"I WANT to get married."Zack's dad grinned when he said that. The old geezer obviously didn't like what he said. "And whose? To a lowly employee of yours who has a bastard child?"Nag-igting ang panga at kumuyom ang kamao ni Zack dahil sa pang-iinsultong iyon ng kanyang daddy at saka matalim niya itong tiningnan. "Shut up! You don't know her so you have no right to talk to her like that!" "Oh!" natatawa namang sabat ni Aurora , ang madrasta at ina ni Zayne. "It seems that woman has already influenced your son, Richmond," wika pa nito habang nakangisi ng nakakainsulto.Hindi naman nagpatalo si Zack sa kanyang madrasta. Ngumisi din siya sa babae at saka matalim itong pinagmasdan. "You have no right to interfere with my decision. You are not even my mother." Kitang-kita niya na namula ang mukha nito sa galit kaya umamba nito na sasampalin siya subalit mabilis niya itong naharang. "Stop it! You have no right to insult Aurora!" sigaw naman ng kanyang daddy na dinuro pa siya sa kanyang
NAKUYOM ni Calley ang palad sa pagpipigil na sampalin ang ginang. Hindi man nito diretsang sinabi pero alam niyang ang gusto niyang palabasin ay pera lang ni Zack ang habol niya. Ilang minuto rin siyang hindi nakakibo ngunit nag-iisip siya ng angkop na salita na dapat bitiwan sa ginang, dahil kahit iniinsulto siya nito ay ayaw niyang magmukhang bastos. Dahil magulang pa rin ito ng kanyang boss at madrasta pa rin ito ng kanyang nobyo.Kinalma ni Calley ang kanyang sarili saka pilit na ngumiti sa ginang. "Hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo, Ma'am. I love Zack very much and I will never leave him," matatag niyang sabi habang ang kanyang mga mata ay diretsong nakatingin sa kaharap. Akala ni Calley ay sa drama lang nangyayari ang ganoong bagay, iyon pala pati sa totoong buhay din. The lady grinned and shook her head as if she couldn't believe what Calley said. "Don't make me laugh, hija. I know people like you. Kunwari ay walang interest sa kayaman pero pagkatapos pakasalan ay wawaldas
"I MISS YOU, love..."Napangiti si Calley sa sinabing iyon ni Zack. Kakauwi lang nito galing trabaho at iyon kaagad ang bungad nito pagkakita sa kanya. Ikinulong siya ng nobyo sa mga matitipunong bisig nito at saka hinalikan siya noo."Na-miss din kita, love," sagot naman ni Calley saka masuyong ngumiti sa lalaki. "Kumusta ang trabaho?" tanong pa niya."A little bit tired," sagot ni Zack saka kumalas mula sa pagkakayakap ang nag-umpisang maghubad ng damit pang-itaas at pantalon hanggang sa boxer's short na lang ang suot nito. "I'll take a shower. Do you want to join?" mapanukso pang tanong nobyo sa kanya.Mabilis namang nag-init ang pisngi ni Calley dahil sa sinabi ni Zack. "Katatapos ko lang maligo, love..." Ngumisi naman si Zack sa sagot niyang iyon. "Okay, just wait for me, love. I'll make it quick." Matapos sabihin iyon ay mabilis nang pumasok si Zack sa banyo habang naiwan namang napangiti si Calley. Alas-nueve na iyon ng gabi at natutulog na ang mga bata. Tanging si Nanay Nathy
EARLIER BEFORE THE ACCIDENT... ABALA si Zack sa paghahanap sa internet ng venue para sa reception ng kasal nila ni Calley. Naroon siya sa kanyang opisina sa hospital at nagpapahinga dahil katatapos lang niya mag-perform ng surgery ng batang nasangkot sa motorcycle accident. Si Zack ang personal na nag-aayos ng kanilang nalalapit na kasal ni Calley, katulong ang secretary niyang si Louis. Unti-unti na niyang inaayos ang lahat ng kailangan para doon. Ang plano niya ay bigyan ito ng engrandeng kasal pero tumutol si Calley sa idea niyang iyon. Ang gusto kasi nito ay simpleng church wedding lang na kasama ang kanilang mahal sa buhay at mga kaibigan. Wala na rin siyang balak patagalin pa ang kanilang kasal kahit na tutol pa ang kanyang daddy. Wala na siyang pakialam pa kung matanggap man nila ang blessings nito o hindi. Gagawin niya ang gusto at hinding-hindi siya nito mapipigilan. Handa na rin siya sa maaaring maging bunga ng pagsuway niya sa kanyang daddy. Alam niyang hindi nito basta
"COME ON! We have to save Callyx's life!" ani Zack saka lakad-takbong bumalik sa operating room. "Kailangan siyang masalinan ng dugo para ma-operahan kaagad!" Nahinto sa pagtakbo si Zayne nang marinig ang masamang balita na iyon mula sa kanyang nakatatandang kapatid. "W-What...did you...say?" hindi makapaniwalang tanong nito kay Zack. Nawalan din ng kulay ang mukha ng lalakinat bakas ang matinding kaba sa dibdib.. "We don't have time to explain everything to you!" galit na wika ni Zack sa nakababatang kapatid. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito dahil ganoon din siya subalit oras ang kalaban nila ng mga sandaling iyon. Kailangan nilang magpakatatag sa oras na iyon dahil nakasalalay sa kaninang magkapatid ang buhay ni Callyx. Kahit na nagulat sa nalaman ay nakita ni Zack sa mga mata ng kapatid ang determinasyon na inaasahan niya rito. Pinatatag nito ang sarili at saka nauna nang tumakbo patungo sa operating room. Oras ang kalaban nila ng mga sandaling iyon, at hinding-hindi s
"A-ANO? Ano'ng sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Calley kay Zayne saka kumalas mula sa pagkakayakap. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat at pagtatanong ng mga sandaling iyon. Humugot muna ng malalim na buntong-hininga ni Zayne bago magsalita. Kay tagal niyang kinimkim sa kanyang puso ang lihim na iyon, na buong akala niya ay hindi na niya masasabi pa kay Calley. Matagal niyang hinanap si Calley, at noong nakita naman niya ito ay napakailap ng puso nito sa kanya. "I'm Z whom you met five years ago..." pag-amin niya kay Calley na ikinagulat nito ng husto. Para itong binuhusan ng malamig na tubig habang maang na nakatingin sa kanya. Five years ago, Analeigh cheated on him, so he looked for temporary happiness that could take away the pain and sadness he felt. Sa isang club sa Makati siya napunta dahil dinala siya rito ng mga tauhan niya, at dito nga niya nakilala si Calley na noong panahon na iyon ay nagpakilala sa kanya bilang "Camille". Wala sana siyang balak na mangya
HAWAK nang mahigpit ni Calley ang kamay ng anak habang tahimik na umiiyak sa tabi nito. Kalilipat lang ng kanyang anak sa recovery room matapos nitong ma-operahan. Ang sabi ng doktor na sumuri sa kanya anak na si Dr. Macaraig ay ligtas na sa kapahamakan si Callyx at ang tanging hinihintay na lang nila ay magising ito. Napakasakit para sa isang ina na makita sa ganoong kalagayan ang anak at wala tayong magawa kundi umiyak na lang.Tahimik na humagulhol si Calley ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang nakaratay na anak. Nakakadurog ng puso na makitang nasa ganoong kalagayan ang anak. May benta ito sa ulo at maraming tubo ang nakasaksak sa ilong at bibig, puno rin ito ng galos sa mukha at braso. Alam ni Calley na makasasama sa kanya ang umiyak nang umiyak dahil maaapektuhan ang sanggol sa kanyang sinapupunan pero hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa't sobrang bigat ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon.Sobra din siyang nasasaktan nang makita niya si Jacob dahil paris ng anak
NAGISING si Zack mula sa panaginip na masakit ang ulo. Mariin pa niyang ipinikit ang mga mata at saka muling idinilat dahil bahagya pa itong nanlalabo. Bumalikwas ng bangon ni Zack at napahawak sa ulo habang pilit inaalala ang panaginip niyang iyon. 'Who's that woman? tanong ni Zack sa kanyang isipan. The image of the woman in his dream was still blurry so he still had no idea who it was. Zack closed his eyes again because his head was throbbing, causing him to pull out his own hair. Naisip niyang hindi siya makakapag-focus nang maayos sa trabaho kung ganoon ang kanyang nararamdaman. Kaya naman ipinasya niyang bumangon na at uminom ng gamot na inireseta sa kanya ni Doc Jamie. Nang matapos uminom ay sandali muna siyang naupo at nag-isip. If Doc Jamie's theory that he had amnesia is true, why does he recognize people around him? Why does he remember his daddy and his stepmom? Why does he remember Zayne and Analeigh? Why does he remember everything that happened since he was a child, if
AFTER ONE YEAR... Masaya ang lahat sa engrandeng beach wedding nina Zack at Calley na ginanap mismo sa Paradise Island Hotel and Resort. Naroon ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at malalapit na kamag-anak. "Congratulations, bruh! I can't imagine na boss ka na namin ngayon!" natatawang biro ni Maggie kay Calley ng mga sandaling iyon. Sa banquet hall ng resort ginanap ang reception ng wedding at naroon ang halos lahat ng empleyado ng hotel, mga kilalang businessman, at mga sikat sa personalidad. Ngumuso si Calley nang marinig ang birong iyon ng kaibigan. "Tumigil ka nga bruh, baka may makarinig sa'yo. Nakakahiya..." saway niya sa bruhang kaibigan. "Oy, bakit? Trulalu naman huh? Gusto mo pang maging receptionist kahit asawa mo na ang boss natin?" taas-kilay namang tanong ni Tristan bagaman nagbibiro. "Oo nga naman, Calley," sabat naman ng best friend niyang si Thea. "Ang mga anak mo ang future heir ng Sancho Group of Companies kaya sanayin mo na ang sarili mon
"ARE you okay there, bruh?" Kahit sa cellphone lang niya kausap si Thea ay napangiti si Calley. Thankful siyang may bestfriend siyang tulad nito sa laging nariyan sa oras ng pangangailangan. Ngunit nami-miss din naman niya si Tristan at Maggie lalo pa nga't hindi naman niya sinabi kung saan siya magpupunta noong araw na magpaalam siya sa dalawa. Pinigilan pa nga siya ng mga ito na umalis pero buo na ang loob niya that time. "Oo naman. Don't worry, inaalagaan naman ako ni Nanay Belen," nakangiting sagot ni Calley sa kabilang linya na ang tinutukoy ay ang kasambahay at caretaker ng rest house. "Good to hear that. Basta if you need anything, tawagan mo lang ako, ha?" "Naku! Sobra-sobra na nga 'tong naitulong mo sa akin. 'Wag mo na ako alalahanin dito, okay lang ako," sagot niya na bahagyang nakangiti. "Okay bruh. Tawagan na lang kita mamaya, nandito na 'yung client ko." "Sige bruh, maraming salamat." Sa rest house na pagmamay-ari ni Thea sa Batangas siya pansamantalang tumutuloy ka
AYON kay Detective Hawkins, si Zayne ang may pakana nang gabing mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan niya. Iyon ang isiniwalat ng dati niyang driver na nahanap ni Detective Hawkins sa Laguna. Nagtago ito matapos makalaya sa pagkakakulong ng dalawang taon dahil sa banta sa buhay nito. Isiniwalat din ng dati niyang driver na ang madrasta niyang si Aurora ang nagdiin upang makulong ang kawawang matanda. It is also said that the old man was even threatened that if he doesn't admit what happened, he will be killed.Walang nagawa ang dati niyang driver kundi sumunod sa gusto ng kanyang stepmom dahil sa labis na takot, subalit lingid sa kaalaman ng madrasta niya at ni Zayne na mayroong hawak na ebidensya ang driver niya na magtuturo sa mga ito. The night before the accident, Zayne was caught on video talking to a man by his former driver. He didn't suspect it at first but he overheard their conversation.Inutusan nito ang hindi kilalang lalaki na isabotahe at tanggalin ang preno ng sasak
HALOS gumuho ang mundo ni Zack nang makita ang engagement ring at necklace na iniregalo niya kay Calley na nakapatong sa ibabaw ng side table sa kanilang kwarto. Malinaw na ang lahat sa kanya. Iniwan siya ng kanyang mag-ina at hindi niya malaman kung bakit. May nagawa ba siyang mali? O baka naman kinuha ito ng walang hiyang step-brother niya? Nang maisip si Zayne ay kaagad niyang pinunasan ang mga luhat at saka inayos ang sarili. Pupuntahan niya ang step-brother niya at aalamin kung kasama nito ang kanyang mag-ina. Sa oras na malaman niyang may ginawa itong hindi maganda sa kanyang mag-ina ay mananagot ito. He swears to God. Dali-daling kinuha ni Zack ang susi ng kotse at saka lakad-takbong tinungo ang sasakyan matapos mai-lock ang kabahayan. Alam niyang wala si Zayne sa resort at naroon ito sa kanilang mansion dahil pahinga nito sa trabaho. Wala siyang pakialam kahit naroon pa ang daddy niya, tutal ay wala rin naman itong pakialam sa buhay niya. Pinaharurot ni Zack ang kanyang
"YES, five years ago. Nag-resign ako no'ng na-preggy ako ng isa sa mga kliyente kong si Mr. Z."His teeth clenched at what he heard. Hindi maipaliwanag ni Zack kung bakit pakiramdam niya ay nagsisinungaling ang kaharap. Nanatiling nakatingin lang si Zack sa babae subalit nakangiti lang ito sa kanya na para bang alam na alam na nito ang mga nangyayari."Ay, pasok po muna kayo mga Ser. Pasensyahan niyo na lang—""No need," putol ni Zack sa nagsasalitang babae. Hindi niya alam kung bakit galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Kung totoong ito nga si Camille, hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ito lalo na ang batang sinasabi nito. “Do you have proof that I'm the father of the child you're talking about?" tanong pa niya na tila ipinagtaka nito."A-Ano po 'yon?" tanong nito na alanganing nakangiti. "'Di ko kasi maintindihan, Ser. Pwede Tagalog lang?” Nakuyom ni Zack ang mga kamao saka pinukol ito ng matalim na tingin dahilan para makita niyang umiwas ito at tumingin sa
"THESE are Camille's files..." Natigagal si Zack nang makita ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ang inaasahan niyang iisang tao si Calley at Camille ay biglang naglaho. Hindi si Calley ang nasa larawan kundi isang mestisang babae na may singkit na mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang labi. Sa unang tingin pa lang ay masasabing may dugo itong banyaga na kung hindi siya nagkakamali ay Japanese. "Are you sure this is Camille?" paniniguro pa ni Zack sa matandang babae. Tumaas naman ang kilay nito na tila ba nainis dahil sa pagdududa niya. "Of course Mr. Sancho. Do you think I would lie to you?" Matamang pinagmasdan ni Zack ang kaharap. Alam niyang kung nagsinungaling ito ay hindi rin ito basta mapipilit, kaya tumango na lang siya rito at tumayo na. "Thank you for the information," aniya sa matandang babae at saka naglabas ng cheque na nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos. Para namang nagningning ang mga mata nito nang damputin iyon. "I hope you're telling the truth."
"MR. Sancho, I have found the club you are looking for here in Makati..."Nabuhayan ng pag-asa si Zack nang marinig ang tawag na iyon mula kay Detective Hawkins— ang detective na inirekomenda sa kanya ni Ryx. In fairness sa lalaki, hindi n'ya in-expect na mabilis itong magtrabaho. Ngayon ay malalaman na niya kung sino si Camille at kung ano ang kaugnayan nila sa isa't-isa."Good. Tell me the address, I'm on my way there," sagot niya. Mabilis niyang isinara ang laptop at saka isinuot ang coat niyang nakasampay sa kanyang swivel chair. Nang makuha ang eksaktong address ay mabilis siyang naglakad palabas sa hotel at dumiretso sa parking lot. Naroon siya sa hotel dahil may inaasikaso siyang importante tungkol sa kompanya.Matapos makuha ang exact address ng lugar ay kaagad niyang tinawagan ang kanyang piloto upang ipahanda ang private jet na pag-aari ng kanilang kompanya. Wala na kasi siyang oras pa para mag-book ng flight dahil nagmamadali siya."Hello, Capt. Tanaka, please prepare the j
"YOU mean, all your memories haven't returned yet?" tanong ni Ryx. Nagpunta siya sa kanyang best friend para maglabas ng saloobin dahil wala siyang makausap tungkol doon. Hindi pa siya ready na sabihin kay Calley ang lahat dahil ayaw muna niyang makisabay sa problema nito lalo't hindi pa rin nagkakamalay si Callyx. He also didn't know how to tell Calley that he was Callyx's real father, when he didn't remember her and the only thing he relied on was the result of the paternity test.nAnother thing that makes him wonder is, how come Calley didn't recognized him when they had a child? How did that happen? At kung ito man si Camille, bakit hindi siya nito kilala? Posible kayang magkaibang tao ang mga ito? Zack took a deep breath. Gulong-gulo na siya at puno ng pagtatanong sa kanyang sarili. Sino ba talaga siya? Sino si Calley? Sino si Camille? Bakit siya nagkaroon ng anak kay Calley? Si Camille at Calley ay iisang tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang babae sa buhay niya? Those are the ques
BUMALIKWAS si Calley nang maramdamang may gumalaw sa kanyang tabi, at wala sa sariling nagulat siya nang makitang si Zack iyon na nakatayo sa tabi ni Callyx, nakahawak sa ulo at mariing nakapikit.Mabilis na tumayo si Calley at dinaluhan ang nobyo. "Are you okay, love?" nag-aalalang tanong niya habang hawak ito sa braso.Idinilat naman ni Zack ang mga mata nang marinig ang kanyang boses at nagtama ang kanilang mga paningin. Hindi matukoy ni Calley kung ano ang nababasa niya sa mga mata ng lalaki ng mga sandaling iyon, basta ang alam lang niya ay may kakaiba roon. "Don't worry, I'm okay love," ani Zack saka bahagyang ngumiti. Mababakas sa mukha ng lalaki na hindi ito nagsasabi ng totoo pero hindi na niya ito pinilit pa. Batid din ni Calley na hindi ito nakakatulog ng maayos din nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. 'May problema kaya siya?' tanong ni Calley sa sarili habang pinagmamasdan si Zack."You don't look okay. Is there a problem?" usisa pa niya. Nagbabakasakali na magsabi