako kapatid ni kuya, hindi mo ‘ko magugustuhan?”Hindi nakasagot si Mina. Hindi niya alam anong gustong ipahiwatig ni Sonya sa kaniya.“Hindi bale, gusto naman kita Mina. May sekreto pala akong sasabihin sayo.” Nakangiting sabi nito.“Ano yun?”“Alam mo ba, may crush si kuya dito na doctor?”Nagulat si Mina. “A-Anong ibig mong sabihin?”“Hindi lang ako sigurado e kasi sabi ni kuya magkaibigan lang sila pe
Kinabukasan, pagdating ni Dr. Smith sa hospital, nagulat siya nang makita si Khe sa harapan ng office niya na tila ba hinihintay siya. "Kamusta ang lakad niyo ni Max kahapon?""Ayos naman." Sabi ni Khelowna. "Ahm.. Doc, pwedeng magfile ng leave?""Bakit?" kunot noong tanong niya. "Pupunta kasi ako ng Hongkong kasama ni Sydney. Nagdamdam kasi ang batang yun na puro nalang daw kami work ng papa niya. Kaya naisipan namin ni Max na magbakasyon muna.""Ilang araw ba?""Pwede mga dalawang buwan?""Hindi ka pwedeng mawala ng ganoon katagal Khe. 1 month, is that enough?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Sige Doc. Salamat.""Kuya, Khelowna!" Dumating na naman si Sonya at nakangiti siya ngayon sa dalawa."Hello Dr. Khe." Sabi niya kay Khelowna pero si Khelowna ay wala man lang expression ang mukha niya. "By the way doc, alam mo bang nagpunta kahapon ang kapatid mo sa bahay namin?"Nawala ang ngiti ni Sonya sa labi niya. 'Anong binabalak ng babaeng to?' "Oo. Nasabi nga niya sa akin." Sabi ni
Itinulak ni Sonya si Mina sa semento kaya napapikit ito ng muntik ng tumama ang ulo niya doon."Hindi ka pwedeng umuwi Mina. Isusumbong mo ko kay kuya, tapos ilalayo niya ako kay Khelowna at Max. Tingin mo naman papayag ako?"Nagsimula ng umiyak si Mina. "Hindi kita isusumbong. Please, huwag mo lang akong saktan Sonya. Please..."Tumawa si Sonya. "Sawa na ako sa mga pangako Mina. Nangako rin sa akin noon si Max na hindi siya iibig kay Khelowna. Pero tignan mo naman kung anong ginawa niya sa akin. Niloko niya ako, pinagpalit pa rin niya ako. Minahal niya si Khelowna at iniwan ako.""Pero Sonya.." humagolgol na ng iyak si Mina. "Iba naman ako kay Max. Hindi ba naging mabait ako sa'yo? Pwede bang hayaan mo na akong umalis?""Mabait?" tumawag ulit si Sonya. "Paano ka naging mabait e isa ka ring bwesit sa buhay ko. Pakialamera ka at gusto mong magreyna-reynahan sa bahay. Mas sinusunod ka pa ng mga katulong kesa sa akin kahit na ako ang kadugo ng amo nila."Humanap si Mina ng pwede niyang ga
Isang malakas na katok ang pumukaw kay Khe at Max. "Baka yung ulam na yan ni Mina." Sabi niya."Ako na kukuha mama," sabi ni Chicago."Ako na kuya. Hindi ka pa tapos sa assignment mo." Sabi naman ni Paris at siya ang naglakad palapit sa pinto. Pagbukas niya no'n, tumambad sa kaniya ang mukha ni Sonya."Hello baby girl." "Ma!!" Sigaw ni Paris kaya si Khelowna ay nagmamadaling nagpunta sa tabi niya. Nagulat siya nang makita niya si Sonya na may hawak na ulam at nakangiti."Hi Dr. Khe, pinapabigay ni Mina.""Wife, sino yan?" tanong ni Max. Lumapit rin siya at napahinto agad nang makitang si Sonya ito."Hi Max." Sabi ni Sonya."Anong ginagawa mo dito Sonya?""Nautusan ako ni Mina na dalhin ito sa inyo. Pwede ba akong pumasok?" aniya. Nagsidatingan na rin si Rome at Chicago kasama ni Sydney."Hello sa inyo mga bata. Ako ang tita Sonya niyo. Kapatid ni Dr. Smith.""Hello po." Si Sydney lang ang sumagot. Ang triplets ay seryoso lang ang mukha. Tumingin si Khelowna kay Rome. "Please bring yo
Pagdating ni Max sa office ni Khe, nakita niya si Chicago na nakayuko ang ulo sa mesa at natutulog."Son?" tawag niya. Nag-angat ng tingin si Chicago sa kaniya. Naluluha pa ang mata nito dahil sa lagnat. "Why you didn't call me?""I'm sorry papa.. Si mama po nasaan?" tanong niya."Wala pa. May ginagawa pa siya. Let's go, you need to eat para makainom ka ng gamot."Umiling si Chicago. "Dito lang ako papa. I'll wait for mama.""Babalik rin tayo dito. Kailangan mo munang kumain.""Dito nalang ako kakain papa.."Napabuntong hininga si Max. Suko na siya. Hindi niya talaga mapipilit ang mga anak niya na umalis kaya wala siyang choice kun'di tawagan si Johanson na padalhan sila pagkain."Papa, I saw your ex-wife earlier."Napatingin si Max kay Chicago dahil sa sinabi nito. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang kakaiba sa'yo?""Wala but she talked to me."Napakuyom ang kamao ni Max at sandaling natigilan. Agad siyang lumapit kay Chicago at hinawakan ang dalawang balikat nito. "If ever sh
"Sonya is acting weird." Saad ni Khelowna kay Max habang nakahiga siya sa dibdib nito."What do you mean?" tanong ni Max."Lagi na siyang bumabalik sa hospital ngayon. At alam kong hindi alam ni Dr. Smith ang mga pagpunta niya. Tapos, napapansin ko na panay siya lapit sa akin at gusto raw niya ako maging kaibigan..""Should we warn her brother?""Hindi na muna Max. Mga napapansin ko lang naman yun sa kaniya. Saka na natin sabihin kapag may pinakita siyang kakaiba sa atin na nakakaapekto na sa pamilya natin.""Then avoid her as much as you can. Ayokong makita siyang pumasok sa buhay natin. I don't know kung wala ba siyang masamang intention sa paglapit niya sa'yo. Baka kasi pinapaikot nalang niya tayo sa kamay niya." Tumango si Khe. Tumingala siya kay Max at ngumiti. Agad niyang inabot ang labi nito at hinaIikan saka hinilig ang ulo sa matitipuno nitong dibdib at pumikit.Niyakap siya ni Max habang iniisip pa rin kung anong nasa isipan ni Mavi at gusto nitong makipaglapit kay Khe..Kin