ADRIAN KYLE...Kumatok s'ya ng limang beses at naghintay ng ilang segundo bago n'ya narinig ang tunog ng seradura. At maya-maya pa ay tuloyan ng bumukas ito at ganon na lang ang kan'yang pagkagulat ng makita ang taong nagbukas ng pinto para sa kan'ya."Peter?" gulat na tawag n'ya sa pangalan ng kan'yang pinsan ng makita ito."Anong ginagawa mo rito Adrian?" gulat din na tanong ng kan'yang pinsan sa kan'ya. Pareho sila na nagkagulatan ng makita ang isat-isa. Ang pagkakaalam n'ya ay nasa Germany ito at busy sa bagong clinic na itinayo nito.Nagtatrabaho ito sa hospital ni Henry ngunit nitong nakaraang dalawang taon ay nagtayo ito ng mga clinic sa iba't-ibang bahagi ng bansa."Ikaw, Peter anong ginagawa mo rito? At nasaan si Nalie?" malamig na tanong n'ya sa pinsan. Nakaramdam s'ya ng inis dito lalo na ng matuklasan na magkasama ito at si Nalie."How did you know Nalie? Teka nga Adrian, umamin ka nga sa akin. Anong relasyon mo kay Na—,""Pedro sinong kausap mo d'yan?" ang boses ni Nalie
NALIE ATHALIA...Pagkatapos n'yang kausapin si Peter ay nagpasya s'yang sundan si Adrian. Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit may takot s'ya na nararamdaman ng mga oras na iyon.Kaya naman kahit gabi na ay bumiyahe pa rin s'ya at dumiretso sa bahay ng binata. Mabuti na lang at nakinig ito sa paliwanag n'ya at hindi s'ya hinusgahan agad.Siguro ay dahil sa takot n'ya sa nangyari sa kan'ya noong nagsasama pa silang dalawa ni Lincoln kaya naman ay ganito ang nararamdaman n'ya ngayon.Pero may pakiramdam din s'ya na kakaiba ito kaysa kay Lincoln dati. Iba ang takot na nararamdaman n'ya kay Adrian. Tumatak din sa kan'yang isip ang sinabi nito na hindi s'ya nito huhusgahan at tanggap s'ya nito kahit sino at kung ano pa s'ya.Kaya naman pagdating n'ya sa bahay ni Adrian ay agad n'ya itong hinanap at humingi ng sorry sa binata. Wala naman s'yang ginawang masama pero ewan n'ya ba kung bakit napa sorry s'ya.Mukhang nadala n'ya na ang ugaling ito dahil sa pagsasama nila ni Lincoln ay s'ya
NALIE ATHALIA...Mabilis lang s'ya na naligo at lumabas din agad ng banyo. Kinakabahan s'ya dahil ito ang unang gabi na natulog sila ni Adrian na nasa katinuan s'ya.Noong una ay lasing s'ya at ang pangalawa naman ay nakatulog s'ya una dito kaya hindi n'ya alam kung ano ang nangyari buong gabi. Ni hindi n'ya nga alam kung may ginawa ito sa kan'ya.Pero may tiwala naman s'ya sa lalaki na hindi ito gumawa ng kung ano-ano habang tulog s'ya. Ngunit ngayon ay kakaiba dahil gising na gising s'ya at pareho silang dalawa na nasa katinuan. Walang alak, o kahit na ano pa man na hindi magpapaalala sa kan'ya sa kung ano man ang mangyari ngayong gabi.Lihim n'yang kinastigo ang sarili dahil sa kung ano-anong naiisip. Para namang may inaabangan s'ya na mangyari sa kanilang dalawa ni Adrian.Paglabas n'ya ng banyo ay wala si Adrian. Siguro ay nasa labas ito para labhan ang kan'yang damit na hinubad. Nang maalala ang kan'yang maduming panty ay agad na nag-init ang kan'yang pisngi dahil sa sobrang p
ADRIAN KYLE..."Take me baby, take me as yours. I'm all yours Adrian, make love to me dahil mahal kita. Mahal din kita Kyle," pabulong na sabi ni Nalie sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig.Wala na s'yang inaksaya pa na oras. Agad n'yang sinunggaban ang pagkakataong iyon at sobrang saya n'ya ng mga oras na iyon.Mahal din s'ya ni Nalie at mahal n'ya rin ito ng sobra. Nagmamahalan silang dalawa at hindi n'ya palalampasin ang pagkakataong iyon. Ipapakita at ipaparamdam n'ya kay Nalie kung gaano n'ya ito kamahal.Agad n'ya itong siniil ng isang mapusok na halik na ginantihan naman agad ng dalaga.They kissed passionately at nawawala na s'ya sa kan'yang sarili ng mga oras na iyon. Parehong mabilis ang kanilang mga kilos at may pagmamadali. Hindi na nila pareho namalayan na wala na pala silang suot na damit. Ramdam n'ya ang init mula sa katawan ni Nalie at ito ang dahilan ng pag-apoy ng kan'yang katawan.Lukob na lukob s'ya sa init at pagmamahal n'ya sa dalaga
ADRIAN KYLE..."Fvck!" malutong na mura n'ya at dali-daling pinangko si Nalie at inilayo sa tubig ng sprinkler."What happened Kyle?" tanong ni Nalie sa kan'ya. Karga-karga n'ya ito palabas ng kan'yang kwarto at inilipat muna sa kabilang kwarto."Hindi ko alam baby. Dito ka muna sa kabila at aalamin ko kung ano ang nangyari," sagot n'ya sa dalaga."O-Ok!" sagot ng dalaga sa kan'ya."I'm sorry about that," paghingi n'ya ang paumanhin dito."O-Ok lang, walang problema sa akin," sagot ng dalaga. Hinalikan n'ya ito sa noo at kinumotan ang hubad na katawan at iniwan saglit para tingnan ang sprinkler na bigla na lamang bumukas.Bumalik s'ya sa kan'yang kwarto at naabutan n'ya na nakapatay na ang tubig. Napahawak s'ya sa kan'yang bewang habang mariin na nakaigting ang mga panga at nakatingala sa kisame kung nasaan ang water sprinkler.Hindi alintana kung wala s'yang kahit na anong saplot na suot. Naiinis s'ya sa sinoman na may gawa nito. Naisip n'ya din na baka may sira ang sprinkler syste
ADRIAN KYLE...Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kan'ya kung sino ang tao sa likod ng pananabotahe at pangha-hack na nangyayari sa bahay n'ya at sa kan'yang account.Hindi na nakakatuwa ang ginagawa nito at kailangan na talagang mahuli ang taong ito at maparusahan.Ilang minuto din s'yang nakatunganga bago nahimasmasan at nagpasya na tapusin na lamang ang paglilinis sa kan'yang kwarto.Matapos makapaglinis at masigurong tuyo na ang lahat ay tinawagan n'ya si Fire. Alam n'ya na matutulongan s'ya ng pinsan sa mga oras na ito.Ilang ring muna ang kan'yang narinig bago sinagot ni Fire ang kan'yang tawag."Problema mo Adrian?" pasita na bungad ng kan'yang pinsan."May ipapagawa ako sayo," sagot n'ya sa binata."Ano yan?" "May nakapasok na hacker sa system ko at pati na rin sa bahay ko Fire. I want you to locate his IP address and destroy everything that he has," malamig na utos n'ya sa pinsan. Mahina itong natawa at parang tuwang-tuwa sa kan'yang sinapit."Ano? Ikaw napasukan ka ng
ADRIAN KYLE...Matapos makausap ang isa sa mga kambal ni Brook ay nagpasya s'yang pumasok sa kanilang kwarto dala ang kanilang almusal.Pagbukas n'ya ng pinto ay naabutan n'yang gising na si Nalie at kasalukoyan na nakaupo sa kama. Sa hinuha n'ya ay kagigising lang nito dahil nakapikit pa ito habang nakaupo."Good morning my sunshine," masayang bati n'ya sa kasintahan. Lumingon ito sa kan'yang kinaroroonan habang papalapit rito at tipid na ngumiti."G-Good morning," nauutal na balik bati nito na mahina n'yang ikinatawa. Alam n'ya na hindi pa rin ito sanay na mag jowa na sila at naintindihan n'ya na nahihiya pa rin ito sa kan'ya hanggang ngayon."It's ok baby, alam ko naman na natataranta ka sa kagwapohan ko lalo na kapag ganitong mukha ang makikita mo sa umaga, pag-gising mo," pilyong sabi n'ya rito na ikinairap ni Nalie.Tatawa-tawa n'yang inilapag ang tray ng pagkain sa kama at umikot sa kabila para lapitan ito. Agad s'yang umuklo at ginawaran ito ng halik sa labi sa ilong at sa no
ADRIAN KYLE...Matapos makausap si Cade ay bumalik s'ya sa kwarto bitbit ang mga damit ng kasintahan. Tamang-tama naman na kakalabas lang nito sa banyo ng pumasok s'ya."Hi baby, here's your clothes," malambing na sabi n'ya rito habang may matamis na ngiti sa labi na lumapit sa dalaga.Inabot n'ya rito ang mga damit na agad naman na tinanggap ni Nalie."Thank you Kyle," pasasalamat nito ngunit sinimangutan n'ya ito."Bakit Kyle lang? Can you call me baby, too?" s'ya sa kasintahan. Namula agad ang pisngi nito at alam n'ya na nahihiya ito sa kan'ya."Please," pabebe na pakiusap n'ya kay Nalie. Nagbuga ito ng hangin bago inilapag sa kama ang hawak na mga damit.Lumapit ito sa kan'ya at sinapo ang kan'yang magkabilang pisngi. Agad s'yang napapikit ng masamyo ang mabangong amoy ng kan'yang shower gel na gamit nito.Bakit sa kan'ya ay hindi naman ganito kabango ang amoy. Bakit kay Nalie ay ang sarap singhutin ng gamit nitong sabon na gamit n'ya din."C-Can I call you bubba?" mahinang tanon