Share

Chapter 44

Shanra

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakumbinsi ko si Craig na kaya ko nang kumilos na mag-isa sa bahay ko kaya hindi na niya ako kailangan pang samahan sa bahay ko. May trabaho rin siya na dapat niyang asikasuhin ngunit hindi niya maharap dahil sa akin. Kailangan din niyang hanapin at hulihin si Silent Assassin dahil pinag-iinitan umano ito ng superior nito dahil hindi nito mahuli-huli si Silent Assassin, which is me. Naaawa man ako kay Craig ngunit wala akong magawa para tulungan siya. Alangan namang isuko ko ang aking sarili sa kanya para lamang matuwa sa kanya ang kanyang superior. Kapag patuloy siyang i-pressure ng kanyang superior ay talagang ia-assassinate ko rin ng libre ang taong nangpi-pressure sa kanya.

Pagkaalis ni Craig sa bahay ko ay agad akong naligo at nagbihis. Balak kong magpunta sa BAS headquarter para makibalita. Ilang araw na kasi akong walang natatanggap na balita dahil ang cellphone ko ay naiwan sa loob ng aking kotse na naka-park sa gilid ng gate sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status