Mag-alas dos na nang hapon nang makarating kami ni Jackson sa Singapore. Si Stefan ang nasa isipan ko nang makalapag ang eroplano na sinasakyan namin sa Singapore. Kabado ako kahit na nakapaghanda na ako kung paano ko siya kakausapin. May update rin sa akin si Clara na nandito pa nga si Stefan kaya naman malakas ang loob ko na makakausap ko siya ngayon.Nag-late lunch kami ni Jackson, at nagpa-book din kami sa hotel. Separate kami ng room, pero magkatabi lang 'yon para mabilis lang kaming magkita. Hindi na rin ako nag-abala na magpahinga pa, dahil gustong-gusto ko nang makausap si Stefan.Ibinigay na rin sa akin ni Jackson ang address kung nasaan nagi-stay ngayon sila Stefan. Malapit lang 'yon sa Hotel kung nasaan kami, at walking distance lang. Nasa Hotel din naka-stay si Stefan kasama ang mga kapatid niya. "I'll just walk around here. Magkita na lang tayo mamaya sa hotel," sabi sa akin ni Jackson nang lumabas kami.Tumango naman ako sa kaniya, at ngumiti bago tuluyang naglakad paal
"W-What do you mean?" tanong ko habang nauutal, umiiling.Naalala ko ang kwento sa akin ni Stefan. Ang sabi niya ay may pumatay sa Daddy niya, at nakita niya kung paano ito namatay. His father was killed, at sigurado akong hindi magagawa ni Daddy ang bagay na ibinibintang nila."Tell him, Stefan! Para matapos na ang usapan na 'to. Nasasayang ang oras ko!" sabi ng Mommy niya.Napatingin ako kay Stefan, at kita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya, pero pilit niyang tinabunan 'yon nang galit. Napatango siya sa akin bago magsalita."It's true. Daddy mo ang pumatay sa Dad ko, at ikaw ang napili kong singilin dahil ikaw ang paborito niyang anak. Pinilit ko lang pumasok sa buhay mo para saktan ka. To get r-revenge," sabi niya pagkatapos ay nautal sa huling sinabi.Napailing ako, at mas lalong bumuhos ang mga luha ko roon. Hindi 'yon totoo. Alam ko, at naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal no'ng magkasama kaming dalawa."That's not true," sabi ko habang umiiling."H-Hindi magagawa n
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ko si Jackson sa tabi ko."Let's go," sabi niya sa akin pagkatapos ay inalalayan ako paalis doon.Para akong nakabalik sa sarili ko nang hilahin niya ako paalis doon. Mabilis kong pinalis ang mga luha ko, at napatakbo kasabay si Jackson.Pagdating namin sa Hotel ay ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Critical si Allison, at patay si Brent?! Iniisip ko kung paano sila naaksidente, at inaalala ko si Allison. I can't believe it! Hindi pa kami nagkakaroon nang matagal na bonding with Brent, tapos mawawala na lang siya sa isang iglap?Nagmadali kaming makauwi ni Jackson, at bumili kami ng panibagong plane ticket. Hindi na namin sinunod ang flight namin mamayang gabi, at laking pasasalamat ko nang makakuha kami ng flight na mas maaga. Stella also send me ng pictures ng aksidente ni Allison, at hindi mawala 'yon sa isip ko habang nasa buong byahe.Nang nakauwi kami sa Pilipinas ay agad akong hinatid ni Jackson sa hospital kung
Weeks have passed, at hindi pa rin nagigising si Allison. Nailibing na rin si Brent, at lahat kami ay nagpunta no'ng araw na 'yon. Nakiramay kaming lahat sa pamilya niya, at hiniling naman nila ang fast recovery ni Allison.Hindi ako nag-enroll for the first semester, dahil ako lang ang makakasama ni Mommy na alagaan si Allison habang comatose pa siya. Nawalan din akong gana na bumalik sa school, dahil halos karamihan ay galit sa akin. Mas pinili ko na lang bantayan si Allison, at wala namang naging problema kay Mommy.Ang hindi ko nga lang inaasahan na malaman na sa ilang linggo na lumipas ay nalaman kong buntis ako. At first, nagalit sa akin si Mommy at naiintindihan ko siya. Valid ang feelings niyang masaktan, at magalit sa akin dahil na-dissappoint ko siya.Wala na rin akong natanggap na kahit ano'ng update tungkol may Stefan. Ang tanging alam ko lang ay sa Canada na niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya. Ipapaalam ko sa kaniya na buntis ako, dahil 'yon ang advice ng mga kaibigan k
"Did she lose her memory forever or will it come back soon?" tanong ko sa doctor."Yes of course it will come back. We just don't know when. Some patients have their memory back after a few minutes, hours, and weeks. There are also patients who take months before the memory returns. So, in her case we'll observe her," sunod-sunod na paliwanag ng doctor sa akin.Napatango naman ako, dahil ang mahalaga ay gising na si Allison. Iyon ang mahalaga sa akin ngayon, ang makita siyang gising na at nakakapagsalita.Umalis ang doctor after muling i-check si Allison. Ang sabi nito sa akin ay subukan ko raw kausapin si Allison para makatulong na makaalala siya kaagad."I'm Eli, your sister. May isa pa tayong kapatid at papunta pa lang siya rito ngayon. Si Mommy naman ay nasa Pilipinas pa, dahil inaasikaso niya ang company natin," pagkukwento ko kay Allison.Nakatingin lang siya sa akin na para bang inaalala kung sino ako. Napangiti naman ako sa kaniya, dahil hindi niya kailangan pilitin na alalaha
Alam kong maraming nagbago sa kaniya. The way he talks, the way he acts, and the way he express his emotions. Walong buwan lang kami hindi nagkita, at sobrang daming bagay na nagbago sa kaniya.Walong buwan na rin ang lumipas at masakit pa rin pala sa akin ang lahat. I invest a lot for him, at nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na ang mga bagay na ipinakita niya sa akin noon ay hindi naman pala totoo. "Hindi kita pupuntahan dito kung wala akong kailangan sa'yo, Stefan." Sagot ko sa kaniya."Exactly. May kailangan ka nga kaya ka nandito. So, what is it?" tanong niya habang nakakunot pa rin ang noo, at bakas doon ang pagkairita.Humugot akong muli nang malalim na hininga, dahil kahit na kinakabahan ako ay hindi na ako pwedeng umatras pa."Nabuntis mo ako eight months ago and I gave birth yesterday. Next month pa sana ang due date ko, pero nabigla ang panganganak ko—"Hindi pa ako tapos magsalita ay agad na niya akong pinutol."What?! Nabuntis kita?! Paanong nangyari 'yon, Eli? Are yo
Gano'n na lang kabilis nangyari ang lahat. Bumalik ako sa America nang hindi kasama si Stefan. Umuwi ako nang luhaan, at talunan.I also tried to find another way. Hindi ako sumuko na maghanap ng donor para kay Margaret, pero nahirapan ako dahil sobrang rare ng blood type niya. Sobrang natagalan din ang paghahanap ko ng donors hanggang sa hindi na kinaya ng katawan niya. Sa isang iglap, nawalan ako ng anak.I lost her, and I always blame myself dahil hindi ako nakagawa ng paraan para iligtas siya. Hindi ko pa siya nakakasama nang matagal ay kinuha na agad siya sa akin. Wala pang dalawang buwan ay nawalan ako kaagad ng anak.Kasabay nang pagkawala ng anak ko ay siyang pagbalik ng alaala ni Allison. We're both suffer from depression. I lost my child, and almost lost my sanity. Ilang beses na rin akong nag-commit ng suicide, dahil hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman.Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko, at sobrang galit ako kay Stefan. Galit ako sa kanilang lahat, dahil hin
Nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve si Mommy ng dinner namin ay agad kong natanaw si Stella na kinakausap ang ibang mga waiter doon.Binati ako ng ibang mga staff doon habang nakasunod naman sa akin ang mga bodyguards ko. I don't really want to have bodyguards but my mother insisted. Ang sabi niya ay kailangan ko 'yon for my safety, dahil nag-alala siya sa akin noong dinumog ako ng mga journalist para magtanong ng mga kung ano-ano sa akin. Palapit pa lang ako sa table namin nang biglang may humarang sa akin na lalaki. Bahagya akong nagulat doon, pero nang makita ko kung sino ay nakahinga naman ako nang maluwag. Lumingo naman ako sa dalawa kong bodyguards na nasa likod ko pagkatapos ay sumenyas ako sa kanila na ayos na ako roon hanggang sa lumayo na sila sa akin."Doctor Santos!" bati ko sa kaibigan nang tuluyang makaalis ang mga bodyguards ko.Doctor Santos is from another hospital. Nagkakilala kami sa mga training noon, at isa siya sa mga lalaking nanligaw sa a
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo