Share

Chapter Seventeen

Author: Iamblitzz
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"MAKE your smile more natural, Calley. Don't be nervous."

Bagaman hindi sanay si Calley na humarap sa camera ay sinunod n'ya ang sinabi ni Zack. Kinalma muna niya ang dibdib at saka ngumiti ng mas natural sa abot ng kanyang makakaya.

"Great!" anang Zack kasabay ng pagkislap ng camera na hawak nito. "Very good, Callyx my boy!" dagdag pa nito habang panay ang kuha ng shot sa kanilang mag-ina.

May dalawang oras na rin silang nagpi-pictorial at si Zack mismo ang nagsilbing photographer nila. Nadagdagan pa lalo ang paghanga ni Calley sa lalaki nang malamang hindi lang pala ito isang businessman at pediatrician, isa rin pala itong professional photographer.

Ayon pa kay Louis na secretary ng lalaki, ay ilang mga artista at modelo na rin ang naging kliyente nito. Bukod pa roon, na-feature na rin ang binata sa isang kilalang magazine sa Pilipinas bilang isa sa pinakabata ngunit matagumpay na person

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Iamblitzz
updated na po hanggang chapter 40
goodnovel comment avatar
Jay Delacruz
kelan po ang update. sayang naman po kung matagal pa ganda pa naman po ng story.
goodnovel comment avatar
Pearljocsonantroco Macauling
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Eighteen

    "NANDITO ako Kuya Zack, para sunduin silang mag-ina. I hope you don't mind. Besides, sabi ng secretary mo tapos na ang photoshoot."Nanatiling palipat-lipat lang ang tingin ni Calley sa magkapatid nang mga sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi siyang naiipit sa ganoong sitwasyon. Bakit tila laging may alitan ang dalawa sa tuwing naroon siya?"Okay. Do what you want," walang emosyon na sagot ni Zack sa nakababatang kapatid. Matapos niyon ay bumaling naman ito kay Calley. "Thank you for today, Calley. You too did a great job." Ngumiti pa ito ng tipid pagkasabi niyon.Ramdam ni Calley ang pagtutol ng mga sandaling iyon. Kung siya kasi ang tatanungin, mas gusto niyang samahan si Zack na kumain 'tulad ng kanilang usapan kanina lang. Pero paano naman niya iyon sasabihin ng hindi mag-iisip ng kung ano ang dalawang lalaki? Ka

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Nineteen

    “LOOK, who's coming! Ang Beauty Queen ng taon! Ang buhok 'te, sumasayad sa lupa!” Isang irap at marahang pag-iling lamang ang ibinato ni Calley sa bruhong si Tristan pagpasok niya sa employees lounge kasama ang anak. Samantalang si Maggy naman ay halos mapunit naman ang bibig habang nakatingin din sa kaniya. Mukhang may ideya na siya kung bakit tinutukso siya ng mga kaibigan. Sure siyang nakarating na sa mga ito ang panliligaw sa kan’ya ng CEO. Idagdag pang naging instant model din silang mag-ina na alam niyang kalat na kalat na rin sa mga co-workers niya. Hindi na lang pinansin pa ni Calley ang pang-aasar ng dalawa, at saka tuluyang naupo sa monoblock chair katabi si Callyx na noon ay tahimik lamang na naglalaro ng remote control robot nito. Si Zayne pa ang bumili niyon para sa kanyang anak nang yayain silang mag-ina na dumaan sa mall pagkatapos nilang kumain sa

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Twenty

    "Sir Z-Zack... I-Ikaw pala...” Hindi maiwasang mautal ni Calley nang banggitin ang pangalan ng binata ng mga sandaling iyon. Namamawis din ang kanyang mga kamay at nanlalamig habang nakatingin kay Zack na noon ay halatang naghihintay na alukin niyang pumasok sa loob ng tinutuluyan. Hindi maipaliwanag ni Calley ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Halu-halong emosyon ang lumulukob sa kanya na tila ba anumang oras ay sasabog ang kanyang dibdib.Bakit hawak ni Zack ang isang kahon kaparis ng ipinapadala sa kanya ni Z? Iisa nga kaya ang mga ito at kaya naroon ang binata ay dahil handa na itong umamin? At paano kung ito nga si Z na ama ng kanyang anak na matagal na niyang hinahanap? Ano ang gagawin niya? At paano naman kung nagkakamali lamang siya? Iyon ang mga tanong na kaagad pumasok sa isipan ni Calley habang nakatingin sa binata.Aaminin niya, umaasa ang puso niyang tama ang kanyang hinala at iyon ang dahilan ng binata sa pagpunta nito. Isa pa'y may dala itong pink na kahon kaparis

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Twenty-One

    "GOOD morning, Calley..."Hindi inaasahan ni Calley na si Zayne ang mapagbubuksan niya ng pinto ng umagang iyon. Ang inaasahan niya kasi ay si Zack dahil usapan nilang ihahatid silang mag-ina sa studio para sa photoshoot ni Callyx. Isa pa'y hindi pa siya handang harapin si Zayne pagkatapos nitong umamin sa kaniya tungkol sa feelings nito. Tuloy ay abot-abot ang kanyang kaba ngayong kaharap na niyang muli ang lalaki. Matamis din ang pagkakangiti ni Zayne sa kanya ng mga oras na iyon, bagay na nakapagdulot sa kanya nang matinding pagkailang."Good morning din, Sir Zayne," ani Calley na muntikan pang bumuhol ang dila. "Nakabalik na po pala kayo," dagdag pa niya na ang tinutukoy niya ay ang 1 week business trip ng kanyang boss sa Maynila. "Why are you so formal all of a sudden, Calley?" sa halip ay tanong nito. Bigla ring naging seryoso ang timbre ng boses ng lalaki bagaman naroon pa rin ang ngiti. "May nangyari ba?" tanong pa nito.Mabilis namang umiling si Calley. "Wala naman, Sir Zayn

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   TO ALL MY READERS AND SUPPORTERS!

    Hello! iamblitzz here. First of all, gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng ganitong talento. Kung hindi dahil sa Kanya, wala sana ako dito sa Goodnovel. Second, gusto kong magpasalamat kay Goodnovel dahil nabigyan ako ng opportunities na ipakita ang talento ko at kahit papaano ay kumita. Pangatlo, sa inyo pong mga readers ko at supporters. Kung hindi dahil sa inyo, kung hindi niyo tinatangkilik ang mga kwento ko lalo na itong HIS VILE CRAVING, wala ako rito ngayon. Hindi po ganun kalaki ang kinikita naming mga non-exclusive writer kapag kami ay nagsusulat kaya bukod po sa pagsusulat ay nagtatrabaho rin po ako. Isa po akong ina na may responsibilidad kaya't sa mga nagbabasa po ng BEHIND THE BLINDFOLD, humihingi po ako ng mahabang pasensya kung hindi ako palaging nakakapag-update. Ginagawa ko naman po ang aking makakaya lalo na sa pagsusulat kapag ako ay may libreng oras. Sa mga working mom po na tulad ko, alam naman po natin na pag-uwi sa bahay mula trabaho a

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Twenty-two

    HINDI man magandang pakinggan, pero pakiramdam ni Calley ay mas naging komportable siya ngayong kasama nila si Monica, ang modelo at ex girlfriend ni Zayne. Ito ang babaeng bumungad sa kanila paglabas ng evelator. Nagkataong modelo rin pala ito ng agency kung saan magpo-photoshoot kanyang anak. Hindi na lumayo kay Zayne ang babae simula nang magkita ang mga ito. Palaging nakakawit ang braso ni Monica sa kanyang boss at tila bang naka-glue ang dalawa at hindi na maipaghihiwalay pa. Nakakatawa mang aminin pero wala siyang nararamdamang selos para kay Monica. Yes, she's beautiful, matangkad, at sexy pero wala siyang nararamdamang insecurity para rito. The thruth is, mas nakahinga siya ng maluwang ngayong magkasama ang dalawa at siya naman ay abala sa pag-aasikaso kay Callyx na ngayon ay nag-uumpisa na ang shoot. Hindi siya komportable kapag kasama niya si Zayne at malaking relief na biglang sumulpot ang ex-girlfriend nito at natuon sa babae ang atensyon ng kanyang boss. Ilang oras din

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Twenty-Three

    “Maraming salamat po Doc Zack dahil dumayo pa kayo rito sa El Nido para operahan ang anak ko," umiiyak na sambit ni Aling Nathy. Nagreklamo kasi ang batang si Jacob sa kanyang ina sa matinding sakit ang ulo kaya naman mabilis na kinontak ni Aling Nathy si Analeigh na kapitbahay nito sa El Nido upang saklolohan sila. Alam kasi ng ginang na may kakilalang doktor ang dalaga. Apart from that, he has been in El Nido several times because he is close to Analeigh's mom. Sa hospital niya napagdesisyonang gamutin ang bata dahil kumpleto ang kanilang mga medical equipment at bukod pa roon ay libre niyang ginagamot ang mga batang may karamdaman. Si Jacob ay may na-diagnosed niyang mayroong stage 2 brain cancer kaya dali-dali niyang inilipad ang mag-ina sakay ng kanyang private jet papunta sa Coron. Isa pa'y kailangan din nitong sumailalim sa chemotherapy pagkatapos ng operasyon upang mapigilan ang pagkalat ng cancer cells sa utak ng anim na taong gulang na paslit. Mayroon din namang malalaking

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   Chapter Twenty-Four

    “Good afternoon Mr. Madriaga. I'm glad to see you again,” magalang na bati ni Zayne sa may edad ng lalaki pagpasok nila sa Café Athena kung saan siya dinala ni Monica. Ito ang ama ng dalaga at kasalukuyang CEO ng Madriaga Enterprises. Ang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Monica ay nag i-export ng luxury cars sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nakilala niya ito noong maging girlfriend niya si Monica one year ago. Besides, this is also where he buys his expensive car collection. He likes to collect rare and vintage cars, most of which are worth millions.“Hi, dad!" bati naman ni Monica."Hello, hija.""I'm also glad to see you hijo," anang Mr. Madriaga kay Zayne. Inabot naman ni Zayne ang palad sa lalaki para makipag-kamay. Matapos niyon ay naupo na siya sa silyang katapat nito habang sa tabi naman niya naupo si Monica. "I heard that many businessmen want to invest in the new resort you are building," dagdag pa ng lalaki. Malapad ang pagkakangiti nito ng sabihin iyon."Yes, Sir. But

Latest chapter

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   EPILOGUE

    AFTER ONE YEAR... Masaya ang lahat sa engrandeng beach wedding nina Zack at Calley na ginanap mismo sa Paradise Island Hotel and Resort. Naroon ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at malalapit na kamag-anak. "Congratulations, bruh! I can't imagine na boss ka na namin ngayon!" natatawang biro ni Maggie kay Calley ng mga sandaling iyon. Sa banquet hall ng resort ginanap ang reception ng wedding at naroon ang halos lahat ng empleyado ng hotel, mga kilalang businessman, at mga sikat sa personalidad. Ngumuso si Calley nang marinig ang birong iyon ng kaibigan. "Tumigil ka nga bruh, baka may makarinig sa'yo. Nakakahiya..." saway niya sa bruhang kaibigan. "Oy, bakit? Trulalu naman huh? Gusto mo pang maging receptionist kahit asawa mo na ang boss natin?" taas-kilay namang tanong ni Tristan bagaman nagbibiro. "Oo nga naman, Calley," sabat naman ng best friend niyang si Thea. "Ang mga anak mo ang future heir ng Sancho Group of Companies kaya sanayin mo na ang sarili mon

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   F I N A L E

    "ARE you okay there, bruh?" Kahit sa cellphone lang niya kausap si Thea ay napangiti si Calley. Thankful siyang may bestfriend siyang tulad nito sa laging nariyan sa oras ng pangangailangan. Ngunit nami-miss din naman niya si Tristan at Maggie lalo pa nga't hindi naman niya sinabi kung saan siya magpupunta noong araw na magpaalam siya sa dalawa. Pinigilan pa nga siya ng mga ito na umalis pero buo na ang loob niya that time. "Oo naman. Don't worry, inaalagaan naman ako ni Nanay Belen," nakangiting sagot ni Calley sa kabilang linya na ang tinutukoy ay ang kasambahay at caretaker ng rest house. "Good to hear that. Basta if you need anything, tawagan mo lang ako, ha?" "Naku! Sobra-sobra na nga 'tong naitulong mo sa akin. 'Wag mo na ako alalahanin dito, okay lang ako," sagot niya na bahagyang nakangiti. "Okay bruh. Tawagan na lang kita mamaya, nandito na 'yung client ko." "Sige bruh, maraming salamat." Sa rest house na pagmamay-ari ni Thea sa Batangas siya pansamantalang tumutuloy ka

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 68

    AYON kay Detective Hawkins, si Zayne ang may pakana nang gabing mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan niya. Iyon ang isiniwalat ng dati niyang driver na nahanap ni Detective Hawkins sa Laguna. Nagtago ito matapos makalaya sa pagkakakulong ng dalawang taon dahil sa banta sa buhay nito. Isiniwalat din ng dati niyang driver na ang madrasta niyang si Aurora ang nagdiin upang makulong ang kawawang matanda. It is also said that the old man was even threatened that if he doesn't admit what happened, he will be killed.Walang nagawa ang dati niyang driver kundi sumunod sa gusto ng kanyang stepmom dahil sa labis na takot, subalit lingid sa kaalaman ng madrasta niya at ni Zayne na mayroong hawak na ebidensya ang driver niya na magtuturo sa mga ito. The night before the accident, Zayne was caught on video talking to a man by his former driver. He didn't suspect it at first but he overheard their conversation.Inutusan nito ang hindi kilalang lalaki na isabotahe at tanggalin ang preno ng sasak

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 67

    HALOS gumuho ang mundo ni Zack nang makita ang engagement ring at necklace na iniregalo niya kay Calley na nakapatong sa ibabaw ng side table sa kanilang kwarto. Malinaw na ang lahat sa kanya. Iniwan siya ng kanyang mag-ina at hindi niya malaman kung bakit. May nagawa ba siyang mali? O baka naman kinuha ito ng walang hiyang step-brother niya? Nang maisip si Zayne ay kaagad niyang pinunasan ang mga luhat at saka inayos ang sarili. Pupuntahan niya ang step-brother niya at aalamin kung kasama nito ang kanyang mag-ina. Sa oras na malaman niyang may ginawa itong hindi maganda sa kanyang mag-ina ay mananagot ito. He swears to God. Dali-daling kinuha ni Zack ang susi ng kotse at saka lakad-takbong tinungo ang sasakyan matapos mai-lock ang kabahayan. Alam niyang wala si Zayne sa resort at naroon ito sa kanilang mansion dahil pahinga nito sa trabaho. Wala siyang pakialam kahit naroon pa ang daddy niya, tutal ay wala rin naman itong pakialam sa buhay niya. Pinaharurot ni Zack ang kanyang

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 66

    "YES, five years ago. Nag-resign ako no'ng na-preggy ako ng isa sa mga kliyente kong si Mr. Z."His teeth clenched at what he heard. Hindi maipaliwanag ni Zack kung bakit pakiramdam niya ay nagsisinungaling ang kaharap. Nanatiling nakatingin lang si Zack sa babae subalit nakangiti lang ito sa kanya na para bang alam na alam na nito ang mga nangyayari."Ay, pasok po muna kayo mga Ser. Pasensyahan niyo na lang—""No need," putol ni Zack sa nagsasalitang babae. Hindi niya alam kung bakit galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kung totoong ito nga si Camille, hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ito lalo na ang batang sinasabi nito. “Do you have proof that I'm the father of the child you're talking about?" tanong pa niya na tila ipinagtaka nito."A-Ano po 'yon?" tanong nito na alanganing nakangiti. "'Di ko kasi maintindihan, Ser. Pwede Tagalog lang?” Nakuyom ni Zack ang mga kamao saka pinukol ito ng matalim na tingin dahilan para makita niyang umiwas ito at tumingin sa

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 65

    "THESE are Camille's files..." Natigagal si Zack nang makita ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ang inaasahan niyang iisang tao si Calley at Camille ay biglang naglaho. Hindi si Calley ang nasa larawan kundi isang mestisang babae na may singkit na mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang labi. Sa unang tingin pa lang ay masasabing may dugo itong banyaga na kung hindi siya nagkakamali ay Japanese. "Are you sure this is Camille?" paniniguro pa ni Zack sa matandang babae. Tumaas naman ang kilay nito na tila ba nainis dahil sa pagdududa niya. "Of course Mr. Sancho. Do you think I would lie to you?" Matamang pinagmasdan ni Zack ang kaharap. Alam niyang kung nagsinungaling ito ay hindi rin ito basta mapipilit, kaya tumango na lang siya rito at tumayo na. "Thank you for the information," aniya sa matandang babae at saka naglabas ng cheque na nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos. Para namang nagningning ang mga mata nito nang damputin iyon. "I hope you're telling the truth."

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 64

    "MR. Sancho, I have found the club you are looking for here in Makati..."Nabuhayan ng pag-asa si Zack nang marinig ang tawag na iyon mula kay Detective Hawkins— ang detective na inirekomenda sa kanya ni Ryx. In fairness sa lalaki, hindi n'ya in-expect na mabilis itong magtrabaho. Ngayon ay malalaman na niya kung sino si Camille at kung ano ang kaugnayan nila sa isa't-isa."Good. Tell me the address, I'm on my way there," sagot niya. Mabilis niyang isinara ang laptop at saka isinuot ang coat niyang nakasampay sa kanyang swivel chair. Nang makuha ang eksaktong address ay mabilis siyang naglakad palabas sa hotel at dumiretso sa parking lot. Naroon siya sa hotel dahil may inaasikaso siyang importante tungkol sa kompanya.Matapos makuha ang exact address ng lugar ay kaagad niyang tinawagan ang kanyang piloto upang ipahanda ang private jet na pag-aari ng kanilang kompanya. Wala na kasi siyang oras pa para mag-book ng flight dahil nagmamadali siya."Hello, Capt. Tanaka, please prepare the j

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 63

    "YOU mean, all your memories haven't returned yet?" tanong ni Ryx. Nagpunta siya sa kanyang best friend para maglabas ng saloobin dahil wala siyang makausap tungkol doon. Hindi pa siya ready na sabihin kay Calley ang lahat dahil ayaw muna niyang makisabay sa problema nito lalo't hindi pa rin nagkakamalay si Callyx. He also didn't know how to tell Calley that he was Callyx's real father, when he didn't remember her and the only thing he relied on was the result of the paternity test.nAnother thing that makes him wonder is, how come Calley didn't recognized him when they had a child? How did that happen? At kung ito man si Camille, bakit hindi siya nito kilala? Posible kayang magkaibang tao ang mga ito? Zack took a deep breath. Gulong-gulo na siya at puno ng pagtatanong sa kanyang sarili. Sino ba talaga siya? Sino si Calley? Sino si Camille? Bakit siya nagkaroon ng anak kay Calley? Si Camille at Calley ay iisang tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang babae sa buhay niya? Those are the ques

  • BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)   CHAPTER 62

    BUMALIKWAS si Calley nang maramdamang may gumalaw sa kanyang tabi, at wala sa sariling nagulat siya nang makitang si Zack iyon na nakatayo sa tabi ni Callyx, nakahawak sa ulo at mariing nakapikit.Mabilis na tumayo si Calley at dinaluhan ang nobyo. "Are you okay, love?" nag-aalalang tanong niya habang hawak ito sa braso.Idinilat naman ni Zack ang mga mata nang marinig ang kanyang boses at nagtama ang kanilang mga paningin. Hindi matukoy ni Calley kung ano ang nababasa niya sa mga mata ng lalaki ng mga sandaling iyon, basta ang alam lang niya ay may kakaiba roon. "Don't worry, I'm okay love," ani Zack saka bahagyang ngumiti. Mababakas sa mukha ng lalaki na hindi ito nagsasabi ng totoo pero hindi na niya ito pinilit pa. Batid din ni Calley na hindi ito nakakatulog ng maayos din nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. 'May problema kaya siya?' tanong ni Calley sa sarili habang pinagmamasdan si Zack."You don't look okay. Is there a problem?" usisa pa niya. Nagbabakasakali na magsabi

DMCA.com Protection Status