AARON ISAAC...Kanina pa s'ya gustong matawa sa hitsura ni Cali na halos hindi maipinta. Bwesit na bwesit ito lalo na kanina na panay ang tingin n'ya kay Lara. Sinadya n'ya talaga iyon para malaman kung magseselos ba si Calixta at ngayon ay parang nanalo s'ya sa lotto sa sobrang tuwa dahil alam n'yang bawi na bawi na s'ya sa asawa.Lara Fuentes is his second cousin. Hindi ito alam ng pamilya ni Cali. Nagulat pa nga ang tatay nito kung bakit nakuha n'yang bilhin sa mga Fuentes ang sakahan na katabi ng sakahan ng mga ito.Alam kasi ng ama ni Calixta na hindi nagbebenta ng lupa ang mga Fuentes bagkus ay bumibili ang mga ito para mas lalo pang mapalaki ang nasasakupan.Kinausap n'ya din ang tito Leonardo n'ya na huwag ipaalam sa mga ito ang kaugnayan nila. Sandamakmak na tukso pa ang inabot n'ya rito bago nito binigay sa kan'ya ang sakahan na katabi ng sa ama ng asawa.Syempre walang pami-pamilya sa negosyo. He paid double the price of the land that he bought from his tito. Pero hindi n'
CALIXTA ASUNCION...Mariin s'yang napapikit ng maglapat ang kanilang mga labi ni Isaac. Pangungulila....ito ang nararamdaman n'ya ngayon. Sobra s'yang nangulila sa asawa. At nakapag desisyon na s'ya ngayon, she won't let go of him. Selfish na kung selfish but Isaac is for her. Asawa n'ya ito at sa kan'ya lang ang lalaki.Hindi s'ya papayag na may ibang babae na lalandi dito. Nagpalitan sila ng laway, nag espadahan ng dila at mapusok na naghahalikan.Natigil lamang sila ng kapusin ng hangin. Idinikit n'ya ang kan'yang noo kay Isaac at pareho silang napatingin sa isat-isa."I love you Isaac," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa asawa. Nakamata lang ito sa kan'ya at hindi nakahuma ngunit maya-maya lang ay nagulat s'ya ng bigla na lang itong hinimatay.Mahina s'yang natawa ng makitang lumupaypay ang ulo nito at wala ng malay."Weak ng sweet corn mo asawa ko, para I love you lang eh hinimatay agad," natatawang pagkausap n'ya rito. Ginawaran n'ya ulit ito ng halik sa labi bago umayos ng tayo
AARON ISAAC...Matapos nilang maligo ng sabay ng asawa ay inakay na s'ya nito sa kama. Sabay din silang nahiga, kinabig n'ya ito at pinaunan sa kan'yang braso.Sinusuklay ng kan'yang daliri ang buhok nito. Kinintalan n'ya muna ito ng halik sa sintido bago nagsalita."Are you ready love?" tanong n'ya kay Cali. Tumango naman ang asawa at bahagyang tumingala sa kan'ya."I'm ready asawa ko," sagot nito. Isa pang halik sa noo ang iginawad n'ya kay Calixta bago nagsimulang magkwento.FLASHBACK...9 YEARS AGO..!Malapad ang kan'yang ngiti na pumasok sa opisina ng araw na iyon. Sino ba ang hindi, naalala n'ya ang nangyari sa kanila ni Cali kahapon sa opisina n'ya. Halos nalibot nila ang buong opisina at nasundan pa ito pag-uwi nila sa bahay. Hinding-hindi talaga s'ya magsasawa kay Calixta.Sa tuwing madidikit lang ito sa kan'ya ay agad na nagre-react ang kan'yang katawan.Walang araw na hindi n'ya pinapangarap na maangkin ang kasintahan. Wala na s'yang ibang babaeng iniisip na maangkin pa ku
AARON ISAAC...FLASHBACK...Kinabukasan ay naka schedule ang pag-alis n'ya para sa isang business conference sa Brazil.Mabuti nga na aalis muna s'ya para makaiwas pansamantala kay Kylie habang nag-iisip kung paano masukol ang dalaga at makuha ang lahat ng kopya ng videos na hawak nito.Kailangan n'ya munang pakisamahan ito habang inaalam n'ya pa ang kinaroroonan ng iba pang kopya ng videos na mayroon si Kylie.Nagpaalam s'ya kay Cali na pupunta ng Brazil. Katunayan ay parang ayaw n'ya itong iwan ngunit mahalaga ang businesse conference na pupuntahan n'ya. Hindi n'ya rin ito pwedeng dalhin dahil wala pa itong passport at may pasok pa sa eskwelahan ang kasintahan.Nag-iwan s'ya ng mga taohan na magbabantay dito. Wala s'yang tiwala kay Kylie at walang kaalam-alam si Cali sa nangyayari sa paligid nito. Kaya mahigpit n'yang inihabilin sa mga taohan n'ya na huwag hayaan na makalapit si Kylie kay Calixta habang wala s'ya.Pagdating n'ya sa Brazil ay agad s'yang sinalubong ni Uno sa airport
AARON ISAAC..."Nay where is Calixta?" "She's gone!" parang balewalang sagot nito sa kan'ya at agad s'yang tinalikuran. Hinabol n'ya ito at hinawakan sa braso para kausapin."Anong she's gone? Nay ayusin mo nga ang mga sagot mo," sita n'ya sa ina. Kanina pa s'ya napipikon sa mga sagot nito. Gusto n'ya lang naman malaman kung nasaan si Cali pero ang dami nitong pasikot-sikot sa sagot."Leave her alone Isaac, hayaan mo muna si Cali. Don't worry too much, she's safe," seryosong sagot ng ina. Natulos s'ya sa kinatatayuan ngunit agad ding nakabawi ng maisip ang sinabi nito."Leave her alone? No! Nay kailangan ko si Cali, I can't live without her, please dalhin mo ako sa kan'ya nay, susunduin natin ang fiancee ko, please," pagsusumamo n'ya sa ina ngunit umiling lamang ito bilang sagot."You hurt her Isaac, she was hurt and she hates you kaya hayaan mo muna s'yang pahilumin ang sugat na kagagawan mo.""I hurt her to protect her nay. I don't care if she hates me, gagawin ko ang lahat para ma
AARON ISAAC...Pagka-alis ng mga magulang ay nagpasya s'yang maligo. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi ng maalala na mag-asawa na sila ni Cali."Wala ka ng kawala ngayon asawa ko," pagkausap n'ya sa sarili.He can't stop himself from smiling like an idiot. Paano ba naman kasi sobra s'yang kinilig ng makitang kasal na silang dalawa ni Calixta.Bumawi ang nanay n'ya sa inis n'ya rito. Naligo s'ya ng mabuti. Binawi n'ya ang ilang araw na walang ligo at ahit. Bumalik na din ang dating Isaac na malinis at hindi mabaho.Habang nagsi-shave ng kan'yang pisngi ay biglang sumagi sa isip n'ya ang mga magulang ni Calixta at ang habilin nito sa kan'ya."Kapag wala na ako mahal ko, pakitingin sa kanila ni nanay at tatay ha? Tapos ipagamot mo ang bespren ko na si Pee-ang, gustong-gusto ko na kasing gumaling ang mga paa n'ya at maayosa ang paglalakad para wala ng mambully sa kan'ya," ito ang habilin ni Cali sa kan'ya noon."Do something na magugustohan at ikakasaya ni Cali sa pag
AARON ISAAC...FLASHBACK....Mataas na ang init ng araw ngunit nasa sakahan pa rin s'ya. Gumagapas sila ng mga damo kasama ang ama at kapatid ng asawa.Kahapon ay hindi matatawarang kaba ang nararamdaman n'ya ng ipag-utos ng byenan sa bunsong anak nito na iabot dito ang itak.Ang akala n'ya ay mag-ala Cali na din ito na hahabulin s'ya ng itak. Mabuti na lang at hindi ganon ang ama ng asawa bagkus ay inaya s'ya nito na pumunta sa sakahan at tinuruan s'ya ng trabaho.Ayon sa byenan ay kung inasawa n'ya ang anak ng mga ito ay kailangan n'yang matuto sa gawaing bukid dahil ito ang pamumuhay nila dito sa probinsya. Kung hindi daw s'ya matuto ang ibig sabihin ay hindi s'ya para sa anak nito.To hell he care? Kahit pa siguro palunokin s'ya nito ng apoy kung para sa asawa n'ya ay gagawin n'ya."Isaac, anak tama na muna yan, kumain ka muna," aya sa kan'ya ng byenang babae. Kahapon ay inilahad n'ya ang lahat sa mga magulang ni Cali.Wala s'yang inilihim sa mga ito. Ang akala n'ya ay magagalit
CALIXTA ASUNCION...Nagising s'ya dahil sa tunog ng kan'yang cellphone. Mahigpit na nakapulupot ang mga braso ni Isaac sa kan'yang bewang na parang takot na takot na mawala s'ya.Lihim s'yang napangiti at kinilig ng very- very light.Dahan-dahan n'yang binaklas ang braso nito at inabot ang cellphone na panay pa rin ang tunog. Sinilip n'ya ito na isang mata lang ang nakabukas.Nakita n'ya ang pangalan ni Archer sa screen kaya agad n'yang sinagot ang tawag ng anak."Good morning honey, napatawag ka?" malambing na tanong n'ya sa anak. Naramdaman n'ya ang paghigpit ng mga braso ni Isaac sa kan'yang bewang kaya nilingon n'ya ito.Kita n'ya ang madilim na mukha ng asawa na lihim n'yang ikinangisi. Nagising na pala ito at nagpapanggap lang na tulog ngunit ng marinig ang pagtawag n'ya na honey sa anak nila ay biglang nagmulat at galit s'yang tiningnan."Pay back time," lihim na pagkausap n'ya sa sarili sabay tawa."Good morning mom, hindi pa ba kayo ok ni dad? I wanna go there na, I miss