Home / All / BLAME / CHAPTER 6: ORIENTATION

Share

CHAPTER 6: ORIENTATION

Author: yahbabylocks
last update Last Updated: 2021-08-12 02:07:54

[BLAINE'S POV]

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising lang nang may kumatok sa pinto. Agad akong nag-ayos at binuksan ang pinto. Hash Mendoza, ang lalaking nakipag-feeling close sa akin kanina habang papunta kami dito sa dorm. Hindi naman sa ayaw kong makisalamuha lalo na't nasa delikado kaming sitwasyon pero gusto ko si Trent ang lumapit sa akin kanina, hindi naman pwedeng wala lang sa kanya ang halikan namin.

"Oh hey" panimula ni Hash, ngumiti namna ako sa kanya baka masaktan pa pag sumimangot ako.

"Hi, what can I do for you?" pabalik kong tanong. 

"We should go, they're already waiting downstairs" nagulat ako sa kanyang sinabi kaya sumilip ako sa baba. Yup, they're already there.

Pumasok muli ako sa loob para tignan ang oras at nasa 5'o'clock na nga ng hapon. Nag-ayos muna ako at muling lumabas sa pinto. Habang pababa kami ni Hash sa pinto ay siya namang pagtaas din nina John Elmer at Anton.

"Go, sasabay nalang ako sa kanila" saad ko nalang kay Hash, hindi naman ito umangal at nauna na ngang bumaba. I feel uncomfortable around him, I don't know why.

Tumaas na nga kaming tatlo at sakto namang pababa din naman sina JG at Trina. Nagyakapan ang apat na para bang nang-iinggit. Natawa nalang ako sa iniisip bago magsalita. 

"Alam ko naman na kayo na ang may perfect lovelife. Tara na, tayo pa ang iniintay doon"

Natawa naman ang apat sa harap kaya nagtaka ako. Nakita kong ngumuso si Trina sa akin na parang may itinuturo. Pag talikod ko ay andoon nga si Trent, ni hindi ko manlang narinig ang mga yabag nito paakyat. Ngumiti muna siya sa akin at ngumiti din ako. I feel happy now but the scene of yesterday entered my mind. 

Isinawalang-bahala ko nalang iyon at bumaba na kaming anim. Hinintay muna namin ang mga ibang kasamahan kabilang na doon ang babaeng tumawag ng 'babe' kay Trent. Speaking of Trent, I caught his eyes looking at her too.

Naramdaman ko nalang na hinila ako ni JG bago tumabi naman sa akin ang apat. Lalapit din sana sa akin si Trent nang umilaw ang led screen. Tulad kanina, naka-maskarang tao na naman ang nagpakita.

"Hope all of you had a good rest. Now that the roles are distributed, I shall announce the function of each roles. Blame ang pamagat ng laro natin, alam kong familiar kayo doon dahil lahat kayo ay nalaro na ang game na yun. Bakit kaya hindi natin laruin dito? Hmm, same roles lang rin naman kaya kayang-kaya niyo yan" masayang wika ni Azul

Muli na namang nagsalita si Azul.

"Una, ang mga citizens, nasa inyong mga kamay nakasalalay ang mga buhay ng mga kasama niyo. You can only vote one person every meeting. Maaari niyong ipagsabi sa mga kasama niyong citizens ang mga nalalaman kung nais niyong manalo. Magkakakilala kayong lahat kaya iwas-iwasan ang pagkakadikit sa isa’t isa para hindi mahalata. Kung ayaw niyo o mas kailangan niyo pa ng ebidensya ay pwede kayong magskip button para walang mamatay sa execution day.

Pangalawa, ang mga police, sila ang bahala sa paghuli ng mga pumapatay. Pwede rin silang mag-imbestiga sa gabi at araw pero mag-ingat kayo dahil sa iba’t ibang bahagi ng lugar na ito ay ang mga mata ng kriminal. Maaari rin kayong mag post sa sating board tuwing madaling araw kapag kayo’y mag-aanunsyo.

Pangatlo, ang nag-iisang mayor. May sampung spy cameras na maibibigay sayo na maaari mong ilagay sa iba’t ibang lugar, ngunit piliin mo ang tamang angulo dahil maaaring sirain ito ng kung sino. Hindi ka maaaring maiboto ng mga citizens pero maibubunyag ang iyong papel bilang mayor, kapag naman pinatay ka ng mga fraud ay maipapadala sa lahat ang mga nakuha mong video kasama na ang mga nakunan ng nasirang camera.

Fourth, we have the doctors. Ipagdasal niyo nalang na hindi makasarili ang doctor niyo para kayo lagi ang maililigtas, sila ang bahala kung sino ang isasalba sa bawat gabing maglalaro kayo. Maaari rin nilang isalba ang kanilang sarili kung kinakailangan, ang mga napili ng mga doctor na safe ay hindi maaaring maglalakd-lakad kung saan kaya mananatili kayo sa kwarto niyo hanggang matapos ang laro. Kung ilan man ang bilang ng mga doctor na buhay, ay siya ring bilang kung ilan ang kanilang maisasalba.       

Ang panglimang role ay ang mga marksman. May kanya-kanya kayong drone na maaari niyong paliparin up to 10 meters high at kapag ito’y lumagpas, sisirain ng mga nakabantay kong sniper, pwede rin silang sirain ng iyong mga kasamahan. Mapapalitan naman ng bagong drone pero hindi na maibabalik ang mga dati mong nakuhang video na pwede mong ipadala.

Pang-anim, ang soothsayer. Alam niya lahat ang mga papel ninyo kaya ingat na ingat siya kung sino ang mga makakasama o makakasalamuha niya tuwing gabi. Nagbibigay siya impormasyon na maaaring ipadala ng mga psycho ngunit hindi niya maaaring ipagkalat o sabihin ang role ng mga iba sa psycho o kung sino pa, kumbaga sila ay isang “mute”.

Pang-pito, ang mga psycho. Sila ang ang tagapagpadala ng mga liham mula sa sootsayer o mula sa kanila mismo, papunta nalang kung sino ang kanilang gugustuhin. May access silang lahat sa anumang computer kaya mababasa nila ang lahat na pinag-uusapan ng mga iba’t ibang papel.

Pangwalo ay ang mga frauds, sila ang mga pumapatay at kontabida sa larong ito. Hindi larong patay-patayan, dahil talagang mapupunta kayo sa langit o sa impyerno. Maaari silang gumawa ng mga patibong na papatay sa mga tao ngunit hindi nila pwede patayin ang mga marksman dahil kapag ito’y kanilang nahawakan sa gabi ng laro ay agad na maibubunyag ang kanilang ginagampanang papel.

Pang siyam ay ang dalawang spy. Sila ang mga mata na nag-iimbestiga at nagbibigay impormasyon sa mga frauds. Kung ang mga amo nila ay hindi mapatay ang marksman, sila lang ang pag-asa dahil hindi sila pwedeng pumatay maliban sa mga marksman” panandaliang huminto sa pagsasalita si Azul.

“May mga nagtaka sa inyo dahil hindi ko nabanggit ang kanilang mga papel kaya ito ang malaking pasabog. May maidadag na tatlo pang roles mula sa orihinal nitong bersyon. Boring naman ang laro kung di ko maidadagdag ang mga ito.

Pansampu, the hustler. They have the power to disable or silence anyone’s role function for the whole night. Alam na nila ang gagawin kaya iyon lang ang maibibigay kong ipormasyon tungkol sa hustler.

The eleventh role is the assasin. Ang kanyang special na abilidad ay kapag siya ang pinili ng mga citizens na mamatay ay maaari pa siyang pumili ng isa kung sino ang makakasama niyang mamatay. Kapag naman pinatay siya ng mga fraud ay mamamatay naman ang kanyang pinili bago magsimula ang laro.

And lastly, the journalist. Sa pangalan palang, alam na nating sila ang may kapangyarihan para ibulgar ang katotohanan. Sila ang makakatanggap ng video na nagmalalaman ng mga impormasyon mula sa mga marksman. Kilala sila ng mga marksman pero hindi nila kilalala kung kanino sila nakakatanggap ng impormasyon. Every journalist should report everyday.

We’ll only have three rules for this game:

  1. Hindi niyo pwedeng ipagsabi sa mga iba ang mga role niyo maliban sa kapwa ka-role niyokundi sabog ka.
  2. The functions of the the following role can be used during nighttime only: Doctor, Spy, Fraud, so that means fraud can’t kill during daytime. The functions of the following roles can be used during daytime only: Citizen, Psycho, Journalist, and Hustler. For the others, you can use it both daytime and nighttime.
  3. Ang alarm light pendant ay siyang magpapahiwatig kung tapos na ang laro, kaya kailangan niyo itong suotin kapag magsisimula na tayo.
  4. If ever na hindi makapatay ang fraud sa gabi ng laro ay ako mismo ang pipili kung sino ang mamamatay.

Syempre alam kong marami sa inyo tututol na maglalaro kaya lahat ng games ay may premyo. For those 8 people who managed to survived will win 25 million each. Any questions?” nagsitaasan kaming lahat ng kamay. Isang malakas na putok ng baril ang marinig namin kaya napasigaw ang ilan sa amin.

“I said, anymore questions?” umiling naman kami bilang responde, ayaw pa naming mamatay.

“Okay good, isa-isa ko kayong tatawagin at pupunta sa likod ng monitor na ito at pipili ng ingame codename niyo… Gail” pumunta ang isang babae sa likod ng monitor at parang may pinindot.

“Davis” sumunod naman ang isang lalaki. “Anton” si Anton naman sumunod kay Davis. “Olivia” ang pangalan na sumunod kay Anton ay pangalan na ayaw kong naririnig. Iba pa naman ang tingin ng mapalingon sa akin, buti nalang at napansin iyon ni Trina at iniharang ang mukha nito.

“Madid… Carlo… Maggie… Hamada… Zafra… Sid… Hash… Trent… Yanna… Molly… Rolando… Conor… Delmara… Ellie… Melvin… Asher… Brooklyn… Clemente… Ramon… Max… Nina… Kate… John Elmer… Kevin… Alexandro… Herbert… Chance… Stephano… Nicole… Verdan… Blaine… Clementine… Reece… Preston… Jeremy…Trina… Jerry Gawn… Gregorio… Abby… Amira… Julio… Tiffany… Jay… Belen” isa-isa nga kaming tinawag at pumili ng sarili codename, pangalan lang naman ng mga hayop ang nasa choices.

“Not in order. So we have dog, boar, snake, owl, rabbit, giraffe, turtle, rooster, frog, shark, fish, lion, eagle, deer, sheep, goat, octopus, cheetah, monkey, horse, pig, fox, beaver, platypus, ox, mouse, crocodile, iguana, dolphin, eel, elephant, seahorse, whale, polar bear, grizzly bear, panda, antelope, bat, rhinoceros, chameleon, chipmunk, squirrel, cow, bull, gorilla, cat, meerkat, and hyena” sinabi niya ang mga napili naming mga codenames bago magsara ang led screen.

Iba’t ibang reaksyon at opinion ang maririnig sa pwesto kong iyo kaya minabuti kong ipinikit ang mga mata at huminga ng mga malalim. Habang nanatiling nakapikit ay tumahimik ang paligid ko kaya muli na namang dumilat para alamin kung anong meron.

“Proceed to cafeteria” iyan ang nabasa ko sa led screen. Nagsimula kaming maglakad papunta sa direksyon kung saan itinuturo ng nasa led screen.

Yakap-yakap nila John at Anton ang kanilang kapareha na alam kong natatakot din sila kung ano man ang magiging resulta. Nasa ganoong paglakad kami ay may umakbay sa akin, nang lumingunin ko ito ay may isang mapait na ngiti sa kanyang labi.

“Are you okay?” ang nag-aalalang tanong ni Trent, ngumiti naman ako sa at tumango bilang sagot.

“She’s my ex, pinagpalit niya ako sa mas better sanhi ng paghihiwalayan namin. Believe me, we already broke up” ang paliwanag niya, hindi na ako nagtanong kung tungkol saan ang sinasabi niya.

“Okay” ang tanging naisagot ko at humarap na muli sa daanan. Tinanggal na niya ang pagkakaakbay sakin, akala ko pupunta na naman siya sa likod pero nabigla ako ng isang mainit na palad ang humawak sa aking kamay. Malalaki at magaspang ang kamay ni Trent, halatang nagbubuhat ito ng mga mabibigat.

Hinayaan ko nalang ang kamay naming ganoon hanggang sa marating namin ang cafeteria, nasa likod ito ng dorm pero may kaunting distansya mula roon. “Kayo na ang magluto ng kakainin niyo” iyan ang nakasulat sa pinto ng cafeteria.

Pagkabukas ng sliding door ay malinis na lamesa ang makikita, may water dipenser din at kuhanan ng mga softdrinks, sa gilid ng water dispenser ay isang kwarto kung saan naroon ang ref, iba’t ibang ginagamit sa panluto, mga kawali, oven at stove.

“Kami na ng kapatid ko ang bahala sa pagluluto” ang pagpresenta ng isang babae katabi nito ang kanyang kakambal. Kung matatandaan ko ang kanilang pangalan ay Clementine at Clemente.

“Tutulong na rin ako” pagpresenta din naman ni Nina. Naghanap naman kami ng mauupuan, bale may limang lamesa at bawat lamesa ay may mahabang upuan sa kaliwa’t kanan na kakasya ang limang tao sa bawat gilid nito.

Tahimik kaming umupo sa pang-apat na lamesa, umupo na rin ang mga iba at may naki-upong apat sa amin. Kung naaalala ko ang pangalan nila, sila ay sina Brooklyn, Jay, Delmara, at Gregorio. Habang naghahanda ng hapunan ang lima dahil may tumulong pa sa kusina na dalawa, naghihintay naman kaming lahat pero amoy na amoy mula sa kusina ang niluluto nila.

Alas syete ng gabi, natapos na kaming kumain. Masarap ang niluto ng lima, adobo na may halong pinya. Isang oras pa ang natitira bago magsimula ang laro namin, hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng larong ito pero nasabi naman na ni Azul ang gagawin ng gagampanan ko. Muling bumalik ang takot sa aking dibdib na iniisip na ayokong mawalay sa mga kaibigan ko.

Nasa ganoong pag-iisip ako, nang may nagsalita sa speaker ng cafeteria. “Isang oras pa bago ang laro kaya maaari kayong pumasok sa loob ng kwarto niyo para mag-ayos at makipag-usap sa mga kakampi niyo, hindi kayo maaaring lumabas hanggang sa magbibigay ako ng hudyat. Iwan niyo nalang ang mga pinagkainan niyong iyan dahil magdadala ako ng mag-aayos para diyan”

Sa sinabi nga ni Azul na iyon ay tahimik naming iniwan sina Anton, Trent, at John Elmer sa harap ng kanilang kwarto. Nang nasa 4th floor kami, ay naiiyak kong niyakap ang dalawa kong kaibigan, niyakap rin nila ako pabalik bago umakyat na sa 5th floor.

Pagkapasok ko sa kwarto, doon ko ibinuhos ang aking iyak, humagol ng malakas na parang bata at iniisip ang magiging resulta ng larong ito. Makalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako at pinunasan ang mga luha saka ipinangako sa sarili na magkikita kaming magkakaibigan pagkatapos ng larong ito.

Dumiretso na ako sa lamesa kung nasaan ang kahon, kinuha ko mula sa loob ang alarm light pendant at binasa kong mabuti ang role card ko at kung ano mga kanyang dapat gawin.

END OF CHAPTER 6…

Related chapters

  • BLAME   CHAPTER 7: FIRST VICTIM

    [THIRD PERSON’S POV]Pagpatak ng 7:55 ng gabi ay muling pinatawag ni Azul ang kanyang mga players para magtitipun-tipon sa field. Isa-isa silang lumabas at nagtipon nga sa field suot-suot ang kanilang alarm light pendant, may mga iba rin na nagpalit ng mas komportableng damit habang ang iba naman ay dati parin.“Dalawang minuto pa ay opisyal na nating sisimulan ang larong ‘BLAME’. Sanayin niyo rin na makasaksi ng mga pagpatay dahil hindilangngayonggabi ang magiging duguan.Sa mga gustong malaman kung sino ang mga isinalba ng mga doctor, sila ay sina Abby, Kevin, at Jeremy, ngayong gabi lang ito at depende kung iibahin ng doktor ang nais nilang isalba. Hating gabi matatapos ang laro at kung wala mang mapatay ang mga fraud ay ako ang pipili” anunsyo ni Azul habang gayak na gayak na pinapanood ang takot na mukha ng mga players.

    Last Updated : 2021-08-16
  • BLAME   CHAPTER 8: CLOSE ONE

    [MR. AYAGUZA’S POV]It’s over 24 hours since the last time I saw my daughter. I already informed the police pero sabi nila maghintay daw kami ng 24 hours bago magpa-blotter. I already command my secretary to tell the police again, which he’s doing it right now. The curious part is, even her friends are also missing.Trina’s dad, my comrade, asks if her daughter is with my daughter. Jerry Gawn’s uncle also informed me that his nephew didn’t come home even if it’s late, so he wondered if he’s in our house.It was 11 in the night when my secretary went inside my office with his troubled face.“What’s the problem?” I asked, but she was about to answer when I stopped her after hearing high heels walking towards my office.“Watashitachi no magomusume wa doko ni imasu ka?” (Where is our granddaughter?) As e

    Last Updated : 2021-08-18
  • BLAME   CHAPTER 9: MEMORIES

    [THIRD PERSON’S POV]Natapos silang lahat na kumain at kanya-kanya sila ng hugas ng plato, nasarapan sila sa luto ng magkapatid at mga tumulong sa kanila.Nauna nang lumabas si Blaine para gisingin si John Elmer at pumalit kina Anton at JG para makakain na sila. Sa kanyang paglabas ay hindi niya napansin na may sumunod sa kanya.Sa kanyang pag-akyat papuntang sa ikalawang palapag ay hindi niya nakita na basa ang hagdan kaya naman nahulog ito. Wala siyang naramdamang sakit kaya nang imulat ang kanyang mata ay mukha ni Hash ang kanyang nasilayan, sinalo siya ng binata.“God. Thank you! I thought I’ll bump my head on the floor” pagpapasalamat ni Blaine habang nasa ganoong posisyon.Hindi nila narinig ang mga padyak na pababa at ganoong posisyon ang naabutan ni Trent sa kanyang pagbaba. Hindi niya maigalaw ang katawan, nakita naman siya ng dalawa at agad na

    Last Updated : 2021-08-20
  • BLAME   CHAPTER 10: SECOND NIGHT

    [THIRD PERSON’S POV] “Blaine” pagtawag ni JG sa kaibigan habang kumakatok sa kanyang pinto. Pinagbantay niya muna si Anton kay Trina para makausap pa ang nasaktan nitong kaibigan. Hindi niya alam kung bese siyang kumatok pero nasi niya lang makausap ang kaibigan. “Andoon lang kami sa taas ha. Labas ka lang if you need ng kaausap” umalis na nga si JG at bumalik sa ikalimang palapag para kumain na rin. Naabutan nito ang nobyong sinimulan na ang pagkain. “Kamusta siya?” ang tanong ni Anton sa nobyong kaharap niya. “She’s still in her room, she won’t talk to me. Ilang beses ko na kasing pinagsabihan na huwag agad ma-attach sa mga gawapong lalaking kakakilala lang niya” ang sagot ni JG. Umupo nalang ito at sinimulan ring kumain. Pagpatak ng 12 nang tanghali ay nagsibalikan ang mga kalahok sa kanya-kanya nilang kwarto. Nagsimula na silang nag-uusap usap.

    Last Updated : 2021-10-18
  • BLAME   CHAPTER 11: NECKLACE

    [THIRD PERSON’S POV]Mabilis na tinakbo ni John Elmer papunta sa field. Nais niyang matapos agad ang laro para mabantayan niya ang kanyang nobya na si Trina. Sa kantyang pagbalik ay hindi niya inaasahan na makakasabaya ng basang binata na si Stephano. Masayang-masaya ito at parang giliw na giliw.“Something good happened?” ang tanong niya sa binata.“Yup” ang sagot naman ni Stephano pabalik that made John suspicious of him. Hindi na siya nag-isip at ipinagpautuloy ang kanyang pagtakbo.Nang malapit na silang makarating sa field ay tanaw na tanaw nito ang taong parang may hinahanap. Out of shock and excitement, napabilis ang kanyang pagtakbo. The person he saw was also running towards him kahit masakit ang mga paa ay tiniis niya yun.Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa noong nagtagpo sila sa gitna ng field. Both of them started to cry as they felt ea

    Last Updated : 2021-10-26
  • BLAME   CHAPTER 12: BRUTAL DEATH

    [MR. AYAGUZA’S POV]“Sir” ang pagtawag ng sekratarya ko nang makapasok. Sa likod nito ay may dalawang police at isang imbestigador. I sighed as I looked at my secretary. “Call my lawyer” tumango lamang ang sekretarya ko.Mabilis na nakarating ang lawyer na siyang kumausap sa mga police. I just sat, still wandering where could my daughter be.“Is this your sign?” tanong ng imbestigador na nagbalik sa akin sa katinuan. I looked at the paper, knowing that it was forged.“Nope, that’s not my penmanship” ang sagot ko. Tumaas ang kilay ng police at imbestigador sa akin. “Can you prove us that this was not your penmanship?”Itinuro ko ang pinakadulo ng signature. “I always leave a tail here” ang sagot ko, umakto ng mabilis ang lawyer ko at ipinakita ang mga lumang dokumento na mayroon akong pirma. Tin

    Last Updated : 2021-11-02
  • BLAME   CHAPTER 13: ACCUSED AS FRAUD

    [THIRD PERON’S POV]Name: PrestonCodename: SheepRole: CitizenKitang-kita mula sa LED Screen ang imahe ni Preston, nakalublob ang ulo nito sa tubig at ang kanyang dugo ay sumasabay sa pagdaloy ng tubig. Hindi makapaniwala ang mga kalahok na kayang gawin iyon ng isa sa kanila.Ito ang naabutan ni Clementine noong nakarating na sa field, mabilis nitong hinanap ang kapatid pagkatapos makitang hindi ang kapatid niya namatay ngayong araw.“CLEMENTE!” ang sigaw niya at hindi na pinansin ang pagtingin sa kanya ng mga kasama niya, ang importante ay makita niya ang kanyang kapatid.“CLEMENTE!” ang malakas na naman nitong sigaw habang hinahanap kahit pilay ang kanyang paa. Napansin iyon ng kanyang kasamahan kaya mabilis nila itong pinakalma at nagtatakbo si Tifanny para kumuha ng bandage.

    Last Updated : 2021-11-09
  • BLAME   CHAPTER 14: LURE

    [THIRD PERSON’S POV]“Ahhh… Ahhh… Ahhh… FUCK!” ang malakas na ungol ni BEAVER nang malabasan ito. Andito na naman sila ng spy sa cabin kung saan sila nagtatalik. Walang ibinigay na impormasyon ang spy bagkus gusto niya lang makatalik ang babae.“You naughty boy” ang natatawang wika ni BEAVER bago siya tulungan ng spy na tumayo. Akala niya ay tapos na sila pero nagulat ito noong binubuhat siya ng spy. Yun pala ay gusto siyang kantutin ng lalaki sa pabuhat na posisyon.“Ahhh… Ummm… Harder” ang nagsisimulang ungol ni BEAVER na sinunod naman ng lalaki.Hindi nagtagal ay agad ding natapos ang mainit na tagpuang iyon. Nag-aayos sila ng sarili para muling bumalik sa field at baka mapaghinalaan pa sila.“Ito ang plano, sabihan mo rin ang mga kasama mong spy para alam ang gagawin” Higit limang minu

    Last Updated : 2021-11-16

Latest chapter

  • BLAME   CHAPTER 26: DAY 1 OF 3

    [THIRD PERSON’S POV]“Today we are having your challenge ‘3-Days Trouble’ kaya kung napansin niyo kagabi noong natapos ang laro ay hindi niyo nabuksan ang computer niyo dahil starting at that time ay hindi niyo pwedeng magamit ang role niyo. Kaya ngayon, hindi niyo pwedeng pag-usapan o magplano ng advance, gamitin ang mga drone niyo, mag-silence, in other words, all of you are powerless.No one is exempted sa challenge na ito because I’m sure na magugustuhan niyo lahat ito. Don’t worry dahil you have a lot of time to prepare, and we won’t be playing blame for a while. Sa ngayon ay kumain, mag-enjoy, sleep, do your shits until the challenge starts” payahag ni Azul noong alam na gising na ang lahat. Isa ito sa mga plano niya, to test their strength, abilities, tapos ang pagiging madiskarte.Dahil nagsara na nga ang LED Screen ay nangangamba silang lahat kung ano na naman a

  • BLAME   CHAPTER 25: BEFORE THE CHALLENGE

    [THIRD PERSON’S POV]Ipinakita na ni Azul ang detalye ng naging biktima.Name: VerdanCodename: ChipmunkRole: JournalistReports: Piss Me Off, Epic 2, Yummy, One Punch Man, Escapade, Tries, Random, Pitiful and ImaginableAng kinalaban ni Verdan na si EEL ay pasimpleng ngumiti noong ipinakita ni Azul ang larawan kung saan nakabitin sa puno ang katawan ni Verdan, katulad rin ni Madid ang uri ng kanyang pagkamatay. Naalala nalang ni EEL ang nangyari sa kanila kanina sa pagitan ng ayaw nila.[FLASHBACK]Ramdam na ramdam ni EEL ang pagkabinat ng kanyang braso, alam niya ang pakay ni Verdan, iyon ay ang pilayin ang kamay nito para hindi p

  • BLAME   CHAPTER 24: TENTH NIGHT

    [THIRD PERSON’S POV]Umiiyak parin si Blaine sa kanyang kwarto, hindi makapaniwala na ang taong kausap niya kahapon ay wala na sa mundong ito. Kahit naman kakakilala lang niya yung tao pero iba naman na kaibigan na ang turing mo sa kanya lalo na’t siya ang napiling balikat na sasandal habang sinasabi ang kanyang mga problema.Patuloy parin sa pag-iyak si Blaine at tumigil lang noong may narinig itong kumatok sa kanyang kwarto.“Blaine, di ka ba kakain?” ang tanong ni Trina mula sa labas. Kasama niya ang tatlo pa nilang kaibigan para sana yayain din siya lumbas. Ilang katok pa ang ginawa ni Trina hanggang sa awatin na ito ng boyfriend.“Tama na, baka tulog pa ang tao” ang pagpapapigil ni John Elmer kay Trina. Tumango lang rin naman si Trina at aalis na sana sila noong makitang tumatakbong palapit sa kanila si Hash.“Is she okay?”

  • BLAME   CHAPTER 23: OBSERVATION

    [THIRD PERSON’S POV]“Eyes on them”Ang nakatatak na wika sa isipan ni CROCODILE na utos ni Madid sa kanya. Ngayon ay silang dalawa lang ang magtutulungan para makapagbigay ng impormasyon sa mga citizens.Ito ang panglimang araw na susundan ni CROCODILE sina BEAVER at GOAT, mula noong gabing namatay si Madid. Matapos ang ayaw nina Trina at Clementine at nagsisimula nang magkanya-kanyang business ang mga tao ay doon niya din sinimulang sundin ang dalawa.Sa kanyang pagsunod ay nakasalamuha niya ang kapwa police nitong si ROOSTER, nagtanguan lang silang dalawa dahil nakakalayo na ang minamataan naman ni ROOSTER.Naglalandiang pumunta ang dalawa sa kagubatan habang si CROCODILE ay tahimik lang na nakasunod sa kanila, inoobserverbahan ang paligid kung may nakasunod ba sa kanya o wala.Nakita niyang pumasok sina BEAVER at GOAT sa isan

  • BLAME   CHAPTER 22: TILL PROVEN GUILTY

    [BROOKLYN’S POV][FLASHBACK]“Prepare the OR” ang narinig wika ng isang nurse noong imulat ko ang mata ko. Nakatingin lang ako sa ilaw ng hospital habang tinatakbo kami. Napalingon ako sa left side ko at nakita ang nakakabata kong kapatid na tinatakbo rin.Ang nakakagulat ay may nakatarak na mahabang tubo sa kanyang leeg kaya mas lumakas ang tibok ng puso ko.“Mio?” ang pagtawag ko sa pangalan ng kapatid ko. Pilit kong inaabot ang kanyang kamay kaya ibinaba iyon ng nurse.“Mio!” nagsisimula ng rumagsa ang luha ko noong hindi pa sumasagot ang kapatid ko.“Sshhh… Magiging okay ang kapatid mo” ang pagpapakalma sa aking ng nurse habang nilalagay ang oxygen mask. Hindi ko namalayan na bumibigat ang talukap ng aking

  • BLAME   NOTE!

    Hello sa mga reader ko, thank you for supporting my story. Kahit maliit lang yung reads, nakakabigla parin di ko aakalain na aabot sa ganun. I will be deleting my story kaya salamat sa suporta, joke lang. I will still continue my story, medyo nahihirapan lang maghanap ng time kasi modular tayo ngayon pero I will do my best to meet your expectations. Thank you for your understanding. Place your bets na kung sino ang mahuhulaan niyong makakasurvive HAHAHA. Ang pag-update natin is once a week (Every Sunday). I finished summarizing the plot of my story and currently writing the remaining chapters. Stay safe. <3

  • BLAME   CHAPTER 21: SOAKED IN HIS BLOOD

    [THIRD PERSON’S POV]Maingat na iniawat ni Bliane ang isang softdrinks sa gilid ni Trent, nakangiti namang tinanngap ito ni Trent saka umalis. Hindi alam ni Blaine kung masama ang loob ni Trent sa ginawang pagtanggi niya. Kita nalang ni Blaine ang humahakbang palayong likod ni Trent, ngumiti naman siya ng mapait bago bumalik sa mga kaibigan.Si Clementine naman ay medyo naiigalaw-galaw na ang paa, hindi tulad noon na talagang hindi makalakad.“Kamusta ang paa mo?” ang tanong ni Kate kay Clementine. May dala itong junkfoods mula sa kwarto niya. Hindi siya pinansin ni Clementine. Hindi naman iyon pinansin ni Kate at naupo nalang sa kanyang tabi, inoofferan niya ito ng pagkain pero tumanggi si Clementine.“Gets ko naman yang nararamdaman mo eh, yung masasaktan ka dahil sa pagkamatay ng kapatid mo” naparolyo nalang ng mata si Clementine bago tumingin kay Kate.&nbs

  • BLAME   CHAPTER 20: JOYOUS, EMBARASSED, IGNORED

    THIRD PERSON’S POV Lahat sila ay nakatingin parin sa LED Screen kung saan ipinakita ni Azul ang imahe ni Kevin na nakahiga sa lupa. Ang dalawang doctor na naiwan ay pasimpleng nagtingina dahil naawa sila sa sinapit ng kapwa nila doctor. Si Blaine ay hindi parin mawala sa isipan niya kung paano namatay si Kevin sa mismong harapan niya at napagisip-isip na wala itong ginawa para tulungan ang kasama. FLASHBACK Mas isiniksik pa ni Blaine ang kanyang katawan noong marinig na may papalapit sa kanilang kinatataguan pero ang naririnig nilang malakas na yapak ay unti-unting humihina. Sa paghina ng naririnig nilang yapak ay siya namang paglakas ng pagtibok ng kanilang puso, hindi nila alam kung alam ng fraud kung saan sila nakatago. Naalis lamang ang tanong na yun sa isipan nila

  • BLAME   CHAPTER 19: DOCTOR IS OUT

    AYAGUZA’S POV Another drug den na naman ang inatake namin. Nakatanggapkami ng isang tawag mula na anonymous person saying na andoon daw sina Blaine at ibang mga kaibigan nito. 4 days ago, nilabas namin na nawawala ang aking anak at mga kaibigan rin nitopero mas nagulat ako noong nabalitaan din na on the same day ng pagkawala nila ay pagkawala din 45 pang mga bata. “Mendoza” ang pagtawag ko sa sekretarya kong nakikipag-usap sa hepe ng pulisyang kasama naming lumusob. “Yes sir” ang sagot nito nang makalapit. “Gather all the CCTV footage sa lahat ng area kung saan naganap ang party” “Yes sir” ang saad nito at umalis para gawin ang iniuutos ko. Lumapit naman sa akin ang matalik kong kaibigan na pulis para balitahan ako kung ano ang naging usapan nila. “Ang taong nagsumbong dito sa drug den nito ay asawa ng isa sa mga nahuli, bugbog ang m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status