"Are you okay, Shanra?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tom pagkatapos niyang gamutin ang tama ng bala sa aking balikat.Mula naman sa pagkakapikit ng aking mga mata habang nakasandig sa mahabang sofa ay iminulat ko ang aking mga mata at binigyan ng matipid na ngiti si Tom. "Okay lang ako, Tom. Salamat sa paggamot mo sa akin," umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at sinuri ang sking sugat. Mabuti na lang at hindi bumaon ng malalim ang bala sa balikat ko kaya hindi ko na kailangan pang magtungo sa ospital para magpagamot. Kaya nang gamutin ni Tom ang sugat ko kaya sa clinic na lamang niya ako dinala."Iniligtas mo ako kanina kaya nararapat lamang na ito ang gawin ko," mabilis na sagot ni Tom. Tumayo ito at iniligpit ang mga ginamit nitong first aid kit."Ginawa mo ang lahat para mailigtas ang pinsan niya pero ano ang ginawa niya? Binaril ka niya. At paano kung hindi lamang sa balikat ang tama? Worth it ba ang ginawa mong pagliligtas sa buhay nilang magpinsan?" nakasimangot na tanong sa
Shanra's POV"No," mahinang sambit ko sa aking sarili habang tila kandilang nauupos na dahan-dahan akong napaupo sa couch. Ni hindi ko magawang tingnan ang whole body picture na kasama ng folder na nalaglag. Gulung-gulo ang isip ko. Nalilito ako. Buong sistema ko ay tumututol na gawin ko ang aking huling misyon. Ngunit kapag hindi ko naman ito gawin ay hindi ko alam kung bibigyan pa ako ng chance na Ninong para mang-assassinate ng ibang tao. Bakit ba sa akin napunta ang misyon na ito? Bakit hindi na lang ito napunta kay Henry o di kaya kay Allan? Sinusubukan ba ako ni Ninong Eddie?Ano ang gagawin ko? Kaya ba kitang patayin? hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Bakit kailangang dumating ako sa punto na kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang mahalaga sa akin?Hindi ko mapag-desisyunan kung ano ang mas matimbang sa akin. Ang pagmamahal ba o ang pagkamuhi? Mabigat ang dibdib na napasandal ako sa sofa habang umiiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na p
Craig's POVMedyo masakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan dala ng nainom kong alak. Tinatamad na bumangon ako at naupo sa ibabaw ng aking kama. Bigla akong napamulagat nang makita kong wala akong suot na kasuotan sa ilalim ng kumot.Damn! Anong nangyari? muli akong natigilan nang biglang nag-flashback sa aking isipan ang mainit na pinagsaluhan namin ni Shanra kagabi. May nangyari sa amin kagabi. Naangkin ko siya. I thought it was just a dream. Anong saya ang naramdaman ko nang makita ko ang blood stain sa bedsheet ng aking kama. Patunay na nangyari ang lahat ng inaakala kong panaginip. At ang blood stain na ito sa kama ko ang patunay. I am the first man in her life at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Nakasisiguro ako na mahal talaga ako ni Shanra at may malaking problema lamang siya na kinakaharap kung kaya't nakipaghiwalay siya sa akin. Ngunit pipilitin ko siyang sabihin sa akin kung ano ang problemang itinatago niya sa akin. Anuman ang problema niya ay mag
Shanra PovCraig! hiyaw ko sa aking isip nang makita ko ang lalaking minamahal ko na nakatali ang paa't kamay na parang baboy habang nakahiga sa malamig na sahig. Pilit kong kinontrol ang sarili kong lapitan siya at pakawalan gaya ng pagkontrol ko na huwag lumarawan sa mukha ko ang pagkabigla, pag-aalala at pagmamahal ko sa kanya."Na-sorpresa at na-touched ka ba dahil idiniliver ko sa harapan mo ang target mo?" nakangising tanong sa akin ni Allan. "Paano mo siya nahuli?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Pinilit ko ang aking sarili na huwag magpakita ng kahit anong emosyon. "Simple lang. Habang nasa bar kami at umiinom kasama ang tatlong tauhan kong ito ay nakita namin siyang umiinom ng mag-isa. Hinintay namin na malasing siya tapos saka namin siya pinatulog at dinala rito. Easy, di ba?" buong pagmamayabang na sagot niya sa tanong ko.Isa-isa kong tiningnan ang tatlong tauhan ni Allan na kasamang kumidnap kay Craig. Nakangisi ang mga ito at nagmamayabang din ang mga hitsura
Craig's POVMagmula nang mabaril ko si Shanra ay nagkulong ako sa aking bahay. Wala akong ganang lumabas at wala rin akong ganang magtrabaho kaya naman nag-apply ako ng indefinite leave. Sa loob ng maraming taon ko bilang isang pulis ay hindi pa ako nag-leave o um-absent man lang sa trabaho ko kaya mabilis na na-aprubahan ang request kong leave. Hindi kasi ako makakapag-trabaho sa ganitong kalagayan ng aking pag-iisip. Alalang-alala ako sa kalagayan ngayon ni Shanra. Hindi ko sinasadyang mabaril siya at kapag hindi siya makaligtas ay habam-buhay akong uusigin ng aking konsensiya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan. Ang taong inuusig ko ay nasa tabi ko lang pala. Now I know the answer kung bakit ilang beses na kaming naglaban at ilang beses na ring nagkaroon ng pagkakataon si Silent Assassin na patayin ako ngunit hindi niya ginawa. Kung bakit ipinagtanggol ako ni Silent Assassin noong lasing na lasing ako at may mga taong tangkang gumawa sa akin ng mas
Shanra's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot sa paligid kung saan ako naroon. Agad kong naalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay kaya naisip kong nasa loob ako ng ospital. Akmang babangon ako mula sa pagkakahiga sa kama bigla akong mapatigil at mapahawak sa aking kaliwang dibfib kung saan ako tinamaan ng bala na mula sa baril ni Craig. Nakangiwi ang hitsura ko nang bumukas ang pintuan at pumasok sina Tom at Denver sa loob ng kuwarto. Sabay silang napalapit sa akin nang makita ang hitsura ko."Gising ka na pala, Shanra. Huwag ka munang bumangon lalo na ang magkikilos dahil baka bumuka ang tinahi mong sugat," agad na saway sa akin ni Tom. Tinulungan niya ako na muling makahiga ng maayos. Inilapag naman ni Denver sa maliit na mesang malapit sa kinahihigaan ko ang dala niyang mga prutas."Nag-alala kami sa'yo. Ilang araw kang comatose at hindi alam ng mga doktor kung kailan ka magigising," ani Denver nang muling lumapit sa akin."Masamang damo ako kay
Shanra PovPagkatapos kong magpaalam kina Denver at Tom na magbabakasyon ako ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko. Sinang-ayunan ng dalawa ang pagbabakasyon ko para raw makapag-relax naman ako at maiwasan ko na rin si Craig na walang tigil na gumagawa ng paraan para makausap ako ngunit hindi ko pinagbibigyan. Para sa akin ay wala na kaming koneksiyon magmula nang binaril niya ako. Kahit na masakit pa rin ang sugat ko ay mas pinili kong ako ang magmaneho ng kotse ko kaysa ang kumuha ng driver mula sa BAS. Since magbabakasyon ako ay tuluyan ko munang ilalayo ang sarili ko sa BAS. Pansamantalang kakalimutan ko muna ang aking pagiging assassin at mamumuhay ako na isang normal na tao. Gusto kong magkaroon ng peace of mind para pagbalik ko sa BAS ay klaro na ulit kung ano ang aking goals sa pagsali sa organisasyon. Aalisin ko sa utak ko ang mga nakakasagabal para matupad ko ang matagal ko nang inaasam na makapaghiganti.Mahigit isang oras ang biniyahe ko mula sa Maynila papuntang Batang
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika