JOSHUA HADES...Nagmaneho na s'ya palabas ng Cassandra Village. Panaka-naka n'yang tinitingnan si Trina sa likoran. Masama ang mga tingin na ipinupukol nito kay Lorraine kaya kailangan n'ya itong bantayan."Saan tayo pupunta Joshua? Hindi ba tayo uuwi sa bahay natin?" maya-maya lang tanong nito ng dinaanan n'ya lang ang kanilang bahay sa Cassandra Village."Simula ng umalis ka at hindi na bumalik pa, hindi na ako umuuwi sa bahay Trina. Doon na ako namalagi sa condo," malamig na sagot n'ya rito."Pwede na tayong umuwi ngayon kasi nandito na naman ako. I'm back and I want to go back to our house," sagot ng asawa sa kan'ya."Madumi ang bahay Trina, wala ng tao doon. Si nanay Meldy ay nasa Britain na kasama ang lolo Dracu mo, si Ontoy ay nasa America, kaya walang naglilinis ng bahay," paliwanag n'ya rito."P-Pwede naman tayong kumuha ng maglilinis. Tatawagan ko si mommy na magpapadala ng maglilinis o di kaya ako na lang," giit pa nito. Puno ng pang-uuyam s'yang natawa sa tinuran ng asawa.
JOSHUA HADES...Maaga silang pumasok ni Lorraine dahil sa dami ng meetings at trabaho n'ya ngayong araw. Hindi na sila nag almusal at nagpasya na lang na magpa deliver ng pagkain sa opisina mamaya. Hindi din nila nakita si Trina ng umalis sila, siguro tulog pa ito kaya hinayaan na lang nila. Hindi naman ito importanti para hintayin pang magising para makapag paalam bago sila umalis.Napadaan sila ni Lorraine sa kwarto na ginagamit ni Trina at natigilan silang dalawa ng may maulinigan s'yang boses sa kwarto na ginagamit ng asawa.Senenyasan n'ya si Lorraine na huwag maingay. Dahan-dahan s'yang lumapit sa pintoan nito at idinikit ang kan'yang tainga sa pintoan ng kwarto."Kill that woman but leave El Frio alone!" malamig ang boses na pagsasalita nito. Sa tantya n'ya ay may kausap ito sa cellphone dahil wala naman s'yang narinig na may sumasagot dito.Nagtagis ang kan'yang bagang sa narinig mula dito. Marahas n'yang binuksan ang pinto at tama nga ang kan'yang hinala, may kausap ito s
WARNING ⚠️ANG CHAPTER NA ITO AY PARA LAMANG SA MAY MALALAKAS AT MATITIBAY NG LOOB NA MAGBASA..!!!Nakita ni Joshua kung paano kaladkarin ng mga kalalakihan si Trina. Nang mahimasmasan ay sinundan n'ya ang mga ito ngunit mabilis na nawala sa kan'yang paningin ang sasakyan.Inabot n'ya ang kan'yang cellphone at tinawagan ang isang taong pinagkakatiwalaan n'ya ng lahat."Yes?" bungad nito sa kan'ya."She's gone!" sagot n'ya rito. "Good!" maikling sagot nito. Mahina s'yang natawa sa sagot ng kausap. "Finally I'm free!" nakangising sagot n'ya sa kausap."It's too early to celebrate Josh!" tanging sagot lamang nito at pinatay na ang tawag. Naikuyom n'ya ang mga kamao at naipokpok sa manibela."Nawala ka rin sa landas ko Danica Trina, ngayon ay tatahimik na ang buhay namin ni Lorraine," malakas na sabi n'ya at sinundan ng pagtawa.Dumiretso s'ya sa kan'yang bar na parang walang nangyari. Doon na lang s'ya magbibihis sa kan'yang opisina.May mga damit din naman s'ya doon at kumpleto din sa g
JOSHUA HADES...Kinabukasan maaga s'yang nagising at nag-ayos. Ngayong araw ang balak n'yang makipagkita sa mga taong iyon. Inayos n'ya ang lahat ng mga kailangan n'yang gagamitin.Sa bahay s'ya nila ni Trina umuwi at natulog dahil mas ligtas dito kaysa sa kan'yang condo.Kailangan n'yang maging handa, tuso ang haharapin n'ya at hindi na s'ya papayag na maisahan pa s'ya nito. Inilagay n'ya din sa tainga ang maliit na earpiece na binigay ng kaibigan. May tracker din s'ya na suot at isang maliit na camera sa pendant ng kan'yang kwentas.Tumunog ang kan'yang cellphone kung kaya sinilip n'ya ito. Nakita n'ya ang pangalan ng tumatawag— kung kaya sinagot n'ya agad ito."I'm ready!" pagbibigay alam n'ya sa kausap."Good! We're heading to the location na pinagdalhan nila kay Isaiah! I'll see you later," pagbibigay alam ng kausap sa kan'ya."Please save him!" pakiusap n'ya rito."I will and I promise that!" sagot nito sa kan'ya at pinatay agad ang tawag.Kinuha n'ya ang lahat ng mga gamit at l
DANICA TRINAFLASHBACK...!!!"Ty I want you to investigate Lorraine Warren, she's an international model!" utos n'ya sa kaibigan. "Is she pretty? Kapag pretty s'ya I will investigate her for you but if she's pangit, then friendship over Dani!" malokong sagot ng kaibigan."What the fvck Tyrone Davis Ponce! Alam kong babaero ka pero huwag naman sa mga pusakal!" singhal n'ya rito. Malakas naman itong tumawa sa kabilang linya."Dani I may be babaero but I never baon-baon may giant kamote to anyone. It's only for my pretty bum-bum!" natatawang sagot ng kaibigan."Eiwww! Kadiri kang conyo ka! Bahala ka na nga d'yan. I need the result as soon as possible Ponce!" bilin n'ya rito at pinatay na ang tawag dahil aasarin lang s'ya nito. Marahas s'yang bumuga ng hangin. Hindi pa s'ya nagkamali sa kan'yang mga hinala. Ilang beses n'ya nang nahuli ang babaeng iyon na nakikipag-usap kay Joshua at ilang beses n'ya na ring nahuli na nakatingin ito kay Joshua mula sa malayo.Iba ang kutob n'ya, pinapas
DANICA TRINA....FLASHBACK.....Matapos makipag-usap sa kaibigan na panay ang drama ay nagpasya agad s'yang umuwi para ang asawa naman ang kausapin.Naisip n'ya din na kausapin ang ama at ina at ipaalam dito ang kan'yang plano. Ayaw n'yang maunahan ng pangyayari ang ama at baka bombahan nito ang buong kampo ng militar kapag nagalit ito.Nakakatakot ang isang Drake Lucas Toretto kapag ginalit lalo na kung may kinanti sa pamilya nila o isa sa mga kaibigan ng ama.Sa daddy n'ya yata namana ang ugali n'yang walang pakialam kapag galit. Mahinahon naman kasi ang kan'yang ina at talagang pinag-iisipan ang susunod na gagawinh hakbang. Binuksan n'ya ang sasakyan at agad na pumasok at pinaharurot ito paalis.Nasa daan na s'ya ng makatanggap ng tawag mula sa kampo. Napangiti s'ya ng mapagtantong nagawa na ng ninong Spike n'ya ang iniutos n'ya rito at ang demonyong heneral ay ang bilis rumesponde.Kapag raid at operasyon laban sa mga kriminal ang tagal n'yang ilabas ang memo, pero kapag para sa ka
JOSHUA HADES....FLASHBACK....Pinagsisihan n'ya na hindi n'ya kinausap ang asawa bago ito umalis. Sana inintindi n'ya ito at pinahaba pa ang kan'yang pasensya. But he is just fvcking worried na baka may mangyaring masama rito.Hindi n'ya kakayanin kapag nangyari yon. Trina is his life, his air to breathe, his whole world at kapag may nangyaring masama rito, hinding-hindi n'ya kakayanin at mas lalong hinding-hindi n'ya mapapatawad ang kan'yang sarili dahil hindi n'ya ito na protektahan.Marahas s'yang napabuga ng hangin. Hindi n'ya rin mapigilan ang hindi mangliit sa sarili. S'ya ang lalaki, s'ya dapat ang protector nito, pero mukhang s'ya pa ang pinoprotektahan ng asawa.Kaya nasabi n'ya rito na parang wala s'yang silbi. Kinalma n'ya ang sarili at itinuon na lamang ang pansin sa ibang bagay. She trust Trina and yes he is fvcking worried pero alam n'yang hindi rin hahayaan ng asawa na may mangyayari dito.Pero hindi pa rin maalis ang kaba at pag-aalala sa kan'ya. Kung ano-ano na ang pu
DANICA TRINA....FLASHBACK...Isang buwan matapos ang nangyaring ambush at ang pagkawala n'ya tinawagan s'ya ng kan'yang taohan na s'yang pinababantay n'ya kay Lorraine." Anong balita Bogart?" bungad n'ya rito matapos sagutin ang tawag nito."Boss nasa Thailand si Lorraine Warren ngayon," pagbibigay alam ng taohan sa kan'ya. Nangunot ang kan'yang kilay sa ibinalita nito."Anong ginagawa n'ya sa Thailand?" nagtatakang tanong n'ya rito."Magpaparetoke yata boss, nasa isang beauty clinic s'ya ngayon, specialized in facial plastic surgery etc," sagot nito sa kan'ya."Stay where you are Bogart at alamin mo kung ano ang pakay ng babaeng yan sa clinic na yan," utos n'ya sa taohan."Copy boss!" sagot nito at nagpaalam na sa kan'ya. Masama ang kan'yang kutob sa pagpunta ni Warren sa clinic na yon. Tinawagan n'ya ang kuya Liam n'ya, ito ang magaling sa ganitong gawain.Sa isla ito nakatira at bihira lamang na lumuwas sa Manila. Katulad din ito Orris na mas nanaisin pa na sa isla tumira kaysa s