ShanraMag-isa lamang ako sa mesa na pinagdalhan sa akin ni Craig dahil nagpaalam siya sa akin na sasagutin lamang ang tawag sa kanyang cellphone. Kanina ay ipinakilala sa akin ng mommy ni Craig ang halos lahat ng mga bisita nito na dumalo sa party nito. May pagmamalaki ang boses ng mga magulang ni Craig habang ipinapakilala ako sa mga bisita at kamag-anak nitong dumalo. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Craig ngunit at the same time ay nag-aalala ako at natatakot na sa oras na matuklsan nila ang aking tunay na pagkatao ay magalit sila sa akin. Masaya na ako ngayon at gusto kong manatiling masaya. Ngunit kakalimutan ko na lang ba ang sinapit ng aking pamilya para lamang maging masaya ako sa piling ng lalaking minamahal ko? Kaya ko ba na maging makasarili?"Hi, Miss. Nag-iisa ka lang ba sa table mo? Puwede ba kitang samahan?" nakangiting tanong ng lalaking lumapit sa table ko kaya naputol ang malalim kong pag-iisip."N
Shanra Dinala ako ni Craig sa loob ng kanyang kuwarto at pinaupo sa gilid ng kama niya pagkatapos ay saglit na iniwan para kumuha ng pamalit kong damit sa kuwarto ng kanyang mommy. Pagbalik niya ay may dala na siyang dress na kulay puti na maganda ang tela. Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang damit at pagkatapos ay kumuha ng malinis na puting towel at tinulungan niya akong tuyuin ang aking buhok at mukha."Sorry. Dahil sa akin ay nasira ang birthday ng mommy mo," paumanhin ko sa kanya. Kung hindi lamang ako tinangkang itulak ng Veron na iyon ay hindi ko sana maiisip ang tricks na ito laban sa kanya. Kaso sumusobra na siya at kailangan na niyang turuan ng leksiyon."Wala kang kasalanan. Si Veron ang may kasalanan dahil ayaw ka niyang tigilan," kontra ni Craig sa aking sinabi habang patuloy na tinutuyo ang aking mukha."Kaso nalaglag ako sa tubig kaya mukha akong basang sisiw sa paningin ng mga magulang mo. Hindi na ako maganda sa paningin nila," nakasimangot ang mukha na sabi ko sa ka
ShanraPagkatapos ng nangyari sa birthday party ng mommy ni Craig ay hindi ko na nakita maski ang anino ni Veron na aali-aligid sa akin. Mabuti nga iyon para naman mabawasan ang mga taong nagpapataas ng aking blood pressure. Nabalitaan ko na busy ito sa paggawa ng bagong movie kaya isa marahil hindi na niya ako ginugulo. At sana ay hindi na niya ako guluhin pa. Sana ay matanggap na niya sa kanyang sarili na wala iyong pag-asa kay Craig at kahit kailan ay hindi ito mamahalin ng binata. Magmula naman nang gabi na ipinakilala ako ni Craig sa kanyang mga magulang ay nag-improve ang relasyon naming dalawa. Mas naging close na kami sa isa't isa at mas naging intimate. Masaya na sana ang lahat kung wala lamang akong lihim na itinatago sa kanya na maaaring ikasira ng aming relasyon. Kaya naman pinakaiingat-ingatan ko ang lihim na ito. Ayokong malaman niya ang lihim ko dahil ayokong mawala siya buhay ko. Siya ang nagbigay ng bagong liwanag sa dati ay madilim kong mundo. Kaya hinding-hindi ko
ShanraKinabukasan ay nabasa ko sa mga pahayagan na pinagpistahan ng mga taga-media ang balita tungkol sa pagpatay ni Silent Assassin sa sikat na artistang si Veron D'Vila kasama ang apat na lalaki na nagpag-alaman ng pulisya na mga tauhan ng ama nito. Walang nakakaalam kung ano ang dahilan at pinatay ni Silent Assassin ang babaeng sikat na artista ayon sa isang reporter. "Walang dapat sisihin sa kanyang pagkamatay kundi ang kanyang sarili mismo," sabi ko na tila may kausap gayong nag-iisa lang naman ako sa loob ng bahay ko at kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo na binili ko sa labas ng gate ng subdivision kanina. Inilapag ko ang diyaryo sa ibabaw ng center table at pumasok sa loob ng aking kuwarto. Kumuha ako ng bagong towel at pumasok sa loob ng banyo. Mabikis lamang akong nag-shower at nagbihis ng simpleng bestida na medyo humahakab sa katawan ko ang malambot na tela. Lumabas ako sa bahay ko at nagpunta sa bahay ni Craig. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita dahil busy siya sa mis
ShanraPakiramdam ko biglang nanghina ang aking mga tuhod at nanlamig ang aking buong katawan nang marinig ko na tungkol kay Craig ang pag-uusapan namin. Kung paano siya mapapatay para maalis ang tinik sa lalamunan ng BAS. Hindi ako nagpahalata na bigla akong nanlambot dahil siguradong magtataka sila kung bakit ganito ang reaksiyon ko."You can sitdown here, Shanra," biglang inilapit ni Tom ang isang upuan kung saan ako nakatayo at kusa niya akong iniupo. Alam kong nahalata niya ang naging reaksiyon ko dahil alam niyang kilala ko si Craig at malamang ay nahuhulaan na nito na hindi lamang kami simpleng magkakilala kundi may namamagitang espesyal na relasyon sa pagitan naming dalawa ni Craig. Thankful ako dahil kahit may alam si Tom ay nanahimik ito at hindi ako ibinuko. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng pakiramdam na may isa akong kaibigan. Isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Tom."Thanks," mahina ang boses na sabi ko kay Tom. Tango lamang ang isinagot niya sa akin at bahagya
Shanra"Let's break up, Craig. Tapusin na natin ang ano mang namamagitan sa ating dalawa," malamig ang boses at blangko ang ekspresiyon na sabi ko kay Craig habang nasa loob kami ng isang French restaurant at nagdi-dinner. Pang-two monthsary sana namin ngayong araw ngunit naging araw kung kailan nagtapos ang relasyon naming dalawa. Now I know kung bakit ang mga magkakasintahan ay nagsi-celebrate ng kanilang monthsary. Ito ay dahil hindi alam ng mga magkakasintahan kung anong araw, buwan o taon sila maghihiwalay. Mabuti na iyong nakakapag-celebrate ng monthsary dahil baka sa susunod na buwan ay hiwalay na magkasintahan. Baka hindi sa pangalawang buwan bilang magkasintahan ay bigla na lamang maghiwalay ang magkasintahan katulad sa amin ni Craig."Anong sinabi mo, Shanra?" tila nabinging tanong ni Craig sa akin. May bahagyang ngiti sa mga labi ngunit hindi iyong ngiti na natutuwa kundi iyong ngiti na hindi makapaniwala."Ang sabi ko ay maghiwalay na tayo ngayon. Tapusin na natin ang anum
Craig's POV"I-play mo nga ulit ang video," utos ko sa lalaking nasa tapat ng computer at siyang nagpi-play sa kuha ng video na katatapos lang namin panuorin.Nasa loob ako ngayon sa control room ng bar kung saan ako nalasing kagabi at kasama ko si Sarhento Fabian Castro na isa sa aking matapat na underlings. Pinapunta ko siya para samahan niya akong i-check ang CCTV nang gabing nalasing ako sa bar na ito. Tumawag kasi sa akin ang isa kong tauhan at sinabi niya sa akin na nakita raw niya ako kagabi sa loob ng bar na sobrang lasing na lasing. May apat daw na lalaki na nagtangkang gawan ako ng masama dahil sa isang babae ngunit isang lalaki raw ang nagtanggol sa akin. Wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Nilunod ko kasi ang sarili ko sa alcohol dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan at nakipaghiwalay sa akin si Shanra. At hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niyang dahilan kung ba
Shanra's POVHabang naghahanda kami sa gagawin naming pag-assassinate kay Sentor Evan De Silva ay lumilipad ang aking isip. Siguro namsn na-gets ni Craig ang ibig sabihin ng babalang ibinato ko sa kanya noong isang araw. Obvious naman kung ano ang ibig sabihin ng babalang isinulat ko sa kapirasong papel na iyon kaya tiyak na naghahanda at nakapagplano na ngayon si Craig sa gagawing depensa para maprotektahan nito ang senator nitong pinsan. Ito lamang ang kaya kong gawin. Ang palihim siyang bigyan ng babala para mailigtas niya ang pinsan niya. "Alam kong nahihirapan ka ngayon, Shanra. Kahit ano man ang maging desisyon mo ay susupurtahan kita," kausap sa akin ni Tom nang lumapit siya sa akin. Mahina lamang ang boses niya dahil baks marinig ng ibang mga kasamahan namin ang aming pag-uusapan.Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko siya sinagot. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Tom. Ayokong mag-participate sa assassination na gagawin natin laban kay Evan De Silva da
Shanra PovLabis-labis ang pag-aalalang nararamdamn ko para sa kaligtasan ng anak ko. Iniisip ko kung kumain na ba siya ngayon. Kung saan siya ngayon natutulog. Tiyak na takot na takot siya ngayon dahil hindi niya kilala ang mga kasama niya.Nang pagbalikan ako ng malay-tao ay agad kong inusisa ang aming driver at yaya ng anak namin kong paano nakidnap ng mga taong iyon ang anak namin. At ayon sa kuwento nila ay paliko na sa may kanto ang kotse nila nang biglang may tumawid na binatilyo. Akala ni Zaldy nasagasaan niya ang binatilyo kaya bumaba ito para sana dalhin sa ospital ang binatilyo. Ngunit pagbaba rw ni Zaldy ay nagulat na lamang ito nang my dalawang lalaking lumapit sa kanya at pinalo ito ng baril sa ulo ng dalawang beses kaya ito my sugat. Nang kukunin na raw ng mga lalaki ang anak ko y pilit daw nakipagbuno si Mia kaya pinalo rin ito ng baril sa ulo ng kidnaper. Pareho silang nawalan ng malay kaya nakuha sa kanila si Raiggen."Sa tingin mo ay may kinalaman sa trabaho mo kung
Shanra PovNakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Larawan ako ng isang babae na masayang-masaya at kontento na sa buhay.Kahit 5 years na ang nakalilipas magmula nang mag-wakas ng BAS at ikinasal kami ni Craig ay hanggang ngayon hindi pa rin ako halos na makapaniwala sa magandang nangyari sa buhay ko. Nagkaroon kami ni Craig ng isang napaka-bibong baby boy na pinangalanan kong Raiggen. At walang araw na hindi ipinadama sa akin ng aking asawa ang walang katapusan niyang pagmamahal.Ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko noon ay pinunan ng saya nina Craig at Raiggen. Kung hindi sila dumating sa buhay ko ay tiyak na nananatiling nasa madilim kung mundo pa rin ako hanggang ngayon."Huwag mo nang titigan ang sarili mo at baka ma-in love ka pa sa mukha mo."Mula sa aking likuran ay niyakap ako ni Craig. Tinaniman niya ng mumunting halik ang aking leeg. Bahagya akong napakislot nang makiliti ako sa kanyang balbas na ilang araw na sigurong hindi inaahit.Kauuwi pa la
Craig's POVMabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay. "Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama."Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Shanra PovSa gitna ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at mga kasamahan kong BAS assassin at pati na rin ang mga tauhan ng foreign drug lord ay nakakita ng pagkakataong tumakas si Ninong dala ang isang attaché case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Nang makita ko siyang tumalilis ay agad ko siyang sinundan. Siguro ay may secret door ang lugar na ito na puwede niyang daanan para makatakas. Ngunit hindi ko siya hahayaang makatakas. Dahil ito na ang oras ng pagtutuos namin."Ninong Eddie!" malakas kong sigaw sa pangalan niya. Bigla naman itong napahinto nang marinig ang aking boses. Huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya."Shanra. Hindi ko akalain na kaya mo akong pagtaksilan," galit na sigaw nito matapos akong lingunin."Ako rin, Ninong. Hindi ko rin akalain na ikaw pala ang mastermind sa ilang beses na pagtatangka sa buhay ko. At mas lalong hindi ko inakala na ikaw ang nag-utos para ipapatay ang aking buong pamilya!" ganting sigaw ko sa kanya. Sa wakas ay n
Shanra"Tandaan ninyong lahat. Mahalaga at malaki ang deal na magaganap na ito kaya hindi tayo dapat na pumalpak. At huwag kayong mag-alala dahil kapag naging successful ang deal na ito ay magkakaroon kayong lahat ng napakalaking bonus," kausap sa amin ni Ninong habang naghahanda kaming lahat para sa magaganap na drug deal ng BAS na pinamumunuan ni Ninong. Magmula nang ipinapatay ni Ninong ang ilang big boss ng BAS na kontra sa kagustuhan nito ay biglang nag-iba na ng tuluyan ang operasyon ng BAS. Lumabas na ang tunay na kulay at pagiging ganid niya. Hantaran na sa BAS ang pakikipag-deal nito sa mga malalaking foreign drug lord na pumapasok sa bansa. Ngayon nga ay makikipag-deal kami sa pinaka-notorious na drug lord na nanggaling pa sa Europe. At ang venue ay ang prostitute house dati ni Mrs. Madrigal na ngayon ay si Ninong na ang may hawak.Lahat ng BAS assassin ay hindi tutol sa ginawang pagbabago ni Ninong sa BAS maliban sa aming tatlo nina Tom at Denver. Ngunit katulad ko ay wal
ShanraPagkatapos ng ilang araw kong pag-iimbestiga ay nalaman ko rin kung bakit ipinapatay ni Ninong sa akin mga taong in-assassinate ko. Napag-alaman ko na siya na pala ang humahawak sa negosyo ng mga pinatay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ngunit siya na ang bagong may-ari ng five star hotel na dati ay pag-aari ni James Mondragon, ang bahay-aliwan na dati ay pagmamay-ari ni Mrs. Madrigal, kung dati ang drug lord ay si Danding Acebedo ngayon naman ay si Ninong. At hindi na rin ako magtataka kung involved din siya sa illegal human organ trafficking. Sobrang laki ng pera na pumapasok sa kanya kaya naman pala kayang-kaya nitong magbayad sa akin ng ganoon kalaking halaga para sa isang ulo ng taong ipinapatay niya. At malamang ay siya rin ang lihim na nagbigay ng impormasyon kay Craig tungkol sa binabalak kong assassination kay Mrs. Madrigal noon. Kung hindi ko mapapatay si Madrigal ay mahuhuli naman ako ni Craig. Walang mawawala sa kanya kung nangyari iyon. Nahuhulaan ko rin na
ShanraPabiling-biling ako sa ibabaw ng kama habang nakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Gustong-gusto ko nang makabalik muli sa Maynila para maumpisahan ko na ang aking paghihiganti.Kaninang madaling-araw ay nakabalik ako rito mula sa Maynila. Bumalik ako para hindi maisip ni Ninong na ako ang pumasok sa loob ng bahay niya. Sigurado naman kasi na matutuklasan niyang pinasok ang library niya lalo pa at may mahalagang bagay itong nawala. Ang blue book na kinuha ko bago ako umalis sa bahay niya. Nakita ko ang blue book na nakahanay sa ibang mga aklat nito. Naiiba ito sa mga aklat na naroon dahil ito lamang ang manipis at nakaipit ng mabuti sa dalawang makakapal na aklat kaya nakaagaw ng aking atensiyon. At nang hinugot ko at binuklat ang laman ay nagulat ako na isa pala itong blue book. At mas nagulat ako nang makita kong nakasulat doon ang mga pangalan ng lahat nang matataas na pangalan na may posisyon sa lipunan na siya palang bumubuo sa BAS. Iyong makagkasunod na p
Pagkatapos ng nangyaring pagtangkang pagpatay sa akin sa loob ng rest house ay kinausap ko si Estong. Halatado sa kilos niya na kinakabahan siya kaya alam ko na may kinalaman siya sa pag-atake sa akin kaya naman pilit ko siyang pinaamin. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin ko sa kanya ay hindi niya sinabi sa akin kung sino ang may pakana ng lahat sa halip ay binigyan lamang niya ako ng clue. Mataas ang posisyon sa BAS ng taong may pakana ng lahat. Ito lang din daw kasi ang kanyang nalalaman.Nang malaman ko kay Estong ang tungkol sa bagay na ito ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Walang ibang nakakaalam kung nasaan ako kundi si Ninong maliban kung sinabihan niya si Mr. Jung kung nasaan ako at ang huli ang nag-utos para patayin ako. Ngunit impossible na si Mr. Jung ang nag-utos na ipapatay ako dahil alam niyang babalikan ko siya kapag malaman ko na siya ang may pakana ng lahat. At saka nagtatago siya sa akin ngayon dahil natatakot siyang bisitahin ko siya at tanungin tungkol sa n
ShanraGaya ng nakasanayan kong gawin ay maaga akong gumising para mag-jogging sa dalampasigan. Nagkaroon na yata ako ng tinatawag na body clock kaya kahit hindi ako mag-alarm sa cellphone ko ay maaga pa rin akong nagigising. Isinaksak ko ang electric thermos at naghilamos habang hinihintay na kumulo ang tubig. Isang puting jogging pants at puting sweatshirt ang aking isinuot bago ako lumabas at nagtimpla ng gatas sa kusina. Quarter to six ay lumabas na ako at nagsimulang tumakbo sa dalampasigan.Apat na araw na ako rito sa Amara Beach Resort at aaminin ko na nage-enjoy ako sa pananatili ko rito. Mamula-mula na ang balat ko dahil madalas akong nagbibilad sa araw katulad ng ginagawa ng mga turistang nakikita ko palagi. Payapa ang aking isip at hindi ko hinahayaang makapasok sa aking isip ang mundong saglit kong iniwan. Ini-off ko ang cellphone ko at itinago sa aking bag para hindi ako matuksong silipin ito at kahit ang aking deadly needles ay iniwan ko sa bahay ko. Talagang katahimika