"Thanks, Stefan. You are here to comfort me kahit hindi naman tayo ganoong ka-close," sabi ko sa kaniya gamit ang nahihiyang boses ko. Napatingin akong muli sa kaniya at nakita kong nakangiti lang siya sa akin habang nakatingin. "I know we're not that close but I'm considering you as my friend naman na kaya you don't have to thank me," sabi naman niya sa akin. "Sana gano'n ka rin sa akin," dagdag na sabi pa niya pagkatapos ay bahagya pang natawa. Napangisi naman ako at napatango sa kaniya bago muling magsalita. "Of course I'm considering you as my friend. Lalo na ngayon na seatmate tayo sa isang subject," sagot ko naman habang natatawa rin. Nagtawanan lang kaming dalawa roon hanggang sa inabot na niya sa akin ang iced coffee at burger na pina-order ko sa kaniya kanina. "In fact ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo, Eli," sabi niya. Nilingon ko naman siya habang nakakunot ang noo at hinihintay siyang magsalita muli. "Hindi ko kasi expected na sasama ka sa'kin. Ikaw na mismo na
Mas lalo naman siyang napangisi sa akin habang umiiling-iling bagp tuluyang sumagot sa akin."Wala. Tapos kana ba? Tara na kumain. Nakahanda na yung mga binili ko sa labas kanina," sabi niya pagkatapos ay kaagad nang tumayo roon.Napahugot na lang ako nang malalim na hininga pagkatapos ay napakibit ng balikat bago tuluyang sumunod sa kaniya sa kitchen. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang makitang sobrang dami ng pagkain na naroon. Wala naman kaming bisita pero parang pwede na sa fiesta ang mga pagkain na nasa lamesa niya."Ano 'to? Bakit ang dami? Tayong dalawa lang naman ang kakain ah?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga pagkain sa lamesa."Foods! Ang dami hindi ba? Kaya walang diet ngayong gabi," sabi niya sa akin gamit ang tuwang-tuwang boses kaya naman napairap na lang ako sa kaniya."Kaonti lang ang kakainin ko ngayon dahil binilhan ako ni Stefan-"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nadulas na ako! Halos manlaki naman ang mga mata ni Clara haba
"Hi," bati niya sa akin. Hindi ito nakangiti sa akin nang batiin niya ako kaya hindi ko alam ang totoong pakay niya sa akin pero nang makita ko ang school id niya ay ngumiti na lang ako sa kaniya dahil magka-schoolmate kaming dalawa. "Hello?" bati ko pabalik sa kaniya at nag-aalangan pa ako dahil hindi ko naman siya kilala. "Do you know me?" tanong niya sa akin gamit ang mayabang na boses kaya napakunot na ang noo ko pagkatapos ay napailing sa kaniya. "Nope. May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko naman sa kaniya. Nahugot naman siya ng malalim at napairap sa kawalan bago sumagot sa tanong ko. "Everyone know me at school tapos ikaw ay hindi mo ako kilala? How is that possible?" sarkastikong sabi niya kaya napailing na lang ako. I don't really know her. Sobrang laki ng university at hindi lahat ng taong naroon ay makikilala at makikita ko. Kung kilala siya ng iba, ako ay hindi ko siya kilala. And so what kung kilala siya ng marami sa school? Ano naman ang kailangan niya sa akin?
Iniwanan ko na sila roon at nagdiretsyo na ako papasok sa campus. Nang mai-park ko naman ang sasakyan ko ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa window ng sasakyan ko. Nakita ko namang si Stefan 'yon kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko alam na sinundan niya rin ako hanggang dito kaya naman pinagbuksan ko siya ng bintana."Why?" nagtatakhang tanong ko naman sa kaniya."Ipapahiram ko sana sa'yo 'to hanggang sa makapagpalit ka ng damit," sagot niya sa akin pagkatapos ay ipinakita sa akin ang black sweater na hawak niya.Puti ang suot kong damit ngayon at nakita kong marami na ring students ang nandito. Kilala ako ng karamihan kaya iniisip ko pa lang na naglalakad ako sa corridor nang marumi ang damit ay hiyang-hiya na ako. Ayaw ko sanang tanggapin 'yon pero kailangan ko."Are you sure?" tanong ko naman gamit ang nag-aalangan na boses."Yeah sure. Laging nasa car ko 'yan at malinis naman dahil hindi ko pa nagagamit," sagot naman niya sa akin pagkatapos ay muling inabot 'yon sa akin."T
"Ikaw na nga ang nagsabi na simula no'ng event ay tsaka kami naging close. Kailan lang naman ang event at wala pang tatlong linggo nakakalipas 'yon kaya bakit naman nila iisipin na kami na kaagad ni Stefan? My gosh!" patuloy ko naman sa paliwanag at para na rin ipagtanggol ko ang sarili. "Whatever, Eli. Basta kung saan kita makikitang masaya susuportahan kita," sabi naman ni Josiah gamit ang seryosong boses kaya hindi ko napigilan ang pagtawa. "Ano 'yan, Jos?! Oo na at payag na nga ako sa'yo para sa kapatid ko!" sabi ko naman habang natatawa pa rin. "Seriously, Eli. Pagkatapos lahat nang pinagdaanan mo sa past relationship mo ay gusto ko talaga na maging masaya kana," sagot naman niya sa akin pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Napatango at napakibit na lang ako ng balikat dahil kung ano-ano ang sinasabi nilang dalawa ni Clara. "Josiah is right, Eli. At kung ako naman sa'yo, sa lahat nang lalaking nagpapapansin sa'yo ay mas pipiliin ko si Stefan," dagdag na sabi naman ni Clara kay
"Oh lalaki pala siya. Pwede silang maging friends ni Molly!" excited na sabi ko naman dahil sa wakas ay hindi lang ako ang makakalaro ni Molly. "Nag-aalangan pa nga ako kanina kung isasama ko ba si Max dahil baka hindi ka mahilig sa dogs," sabi ni Stefan sa akin habang naglalakad na kami. "Ah no. Actually, mahilig talaga ako sa dogs. Matagal ko nang dream na makapag-alaga ng aso pero ayaw ni Mommy sa bahay kaya hindi ako makapag-alaga. Ngayon lang siya pumayag at siya pa mismo ang bumili kaya sobrang saya sa pakiramdam ko," sunod-sunod kong pagkukwento sa kaniya. "It's good to know na ayos na ulit kayo ng Mommy mo at hindi na kayo nagkakatampuhan," sabi naman siya sa akin. "Hindi naman maiiwasan ang tampuhan sa pamilya," sagot ko naman. "Maganda ang relationship ng family mo. Sana lahat gan'yan. Na kapag nagkatampuhan ay lilipas lang ang isang araw ay magkaayos na kaagad," sabi naman niya kaya kunot noo ko siyang binalingan. "Gan'yan din ba kayo ng family mo?" tanong ko naman sa
"Na-bestfriend zone ka pala, Josiah!" humagalpak nang tawa si Clara nang sabihin niya 'yon. "Soon to be boyfriend pa rin niya ako," matapang na sagot naman ni Josiah kaya hindi kami natigil sa tawanan doon. Natigil lang ang pang-aasar namin nang dumating ang ibang friends ni Ate at may dala-dala pa itong mga pagkain kahit na nag-order pa kami ng marami. "We saw Stefan here sa village. May bahay pala sila rito?" tanong ni Ate Faith pagkatapos ay tumingin pa sa akin kaya naman nag-iwas ako kaagad nang tingin. "Really? Hindi ko alam," sagot naman ni Ate. "Ikaw Eli, alam mo ba?" tanong pa niya sa akin. "Ah oo. Nabanggit nga sa akin ni Stefan last week na may bahay sila rito sa village niyo," sagot naman kaagad ni Josiah kaya naman nagkibit na lang ako ng balikat habang nilalaro si Molly sa kandungan ko. "Well that's good! Umalis ba siya? Invite rin natin siya rito, Eli!" excited na sabi naman ni Ate kaya halos kumalabog ang dibdib ko roon. "H-huh? 'Wag na at baka busy 'yon," sabi
"Aalis na ba tayo?" tanong sa akin ni Stefan.Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil hindi ba obvious na aalis na kami ngayon?"Yeah. Ayaw mo pa bang umalis?" tanong ko pakatapos ay bahagyang natawa.Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at kita ko naman ang pagpasada niya sa damit na suot ko. Bahagya namang napataas ang kilay ko at napatingin din doon. Maganda ang suot ko at comfortable naman ako rito kaya nagtatakha ako kung bakit gano'n na lang siya makatingin doon. Bigla tuloy akong na-concious dahil baka may mali sa suot ko."What's wrong? Tara na nga!" pag-aaya ko sa kaniya.Hinila ko na siya paalis doon dahil hindi kami makakaalis kung magtititigan lang kaming dalawa roon. Hindi ko talaga alam kung bakit gano'n na lang ang tingin niya sa suot kong damit.Dumiretsyo ako sa garahe namin at agad kong binusina ang kotse. Pagbukas ko ng pinto para pumasok na roon nang maramdaman ko si Stefan na nasa likod ko kaya halos mapatalon ako sa gulat."Oh my gosh! You startled me!" pagr
"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo? Pwede ko naman ipaliwanag kay Yasmin na hindi ka pwede ngayon," sabi ni Stefan habang naglalakad kami papunta sa hospital room ni Yasmin.Napailing ako, at bahagyang napangisi dahil paniwalang-paniwala talaga siya na boyfriend ko nga si Lance."Wala namang dapat ikagalit. Don't mind about it, Stefan. It's okay. I assure you," sabi ko sa kaniya, at nginitian siya.Napabuntong hininga naman siya, at napailing sa akin na para bang hindi ko siyang makumbinsi na ayos lang talaga 'yon para sa akin."Ayaw ko lang mag-away kayo dahil dito," sagot niya nang tuluyan kaming nakapasok sa room ni Yasmin.Kita ko ang kunot noo na itsura ni Yasmin nang mapatingin siya sa amin kaya naman nginitian ko siya, dahil mukhang narinig niya ang huling sinabi ni Stefan."Magalit? Sino ang magagalit? Pinalalayo ka na ba ng Mommy mo sa amin, Doc?" sunod-sunod na tanong ni Yasmin.Mabilis naman akong napailing sa kaniya, at napatingin kay Stefan na inunahan ako sa paglakad.
"Come on, Eli. Tell me the truth. Hindi naman ako magagalit kung nagkabalikan na kayo ulit ni Stefan," pangungulit sa akin ni Josiah.Napabuntong hininga ako, at tinaasan siya ng kilay. Kanina ko pa sinabi sa kaniya na hindi naman kami nagkabalikan ni Stefan, pero ayaw niyang maniwala roon. "Stop it, Jos. Nag-usap lang kaming dalawa," sagot ko sa kaniya.Naglalakad kami ngayon papunta sa isang restaurant malapit sa hospital. As usual ay kahit na nasa labas ako ay alam kong may nakasunod na bodyguards sa akin. Dinner time na rin kasi kaya naisipan naming sa labas na lang kumain dahil may duty kami magdamag."Nag-usap? You said that you already talked. Ilang beses ko na rin kayong nakikitang nag-uusap kaya hindi mo maidadahilan ang salitang 'yan sa akin," sunod-sunod na sabi niya na para bang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko.Muli akong napailing dahil hindi ko alam kung paano ko ba siya makukumbinsi na nag-usap lang talaga kami ni Stefan kanina."Kung ayaw mong maniwala sa'
After kong manggaling sa presinto ay dumiretsyo ako sa Hospital. Sinalubong naman ako kaagad ni Josiah para kumustahin ako."Nabanggit sa akin ni Stella na galing daw kayo sa presinto. Kumusta? Nakausap niyo ba ang kakambal ng Dad niyo?" tanong agad sa akin ni Josiah.Tumango ako at napabuntong hininga."Yup. Naipakilala ko na rin sila kay Tito Adler, and we still get to know him," sagot ko naman.Napatango naman sa akin si Josiah bago niya ayusin ang laboratory coat niya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay nabalingin ang tingin niya sa likuran ko kaya napakunot ang noo ko, at napatingin doon.Nakita ko si Stefan na palapit sa amin kaya naman napabuntong hininga ako."I'll just check some of my patients. Pupuntahan na lang kita mamaya sa office mo," sabi ni Josiah pagkatapos ay agad na umalis doon.Sandali akong nataranta dahil hindi ko expected na aalis siya roon agad, pero ikinalma ko ang sarili ko."Doc Eli," tawag sa akin ni Stefan.Nanatili ang tingin ko sa kaniya, at kita ko
"How can you not know about that, Mom?!" tanong ni Allison."My gosh! Kung hindi nagpakilala 'yon ay baka naniwala na akong si Dad 'yon!" sunod-sunod na sabi naman ni Stella."How can I know about that? Walang nabanggit sa akin ang Daddy niyo na may kakambal siya!" sagot ni Mommy pagkatapos ay napa-upo sa sofa. Nasa bahay kami ngayon, dahil matapos lumabas ang statement ni Tito Adler sa balita ay tinawagan kami ni Mommy para umuwi. Akala ko ay hindi nila 'yon mapapanood kaagad dahil busy sila sa mga trabaho nila, pero nagulat na lang ako nang napanood pala nila 'yon kaagad."He looks like Dad. Bigla ko tuloy na-miss si Daddy," sabi ni Ate gamit ang malungkot na boses.Naalala ko ang gabi na nagpakita sa akin si Tito Adler, at sobra rin akong nalungkot dahil akala ko ay Dad ang nasa harapan, pero hindi pala. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Allison dahil naramdaman ko na rin 'yon."So what's your plan, Mom? Don't tell me we're not gonna help him, huh?" tanong ni Stella.Napaangat
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas hanggang sa tuluyang kumalma si mommy, pero bakas pa rin ang galit sa mga mata niya."G-Gusto ko lang naman tulungan ang bata, but it doesn't mean na babalik akong muli kay Stefan," paliwanag ko sa kanila.Kahit si Stella ay ayaw sumang-ayon na ampunin ko si Elias, dahil hindi ko naman daw obligasyon 'yon. Isa pa ay matindi talaga ang galit nila kay Stefan kahit na sinabi ko na sa kanila na matagal ko na itong napatawad."How can you so sure about that? Sigurado ako na gagamitin ka na naman ng lalaking 'yon!" inis na sabi ni Stella."Mukhang balak mo yatang magpaloko na lang habang buhay, Eliana. Hay! Hindi ko na alam kung ako pa ba ang dapat kong sabihin. Nasa tamang edad ka na kaya bahala ka!" patuloy na pagsermon sa akin ni Mommy.Napabuntong hininga akong muli dahil hindi ko sila maintindihan kung bakit nasa isip nila ang pakikipagbalikan ko kay Stefan kahit na kailanman ay hindi sumagi sa isip ko 'yon."I just want to help the baby, per
After kong maibalik si Yasmin sa room niya ay pinagpahinga ko na siya. Naroon pa rin si Stefan at si Elias ay tulog sa maliit na crib."Thank you, Doc. Kumusta siya?" tanong sa akin ni Stefan.Nakatulog kaagad si Yasmin, dahil mabilis mapagod ang katawan niya. Si Stefan naman ay itinigil ang ginagawa niya para lumapit sa akin, at magpasalamat."She was fine, at nakapag-usap na rin kaming dalawa. She just mentioned something to me earlier," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya na para bang alam na niya kung tungkol saan 'yon."A-About what?" nauutal na tanong niya.Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya, at tinignan ko si Yasmin na tulog sa bed niya na para bang pagod na pagod."She doesn't want to take the surgery." Sagot ko.I feel so sorry for her, dahil kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niya ay wala naman akong ibang magawa."Yes, she already told me about that. Hindi ako pumapayag sa gusto niya kahit na naubos na ang funds n
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo