Storm POV Ilang araw na simula ng dalhin ko si Kiara sa lugar na 'yon, madalas akong inuupdate ni Zam pero hindi pa ako ulit nakakapunta do'n dahil hindi ko pa kaya, wala pa akong lakas ng loob na makita siya sa kalagayan niya. Pakiramdam ko ang sama kung kapatid, pero gusto ko lang naman siyang gumaling. Nakabalik na din ang Nanny ni Chase kaya siya na ulit ang nag aalaga dito. Simula ng makauwi ako ay dito na ako nananatili sa kanyang kwarto. Hindi ko alam kung ilang araw na akong umiiyak dahil sa pag iisip sa kapatid ko. Hanggang sa napagpasyahan kung dalawin siya ngayong araw. Alam kung matutuwa 'yon kapag nakita niya ako pero hindi ko nga lang maisasama ang anak niya. "Manang, ikaw na muna ang bahala kay Chase ha, bibisitahin ko lang ang kapatid ko." paalam ko sa Nanny ng pamangkin ko. Ngumiti naman ito sa akin. "Ako na ang bahala sa bata Sir, pakikamusta na lang ako kay Ma'am Kiara. Araw araw ko siyang pinagdadasal na sana ay mapabilis ang paggaling niya para makasama niya na
Beatrice POV Isang buwan ko ng hindi nabibisita ang magkapatid dahil tambak ang trabaho, pero palagi naman tumatawag si Storm sa akin at binabalitaan ako sa kalagayan ni Kiara at nalaman ko din ang naging desisyon niya para sa kapatid Alam kung nasasaktan sia dahil sobrang mahal niya ito at sigurado akong sinisisi niya na naman ang sarili sa kinahantungan ng dalaga. Kaya ginagawa ko ang lahat para matapos ko agad ang trabaho ko para mapuntahan siya dahil alam kung kailangan niya ng makakausap ngayon. I know him, he’s so fragile when it comes to his sister. Papasok na ako ngayon sa bahay kung saan sila nakatira ni Storm, sinadya ko talagang huwag sabihin sa kanya na ngayon ako bibisita. Pinayagan naman ako agad ni Tito Cain ng nagpaalam ako sa kanya at sinabi niya pa nga sa akin na kahit huwag na daw muna ako bumalik ay ayos lang, para naman matulungan ko si Storm. Ang babait talaga ng mga Tito at Tita nilang dalawa, wala akong masabi. Sigurado akong gano'n din ang kanilang mga magul
3 years.... Tatlong taon na ang lumipas simula ng ipasok ni Storm sa rehab ang kanyang kapatid, sa unang taon nito ay masasabi niyang sobrang hirap para sa kanya lalo na't nakikita niya si Kiara na nasa gano'n na kalagayan at habang tumatagal ay palala ito ng palala, akala niya nga ay tuluyan ng masisiraan ito ng bait pero mabuti lang ay nandyan si Zam at hindi niya pinabayaan ito. Sa ngayon ay masaya siya dahil nakikita niyang unti unti ng bumubuti ang kalagayan nito. Naalala ni Storm ng araw na nalaman niya ang nangyari sa kanyang kapatid na naging dahilan kung bakit ito nagkaroon ng trauma ay halos sisihin niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari, pakiramdam nito ay hindi niya na protektahan ang dalaga sa masasamang tao. Ginawa ni Storm ang lahat para makausap ang police na tumulong sa kanyang kapatid at do'n niya nalaman na nakakulong na ang mga ito ng araw din na 'yon. Pero pakiramdam niya ay hindi pa rin 'yon sapat, hindi niya alam pero parang may kulang pa. Flashback... Kas
Storm POV Pinunasan ko na ang mukha ni Chase ng matapos siyang kumain, para makaalis na kami agad. Nangako kasi ako sa kanya na ibibili ko siya ng gusto niyang mga laruan kaya kanina pa lang pag gising niya ay hindi niya na ako tinigilan hangga't hindi kami umaalis. Hindi naman siya laging nag papabili mas lamang pa nga ang libro kaysa laruan eh. Palabas na sana kami ng restaurant ng makita ko si Bea na nakangiting naglalakad papunta sa pwesto namin. Hindi kasi siya nakasabay sa amin kanina dahil may pinuntahan pa sila ng nanay niya. Nandito kasi kami ngayon sa Pilipinas dahil may importanteng party akong pinuntahan kaya kahit na ayaw kung umuwi ay wala akong choice, pero hindi naman kami magtatagal dito dahil kailangan namin bumalik kay Kiara para sunduin siya, madidischarge na kasi siya. "Tita!" masiglang sigaw ni Chase at tumakbo agad ito sa kanya. "Chase don't run at baka madapa ka." suway ko dito. "Hello baby, sorry na late si Tita ha may inasikaso pa kasi ako." saad niya nam
Storm POV Pagkatapos naming mag usap ni Bea ay agad kaming nagtungo sa bahay nila Tito dahil alam kung naghihintay sila sa amin, mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Chase dahil busy ito sa paglalaro. Nang makarating kami ay sinabi agad sa amin ng isa sa katulong kung nasaan ang mga ito. Katabi ko ngayon si Bea habang nasa harap ko naman si Nigel na katabi din ang kanyang mga magulang. Pinaalagaan muna nila si Chase sa isa sa mga katulong para hindi masali sa usapan ang bata. "So Nigel, anong nangyari sa inyo ni Kiara?" tanong ni Tito Dark. "W-we broke up Dad, kagaya ng sinabi ni Storm kanina, ilang taon na ang nakalipas."sagot naman nito habang nakayuko. "What? How did it happened? Bakit hindi namin alam ang bagay na ito Nigel?" hindi makapaniwalang bulalas ni Tita Calliyah. "We have a misunderstanding Mom, Dad." saad niya. "And? Paanong pinabayaan mo ang anak mo?" bakas sa boses ni tito ang galit. "H-hindi ko alam, I didn't know that Kiara is pregnant. Hindi niya sinabi
Nigel POV Matapos kung mayakap ang anak ko ay agad din silang umalis, alam kung galit pa din sa akin si Storm at hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko naman ang lahat. Alam kung sobra siyang nasaktan dahil sa nangyari sa kanyang kapatid at wala akong excuse sa bagay na 'yon. Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang kotse niya ay agad akong pumasok sa loob ng bahay dahil alam kung hinihintay ako ng mga magulang ko. Alam kung galit sila sa akin pero ayos lang dahil kahit ako ay galit din naman sa sarili ko. "Mom, Dad." saad ko. Nagulat ako ng bigla akong suntukin ni Daddy kaya napaupo ako sa sahig, mabilis naman na tumayo si Mommy. “Dark, ano ba! That’s your son.” “Alam kung anak ko ‘yan Calli and I will never tolerate his wrong actions!” galit na wika ni Dad. Nilapitan naman ako ni Mommy at inalalayan na maupo. "I-i'm sorry." panimula ko. "Sa tingin mo may magagawa ang sorry mo?" Dad said. "I know Dad, alam kung hindi sapat ang sorry sa kagaguhan ginawa ko.” anas ko. "Saan
Storm POV "Storm pwede bang makausap?" Nang magising ako ay nadatnan ko si Nigel. "Anong kailangan mo? Tungkol ba sa pamangkin ko? Malinaw naman siguro ang sinabi ko na hindi ko tatanggalin ang karapatan mo bilang ama niya." saad ko. "Hindi lang 'yon ang ipinunta ko dito." Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Eh ano? Kung tungkol ito sa kapatid ko ay hindi kita matutulungan." diretsong wika ko. "Alam ko at gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako, pero bago 'yon ay kaya ako nagpunta dito dahil gusto kitang kausapin. Alam kung galit ka sa akin at ---" "Galit talaga ako sayo." singit ko. "Pwede bang patapusin mo muna ako sa sasabihin ko? Kahit kailan talaga ang gago mo." "Look who's talking now, alam nating dalawa kung sino ang tarantado sa atin." saad ko. "Pwede bang pakinggan mo muna ako? Kagaya nga ng sinabi ko, nandito ako para humingi ng sorry kahit alam kung huli na. Alam kung nasaktan din kita dahil kapatid mo si Kiara. Mali ang nagawa ko at kahit ako ay galit din s
Nigel POV Simula ng ipakilala ako ni Storm sa anak ko ay masasabi kung naging close kami agad, mabait siya na bata kaya alam kung pinalaki siya ng maayos ng kanyang Tito, tungkol naman sa mga magulang ko ay unti unti na kaming nagiging okay ni Mommy samantalang si Daddy ay ramdam ko pa din ang kanyang galit. Madalas kung bisitahin si Chase at minsan ay hinihiram ko din siya at dinadala sa bahay. Nalaman na din nila Tito Cain ang nangyari na ikinagulat niya dahil ang alam niya lang ay may inaasikaso si Storm na project sa ibang bansa kaya siya na muna ang humalili sa kompanya dahil umalis ito. Sinabi na din sa akin ni Storm na babalik na sila dahil 'yon din ang labas ni Kiara kaya susunduin nila ito, wala na akong sinayang na oras at sinabi kay Storm na sasama ako. "Sigurado ka ba na kaya mong harapin ang kapatid ko?" tanong sa akin ni Storm, kanina pa kasi kaming umaga dumating at nagpahinga lang kami konti bago pumunta kung nasaan si Kiara. "Sinabi ko na sayo na sigurado na ako. H
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa