Chapter SevenDAHIL sanay si Rana na magising ng maaga dahil 'yun na din anh body clock niya, ay maaga siyang nagising upang umpisahan ang pagme-memorize niya sa bawat sulok ng bahay nina Beelzebub upang hindi siya mahirapan. Ganun ang ginawa niya sa bahay ng tiya niya kaya kahit bulag siya ay nakakagawa siya sa bahay ng mga ito.Akmang ibaba ni Rana ang mga paa niya ay bahagyang kumunot ang noo niya nang mapagtanto niyang hindi na siya sa sofa nakahiga. Kinapa-kapa ni Rana ang hinigaan niya na ikinapagtaka niya kung bakit nasa kama na siya at wala sa sofa na sa pagkakatanda niya ay doon siya natulog."Anong ginagawa ko dito? Kaninong kama 'to?" naguguluhang tanong ni Rana na dahan-dahan na niyang ikinaalis sa kama.Hinanap ni Rana ang pader upang maging suporta niya, ng makapa niya na ito ay pader ang ginamit niya para mahanap ang pintuan, na agad din namang nahanap ng kamay ni Rana.Nang mabuksan niya na ang pintuan ay pakapa-kapa siyang lumabas, nag-ingat siya sa paghakbang niya da
PABAGSAK na umupo si Beelzebub matapos niyang magawa lahat ng linisin sa kabuuan ng bahay, na napapamura nalang siya dahil sa dami niyang ginawa. Hindi naman nakakaramdam ng pagod ang mga demonyong tulad niya, hindi lang sanay si Beelzebub sa gawain ng mga tao, lalo na at sa kanilang mundo siya ang pinagsisilbihan."Ito na ang huling gagawin ko 'to, hindi na ito mauulit, naiintindihan mo ba tao?" baling na sermon ni Beelzebub kay Rana na hindi parin umaalis sa pwesto nito simula ng iupo siya ni Beelzebub at sinabihang huwag tatayo o aalis sa kinauupuan niya."Dapat kasi Beel hinayaan mo nalang ako na maglinis, kakayanin ko naman eh." ani ni Rana na poker face na ikinatitig ni Beelzebub sa kaniya."Sa tingin mo may matatapos ka kung palagi kang nadadapa o nauuntog? Tsaka, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mo kong tatawagin sa ibang pangalan."sitang sermon at reklamo ni Beelzebub." Hindi naman maiiwasan ang mga pagkakadapa at umpog ko dito sa bahay niyo dahil naninibago pa ako
Chapter NineKINAHAPUNAN ay nakabalik na sina Belial at Endemion sa bahay nila na may pagtataka kung bakit may itim na abo silang nadatnan sa may malapit sa pintuan, nadatnan din nila si Beelzebub na prenteng nakaupo habang naglalaro ng itim nitong apoy, na ikinalapit nina Endemion sa kaniya."Nakabalik na po kami kamahalan."pagbibigay alam ni Belial kay Beelzebub na lumingon sa kanilang dalawa ni Endemion."Nakikita ko, Belial, kamusta ang paghahanap kay Ahriman?""Sa tingin namin kamahalan, wala siya sa lugar na 'to. Hindi ko siya maamoy kaya hindi po namin nalaman kung nasaan siya."balita ni Belial na ikinaalis na ng itim na apoy sa kamay ni Beelzebub."It's either nagtatago siya sa katawan ng isang tao para mahirapan siyang mahanap, o Belial must be right, wala sa bayan na 'to si Ahriman."ani ni Endemion na ikinakunot ng noo ni Beelzebub sa kaniya."At kailan ka pa natuto ng ganiyang lenggwahe ng mga tao, Endemion?"Kanina lang, ang kanilang lenggwahe ay nakakahanga kung gagamitin
KINAGABIHAN ay nagsimula ng maghanap sina Beelzebub mula sa himpapawid kasama si Belial, nakalabas ang maitim at malagong pakpak ni Beelzebub habang nakatayo sa ere at naka cross arms habang nasa tabi niya si Belial na nasa natural na anyo nito. Iniikot ni Beelzebub ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bayan upang maghanap ng pinaka masamang tao na pwedeng pinamamahayan ni Ahriman kaya nakakapagtago ito sa kanila. Kakaalis lang nila sa bahay at naiwan doon sina Endemion at Rana, pinili ni Beelzebub na pumwesto sa gitnang bahagi ng bayan upang matingnan niya ang kabuuan ng bayan na hindi naman ganun kalaki at hindi ganun kaliit."Ang mundo ng mga tao ay may apat na direksyon, ang hilaga, kanluran, timog at silangan. Ngayon, saan tayo magsisimulang maghanap ng taong kasunog-sunog ang kaluluwa dahil sa kasamaan meron siya."saad ni Beelzebub bawat direksyon na kaniyang binanggit ay tinitingnan niya."Kamahalan, kung hindi natin makita si Ahriman sa lugar na 'to...""Kailangan nating lumipat
Chapter ElevenPAGSAPIT ng madaling araw ay naghahanda na sina Beelzebub sa pag-alis nila sa bayan na wala silang napala dahil wala doon ang kailangan nilang maibalik sa demon realm, pagbalik nina Beelzebub kagabi matapos nitong makaharap ang isang ghoul na nagsabi sa kaniya na wala ang hinahanap nila sa bayan na kinalalagyan nila ay siya namang pag-alis ni Endemion ng gabing ‘yun para maghanap ng bagong bayan na pupuntahan nila para sa paghahanap kay Ahriman.Malayo ang bayan na nahanap ni Endemion at may nakuha na din itong bahay na matutuluyan nila sa pagpunta nila doon, ngayon ay kailangan na nilang upang walang mga taong makakita sa kanila.“Pwede na tayong umalis, Beelzebub.”pagbibigay alam ni Endemion kay Beelzebub na binalingan ang tingin ng kwarto kung nasaan si Rana.“Alam ba ng taong ‘yun na aalis na tayo?”saad ni Beelzebub.“Hindi ko sinabi sa kaniya, mas mabuting iwan natin siya dito, kamahalan.”saad ni Endemion na ikinabaling ng tingin ni Beelzebub sa kaniya.“Hindi ba a
Chapter TwelveBeelzebub’s First LoveDAHAN-DAHANG iminulat ni Rana ang kaniyang mga mata at dahan-dahang umupo sa kama na kaniyang hinihigaan, agad na kalungkutan ang bumalot sa puso ni Rana sa isipin na siya nalang ang mag-isa ang nakatira sa bahay nina Beelzebub. Alam niyang wala na sina Beelzebub dahil nakaplano na ang paglipat ng tatlo niyang kasama sa ibang bayan dahil wala sa bayan nila ang hinahanap ng mga ito.Nalulungkot si Rana dahil sa ilang araw na kasama niya sina Endemion ay mabilis siyang napalapit sa mga ito, at mas nalulungkot siya dahil hindi niya na maririnig ang boses ni Beelzebub na gustong-gusto niyang marinig ang tinig nito kahit lagi siyang sinusungitan ni Beelzebub. Kahit nalaman niyang demonyo ang mga nakasama niya, ang nagligtas sa kaniya, hindi takot ang kaniyang naramdaman sa mga ito lalo na kay Beelzebub. Pakiramdam niya ligtas siya pag si Beelzebub ang kasama niya, na walang makakapanakit sa kaniya. May ideya si Rana kung bakit sa tatlo niyang demonyo n
Chapter ThirteenBeelzebub’s FirstloveHINDI MAIPALIWANAG ni Rana ang saya na nararamdaman niya dahil kasama pa rin niya sina Beelzebub, hindi niya inasahan na isasama siya ng mga ito sa paglipat sa bayan na kinalalagyan niya ngayon. May kaunting lungkot lang siyang nararamdaman sa pag-alis niya sa bayan kung saan siya lumaki, pero sa tingin ni Rana mas mabuti na ‘yun upang hindi na niya maalala ang mga nangyari sa kaniyang hindi magaganda simula ng mamatay ang kaniyang mga magulang at mabulag siya.Nasa labas siya ngayon ng bahay sa may garden, wala ang tatlo niyang mga demonyong kasama dahil nagsimula na sina Beelzebub sa pag-iikot sa buong bayan sa kung saan maaring narito ang hinahanap nila. Nagkandadapa man siya sa paglalakad mula sa loob ng bahay hanggang paglabas ay hindi iyon ininda ni Rana, may sugat man ang tuhod niya ay mas nag-uumapaw ang saya sa puso niya. Kailangan niya lang sanayin muli ang sarili niya sa bagong bahay na tinitirhan nila ngayon, ayaw niyang maging pabiga
Chapter FourteenBeelzebub’s First LoveDAHIL MULING bumalik ang paningin ni Rana ay hindi niya mapigilang tingnan ang kung anong meron sa labas ng bahay nila, gusto muling maiyak ni Rana sa saya pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil kanina pa siya sinesermunan ni Beel sap ag-iyak niya.“Siguro naman makakapaglinis ka na ng ayos sa bahay ngayon na nakakakita ka na.”pahayag ni Beel na prenteng nakaupo sa sofa, nakasandal doon at nakahalukipkip habang nakatingin kay Rana na nakatayo sa may bintana at malawak ang ngiting lumingon sa kaniya naparang ikinatuod ni Beel sa kinauupuan niya.“Hu-huwag ka ngang ngumiti ng ganiyan, kanina ka pa sa ganiyang ngiti naalibadbaran na ako.”suway na ani ni Beel na iniwas ang tingin kay Rana na tumakbo palapit sa kaniya na natalisod sa sarili niyang mga paa, ikababagsak niya na sana ang pagkatalisod niya pero napalingon nalang siya kay Beel ng nasalo na siya nito na nakatingin sa kaniya.“Binalik ko na ang paningin mo nadadapa ka parin, ano bang
HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p
Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay
"Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a
BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha
"Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang
LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May
“Good morning, Reina. Pasenya na talaga kung hindi kita nasabayan sa pag-uwi kahapon, nakakainis kasi ‘yung mga co-student council ko.” ani ni Farrah ng magkita na sila ni Reina sa classroom nila.“Okay lang, ganiyan talaga pag part ka ng student council” ngiting ani ni Reina.Ayaw niyang sabihin kay Farrah ang nangyari kahapon dahil alam niyang mag-aalala ito sa kaniya, Nagpapasalamat talaga si Reina dahil dumating si Abel at nailigtas siya nito sa mga holdapper na muntik ng makuha ang pera niya. At bilang pasasalamat ay dalawang lunch box ang niluto at binaon ni Reina, ang isa ay bilang pasasalamat kay Abel.Akala ni Reina kagabi ay ang muntik ng pagkakaholdap sa kaniya ang mapapanaginipan niya, pero same na panaginip parin ang dumaan sa kaniya kagabi. Panaginip parin sa lalaking Beelzebub ang pangalan, at ang naiba lang may tinawag siya nito sa pangalang Rana na akala niya ay narinig niyang sinabi ni Abel kahapon.“Sino kaya si Rana?” bulong na tanong ni Reina sa kaniyang sarili.“
"You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin
TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit