POV- Issa
Maaga ulit ako nagising para pumasok sa eskwela, kasalukuyang nakaupo kami ni Aria dito sa bench ng Campus habang nagkukwentuhan. Break time kasi namin ngayon, bumili lang kami ng pagkain sa canteen at dito namin napagpasyahan kumain sa labas."Bakit kaya absent yong isa naten na kaklase kahapon yong nalate ng pasok? tanong ni Aria.
"Baka na late ng gising kaya hindi naka pasok," sagot ko.
"Nakita ko siya nilapitan ni ser John loyd, at narinig ko na kausapin daw siya mamaya pag-out sa klase naten," wika ni Aria.
"Bakit naman s'ya kakausapin ni Ser? tanong ko.
"Hindi ko alam," sagot ni Aria.
"Tara na pasok na tayo baka malate pa tayo sa next subject natin, balita ko masungit yong Prof. natin sa math ayaw daw non nalilate kahit isang minuto. Kapag na late ka, h'wag kana lang daw pumasok," pag aya ko kay Aria.
Habang naglalakad kami, may tumawag sa pangalan ko.
"Miss Isadora!"
Pagtawag sa akin, si kuyang pogeng guard lang pala. Paano kaya nya nalaman ang pangalan ko? at mismong ako tanong ng aking isipan ng may pagtataka? may dala si kuyang guard na flower at Teddy Bear na malaki.
"Miss Isadora may nagpapabigay po saiyo nitong flowers at Teddy Bear," wika ni kuyang guard.
"Nasaan po siya at segurado po ba kayo na para sa akin ito? tanong ko kay kuyang guard.
"Pinapasabe lang po nya sakin na pagbalik niya galing ibang bansa ay babalik daw sya dito. Kukunin nya daw kong ano ang kanyang pag-aari, iyon lang po ang pwede kong isagot saiyo. Kung sakaling magtanong ka daw saakin, balik na ako sa pwesto ko," wika ni kuyang guard.
"Sege kuya salamat dito sa paghatid mo nito sa akin. Napaisip naman ako sa babawiin ang pag aari ano yon? bahala na nga sila.
Nandito na kami sa loob ng silid namin at naka upo na, inilagay ko mona ang bulaklak at Teddy Bear na hawak ko sa bakanteng upuan. Ilang saglit pa lang ako na naka-upo, lumapit sa akin ang isa naming kaklase na lalaki at may iniaabot sya sa akin na tatlong red roses at may kasama pang chocolate na diko alam ang tawag.
"Hi Isadora flowers and chocolate for you," nahihiyang bigay n'ya sa akin.
"Ako nga pala si Anthony Sureta," pagpapakilala nya sa akin.
"Ay ang haba ng hair mo sis, daladalawa ang nagbibigay ng bulaklak sayo today. Teka iyong buhok mo baka maapakan ko, itali ko mona," pang aasar ni Aria sa akin.
Pinalo ko naman ng mahina ang braso nya ng pabiro din, matigil ka nga nakakahiya ka," sabay irap ko pa sa kanya babaeng to nahihiya na nga ako nagawa pa nyang asarin ako.
"Ito naman hindi na mabiro," sagot sa akin ni Aria.
"Salamat dito Anthony nag abala ka pa.
"Para sa aking binibini hindi ka nakakaabala, paglalaanan pa kita ng aking oras," ani ni Anthony.
"Eiiiiihhhhh kinikilig ako sainyong dalawa," baliw na sabi ni Aria.
May papikit-pikit pa ng mata at padyak padyak pa ng paa, habang ang dalawang kamay ay nasa dalawang pagitan ng hita na akala mo ay naiihi, diyos ko po mahabagin ang pangit nyang kiligin mukha syang gorilya. Sa inis ko sa kanya kinurot ko sya sa tagiliran, tumigil ka nga ang pangit mong kiligin mukha kang gorilya," bulong ko sa kanya.
"Ay grabe ka sa akin sis gorilya talaga," kunwaring nasaktan sya sa sinabe ko natawa na lang ako sa kakulitan nya.
"Mmmmm, Isadora a, e, i," hindi masabe sabe ni Anthony ang nais nyang sabihin sa akin.
Magsasalita na lang sana ulit s'ya ng may nagsalita sa likuran nya.
"Ba,be,bi,bo,bu, ka," salita ni bisugo.
Napalingon naman si Anthony sa kanya, at ngumiti lang.
"Sorry akala ko nagbabasa kayo ng A-BA-KA-DA-E-GA-GA kayo, nagliligawan lang pala kayo dito ang sakit n'yo sa mata sa totoo lang," sabay irap sa akin at umupo na sya sa likoran ko.
"Bisugo talaga, diko na lang sya pinansin. Ayaw kong masira ang araw ko ng dahil sa kanya, kaya tinanong ko na lang si Anthony kong ano ang gusto nyang sabihin sa akin.
"Gu-gusto sana kitang ligawan ku-kong okay lang sayo," nauutal at nahihiya nyang sabe sa akin at napakamot pa sya sa kanyang batok.
Sasagot na sana ako ng sumingit ulit si mukhang bisugo.
"Good afternoon Ms. Arabella Zuares!" sigaw ni bisugo.
Lahat kami ay natahimik at napatingin sa unahan, akala ko nandyan na ang Prof. namin wala pa pala. Dahil sa inis ko hinarap ko si bisugo, kahit kelan talaga epal ka sa akin ano? inis kung tanong sa kanya.
"Oh Inaano naman kita d'yan, nag papapraktis lang naman ako na kong paano batiin ang next subject prof. natin kapag nandito na sya. Masyado ka naman feelingera d'yan. Pwedeng pahingi ng tsokoleyt mo, mukhang masherep si Anthony este iyang chocolate mo?
"Ayoko nga, maghanap ka ng magbibigay saiyo," inis kong sagot sa kanya.
Sabay kuha ko ng tsokoleyt at itinago ko sa loob ng bag ko, mahirap ng masalisihan mukha pa naman syang patay gutom.
"Ang damot mo naman, kapag kinain mo yang mag isa at hindi ka namigay sumakit sana yang ngipin mo pati iyang tiyan mo," sagot ni bisugo.
Tumalikod na lang ako sa kanya hindi ko na lang sya pinatulan sa pang aasar nya sa akin, at hinarap ko si Anthony na kanina pa naghihintay ng sagot ko. Naantala lang ng sumisingit sa pag-uusap namin si bisugo.
"Anthony, pwede pag-isipan ko mona pag-aaral kasi yong priority ko kaysa sa magpaligaw," sasagot na lang sana si Anthony ng sumingit ulit si bisugo.
"Sus nagpakadalagang Filipina pa talaga si ateng' bubukaka din naman, mamukat-mukat mo may hele, hele ng baby sa kanyang dalawang braso habang nagpapadede sa kanyang kapiranggot na susu. Hahampasin ko na lang sana sya ng libro ng magsalita sya ulit,"
"Wow!" pak na pak kaya pala bumukaka agad si ateng ay gwapo si fafangboy makawet panty talaga, ay sana all nanaman talaga ako ulit nito, sana all ,sana all,sana all," paulit ulit na sabi ni bisugo.
Sabay off ng cellphone nya at napatingin sya sa akin.
"Yes sisteret may kailangan kaba sa akin? tanong sa akin ni bisugo sa maarte nyang boses Anne Curtis lang ang peg,"
"Wala mag cellphone kana lang d'yan," sagot ko sa kanya.
Pagharap ko kay Anthony ngumiti na lang ako, at sabay sabing pag-isipan ko pa. Ngumiti sya sa akin at sabi ding maghihintay, kong kelan na ako pwede magpaligaw at bumalik na sya sa kanyang upuan. Pagtingin ko sa aking katabi si Aria ay walang tigil kakatawa sa akin, aba't ang babaeng ito kanina pa pala ako pinagtatawanan. Ang sarap lang talaga nilang pektusan ni bisugo.
Anong Oras na hindi parin dumarating ang prof. namin, kaya lahat ng mga kaklase ko ay mga nag-iingay. Napatingin kami ni Aria sa isa naming kaklase na si Rasselle bumibirit ito ng kantang (ALONE by:HEART) at ginawa nyang microphone ang kanyang bolpen.
Till now I always got by on my own, I never really cared until I met you. And now it chills me to the bone.Ang galing nyang kumanta ang taas at ang ganda ng boses nya, feel na feel nya ang kanyang pagbirit. Habang pinapanuod sya ng ilan naming kaklase. Pag katapos nyang Kumanta nag vow sya, kunwari nasa stage sya kumakanta at nagsalita ng thankyou everyone sa pag punta dito sa aking concert I love you all, mwuamwua," nagpalakpakan naman kuno ang kanyang mga fans.
Napadako naman ang mata namin kay Chyryll, hindi namin alam kong ano ang ginagawa nito. Palakad lakad sya kunwari may kausap sa phone, nanggagalaiti sa galit kuno sa kausap nya. Sabay sabing h'wag papatayin hanggat hindi ako nakakarating d'yan.
Nagkatinginan nalang kami ni Aria," sabay bunghalit ng tawa.
Maya maya lumapit sa amin si Szarina at nagsabe na kong pwede makisabay sa pag-uwi sa akin. Dahil hindi nya alam kong saan banda ang Dorm ng Don Bosco Technical College. Pumayag naman ako dahil magkatabi lang kami ng kwarto na tinutuloyan ko.
Napansin ko na parang ang tahimik ni bisugo, paglingon ko sa kanya ay nakayukyok ang ulo nito sa armchair at natutulog kaya pala tahimik kasi tulog.
Biglang may pumasok sa amin ang prof. sana namin ngayon, bumati lang sya samin at sabay sabing pwede na kaming umuwi dahil hindi pa tapos ang meeting nilang lahat. Kaya kami ay tuwang-tuwa ng umalis ang prof. namin, at lahat kami ay magsisiuwian na. Gigisingin sana ni Aria si bisugo ng pinigilan ko ito at binulongan ko na huwag gigisingin, para makaganti ako sa pang aasar nya sa akin kanina," sabay hila ko sa kanya palabas ng pinto. Nakita ko naman si Szarina na naka abang sa amin sa pag labas namin sa pinto, tara na Szarina umuwi na tayo," pag aya ko kay Szarina.
"Paano naman yong isa natin na kaklase, tulog na tulog hindi ba natin sya gigisingin," tanong ni Szarina.
Pabayaan natin sya magigising din yan mamaya, kapag naramdaman nyang wala na syang kasamahan kahit isa dito," sagot ko sa tanong ni Szarina.
Umuwi na nga kaming tatlo.
POV- IssaKadarating lang naming dalawa ni Szarina dito sa dorm. Magkatapat lang kami ng kwarto na tinutuloyan. Gusto sana ni Aria sumama dito kaso may trabaho syang dapat unahin. Pagkalabas namin ng gate ng Campus ay nag paalam na siya sa sunod na araw na lang sya sasama kapag hindi na sya busy."Szarina uwi na ako, tawag ka lng sa akin kapag may kailangan ka, katokin mo lang iyong pinto," paalam ko."Sege salamat, kahapon kase naligaw ako. Sumakay ako ng taxi akala ko kahapon ibang lugar iyong nakasulat na address sa papel, street pala kaya kahapon hindi ako nakapasok. Biro mo nilakad ko mula don sa pinagbabaan sa akin ng taxi driver, hanggang don sa Don Bosco. Sa kalsada na nga ako nakatulog nong nakaraan gabi, buti nalang may waiting shed kaya nakapag pahinga ako kahit papaano,"wika ni Szarina."Tanga kaya pala absent ka kahapon, bakit di ka nag tanong-tanong. Hindi naman pinagbabawal ni President Duterte na bawal mag tanong kapag wala ka pang alam na lugar dito sa syudad, o kaya
POV- Issa Muntikan na ako don ah, sakit sana sa pwet non kung nagkataon. "Okay ka lang ba Miss!" bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo nabangga mo tuloy ako bulag kaba?" sagot ng lalaki. Guwapo na sana sayang ang yabang lang dahil sa inis ko kaya tinarayan ko sya. "Oo bulag ako hindi nga kita nakikita. Hindi ko nakikita yang mukhang garapata mong pagmumukha. Makapag sabi ka sa akin ng bulag akala mo ikina gwapo mo, ikaw itong nakaharap sa paglalakad sana ikaw na ang gumawa ng paraan para nakaiwas ka. Di iyong sasabihin mo sakin na binangga kita. Pa victim kang masyado," sagot ko sa kanya. "Hi Mr.Yummylicious makawet ng panty, Anong pangalan mo?" maarteng tanong ni bisugo. Aba't ang bisugo nagawa pang tanongin itong lalaki at ano daw Mr. yummylicious tumatalandi ang mangkukulam. "Ako si Eutanes Titini," pakilala ng lalaki. "Ako naman si.... Hindi naituloy ni bisugo ang pagsabe nya ng pangalan ng magsalita ang grupong WEAK. "Babalikan ka namin impaktita, babalik
POV- Eutanes."Kriiiinggggg... kriiiinggggg..Boom panis, boom boom pepe mong amoy panis. Boom panis, boom boom pepe mong amoy panis boom. Tunog ng aking alarm clock.Iminulat ko ang aking mata para patayin ang alarm clock."Oh gising na pala ang unico hijo kong magaling. Magseryuso ka naman sa buhay mo nak. Hindi kana umuwi ng bahay natin na hindi basag yang pagmumukha mo. Nabalitaan namin ng iyong ama, napa away ka nanaman daw sa bar CASA ISABELLA ng kaibigan mo. Hanggang kailan mo dadalhin yang pagiging basagulero. Isa kang tanyag na negosyante sa bansa natin, pero napaka basagulero mo. Anak naman maawa ka naman sa amin ng ama mo, kami ay tumatanda na. Paano na lang kung wala kami, walang maglilinis ng pangalan mo," sermon ni mom."I love you ma' i love you," paglalambing ko."Bumangon kana d'yan hindi mo ako ngayon madadaan sa paglalambing mo Eutanes. Bilisan mo may mahalaga tayong pag-uusap ng iyong ama," utos ni mom."Kung sa pag-aasawa lang ulit ang pag uusapan natin mom'. Ngayo
POV. Issa Kinabukasan lahat kami ay nasa loob na ng silid aralan. Habang nagtuturo si Ser Anderson may namataan kaming babae na nakatayo sa pintuan at kasama ang Dean na si Mrs. Jean Diaz at tinawag ang pangalan ng prof. namin. "Good morning Ser. Anderson," tawag ni Mrs. Diaz "Good morning din po Mrs Diaz," pagbati din ni ser. "Mayroon kahapon na bagong lipat dito na studyante at sayo ko sya ipapalista total hindi naman madami ang studyante mo," wika ni Mrs. Diaz. "Wala po sa akin problema Mrs.Diaz, ito po ba sya? tanong ni ser. "Oo, ikaw na ang bahala sa kanya. Inihatid ko lang siya dito, dahil may meeting pa ang Faculty," habilin ni Mrs Diaz. Ng makaalis na si Mrs Diaz, kinausap ni Ser iyong bago naming classmate.. "Hi! Bago ka maupo sa likod ni Ms.Aria magpakilala ka mona sa amin," wika ni ser. "Hello sainyong lahat, akkk.... Biglang tigil ng babae at humarap kay sir. "Ser pasensya na paano po ba ako magpapakilala sa kanila dito sa unahan, kailangan po ba maganda ang po
POV-Eutanes.Nandito kami ngayon sa Casa Isabella pag-aari ng isa kong kaibigan na si Joseph Zotomayor. Dito kami madalas tumambay kapag tapos na kami sa aming trabaho. Isa ako sa pinaka mayaman at tanyag na negosyante dito sa Pilipinas sa edad ko na 25 ay marami na akong napatunayan sa aking mga magulang. Isa lang ang hindi ko sa kanila napapatunayan ang pagiging babaero ko. Ang pamilyang Titini ang nag mamay-ari ng Oil company dito sa buong Pilipinas at sa iba't ibang panig pa ng mundo. Ang aking dalawang kaibigan naman ay pinamamahalaan din nila ang mga negosyo nila. Itong Casa Isabella na ito ay trip lang noong una ng aking kaibigan. Pero nong lumago at naging sikat dito sa kamaynilaan, nagkaroon pa sa ibang lugar dito parin sa manila.Habang nagkakasiyahan kami ng aking kaibigan, may nakita ako na dalawang babae na sa tingin ko ay lasing na kaya binabastos na ng ibang grupo ng kalalakihan. Nilapitan ko sila, narinig ko ang sinabe ng lasing na babae."Chyrll umuwi na tayo! Huwag na
POV- Issa.Habang naglalakad kami sa kalasada nina Szarina at Marian patungo sa eskwela pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin sa malayo. Panay ang linga ko sa kaliwa't kanan habang ang dalawa ay nagtatalo. "Ano ba! Marian h'wag ka ngang humawak sa braso ko na parang tuko. Naalibadbaran ako sayo eh," naiinis na salita ni Szarina kay Marian. "Ang arte mo naman eight onz. Wala naman akong galis at hindi naman ako mukhang tuko, parang hahawak lang sa braso mo damot-damot mo," pairap din na sagot ni Marian kay Szarina. "Kay Issa ka humawak h'wag sa akin feeling close ka sa akin. Ihulog kita d'yan sa kanal kapag hindi mo ako nilubayan," sagot muli ni Szarina. "Oo na! kapag lang ako nasagasaan, nagkapira-piraso ang aking katawan at ako ay namatay mumultuhin kita. Hindi kita patatahimikin gabi-gabi," sagot ni Marian. "Eh di mas okay yon para wala ng tuko na kakapit sa aking braso. Tsaka may pangontra ako sa multo noh! at mga maligno kaya di mo ako matatakot," sagot din ni Szarin
POV-EUTANES.Nandito ako ngayon sa Resort ng Lagunadito sa Japanese Garden. Napakaganda ng lugar na ito. Maraming torista ang pumupunta at namamasyal dito. Ang Japanese Garden sa tabi ng Lake Caliraya (sa Laguna) ay isang memorial park na itinayo ng gobyerno ng Japan noong 1970s upang gunitain ang mga sundalong Hapones na namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon sa ilang mga lokal at alamat, ito rin ang libingan ni Heneral Yamashita ng Yamshita treasure.Naghahanap ng mapayapang picnic spot? si mommy noon. Bumisita kami sa isang lugar sa Caliraya, Cavinti Laguna dito sa Pilipinas. Kung saan malamig ang hangin, tahimik na ambiance at bumubulong ang hangin sa mga dahon ng mga puno. Dito sa lugar na ito ko natuklasan ang isang lugar na sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ang Japanese Garden ng Caliraya.Upang makarating dito kailangan mong magmaneho sa isang bundok kung saan matatagpuan ang isang lawa na tinatawag na Caliraya. Isang ginawang lawa ng t
POV-EUTANES.Pauwi na kami ngayon ng Maynila. Malaki ang pagkakangiti ko dahil marami akong dalang pasalubong para kay mommy na nakalagay sa cooler, tiyak na magugustuhan niya ito lahat. Habang binabagtas naming magkakaibigan ang daan palabas ng Japanese Garden may natanaw akong isang babae na nakatayo sa labas ng isang rest house na hindi nalalayo sa rest house na inukupahan namin. May nakaukit na pangalang PRINCESS MARIA AYONAH SABRINA ALCANTARA. Namukhaan ko ito. Pinahinto ko ang aking sasakyan sa gilid, ganoon din ang aking kaibigan."Dude bakit ka tumigil? Sino iyang babae? H'wag mong sabihin na may titirahin ka mona ngayon bago tayo umuwi," tanong ni Joseph."Sira ulo! kilala ko ang babaeng iyan, nakilala ko siya sa Maynila sa labas ng school ng Don Bosco Technical College." Sagot ko sa tanong ni Joseph habang naglalakad kmi papalapit kay Sabrina."Hello Sabrina! nagulat naman ito na napatingin sa amin."Oh Hi! sino po sila? Ano po ang kailangan ninyo sa akin? Tanong nito sa aki