Kumikirot ang ulo ni Elyssa nang magising siya kinabukasan. Naihilot niya ang daliri sa sentido dahil sa tindi ng kirot niyon habang nanatiling nakapikit ang mata. Sobra ang kalasingan niya kagabi dahil sa dami ng kanyang ininom na alak na hindi naman niya pinagsisihan. Alak lang ang karamay niya kagabi sa birthday niya at upang mendahan ang sugatan niyang puso. Ngunit tanging sakit sa ulo ang nakuha niya dahil hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang kirot nang ginawa sa kanya ni Jevy. Nanatili sa sentido niya ang daliri niya habang nanatiling nakapikit ngunit kaagad na napamulagat nang ma-realize ang sitwasyon. Bigla niyang naalala kung sino ang kasama niya kagabi’ng uminom. Bakit siya nakahiga sa kama? Nasaan siya? What the hell did she do last night? Nanlalaki ang matang biglang napabangon mula sa pagkakahiga si Elyssa ngunit sa kanyang pagbangon ay muling sumigid ang kirot sa kanyang ulo dulot ng matinding hang-over. Pabagsak siyang bumalik sa pagkakahiga upang sana pakalmahin
“Hm… I’m sorry, Elyssa. Pero ‘di ako papayag na matapos na sa atin ang lahat. I will make you mine no matter what. Now that my heart is thumping so loud in your sight, I will not give up on you.” Louie chuckles when he finds himself talking alone like crazy. Nakasunod ang tingin ni Louie sa nakasaradong pintuan na siyang nilabasan ni Elyssa, ang babaeng nakadikit na sa isip niya. Ilang segundo pa lang itong nawala sa paningin niya ay sabik na agad siyang makita itong muli. Ang mainit nitong labi ay nakaukit sa isip ni Louie. Pero hindi lang sa dahil masarap ang halik nito kaya siya nahumaling sa dalaga. There is something within that woman that captured Louie’s attention, but the problem is, he doesn’t know what it is. Maybe liking someone need no reason at all. You just need to let your heart and mind synchronized and pushed for that person. Bumangon mula sa pagkakahiga sa kama si Louie saka hinayaan ang katawan na walang ibang takip kundi boxers. Kinuha niya ang cellphone niyang na
Hindi na naman mapigilan ni Elyssa ang mapaluha nang marinig ang tugtog sa radyo. Sakto kasi ang tugtog sa tulad niyang sugatan ang puso. Art of letting go... Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang pumunta siya sa Baguio. Tatlong araw na rin ang tahimik niyang pag-iyak dahil sa pagkahiwalay nila ni Jevy. At tatlong araw na ring gulong-gulo ang isip dahil sa nakaw na halik ng isang estranghero na hindi niya alam kung bakit ay pumayag siyang halikan nito. And worst, ay kung bakit nagawa niyang matulog katabi ito sa iisang kama! He is a total stranger! Hindi rin mawala sa isip ni Elyssa kung may nangyari ba sa kanila ng lalaki o wala. Wala namang nagbago sa’kin, ahh? Ano ba’ng dapat na maramdaman ‘pag nagamit na? painosenteng tanong niya sa sarili at bahagyang napangiwi. Tama na Issay, tama na ang pagpantasya sa lalaking ‘di mo naman kilala! Saway niya sa sarili. Naguguluhan siya. Siguro dala lang ‘yon ng paghihiwalay namin ni Jevy, at dahil hungkag ang damdamin ko kaya ko nagawa ‘
Bahagyang napatawa si Elyssa nang marinig ang sinabi sa kanya ng kaharap. Napaawang ang labi niya at hindi kaagad makapagsalita dahil pinipigilan niyang humagalpak ng tawa. This is ridiculous! I can’t believe na hanggang dito ay sinusundan niya ako! "Boss, huh? Sino’ng niloloko mo!?" asik niya at tinabig ang kamay nito na nakahawak sa kanya. "Siguro stalker ka talaga ‘no? Sinusundan mo talaga ako kahit saan ako magpunta. Bakit may gusto ka ba sa'kin!?" Nang-aasar na tanong niya. How can this man claimed that he's the boss? Tumikwas ang kilay niya habang tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Parang siya ang boss habang kinikilatis ito. Nakita ni Elyssa ang pagtaas ng sulok ng labi ng taong kaharap habang matiim siyang tinitigan. Mangilan-ngilan na lang ang trabahante na kasabayan niya papasok dahil karamihan ay nasa loob na. ang maganda sa factory na pinapasukan ni Elyssa ay malaya sila sa oras ng pasok upang makapag-overtime. Hindi sila tinitipid ng kumpanya sa sahod nila. Saka lang
"Thank you so much, Marra. Malaking tulong itong ginagawa mo sa’kin." Nakangiting inabot ng ginang kay Marra ang isang makapal na sobre na naglalaman ng malaking halaga. Gumanti ng ngiti si Marra bilang pagsang-ayon sa kaharap. Nasa mansiyon siya ng ginang, na siyang ginagawa niya buwan-buwan upang tanggapin ang alawans niya bilang bayad sa pagbabantay niya kay Elyssa. Bilang kapalit ng impormasyon tungkol sa pinsan ay tinanggap ni Marra ang alok ng ginang, kahit pa noong una ay ayaw niya. Dahil alam niyang magagalit sa kanya si Elyssa kapag ginawa niya iyon. Pero mapilit ang ginang kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ang alok nito kahit labag iyon sa kalooban niya. Bagama’t nitong mga nakaraang buwan ay unti-unti na niyang tanggap itong sideline job niya. Natatakot siyang matuklasan ng pinsan ang ginagawa niya kaya’t hindi siya nag-o-online transaksiyon sa bangko. Marra will go at the mansion every month to receive the cash and to avoid the conflict her boyfriend will deposit it
Nangunot ang noo ni Elyssa nang makita na bahagyang natigilan ang pinsan dahil sa tanong niya. Tinangka niya itong hawakan ngunit nakabawi na ito. Bakas ang kalituhan sa mukha nito nang sumagot. "Ahh! Wala… I mean, siyempre gusto ko kasing tulungan ka. Kung kaya ko namang suportahan ang paborito kong pinsan, bakit hindi?” paliwanag nito at tipid na ngumiti. Lumabas ang dimple nito sa magkabilang pisngi na lalong nagpalabas ng angkin nitong ganda. Elyssa grinned before pinching her cousin’s cheeks. “Mana talaga ako sa’yo.” Aniya matapos itong kurutin sa pisngi. “Bakit?” "Kasi, pareho tayong maganda,” malawak ang ngiting biro niya. Tumayo siya upang magpaalam. “Sige, Cous. Magpapahinga na muna ako." Akmang iiiwanan niya ito ngunit kaagad na nahagip ng kamay nito ang braso niya. Nilingon niya ito. “May sasabihin ka pa ba?” “Issay… What if isang araw magpapakilala sa’yo ang mother mo? Will you not accept her? Paano pala kung may dahilan siya kung bakit niya kayo iniwan?” Biglang nag-i
It’s been a few days since Jevy last seen Elyssa and parted with her. Hindi alam ng binata kung paano at bakit nagkahiwalay sila ng kasintahan at bakit may iba na itong lalaki. Maayos ang pag-uusap at kontak nila sa isa’t-isa at wala itong dahilan para tapusin ang relasyon nila. Mahal na mahal niya pa rin ang kasintahan at hindi niya ito kayang kalimutan. Muling may bumikig sa lalamunan ni Jevy at nanikip ang dibdib niya dahil sa kirot na dulot ng paghihiwalay nila ni Elyssa. Naramdaman niya ang pag-init ng sulok ng mata at ang unti-unti pamamasa niyon na nauwi sa masaganang luha. Hindi umiiyak si Jevy sa tanang buhay niya pero dahil sa kasintahan ay hindi niya mapigilang magpakahina. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang ikot ng mundo niya at dumilim ang paligid at natakpan iyon ng madilim na ulap na kailanman ay hindi na muling mahahawi. It was all because of the woman who leave him without hesitation and proper explanation. Litong-lito si Jevy at kahit anong kalikot niya sa isip
Alanganin ang ngiting isinukli niya sa dalaga saka iniwas ang kamay dahil pilit nitong inaabot sa kanya ang bote ng alak. He doesn’t wat to drink with Julie. Hindi naman sa ayaw niya itong kasama, ang problema nga lang ay lasing na ito at baka kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Kaya hindi niya inabot ang alak na binibigay nito. "Julie, ano’ng ginagawa mo rito? Wala rito si John. Akala ko ba wala na kayo ng lalaking ‘yon?" tanong ni Jevy at idinistansiya ang katawan mula rito. John is Julie’s boyfriend eversince they started learning in PMA. Ka-boardmate niya at kaklase ang binata. Dahil magkababata sila ni Julie ay lagi itong bumubisita sa kanya sa boarding house niya kaya nakilala nito si John at kalaunan ay naging magkasintahan ang dalawa. Wala namang kontra si Jevy tungkol sa ginagawa ni Julie dahil hindi naman niya ito kayang pagsabihan. Napaka-spoilt brat ng dalaga at lalo lang nitong gagawin ang gusto kapag pinipigilan kaya hinayaan na ito ni Jevy. "Hmm.. John is a usel
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui