Buong maghapon akong parang balisa dahil sa sinabi ni Azul about business trip niya. Naging mapagduda na ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa amin sa nakaraan plus factor na na buntis din ako kaya siguro ganito na ako ngayon. Isa pa itong pagbubuntis ko alam ko na maaari akong mabuko ng lalaki na ito anytime at natatakot ako para sa anak ko. Pasimple nga lang ako tumatakas para makabalik sa clinic nauna ko na pinagpa-check-up-an. Nakakapagtaka lang iba na ang doktor ko at ang nasa front desk pero same naman pa rin ang treatment nila sa akin. Tsaka everytime na check up ko sa kanila parang wala akong kasabay dahil una ako lagi tapos kapag tapos naman na ako wala pa ring pasyente. Maaga na lang akong nagluto ng hapunan para naman ma divert ang utak ko sa mas makabuluhan na bagay. Halos matatapos na ako ng biglang may yumakap sa akin. I know syempre kung sino ito dahil lagi niya itong ginagawa sa akin bago niya ako pupugin ng halik. Mukhang mas maaga siyang umuwi ngayon. " Bakit ang a
MariemarMabilis na lumipas ang mga araw, sa akin na nasa loob lang ako ng unit ni Azul, halos ito na rin ang araw ng uwii ni Azul. May mga messages siya sakin na marami nung nakaraang mga araw pero tipid ko lang na sinasagot ang mga ‘yun. I still want his explanation kung ano man ang mga ‘yun. Makikinig ako para naman malinawan din ako . He already texted me na nasa airport na siya. Siguro magpapagabi muna ang lalaki bago umuwi ang lapit lang naman ng palawan baka mahalata ko siya kahit pa nga alam ko na.Hindi ko na inabala ang sarili ko na maghanda at mag ayos para sa pagdating niya. Wala namang magbabago dahil hindi pa rin ako ang babae na mahal at gusto niya. Naging antukin na ko lalo ngayon pero hirap pa rin akong kumain parang wala akong matipuhan na lasa ng pagkain. Naupo upo lang ako sa sofa para sana doon na mag abang sa pag-uwi ng lalaki ng wala sa loob ko na nakatulog na ako. Nagising ako na parang may humahaplos sa aking pisngi. Nang imulat ko aking mata malungkot na muk
Dahil weekend ngayon ay medyo maluwag ang ibang kalsada na dinadaanan ng bus na nasakyan ko. Kumain ako habang nasa biyahe dahil dama ko na ang gutom. Mag alas onse na rin kasi ng mga oras na ito. After ng unang text ni Azul ay nasundan pa 'yun ng isa na ang laman ay oras ng dapat pagpunta ko sa Restobar na dating workplace ko tuwing na sideline ako. Sa taas kasi ng restobar ay may place na pwedeng pagdausan ng mga pribadong celebration kaso ay hindi sila open sa gabi tuwing morning lang pwede, dahil sa gabi ay maingay at buhay na buhay ang restobar.Sa parte ng cubao ako bababa mamaya kaya sasakay pa ako ulit para makapunta sa restobar. Lunch time kasi ang sabi sa akin sa text ni Azul, nagreply naman ako sa kanya pero hindi na siya nagreply ulit sa akin. Pakiramdam ko isang surprisa ang nakaabang sa akin sa lugar na iyon. Malakas ang kabog ng dibdib ko pero pilit kong iniisip na positibo ang magaganap mamaya sa lugar. Dahil sa mahaba pa naman ang biyahe ay umidlip na muna ako. Nagis
Nagtuloy na agad kami sa Cavite pagkaalis na alis namin sa restobar. Cavite ang naging probinsya ko sa mga nagdaan na taon ng buhay ko pero ang totoo pala na hometown ko ay sa Bicol talaga. Sasadyain namin ang lugar namin sa Cavite para kamustahin ko si Tatay at Paula. Aaminin ko na nawala na ang daily kamustahan namin magmula ng nagkaroon kami ng hindi magandang ganap ni Azul. Matagal tagal na rin pala na hindi ko sila na update sa buhay ko. Gusto ko rin na malaman nila na finally nahanap na ako ng tunay kong pamilya. Wala namang magbabago sa amin dahil mananatili pa rin ang relasyon namin bilang pamilya at ang kagandahan lang ay may entension pa nga.Buong biyahe namin ay panay ang tanong ni Mama Marikit sa aking kung okay lang daw ba ako? maayos lang daw ba ako pati ang baby ko? She also ask me if alam ba ni Azul na buntis na ako. Malungkot na umling lang ako dahil nalulungkot ako para sa baby ko dahil hindi niya makikilala ng personal ang kanyang ama." Don't worry bunso, nandito
Wala ng sinayang na oras ang aking mga magulang upang makauwi kami agad sa bicol. Kinumbinsi din ni Mama Marikit at Papa Zandro si Tatay at si Paula na sumama sa amin sa Bicol. Sa una ay ayaw pa nga ni Tatay at Paula dahil nahihiya sila sa pamilya ko. But my family insisted, na sumama na sila samin sa bicol. Akala ko ay aalis ako nang malungkot na hindi sila sasama. But at the end of the day, naman pala ay sasama din sila kaya sama-sama kami sa na umuwi sa probinsya namin sa Bicol kasama ang pamilya ko at pamilyang kinalakihan ko. Hindi ko naman kasi kayang iwan o itapon ang pamilya na halos buong buhay ko na kasama. Kahit hindi maganda ang naging simula at gitna ng pagsasama namin ng pamilyang kumupkop sa akin, ang mahalaga ay mahal ko pa rin sila. At sa dulo naman ay maayos na kami at mananatiling sama sama pa rin kahit anong mangyari so.So far nakakalaya na ako ng unti-unti sa nararamdaman na sakit dulot ng taong minahal ko ng lubusan. Iniisip ko na gumanti sa kanila pero ng mai
AzulHindi ko alam kung anong gagawin ko nang nagkagulo noong araw ng engagement party namin ni Erra. Hindi ko Inaasahan na aabot sa ganun ang lahat. Ang akala ko kasi ay mananatili sa resort si Mariemar at hihintayin niya lang na bumalik ako. Ganun naman ang inutos ko sa staff na nakausap ko. Kaya nga gulat na gulat ako ng dumating siya sa engagement party namin ni Erra. God knows, na hindi ko talaga intention nasaktan siya! Hindi ko alam kung may sumabutahe ba sa aking mga plano. Oo, may mga plano ako para ayusin ang lahat. Ang kaso na paaga ang uwi ni Erra at pinuntahan ako sa resort ng madaling araw. May tumimbre naman sa akin na dumating nga si Erra at doon na rin ako nagbilin na sabihin kay Mariemar na hintayin ako na makabalik. Kung paano nalaman ni Erra na naroon kami ay hindi ko alam. Hindi ko akalain na ganito na siya ngayon. Mukhang maling maling nga talaga ang babae na minahal ko noon. She's willing to do everything for money and Fame. Mukhang na underestimate ko ang kaka
AzulHINDI ko malaman ang aking gagawin dahil nasa punto na ako ng buhay ko na parang sa pawala na ang punta ko dahil nawawala na ang direksyon ito. Si Mariemar na ang naging compass ko kaya ng mawala siya wala na rin ako sa tamang direksyon. And seeing this woman inside my car, parang may demonyo na nagsasabi sa akin ng mga dapat mangyari at gawin. She just continue talking na parang okay ang lahat sa pagitan namin. She's telling me about our wedding. Damn that wedding! Kung ano ba ang mga dapat gawin o mangyari sa aming kasal, kung saan dapat ang honeymoon,at kung paano ako o ang pamilya ko dapat siya pakisamahan ng naaayon sa kanyang kagustuhan. Sinong tanga pa ang magpapakasal sa kagaya niyang babae? Definitely wala! And That wedding is never gonna happen! She's insane! Maybe I am too. Siguro nga eh, nasisiraan na rin ako. I keep imagining how happy families are together. Naririnig ko muli ang mga tawa ni Mariemar at pati rin sana ng magiging aking anak. Ganun pala ang karma sa k
" Oh, bunso bakit? Na paano ka?!" Narinig ko na tanong ng humahangos at puno ng pag-aalala na si Kuya Janus. Hindi ko akalain na mahuhulog o dudulas sa kamay ko ang baso. Hindi naman basa ang kamay ko. Pero ng mahulog ang baso isang larawan ng tao ang nakita ko na nakangiti. Ngunit ang ngiti niya na ‘yun dala ay kakaibang takot, kaba, lungkot at pag-aalala. “ Hey! What happened? May masakit ba sayo bunso? Damn it! Wala pa naman si Mama at Papa!” Tuloy-tuloy na sabi ni Kuya. Oo’ naririnig ko siya pero ang utak ko kinakain na ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko nga namalayan na naiyak na ako at naginginig na dahil sa naramdaman ko na kakaiba. “ Azul!” Hiyaw ko sa utak ko na mas nagpakaba sa akin ng sobra.“ Marie, please answer me! Anong masakit?” Muling sabi ni Kuya na sinamahan naniya ng yakap sa akin na siyang mas nagpabalong ng mga luha ko. Hindi ko rin alam kung para saan ang mga luha ko na ito. Pero ang takot hindi na nilubayan pa ang loob ko. Parang ramdam ko na may mali at nangya
Halo-halong kaba, tensyon at excitement ang aking nararamdaman. Ito na 'yung araw na matutupad ko na ang mga pangako ko sa babaeng mahal ko. Kagabi hindi na halos ako nakatulog mula ng sunduin ko siya mula sa kalokohan na bridal shower ni Nanay at mga Ninang. Mukhang sila lang naman ang nag-benifits ng ginawa nila na pakulo. Nababago lang ang usad ng panahon but their bubbliness and playful schemes never changed. Oo hindi nagbago para mabawasan kundi mas nadagdagan pa. The original plan ay kina Ninong Isko kami magmumula pero dahil na nangyari kagabi ay na iba na. Sa bahay na ni Nanay at Tatay ako tumuloy pagkatapos ko ihatid si Mariemar sa bahay namin. Si Kuya Nuke na ang nagdala ng damit ko na susuotin sa importanteng araw na ito. I can't hide my overflowing happiness right now. " Congratulations! Noon pa alam ko na siya na talaga ang para sayo!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig na may nagsalita. Si Dragen 'yun mula ng mangyari ang gulo noon sa amin ay hindi niya na ako kin
Noong sabihin ni na Ninang Romary na kailangan ng bridal shower ay kinabahan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganun sana dahil alam ko ang kalakaran nila. Pero wala naman akong nagawa dahil sa lahat ng tulong, pag-alalay, pagmamalasakit at pagmamahal nila sa amin ay hindi ko yata maatim na mahindian ko pa sila. Dahil pumayag ako magaganap ang bridal shower sa bisperas ng aming wedding. In 2 week time na lang naman ikakasal na kami ni Azul, hindi na ako nagulat o nabibilisan sa totoo lang. Dahil ang totoo ay naiinip nga ako. Gusto ko na nga na agad-agad na. Okay lang naman kasi talaga sa akin kahit simple lang ang lahat sa kasal namin ni Azul. Dahil para sa akin ang tunay na mahalaga naman ay lahat sila kasama namin sa importante na araw para sa amin ni Azul. Gusto ko kasama ko sila sa araw na haharap kami sa panginoon at mangangako na magiging magkatuwang sa hirap o sarap. Sabi ko kay Azul pwede rin silang mag stag party pero mariin niyang inilingan at tinutulan 'yun. Ayaw na daw ni
Almost 30 minutes lang na naghanda kami ng mga gamit ni Mhina at good to go na sila ni Mama Marikit. Hindi na sila nagtagal pero bago tuluyang umalis si Mama Marikit ay nag-iwan ito ng mga salita na tumagos sa puso ko. Dahil sa kabila ng ginawa ko o nagawa ko sa anak nila ay ganitong tiwala at pagtanggap pa rin ang nakuha ko mula sa kanila." Azul, anak! Salamat ha! Salamat sa mga panahon na iparanas mo sa anak ko ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noon. Azul sa totoo lang nasaktan ako ng malaman ko ang mga dinaanan ng bunso kong anak. Sobrang sakit sa akin lalot may pagkukulang din kami. Ngunit sa totoo lang bay hindi ko na kailanman mababago pa ang nakaraan kaya babawi kami sa kanya at sa inyo ngayon. Salamat na dahil sayo nalaman ng anak ko na may halaga siya at karapat dapat din siyang mahalin at alagaan. Noon iniisip ko na kalimutan ang lahat dahil sa ginawa mo sa kanya, 'yun bang tablahin kayo pero ng malaman ko ang dahilan mo— ay na kumpirma ko lang na mahal na mahal mo lang
Azul..HINDI naging madali ang mga lumipas na araw, linggo at buwan magmula ng nanggaling kami sa kulungan at nakausap si Erra. Napaisip din ako na all along biktima rin siya at tama si Marie na dapat namin siyang tulungan at bigyan ng second chance, lalo't may naghihintay rin sa kanya. Tsaka ilang buwan naman siya na nagdusa sa loob ng bilangguan. We made a fair decision in that matter. Pero nang simulan namin na ibahagi sa aming mga magulang ay talagang nahirapan kami, na ipaunawa sa kanila. Bilang bagong panganak palang si Marie noon ay na stress siya na feeling niya kasi hindi siya nauunawaan ng parents namin. Alam ko naman na kabutihan at safety namin ang lubos na inaalala nila kaya ayaw nilang basta pagbigyan ang hiling namin. Naging tahimik si Marie dahil doon kaya naman naging worried ako sa kanya o sa pinagdadaanan niya.Lagi ko siyang kinakausap at ang pag-uusap na 'yun ay palaging nauuwi sa pag-iyak niya dahil sa awa kay Erra. Napakalambot ng puso niya para sa lahat.Napaka
Ang bilis na nagbago ang pangyayari o kaganapan sa buhay namin ni Mhina ng magising si Azul. Parang biglang nagkaroon ng mas makulay na buhay ang buhay naming mag Ina at para bang biglang dumami na rin ang mga tao na tunay na nagmamahal sa amin. Ilang araw pa kaming nanatili sa hospital upang masiguro na ligtas na si Azul sa kahit na anong komplikasyon. Maging ako man ay siniguro nila na hindi nagkaroon ng binat sa panganganak dahil sa mga stress at reyalisasyon na sumambulat sa akin.Naging magaan naman ang mga araw na lumipas sa akin dahil maraming nag boluntaryo na mag alaga kay Mhina. Ang baby Mhina namin parang instant celebrity dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga Mommy La , Mama la, Papa Lo at Daddy Lo niyo. Grabe ang giliw nila kay Mhina kaya happy na happy din ako. Dahil alam ko na never matutulad si Mhina sa pagiging malungkot ko na bata noon. Kung ano man ako noon ay ang laking bagay o parte niya ngayon sa akin kung ano at sino ako bilang tao. Sa loob ng ilang ara
MariemarNaalimpungatan ako na parang may nakatitig sa aking mukha at may tila banayad rin na humahaplos ng aking pisngi at labi. Para ngang hagya na lang na dumapo ang kanyang kamay o daliri sa mukha ko dahil parang iniiwasan din ng kung sino na maistorbo ako sa aking pagpapahinga. Hanggang sa may lumapat na sa labi ko na isang malambot na labi rin. Labi na pamilyar sa akin at pinanabikan ko na muling matikman at malasap. Napadilat ako nga aking mga mata at ganun na lang ang gulat ko dahil si Azul ang bumungad sa akin. Isang gwapo at nakangiting Azul na kay tagal kong inasam na masulyapan muli ang mukha. Halos maiyak pa ako ng biglang nagsalimbayan sa utak ko ang naganap na komosyon kanina sa aming dalawa kasama ang mga taong mahal namin at nagmamahal din sa amin. Nang magising kasi si Azul kanina ay ang daming naging rebelasyon na sumambulat sa amin. Kay hiwaga talaga ng buhay ng tao. Hinaplos ng huli muli ang aking mukha upang alisin ang mga takas na buhok at maging ang aking mga l
Continuation. “ Holiday ngayon anak kaya maluwag ang kalsada kaya medyo mabilis tayo.” Biglang sabi ni Papa kaya agad ko naman naunawaan kung bakit parang malapit na agad kami. Tahimik naman si Mhina habang karga ng kanyang Mama La. Ako naman ay biglang nakaramdam ng kakaibang saya at excitement na makita ang mga taong hindi ko nakita ng halos 7 months..Halos dalawang oras pa ang mabilis na lumipas, at nasa Manila na kami. Hindi kami malimit mag stop over dahil may baon kami na mga pagkain at may cr rin ang personal van na gamit namin. Tingin ko ay sa Cristobal Hospital kami pupunta, naroon kasi ang mga mahuhusay na doctor. Hindi ko mawari ang sarili ko pero parang umuurong ang pwet ko, para bang ayoko na makita si Azul sa ganun na estado. Tumunog ang cp ko. Bago ito bigay ni Kuya Ja sa akin. Tumunog pala ito para sa isang message na galing kay Paula.Paula:Nasa loob na kami Ate ng hospital.. Kayo ba? Kamusta na ang baby Mhina natin? Hindi ba siya umiiyak o umiyak sa biyahe?Basa
MariemarNang araw na malaman ko ang lahat tungkol sa mga nangyari sa loob ng halos 7 months na nagdaan ay parang hindi na ako mapalagay. Alam ko na makakasama ‘yun sa akin dahil baka mabinat pa ako pero hindi na talaga mawaglit sa isip ko ang kung ano ba talaga na ang tunay na lagay ni Azul sa ngayon. Syempre ang iba na mga detalye ay posibleng na nilaktawan na ni Mama para hindi ako ganun masyado mabahala. Habang magulo naman ang isip ko si Mhina naman ay parang nakikisama na mawisyong bata. Iingit lang ito kapag gutom na or basa na ang suot na diaper. Kaya naman naihandle ko ang sarili ko. Hindi na rin naman ako nanghihina pero kahit ganun parang ang utak ko naman ang napapagod sa kakaisip ng kung ano-ano. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabantay kay Mhina habang tulog siya habang ako naman ay nakahiga rin sa hospital bed. Pinilit ko na ipikit ang mata ko hanggang sa tangayin na rin nga ako ng antok. Naalimpungatan lang ako na parang may naglalaro kay Mhina at na bungaran ko ang ak
MariemarParang nasa kung saan ako na punta na malayong lugar. Pakiwari ko ay narating ko ang isang napaka-payapa at ganda na paraiso. Sa paraiso na ito, ay pihado na mai-ingganyo ka na manatili dito at piliin na huwag ng bumalik sa kung saan ka tunay na nanggaling o kabahagi na lugar. Ang bango rin ng lugar na ito para bang inanod ng hangin sa lugar ang mga isipin ko ng mga oras na ito. Pakiramdam ko malaya ako sa kahit na anong sakit, problema at alalahanin sa buhay sa lugar na ito.Habang nagtatagal ako sa lugar para bang may mga nakalimutan ako na sobrang importante na bagay o alaala na kahit pilit ko man ns sariwain sa utak ko ay hindi ko magawa. Nilabang ko na lang ang sarili ko at hinayaan na ang kung ano man ang nakalimutan ko. Hanggang sa may tinig na waring nagmamadali na kunin ang atensyon ko.“ Marie….Marie… Anak nandyan ka ba? Anak ako ito? Nasaan ka?” Sunod-sunod na tawag sa akin ng pamilyar na boses. Ilang taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang boses at paraan kun