Nakangiting mag-isa si Louie habang nakaharap sa labas ng bintana ng kanyang opisina dahil sa kanyang binabalak. Imbes na sa factory ay dito siya sa Del Rio Tower dumiretso. Sinadya niyang papuntahin dito si Elyssa para makahingi ng tawad dahil sa ginawa ni Tracy. Nasasaktan siya para sa dalaga dahil sa panlalait dito ng fiancee niya kaya siya na mismo ang hihingi ng tawad dito. Katatawag lang ng sekretarya niya at sinabing nakapasok na nga raw si Elyssa sa building. Sumulyap siya sa maliit na salamin na nakapaskil sa dingding malapit sa bintana na kaharap at sandaling inayos ang sarili. Sinuguro niyang maayos ang hitsura niya sa paghaharap nila ni Elyssa.Stop it, Louie! Saway niya sa sarili. Nagpapapogi ka? ‘Di ka na papansinin no’n! Tumahip ang kaba sa puso niya nang makarinig ng katok. Iba talaga ang dating sa kanya ni Elyssa. Nawawala ang disiplina niya sa sarili.Nanatili siyang nakatalikod sa pintuan at patuloy na nagmamasid sa labas ng bintana na wala naman ibang view kundi ang
"I’m sorry, Ms. Castillo, but I need you to stay while I review your report!" pagdadahilan ni Louie para lang pigilan si Elyssa na ‘wag umalis.Nakita niya ang paglukot ng mukha ng dalaga pero umupo siya sa swivel chair saka nagkunwaring nagbabasa ng ipinasang report ng dalaga pero ang buong atensiyon niya ay kay Elyssa."Ahm, sabi po ni sir Dexton puwede na po akong umalis after kong maipasa. He will be here soon to help you analyze. Iyon po ang bilin niya habang papunta ako rito.”Hindi nakasagot si Louie. Mukhang gagawin ng kapatid niya ang lahat para lang hindi makapagpasa ng report si Elyssa. Mas lalo tuloy siyang naghihinala na may kinalaman ang kapatid tungkol sa anomalya sa factory.“I’m sorry, sir. May hinahabol pa po kasi akong exam ngayon!"Nang hindi makaimik si Louie ay si Elyssa ang muling nagsalita. Agad namang binalot ng konsensiya si Louie dahil sa narinig. Shit! May exam siya!?Napigil ni Louie ang hininga at agad na nabalot ng konsensiya ang isip. Agad siyang humingi
Halos gibain na ni Louie ang pintuan ng kuwarto niya sa sobrang pagmamadali na mabuksan iyon. Ni hindi niya nai-park nang maayos ang kotse sa underground parking ng condo. Hindi nga siya sigurado kung na-lock niya iyon. Gusto lang niyang malaman kaagad kung tama ang hinala niya kahit pa nagsisigaw ang utak. And what if I'm right!? Anong gagawin ko? Nasaktan ko na si Elyssa…Nang makapasok na sa loob ng kuwarto ay dali-daling tinungo ni Louie ang closet kung saan nakalagay ang sweatshirt niya.Pero paano kung tama ang hinala ko? He asked himself one more time while his hands were on the handle of the wardrobe and slowly opening it.Puno ang wardrobe ng mga nakatagong damit na hindi na halos nasusuot. Pero bukod tangi ang pinaglalagyan ni Louie ng sweatshirt. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha ng binata nang makita ang sweatshirt na katulad ng hawak niya na naroroon sa kinalalagyan. Agad niya iyong kinuha at pinagtabi sa hawak niyang sweatshirt."This is it! Pero paano napunta s
Kung mahal mo ipaglaban mo, pero paano kung ang puso niya ay nananatiling nakakulong sa nakaraan?Bumaha ang katahimikan sa hapag-kainan dahil sa pasabog ni Louie. Para iyong speaker na bigla na lang pinatay kaya biglang tumahimik ang paligid at ang tanging naririnig ay mahinang tunog mula sa kamay nang umiikot na vintage wallclock. It took an entire minute before all of them broke the silence.Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat ng naroon sa mesa. Iisang emosyon ang mababakas sa mukha ng mga ito. Gulat. Na unti-unti ay naging galit."Ano'ng sinabi mo!?" Mataginting na tanong sa kanya ng ama habang mahigpit na nakahawak sa dibdib nito dala ng labis na pagkabigla. Ito ang unang nagsalita. His face was twisted in rage. Agad naman itong inalalayan ng kanyang madrasta na nakatayo na rin at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya."Tama po ang narinig ninyo. Walang kasalang magaganap!" Matatag na ulit niya sa unang sinabi. Buo na ang loob niya na i-break ang engagement kay Tracy. He
Bago dumiretso upang kausapin si Elyssa ay dumaan muna si Louie kay Minho. May kailangan lang siyang kumpirmahin sa kaibigan na magiging gabay sa sasabihin niya kay Elyssa.Nang makarating sa club na pinagtatambayan nito sa Libis, ay hindi siya nag-aksaya ng oras at kaagad itong hinanap. Matao ang lokasyon ng club na ito ni Minho kaya parati ay maraming customer ang pumapasok. At sadya namang dinarayo iyon ng mga parokyano. Pero walang pakialam si Louie kung abala ang kaibigan sa pag-aasikaso ng customers nito. He has something important to ask Minho.Hindi niya mahanap ang kaibigan sa bar counter o sa nagsisilbing waiter, na gawain nito kapag masiyadong abala ang mga trabahante nito, kaya napagpasyahan niyang bisitahin ito sa opisina. Nasa ikalawang palapag ang opisina ng kaibigan at sigurado siyang nakatambay ito sa CCTV para magmasid sa mga nangyayari sa club.Hindi na siya nag-abalang kumatok at agad na itinulak pabukas ang pinto. Pero napatda si Louie nang sa pagbukas niya ng pint
"Ngayong gabi pag-uusapan ang kanilang kasal!" Ito ang mga salitang parang sirang plakang paulit-ulit na sumisigaw sa utak ni Elyssa magmula nang marinig niya ito kay Minho. Pinilit niya ang sariling matulog ngunit pabiling-biling lang siya sa higaan at hindi pa rin dinadalaw ng antok. Niyakap niya ang stuffed toy na nasa kanya na magmula noong bata pa siya at pinangalanan niya iyong Xiaoxiao, ibig sabihin ay maliit, pero sa kabaligtaran ay malaking teddy bear iyon.Pinakuha niya ito kay Marra noong umuwi ito ng Antique."Haist! Xiaoxiao, bakit kay Louie pa ako na-inlove? Bakit sa kanya pa samantalang may iba na siya at wala na akong pag-asa? Paano na ang puso ko, Xiaoxiao?" Tumihaya siya at tumitig sa kisame pero nakangiting mukha ni Louie ang bumungad sa kanya.Mag-isa lang siya sa tinitirhan dahil naglakwatsa na naman ang dalawang kasama niya pagka't offday ng mga ito kinabukasan sa trabaho.She pouted her lips as she blew an irritated breath. Napagpasyahan niyang bumangon upang lum
"Nakakaistorbo yata ako, Miss Castillo?" mababa ang boses na salubong ni Louie kay Elyssa nang makalapit ito sa kinaroroonan nila ni Jevy. May inabot sa kanya ang boss niya na isang bagay na alam niyang pagmamay-ari niya. My sweatshirt? Paano nito nalaman na akin ‘to? If I remember correctly, I left this in Tagaytay and Tracy gave it to him. Nalaman na kaya niyang may nangyari sa ‘min? Nanlalamig ang pakiramdam na bulong niya sa sarili at nangangatal ang kamay na inabot ang sweatshirt. "I just want to give you back that thinking it was mine. My mistake in claiming it. Magkaparehas lang pala tayo," wika muli nito at nagkibit-balikat na ipinakita ang suot nito. Saka lang lang napansin ni Elyssa ang sweatshirt na suot nito pero hindi niya iyon matitigan ng ayos dahil umalis na ito at tinalikuran siya. Bumalik ito sa nakaparadang kotse nito. Is it a coincidence that we have the same sweatshirt? Naguguluhan na siya sa iniisip. Sa pagkakatanda niya couple daw yung sweatshirt na hawak niy
The love that is worth waiting for will last for a lifetime. *** Nanatiling magkatitig sa loob ng sasakyan sina Elyssa at Louie matapos ang kanilang unang halikan bilang magkasintahan. Tanging mga mahihinang hininga nila ang naririnig. Para bang ngayon lang pinagtagpo ang dalawang pusong nagmamahalan. The atmosphere around them was filled with pink bubbles floating with love from their synchronized heartbeat. Maya-maya’y si Louie ang bumasag ng katahimikan. "Magtititigan na lang ba tayo?" Nangingiti nitong tanong at marahang pinisil ang palad niyang gagap nito. "Well, kung isang guwapong katulad mo ang titigan ko buong gabi ay ayos na sa ‘kin. Busog na busog na ang mga mata ko." Abot hanggang tainga ang mga ngiting sagot naman ni Elyssa. She had this foolish smile on her lips, showing how in love she could be. Bahagyang napatawa si Louie sa sagot at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Don’t tease me like that, honey. Baka kung ano pang magawa ko sa ‘yo sa loob ng sasakya
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui