TYRONE DAVIS....He can't stop his tears while looking at his woman walking down the aisle. She's beautiful, she's perfect and she's for him. God perfectly made for him!Kasabay ng mga hakbang nito ay s'ya ring pagbagsak ng mga luha n'ya."Tatay stop crying! Big boys don't cry, ok?" saway ng anak n'ya na nakatayo sa kan'yang tabi. Kahit kailan talaga itong si Isaac ay may pagka salbahi ng ugali."Tears of happiness yan buddy, tatay is so happy na ikakasal na kami ng nanay mo," paliwanag n'ya rito ngunit ang mga mata ay nasa kay Lavinia pa rin na naglalakad kasama ang mga magulang nito."Happy ka na sa lagay na yan? Hindi ba dapat kapag happy tumatawa hindi umiiyak! Hay ang gulo n'yong dalawa ni nanay kausap," reklamo nito na mahina n'yang ikinatawa.Wala s'yang bestman dahil ang anak n'ya ay sinabotahe ang lahat at ito ang nag presenta na maging best man n'ya sa kasal nila ng ina nito.Kaya wala silang nagawa kundi ang pagbigyan ito dahil may gyera na mangyayari kapag tinanggihan nila
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Tyrone kamote putang'ina, nasaan ka?" malakas na sigaw n'ya sa kan'yang asawa.Namamawis na s'ya dahil sa sobrang sakit ng t'yan."Nay ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng pangatlong anak nila na si Silver."Silver anak tawagin mo ang tatay mo, sabihin mo manganganak na ako," utos n'ya sa anak."What? Manganganak na kayo? Oh my gosh, tatay — tatay... si nanay manganganak na!" kumaripas ito ng takbo palabas ng kwarto para tawagin ang ama. Narinig n'ya pa ang pagsigaw nito mula sa labas."Ahhhhhh!" hiyaw n'ya ng sumigid ulit ang sakit. Pang pitong anak na nila ang ipinagbubuntis n'ya ngayon. Gusto n'ya mang ma kumpleto ang sampong anak na pinapangarap nila ngunit parang malabo ng mangyari.Pagkatapos nito ay ayaw n'ya na. Halos taon-taon ay buntis s'ya at puro lalaki ang naunang anim na lumabas sa kan'ya.Itong ikapito ay hindi sila nagpa ultrasound dahil gusto n'yang e surpresa nila ang sarili."Sweetheart!" humahangos na tawag ni Tyrone sa kan'ya. Pawi
PANIMULA...Isang Promdi na walang alam sa buhay lungsod ang nakipagsapalaran para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang sa probinsya.Paano n'ya kaya kakayanin ang hamon ng buhay sa syudad?Paano kung sa pakikipagsapalaran n'ya ay makikilala n'ya ang isang lalaki na ubod ng sungit at mukhang ipinaglihi sa sama ng loob.Kakayanin n'ya kaya ang ugali nitong araw-araw ay galit at masungit? Paano babaguhin ng isang Calixta Asuncion Batumbakal ang ugali ng bilyonaryong si Aaron Isaac Ponce?Paano kung mabaliktad ang sitwasyon at si Isaac pala ang sasakit ang ulo dahil sa mga pinagagawang kalokohan ni Cali? *****************CHAPTER 1CALIXTA ASUNCION...( Cali singing )Kawawa si Ninong noong isang taonNag-Paskong ang ulo ay tadtad ng bukolAt ang pangyayari i-tsi-tsismis ngayonDahil lang sa pagkain nitong Puto BumbongPaalam sa Ninang nitong aking NinongNa siya ay kakain nitong Puto BumbongSubalit ang Ninong di doon pumaronAng kanyang pinuntahan ay magandang babongNgunit i
CALIXTA ASUNCION...Maaga s'yang nagising at pumunta sa palengke para magtinda ng gulay. Bitbit ang mga gulay na naani n'ya kahapon ay binaybay n'ya ang daan patungko sa palengke sa kanilang baryo."Hoy Asun darling saan ang punta?" tanong ni Lee-bat na na s'yang pinaka chismosa sa kanilang baryo. Isa itong bakla na maarte pero mukha namang kaluluwa na pinabalik ni San Pedro sa lupa."Bakit? Sasama ka?" mataray na sagot n'ya rito."Ay ayoko! Ayokong kasama ang mga pangit na katulad mo no?" pairap na sagot nito sa kan'ya."Sarili mo ba ang tinutukoy mo?" "Hoy Asun! Mas maganda ako sayo! Ako may jowa, ikaw wala, kaya mas maganda ako sayo!" naiiritang singhal nito sa kan'ya."Maganda ka na sa lagay na yan? Eh kabaong na lang ang kulang sayo Lee-bat! Tsaka ayusin mo ang pagtataray mo sa akin at baka dukutin ko yang mata mong duling," inis na banta n'ya sa bakla. Nakita n'yang napalunok ito ng laway at alam n'yang natakot n'ya ito.Akala siguro nito ay madali lang s'yang kantihin. Huwag s
CALIXTA ASUNCION..."Nay naman eh, titino naman ako doon. Wala ka bang tiwala sa maganda mong anak?" reklamo n'ya sa ina. "Yang mukha monh yan Asuncion kahit ako na ina mo walang tiwala d'yan, yong ibang tao pa kaya?" patutsada nito sabay irap sa kan'ya.Pag-uwi na pag-uwi nila kanina ni Pee-ang ay kinausap n'ya agad ang mga ito para magpaalam na luluwas ng Maynila para magtrabaho.Napag isip-isip n'ya kasi na sayang ang oportunidad. Malaking tulong na sa kan'ya ang sasahorin n'ya. Maipapaayos n'ya na ang kanilang bahay ay mapag-aral ang kapatid.Makapag-ipon din s'ya ng para sa kan'yang pag-aaral. Gustong-gusto n'ya talagang mag-aral sa kolehiyo ngunit dahil sa hampaslupa lamang sila ay nanahimik na lamang s'ya at hindi na nagreklamo pa sa mga magulang.Ayaw n'yang ma pressure ang mga ito at ayaw n'ya ding isipin ng mga magulang nila ni Porocopio na hindi sila naging mabuti dahil hindi sila nito kayang pag-aralin sa kolehiyo.Mahal n'ya ang dalawang tigulbams ( matanda ) at hinding-
CALIXTA ASUNCION...Bumiyahe na sila patungo sa airport. Isang makahabag damdamin ang nangyari sa kanila ng pamilya n'ya bago s'ya umakyat sa bus.Masakit din para sa kan'ya ang malayo sa mga ito ngunit hindi n'ya ipinakita sa mga magulang at kapatid ang totoong nararamdaman.Ayaw n'yang makita ng mga magulang na mahina s'ya. Dumagdag pa ang kaibigan n'yang si Pee-ang na naging emosyonal damage ang drama kanina.Naaawa s'ya rito, kung wala lang sana itong kapansanan ay baka kasama n'ya ito ngayon. Kapag may pera na s'ya ipapagamot n'ya si Pee-ang. Ang sabi ng doctor na dumalaw sa kanilang baryo noon at tumingin sa sitwasyon ni Pee-ang ay pwede pa daw na ma operahan ang mga paa nito at makakalakad pa ang dalaga ng maayos.Sana magkaroon s'ya ng maraming pera para maipagamot n'ya rin ang matalik na kaibigan."Hoy Cali anong iniisip mo?" pukaw sa kan'ya ni Moray. Nilingon n'ya ito at parang gusto n'yang matawa sa hitsura ng dalaga na dinaig pa ang tutubi sa palayan.Ang laki ng suot nit
CALIXTA ASUNCION..."Hay naku Calixta!" gigil na sabi ni Moray sa kan'ya. Napakamot na lang s'ya sa kan'yang ilong dahil wala s'yang may masabi sa katangahan n'ya.Sino ba kasi ang matino ang pag-iisip na iwanan ang tsinelas sa kung saan. At hindi n'ya rin napansin iyon, para talaga s'yang tanga sa syudad."Sorry na Moray, nasanay kasi ako sa atin na iniiwan ang tsinelas sa labas bago pumasok sa bahay. Nawala sa isip ko na sasakyan pala ang pinasukan ko," nahihiyang paliwanag n'ya sa kaibigan.Inirapan lamang s'ya nito at inaya na pumasok na sa loob. Nakapaa s'yang sumunod dito at halos malaglag sa sahig ang kan'yang panga ng makita kung gaano kaganda ang loob ng bahay.Para s'yang nasa isang palasyo dahil sa sobrang ganda nito. Halatang sobrang mayaman ang pamilyang pagtatrabahuan n'ya.Maganda na sa labas ngunit sobra-sobra ang ganda nito sa loob. Para itong mga bahay sa ibang bansa na nakikita n'ya sa mga palabas at hindi n'ya mapigilan ang hindi tumulo ang laway habang nakanganga
CALIXTA ASUNCION....Natigil lamang sila sa pagtatawanan ni Bisongan ng bumalik sa sala si Pungkol at tinawag s'ya."Hoy Batumbakal pwede ka nang humarap kay madam Gwen," pagbibigay alam nito na akala mo ay parang preso na e-silya elektrika ang tinatawag nito."Cali! Cali ang itawag mo sa akin Pungkol at huwag Batumbakal utang na loob," pakiusap n'ya sa babae. Inirapan lamang s'ya ng kasama at senenyasan nang sumunod dito.Maayos na ang lakad n'ya dahil alam n'ya na hindi naman pala salamin ang sahig at matibay naman pala ito.Umakyat sila sa hagdan at tahimik lamang s'ya na nakasunod kay Pungkol hanggang sa marating nila ang second floor ng bahay.May sala din s'yang nakita na katulad no'ng sa baba. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at namamangha pa rin sa kung gaano kagara ang loob ng mansion ng mga amo n'ya.Dinala s'ya ni Pungkol sa kabilang dako at huminto sa isang pintoan. Hinawakan nito ang seradura at pinihit iyon."Madam nandito na ang katulong na dala ni Moray," pagbibigay