LIKE 👍
‘Hahaha maglaway kayo!’ Tawa ng isip niya. Bumalik siya ng upo. Nang mapatingin siya kay Miguel ay napansin niya na namumula ang tenga nito. Para itong nahihiya na ewan. “Wag mo sabihin sa akin na nagseselos ka kay Dan?” Napahagikgik siya ng hindi ito sumagot. Mukhang tama ang hinala niya. Namumula ang tenga na nag iwas ito ng tingin. “You called him ‘mahal… but when it comes to me, Miguel? Where’s the justice, my angel?” Naninibugho na turan nito. Napahinto siya sa paghahikgik at napaawang ang labi na napatingin dito. Ibig sabihin ay… gusto nitong tawagin din niya itong mahal? Gano’n ba? Kinagat niya ang loob ng labi para pigilan ang sarili na wag mapatili sa kilig. Tumikhim siya at ngumisi dito ng namumula pa ang pisngi. “Sorry naman, fafa ko. Malay ko bang gusto mong endearment ako sayo.” “What? F-fafa?” “Bakit ayaw mo?” Ngumuso siya. “Mas gusto ko kasi ang fafa, kakaiba. Ayaw mo no’n, fafa kita. Saka fafa Miguel naman talaga ang tawag ko sayo noon, ah.” Aniya sabay bungi
Parehong hindi mawala ang ngiti sa labi nila ni Miguel habang nagpapaalam sa magulang nito na babalik na ngayon sa Italy. Narito sila ngayon sa airport kung nasaan ang private jet na ginagamit ng magulang nito sa tuwing bibisita sa Pilipinas. Hindi sanay mamuhay sa Pilipinas ang magulang ni Miguel dahil parehong lumaki ang mga ito sa Italy, kaya naman bumibisita lang ito sa binata ng mga isang beses sa isang buwan, o di kaya ay si Miguel ang pupunta sa Italy para bisitahin ang magulang. Ang Auntie Michelle nito ang kasa-kasama dito sa Pilipinas simula ng bata pa si Miguel. At dahil matagal ng namalagi dito si Auntie Michelle ay natuto na ito ng wikang Filipino. Nagustuhan din ni Miguel dito sa Pilipinas, ang isa sa dahilan ay dito ito nagkaroon ng mga kaibigan. Nalaman niya iyon dahil palagi silang nagku-kwentuhan bago matulog simula ng magkaayos sila. Para silang bumalik sa simula, kinikilala pa nila ng husto ang isa’t isa. Kapag nakapagdecide na sila kung kailan ang petsa ng kan
HINDI mabilang kung ilang beses napalunok si Miguel habang nakatayo na parang bata na pinapagalitan niya ngayon. Hanggang ngayon ay dama parin niya ang malakas na tibok ng puso niya sa kaba. Pinaningkitan niya ito ng mata. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang magpapatakbo ng matulin? Gusto mo bang mamatay ako ng maaga sa takot? Paano kung madisgrasya ka? Gusto mo bang ma-byuda ako ng maaga?” Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at nagpatuloy. Habang pinapagalitan niya ito ay hindi ito nagsasalita, o sumasagot. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay para siyang nanay na pinapagalitan ang anak niya. Bumuntong-hininga siya. Huling nagalit siya dito nong nagpatakbo ito ng mabilis noon ay hindi pa sila magnobyo. Alam niya na isa sa mga hobbies nito ang makipag-race ng mga sasakyan. Actually, nakasama na siya dito ng isang beses noon. Pero hindi na naulit iyon dahil talaga naman na nakakatakot. Isang lap palang ang naiikot nila noon ay daig pa niya ang mamamatay sa nerbiyos. Alam ni
SIYA mismo ang nagbaba ng black pants nito pagkatapos niyang alisin ang sinturon na suot nito. Napalunok siya ng mapatitig sa boxer shorts nito. Hindi pa niya naaalis ito ngunit namumukol na ito sa sobrang laki. “Uhmm.” Kumawala ang mahinang ung0l sa labi nu Miguel ng maramdaman ang paghawak niya sa pagkalalakí nito na may tela pang nakaharang. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya at nagawa pa niyang amuyin ito habang nakatingala kay Miguel, na para bang sinasabi sa pamamagitan ng tingin na napakabango at nakakatakam. Shit. Hindi pa niya ito nasusubo pero nasasabik na siya. Dahan-dahan niyang binaba ang boxer shorts na suot nito. Bumaba ng laway ang loob ng bibig niya ng makita kung paano ito tumalbog at tumama sa kanyang ilong. Napakalaki at napakataba talaga ng arí ni Miguel. Ilang beses na niya itong nakita ngunit hindi parin masanay ang mata niya sa sukat nito. Ang exaggerated kung sasabihin na napakalaki—subalit iyon ang totoo. Halos kasing laki ito ng braso niya at
“Tell what you want, my angel.” Lalong bumagal ang paglamas-masok ng daliri nito sa loob niya kaya naman mas lalo siyang nakadama ng pagkabitin. “Sabihin mo ang nasa isip mo, Gail. Ano ba ang gusto mo? Ano ba ang gusto ng katawan mo?” “G-gusto kong, ahmm.” Nakagat niya ang labi ng gumalaw ang kamay nito ng mabagal. Shit! Ang sarap pero nakakabitin! Napangisi ito ng makita ang lalong pagpungay ng kanyang mata. “Tell me what’s on your mind and I will gladly do it.” Lumapit ito dahilan para dumikit ang matabang arí nito sa bukanà niya. Nilapit nito ang labi sa tenga niya at saka paos na bumulong. “Gusto mo bang tirahin kita hanggang sa hindi ka na makalakad? O baka gusto mong tikman muli ang tam0d ko?” Bulgar at malaswang tanong nito. Nagtaas-baba ang dibdib niya. Nahihibang na yata siya, dahil imbes na madiri ay lalo siyang nag init sa mga sinabi ni Miguel sa kanya. Gumapang ang daliri nito paloob sa kanyang suot na dress, at saka nito tinaas ang suot niyang bra. Impit siyang
“Ma’am Gail, maraming salamat ho talaga. Wala na ho talaga kaming malapitan kaya naman naglakas-loob na kami na lumapit sayo.” Pinahid ni Mariel ang luha. “K-kaya maraming salamat ho sa tulong niyo sa amin ng asawa ko. Tatanawin ho namin ito na isang malaking utang na loob.” Umiiyak na dugtong ng babae. “Walang anuman. Basta kung may kailangan pa kayo ni Benjie wag kayo mahihiya na magsabi sa akin.” Aniya kay Mariel. Tauhan niya ang mag asawa noon sa furniture shop niya na ipinasara. Malaki ang natanggap ng mag asawa na seperation f*e kanya. Sa katunayan, ang lahat ng tauhan niya ay binigyan niya ng malaking separation f*e ng magsara siya. Malaki kasi ang mga potential ng mga ito pagdating sa crafting kaya naman alam niya na mapapakinabangan ng mga ito ang malaking pera na binigay niya. Hindi lamang iyon separation f*e para sa kanya, binigay niya iyon para narin makatulong sa mga ito. Ngunit ang mag asawang Mariel at Benjie ay nasunugan at walang natira sa mga pinaghirapan ng mga ito.
“Pasensya ka na, huh. Hindi ko na kasi naitanong ang pangalan niya. Natakot kasi ako na baka masamang tao siya dahil para siyang wala sa sarili. Actually, mga three months ago palang ng mangyari ‘yon.” Ani Joana. Nalaglag ang balikat niya sa narinig. Kung gano’n ay hindi niya malalaman kung sino ito? Saka kung sino man ito. Bakit nito hinahanap ang ate Marian niya? Ano ang dahilan? “Hindi niya sinabi ang pangalan niya pero nabanggit niya sa akin na nobyo siya ng ate Zera mo.” Dugtong ni Joana ng maalala ang sinabi ng lalaki sa kanya. “Nobyo ni ate Zera? Pero bakit naman niya hahanapin si ate Marian?” Nakauwi nalang siya ay hindi mawala sa isip niya ang naging usapan nila. Kahit si Junli ay hindi rin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari katulad niya. Pareho silang naguguluhan at naghahanap ng kasagutan. Nasaan nga ba ang Ate Marian niya? Kailangan niya makausap ang nobyo ng ate Zera niya. Sigurado siya na may makukuha siya ditong sagot. Pagkatapos ng pakikipag usap sa
Nakokonsensya siya habang nagluluto. Iniwan niya kasi ang lalaki sa hospital at umuwi muna para ipagluto si Miguel. Ayaw kasi niya na uuwi ito sa bahay ng wala siya. Pagkatapos magluto ay naghain na muna siya bago mabilis na naligo. Siyempre dapat mabango siya na haharap kay Miguel. Pagkatapos niyang maligo ay sakto naman na dumating ito. “Fafa!” Nawala ang lahat ng gumugulo sa isip niya ng makita niya ito. Ikinawit niya ang braso sa leeg nito, pinalibot naman nito ang kamay sa bewang niya ay hinalikan siya sa labi ng mabilis. “Tamang-tama nakapagluto na ako. Ano ang gusto mong kainin. Pagkain o ako?” Pilya niyang tanong. Napahagikgik siya ng halikan siya nito sa leeg. “Hmm. Mas gusto kita. Mas mukhang mabubusog ako sayo.” Anito sabay sapo sa pagitan ng mga hita niya. Pinamulahan siya ng pisngi. “B-biro lang, ito naman!” Aniya at agad na lumayo rito. Mukhang makakain siya ng wala sa oras dahil sa biro niya. Tawa naman ito ng tawa habang nakatingin sa kanya. Dahil umupo na ito
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s