Beatrice POVKanina pa talaga ako nagtataka sa ikinikilos ni Kiara simula pa ng sunduin niya ako sa bahay at nagpasa siya sa akin sa mall at ngayon naman ay pupuntahan daw namin ang mga kaibigan niya. Hindi naman sa ayaw ko pero nahihiya kasi ako, pero wala naman akong gagawin kaya nagpadala na lang din ako sa kanya.Ngayong araw ay ang first anniversary namin ni Storm pero hindi kami magkasama ngayon dahil may importante siyang meeting, no'ng una ay ayaw niya pa sana na umattend but I told him that he needs ito. Hindi naman kasi pwedeng pabayaan niya ang kumpanya nila, pwede naman kami mag celebrate anytime.Nang makarating kami sa lugar kung nasaan daw ang mga kaibigan ni Kiara ay bigla naman kaming sinalubong ni Nigel na mas lalong ikinataka ko dahil wala naman nabanggit si Kia sa akin na nandito din si ang boyfriend niya.Iginaya niya na kami papasok sa loob at nakita kung maraming mga tao ang kumakain sa restaurant na 'yon kaya nawala din ang hinala ko. Hawak hawak ni Kia ang bra
Kaye POVNandito na ako sa airport dahil kakababa ko lang ng eroplano. Ilang taon na ang lumipas ng umalis ako at ngayon na lang ulit ako nakabalik. Masyadong maraming nangyari sa buhay ko at sa pamilya ko kaya kailangan kung umalis pansamantala.Kaya lang naman pinaaga ko ang pag uwi ko dito dahil sa isang tao, kailangan ko siyang makausap at makapagpaliwanag sa kanya. Hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya at gagawin ko ang lahat para lang mabawi siya. "Hey best!" rinig kung sigaw ng isang boses at pagtingin ko sa gilid ay nakita ko ang best friend kung nakangiti sa akin.Agad naman akong naglakad palapit sa kanya ay niyakap siya. "Kanina ka pa ba? Pasensya na ngyon lang ako nakarating, masyado kasing traffic." tanong niya sa akin."It's okay Lovely, kakababa ko lang din naman kaya ayos lang." sagot ko sa kanya.Hindi din kami nagtagal at umalis na kami sa lugar na 'yon at dumiretso sa condo ng kaibigan ko, dito kasi muna ako pansamantala na titira sa kanya habang inaayos pa ang c
Storm POV Nandito na ako ngayon sa opisina dahil may mga kailangan akong tapusin na trabaho, naiwan ko kasi ang mga ito dahil sa sunod sunod na meeting kaya hindi ko pa naayos ang mga papeles na nasa table ko at ngayon lang ako nagka oras para tingnan ang mga ito. Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok ang nakangiti kung girlfriend. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. Umiling naman ito at naglakad palapit sa akin. "Mukha kasing kanina ka pa stress kaya binilhan kita ng paborito mo." anas niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa kanyang tinuran. "Umalis ka ng hindi man lang sinasabi sa akin?" "Saglit lang naman eh," nakangusong anas niya. "Kahit na, dapat nagsabi ka pa din. Paano pala kapag hinanap kita o kaya may kailangan ako sayo?" saad ko. "Alam mo Mr. Alcantara ang oa na ha." natatawang wika nito. "Ewan ko sayo, anyway naayos mo na ba yung schedule ko?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. "Iilan na lang naman ang meetings mo this week." "Mabuti
Beatrice POV Abala ako sa pag aayos ng mga schedule ng meeting ni Storm dahil hindi ko ito natapos kahapon gawa ng kalandian niya. Hindi porke't boyfriend ko na siya ay hahayaan ko na ang trabaho ko. Hindi ko makakalimutan na dito ako nagsimula at hindi ako magsasawang magpasalamat dahil kung hindi ako nakapag trabaho dito ay wala akong Storm ngayon. "Excuse me Miss?" napatingin ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko, ang ganda at sexy niya. Tumayo naman ako. "Good morning Ma'am, pasensya na at hindi ko kayo napansin." saad ko. "It's okay. Itatanong ko lang sana kung nandito ba ngayon si Storm?" "Ah y-yes. May appointment po ba kayo sa kanya?" tanong ko "Actually no, hindi niya talaga alam na dumating na ako." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "I'm sorry ma'am kasi bilin po ng boss ko na wala muna siyang tatanggapin na bisita ngayong araw kung wala itong appointment sa kanya." saad ko. "Oh I forgot, mukhang bago ka dito kaya hindi mo ako kilala. He knows me, pakisabi sa kanya
Kaye POV Halos manghina ako dahil sa narinig ng sinabi sa akin ng taong mahal ko, hindi ko akalain na ito ang sasalubong sa akin kapag nagkita kaming muli. Alam kung galit siya sa akin pero hindi ko inaakala na masasabi niya ang bagay na 'yon sa akin dahil alam ko kung gaano niya ako pinahalagahan at minahal dati. "A-are you joking right?" hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. "Am I joke to you? Umalis ka lang naging stupida ka na?" inaamin ko na masyado na akong nasasaktan sa mga sinasabi niya, hindi ito ang Storm na minahal ko dahil hindi niya masasabi sa akin ang mga katagang ‘yan. Huminga ako ng malalim. "Ganyan ba ang gusto mong ganti sa akin? Storm pwede naman na hindi tayo umabot sa ganito. Ilang taon din ang naging relasyon natin, hahayaan mo na lang ba 'yon mapunta sa wala?" saad ko. Nakita ko ang pagtiim bagang niya. “Sa akin mo pa talaga tinatanng ang bagay na 'yan? Sino ba ang umalis? Sino ang nanggago? Ikaw ang sumira sa relasyon natin at hindi ako. Ang mabuti pa
Kaye POV It's been two simula ng magpunta ako sa opisina ni Storm at pinaalis niya ako, pero kahit gano'n ay hindi pa din ako tumigil halos araw araw ko siyang pinupuntahan pero madalas siyang may meeting o kaya ayaw niya akong harapin. Minsan hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para mabawi ko lang siya, I love him at hindi ako basta lang susuko. Naiinis pa ako sa kanyang sekretarya dahil sa tuwing pumupunta ako do'n ay naabutan ko silang magkasama o kaya nag uusap, nakikita ko din na halos sabay silang kumakain at umuuwi. "Ang lalim ng iniisip mo." napatingin ako sa kaibigan kung si Lovely na umupo sa tapat ko dala dala ang order namin, nandito kasi kami sa isang Cafe. "May iniisip lang ako." maikling sagot ko. "Hindi ko na tatanungin kung sino 'yan dahil alam ko naman na, pero best halos magdadalawang linggo na at wala pa din nangyayari." "Alam kung galit lang siya pero alam kung magiging okay din kami." saad ko. "Sigurado ka ba diyan? Hindi ba at nasabi mo na sa kanyang
Kaye POVDalawang araw na ang lumipas ng huli kung makita si Storm sa isang Cafe kasama ang kanyang sekretarya, hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko kung gaano sila ka sweet sa isa't isa. Hindi ako tanga para hindi malaman na may namamagitan sa kanila dahil hindi naman magiging gano'n ang gesture nila kung pagiging boss at empleyado lang ang namamagitan sa kanila.Kasalukuyan akong nag iikot ikot dito sa mall dahil bibili ako ng mga bagong damit, balita ko kasi may bagong bukas na shop dito. Habang tumitingin tingin ako sa damit ng may mapansin akong babae na pamilyar sa akin.Agad akong naglakad palapit sa kanya bago pa siya tuluyang makalayo sa akin. "Kiara?" pagtawag ko sa kanya.Agad naman siyang lumingon sa akin. "A-ate Kaye."Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "How are you? Na miss kita." saad ko.Niyakap niya naman ako pabalik. "I'm fine ate, maganda pa din naman ako. I miss you too! Hindi ko alam na nakabalik ka na pala.""Almost 3 weeks na akong nandito, may m
Lovely POVKanina pa sumasakit ang ulo ko sa kaibigan ko, simula ng umuwi siya dito ay parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi kaya nababaliw na 'to dahil hindi pa sila nagkakaayos ni Storm?Kailan kaya 'to babalik sa normal, pwede naman kasi magkaroon na lang sila ng closure kaso kilala ko ang kaibigan ko at alam kung hindi siya papayag na basta na lang gano'n. She's sa brave woman at hindi siya ang tipo ng tao na susuko na lang ng hindi pa sumusubok na lumaban.Pero kasi napapaisip din ako? Kagaya ng sinabi niya sa akin ng una silang magkita, kung mahal pa siya ng ex niya edi sana hinaharap siya nito o kaya hindi pinapaalis kapag pumupunta siya do'n. Mukhang wala na talaga 'tong feelings sa kanya. Ilang taon na din kasi ang lumipas.At dahil sa inis ko ay binato ko na siya ng una. "Aray ano ba!" singhal niya sa akin."Hindi mo ba alam na para kang tanga r'yan kanina pa? Psh!" saad ko."Nag iisip ako, okay?""Ano ba kasi ang nangyayari sayo? Kanin
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa