Beatrice POV Nang makabalik ako sa pwesto ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa opisina ni Storm, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya dahil sa mga sinabi ko tungkol sa kanyang mga magulang. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwan no'n si Kiara, napansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata na mukhang kagagaling lang sa pag iyak. Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "You can go home early Bea, wala na dito si kuya at umalis na." wika niya ng makalapit siya sa akin. "Kia, sorry sa nagawa ko." anas ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Naiintindihan ko dahil wala ka namang alam sa nangyari. Sana lang ay huwag na maulit ito Bea dahil hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kapatid ko." "Umuwi na ba siya? Gusto ko kasi siyang kausapin sa personal para makahingi ng tawad sa nasabi ko. Nakakahiya kasi ang ginawa ko." tanong ko sa kanya. "Ang alam ko ay uuwi siya ng condo niya. Alam mo naman kung saan 'yon dahil minsan ka ng nakap
Storm POV Hindi ko inaasahan na makikita ko si Bea sa harap ng unit ko, ang totoo niyan ay wala talaga akong balak pagbuksan ang kung sino man na kumakatok sa pinto dahil alam kung hindi naman 'yon ang kapatid ko o si Nigel dahil alam nila ang pass code nitong unit ko. Pero mukhang walang planong tumigil ang taong 'yon sa pagkattok kaya inis akong tumayo at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang papaalis na sana kaya nagsalita na ako para malaman niyang nasa likuran niya ako. "So what do you want to say now? Time is running." saad ko. "Gusto ko lang manghingi ng sorry dahil sa mga sinabi ko kanina." sagot niya naman. "Is that so? Pumunta ka pa dito para lang sabihin ang walang kwentang bagay na 'yan?" saad ko. "A-alam kung galit ka sa akin sa pagbanggit ko ng tungkol sa mga magulang mo at alam kung mali 'yon kaya nagpunta ako dito." "Kung 'yan lang ang sasabihin mo ay makakaalis ka na." wika ko. "Storm alam kung may pinagdadaanan ka, handa naman akong makinig kung kailangan mo ng
Beatrice POV Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko lahat ng sinasabi ni Storm, hindi ko inakala na makikita ko siya sa ganitong kalagayan dahil nakilala ko siya bilang malakas at matapang na lalaki kaya di ko inaasahan na iiyak siya at magbebreakdown sa haarap ko. Hindi ko alam na may ganito pala siyang pinagdadaanan at nakadagdag pa ako dahil sa pagbanggit at magdamay ko sa kanyang mga magulang na matagal na pa lang wala at hindi nila nakakasama, kaya pala kahit anong hanap ko ay hindi ko sila makita dahil patay na ang mga ito. Pinilit kung ihakbang ang mga paa ko para lumapit sa kanya. "S-storm." pagtawag ko sa pangalan niya. "Umalis ka na Beatrice." mahinahong saad niya pero patuloy pa din sa pag iyak, pero hindi pa din ako nagpatinag sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya ay lumuhod ako para mapantayan ko siya at niyakap. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ko para gawin ang bagay na 'to pero alam kung kailangan niya ng masasandalan ngayon. "Hush
Storm POV Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Bea ang bagay na ito, ilang beses ko na siyang pinapaalis pero ayaw niya. Hindi ko tuloy naiwasan ang hindi mag breakdown sa kanya. "Bakit ka nakatingin?" tanong niya sa akin. "May naisip lang ako na katulad mo." sagot ko sa kanya. "Huh? Anong sinasabi mo?" "Pareho kasi kayong matigas ang ulo pero marami din naman pinagkaiba kayong dalawa siya kasi mas maganda sayo at mas classy." anas ko. "Nilalait mo na yata ako eh. Kahit naman hindi ako lumaki sa marangyang buhay ay maayos naman akong manamit." pagmamaktol niya. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Hindi ko naman sinabi na manang ka manamit." saad ko. "Parang gano'n na din 'yon! Pero sino siya?" "She's someone in the past." maikling sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang panlalaki ng kanyang mga mata. "Someone? May nakatagal pala sa ugali mo?" "Hindi naman nakakapagtaka 'yang bagay na 'yan Bea kung marami ngang babae ang nagkakagusto sa akin diyan kaya hindi malabong may
Beatrice POV It's been two weeks simula ng mangyari ang pag uusap namin ni Storm sa kanyang unit, hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga nalaman ko na nangyari sa kanya. Hanga ako sa pagiging matapang niya at alam kung hindi lang pagiging kuya ang ginampanan niya kay Kiara kung hindi pagiging ina at ama din. Hindi ko ma imagine kung gaano kahirap sa kanya ang mga pinagdaanan niya ng mawala ang mga magulang nila, sanggol pa ang kapatid niya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit gano'n siya, maaga pa lang ay ipinaramdam na sa kanya ng mundo ang sakit na kahit kailan ay mahirap mawala. Hanggang ngayon ay dala niya pa din ang malungkot at madilim na nakaraan. No'ng namatay nga ang itay ko ay halos magkulong na ako paano pa kaya siya na parehong nawala ang mga magulang niya, kung sa akin nangyari 'yon ay hindi ko alam ang magagawa ko. Simula ng magkwento siya sa akin ng buhay niya hanggang sa makabalik na siya ulit sa pagtatrabaho ay naging maayos ang naging samahan nami
Kiara POVNang makapasok ako sa opisina ni kuya ay nakita ko siyang kumakain, tiningnan ko ang oras at mag aalas dos na ng hapon. Akala ko ba ay busog ito? Nang tumawag kasi ako sa kanya bago ako pumunta dito ay 'yon ang sinabi niya."Hi, kuya." saad ko at humalik sa pisngi niya."Why are you here? Ang sabi ko ay magpahinga ka. Kakagaling mo lang sa byahe." sermon niya sa akin."Yes I already did, natulog na ako kanina ng dumating ako sa bahay. Akala ko ba ay busog ka?" tanong ko sa kanya."Busog naman talaga ako ang kaso si Bea ang makulet at dinala itong pagkain."Umupo naman ako sa tabi niya. "Si Bea?""Yes, kagagaling niya lang dito bago ka pa dumating. Nagdala siya ng pagkain.""I didn't know na okay na pala kayong dalawa. Kailan pa? Ang pagkakatanda ko ay hindi naging maganda ang huling pag uusap niyo bago ako magpunta ng ibang bansa." pagchichismis ko sa kanya."We already talked about it, kaya okay na lahat ng 'yon.""Good to know it, iwasan mo na kasi pagiging mainitin ang ul
Kiara POV Halos limang buwan na ang lumipas ng maging busy ako sa botique dahil sa dami ng mga bagong kliyente mabuti na lang at tinutulungan ako ni Nigel minsan kahit na sinasabi ko sa kanya na hindi niya naman dapat gawin 'yon dahil alam kung busy din siya sa kanilang kumpanya. At tungkol naman sa kapatid ko ay ang huling usap namin ay nililigawan niya na si Bea that was two months ago at ngayon ang alam ko ay sila na, inasar ko pa nga siya ng unang malaman ko dahil natatandaan ko pa ang sinabi niya na hindi si Bea ang tipo ng babaeng magugustuhan niya. Sa nakikita ko naman sa kuya ko ay masaya siya at susuportahan ko siya, sana lang si Bea na talaga ang babaeng para sa kanya, ayaw ko ng makitang miserable ang buhay niya I know my brother deserve to be happy. At sa ngayon nakikita ko ng unti unti niya ng tinatanggap na wala na talaga ang mga magulang namin. Minsan kapag dinadalaw namin sila ay hindi na siya umiiyak. "Ano ang iniisip mo?" pagkuha ni Nigel sa atensyon ko. Napating
Storm POVKanina ko pa napapansin ang pagiging aligaga ni Bea, simula ng sunduin ko siya sa bahay nila hanggang sa makarating kami sa venue ng event ay hindi na siya mapakali kaya hindi ko maiwasan ang hindi matawa dahil sa itsura niya."Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya."Wala naman, kinakabahan kasi ako. Sinabi ko naman kasi sayo na huwag na ako ang isama mo at isa pa hindi ako sanay sa ganito." sagot niya sa akin."I told you just be yourself right? Wala ka naman ibang gagawin sa event kung hindi ang samahan ako. Pag tumagal naman ay masasanay ka na." saad ko."Pwede naman kasi si Nigel o Kiara na lang ang isama mo." nakangusong turan niya."Alam mo naman na busy sila ngayon kaya hindi pwedeng istorbihin ang mga 'yon." anas ko. "Don't worry too much baby, everything will be alright." dagdag ko pa.Hindi din nagtagal ay nakarating na kami kung saan ang venue, kaarawan kasi ng isa sa mga investor ko kaya hindi naman pwede na hindi ko tanggapin ang paanyaya nila sa akin.