Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'